You are on page 1of 2

NACORDA, Dominic Immanuel P.

Fil 40 WFQ2 Saliksik Tungkol sa Corruptionary At Iba Pa

Setyembre 18, 2013 Prof. Melecio C. Fabros III

Ang corruptionary ay isang natatanging diksyunaryo na naglalaman ng mga salitang may kinalaman sa korupsyon. Ang lathalaing ito ay nagmula sa Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) noong 2008. Simula noon, ang aklat na ito ay naging epektibong instrumento tungo sa katotohanan, katarungan at pagbabagong hinahangad ng ating bansa sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga leksiko na konektado sa konsepto ng korupsyon, pati na rin ang mga bokabularyo ng mga taong sangkot dito. Ilan dito ay ang mga sumusunod: 1. Anointed ones [pangngalan] a) mga taong pinapaboran ng mga may kapangyarihan sa mga transaksyon; b) mga criminal na protektado ng mga pulis dahil pinakikinabangan nila; c) mga peryodistang protektado at pinapaboran ng mga pulitiko, kapalit ng pera p anumang pabor; d) mga kumpanyang palaging pinipili upang magsagawa ng mga pampublikong proyekto kapalit ng komisyon para sa mga korap na opisyal Halimbawa: Ang anointed ones ng Mayor ay nangunguna sa paggawa ng katiwalian sa ating lungsod. 2. Fifteen-thirty [pangngalan] empleyado ng gobyerno na nagpupunta lamang sa opisina tuwing ika15 at ika-30 ng buwan (o kung anuman ang regular na pay day) para sumweldo, at sa pinakamalalang sitwasyon, ni hindi nagpapakita sa opisina ngunit sumusweldo na gaya ng ibang totoong nagtatrabaho (kaparis ng Republic Act 1530). Halimbawa: Kaya pahirap na nang pahirap ang trabaho sa kompanya natin eh. Padami na nang padami ang fifteen-thirty. Ang masaklap doon, ni isa sa kanila hindi pa nahuhuli. 3. Lutong Macoy [pang-uri] a) singkahulugan ng lutong macaw (desisyong minadali at lumabag sa mga patakran at tamang proseso), ngunit may partikular na reperensya sa namatay na diktador Ferdinand Marcos; b) korapsyon at mga desisyong tiwali noong panahon ng batas military sa pamumuno ni Marcos o Makoy. Halimbawa: Halatang lutong Macoy ang kanyang desisyon dahil sa halip na pumabor ito sa taumbayan, pinapaboran nito ang kanyang mga kroni.

4. Ponderoso [pangngalan] pinakamataas na opisyal o pinuno na namamahala sa mga illegal na transaksyon tulad ng panunuhol, pangingikil, fixing, pamemeke ng dokumento at iba pang pandaraya (kaugnay ng araw, backer, ninong/ninang, kapit-an, padrino) Halimbawa: Ngayong nasiwalat na ang lahat ng illegal na transaksiyon ng kompanya, nagpasyang mangibang-bansa ang ponderosa nito. 5. Taga [pandiwa] pagkuha ng komisyon o porsyento sa perang kinita sa illegal na transaksyon; pagpapatong o pagdaragdag sa tamang presyo, na nagpupunta sa mga kurakot [pangngalan] kaparte o kahati sa perang kinita mula sa mga tiwaling gawain (kaparis ng cut, kickback, komisyon) Halimbawa: Ang korap talaga ni Mayor. May taga na nga siya sa buong komisyon, tumataga pa siya sa sweldo ng bawat isa sa atin.

Ang mga salitang galing sa Corruptionary na nakasaad sa itaas ay hango sa oryentasyong Ingles at Tagalog. Subalit dahil laganap ang konteksto ng korupsyon sa bawat parte ng ating bansa, ang ibat-ibang mga dayalekto sa ating bansa ay mayroon ding mga salitang may koneksyon dito. Ilan dito ang mga sumusunod: 1. Agtakao (Ilocano) [pandiwa] ang akto ng pagnanakaw, panlilinlang at panadarambong na kaugnay ng katiwalian at kasakiman Halimbawa: Dapat managot ang mga empleyado ng pamahalaan na agtakao sa kaban ng bayan dahil ang bawat sentimo nito ay galing sa bawat bulsa ng mamamayan. 2. Bulaos (Cebuano) [pang-uri] tawag sa mga taong makasarili at sakim. Halimbawa: Tuwing eleksiyon, maraming kandidato ay nangangako na magiging tapat sa kanilang tungkulin para sa sambayanan, ngunit kapag nasa posisyon na ay nagiging bulaos at sakim sa kapangyarihan.

You might also like