You are on page 1of 2

Commentator: Ngayon po ay gagawin natin ang pagsasalin ng Bara Alta ng dating Hermanito at Kapitana sa bagong Hermanito at Hermanita para

sa Kapistahan ng Poong Sto. Nio ngayong taong 2014.

PAGBABASBAS SA MGA BAGONG HERMANITO AT HERMANITA

mang makapangyarihan lubos mong kinalugdan ang Anak mong pinakamamahal / ginabayan pinaulad sa karunungang wagas at banal / pagsamo namin dinggin / na ang mga kapatid naming itong nasa aming harapan / ay + pagpalain at gabayan ng Iyong Espiritong Banal / upang silay lumaki na dalisay sa Iyong mga biyaya / at gabayan sa kanilang pamamumuno sa pagtataguyod ng debosyon sa Poong Sto. Nio / sa Misteryo ng Kabataan ng Anak Mong Mahal / hinihiling namin ito sa pangalan ni Jesukristong aming Panginoon kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

At pagkatapos ng PANALANGIN gagawin ang pagsasalin ng BARA ALTA haharap sa isatisa ang mga dati at bagong Hermanito at Hermanita habang sasabihin nila ito:

Iaabot ang Bara Alta

Dating Hermanito at Kapitana:

Tanggapin ninyo ito at ingatan, Kaawaan tayo ng Poong Sto. Nio

Tatanggapin ang Bara Alta hahawakan ito at Hahalikan ang larawan ng Sto. Nio

Bagong Hermanito at Hermanita:

Tinatanggap namin at pananagutan

Hihilingin ng pari sa sambayanan na palakpakan ang dati at bagong Hermanito Hermanita at Kapitana, at pagkatapos nito igagawad ang katibayan ng pagkilala para sa dating hermanito at kapitana.

Commentator:

Ngayon po ay igagawad ang KATIBAYAN NG PAGKILALA sa mga dating Hermanito at Kapitana ng Kapistahan ng Poong Sto. Nio 2013 na Babasahin para sa atin ni Bro. Noli Magtibay Tagapag-ugnay para sa Pangparokyang Lupon ng Liturhiya.

You might also like