You are on page 1of 1

Ph 102 Q, R, S, at Y Ikalawang Semestre, 2013 2014

Pilosopiya ng Tao II G. Roy Allan B. Tolentino

Mga Tesis para sa Unang Pabigkas na Pagsusulit Sampung (10) minuto ang pagsusulit. Isang (1) die ang ibabato. 1. Ayon kay Sokrates, ang buhay na hindi sinasaliksik ay hindi buhay-tao. Kinikilala niya ang pamimilosopiya bilang isang tungkulin na dapat gampanan kahit na may panganib ng kamatayan. Ang ironiya ni Sokrates ay isinasabuhay. 2. Sabi ni Simone Weil, tuwing tunay nating ibinibigay ang ating atensiyon, pinupuksa natin ang kasamaan sa ating diwa. Subalit hindi pagpapagal ang atensiyon. Hinihingi ng atensiyon ang pagkabukas, pag-aantabay, at pagpaparaya. 3. Binibigkas ni Hannah Arendt ang pakikitungo ng sarili sa sarili (the two-in-one) sa konteksto ng pag-iisip. Hinahangad ng diyalogong nagaganap sa pagitan ng sarili at sarili ang pagkakasundo sa sarili. Sinasakyan at sinasalubong ng sarili ang hangin ng pag-iisip. 4. Ang tao bilang Dasein ay being-in-the-world, ayon kay Martin Heidegger. Itinapon ang tao sa daigdig, at itinatapon ng tao ang sarili niya sa mga posibilidad ng hinaharap. Sa kabila nito, tanging sa pagharap sa kamatayan (sein-zum-tode) nagiging ganap na sarili ang tao. 5. May malalim na pagnanasang tumakas sa meron ang tao, ayon kay Emmanuel Levinas. Nakikita ang pagnanasang tumakas na ito sa mga karanasan ng kapaguran, sarap, hiya, at nausea. Sa katunayan, nais ng taong takasan ang kanyang sarili. 6. Pumili ng tesis mula # 1-5.
Mga tuntunin: a. b. Hindi maaaring magdala ng anumang tal o teksto sa pabigkas na pagsusulit. Minsan lamang ibabato ang die, at kapag naibato na, hindi na maaaring baguhin ang bilang ng tesis na lumitaw. Kapag humiling ang mag-aaral ng ibang tesis, o sinabing hindi siya handa para sa tesis na iyon, awtomatikong F na ang marka. Kapag nahuli sa oras ng pagsusulit, gagamitin ang nalalabing oras para sa pagsusulit. Halimbawa, kapag nahuli nang 3 minuto ang estudyante, 7 minuto na lamang ang maaaring gamitin para sa pagsusulit.

c.

You might also like