You are on page 1of 10

ITINAWA ANG HIYA: HUMOR AS A COMPENSATION FOR FILIPINO’S

FEELINGS OF SHAME AMONG FILIPINO


STUDENTS OF LORMA COLLEGES

MORALES, SOPHIA MARIE V.


MURAO, CIELO
AB-PSYCHOLOGY III

HULYO 2019
INTRODUKSYON

Ang “humor” o katatawanan ay napakahalaga sa ating buhay, isip at panlipunan

ngunit ito ay maaari ring magbigay ng di magandang epekto sa aspeto ng pag-iisip at

pag uugali ng isang tao. Ang katatawanan ay isang aspeto ng libangan na madalas na

ginagamit ng mga Pilipino bilang tulay ng kanilang isipan tungo sa pagpapahayag ng

nararamdaman at ito rin ay nagdudulot ng sanhi upang makaranas ng hiya.

Ayon kay Proyer R. noong 2009, Ang kahihiyan ay nararanasan kapag

nararamdaman ng isang tao na sya ay nababahala kapag siya ay hindi sapat na

pinpahalagahan. Ang mga napahiyang tao ay nakakaramdam ng mababang tingin sa

sarili at paghihirap mula sa kanilang kasamahan sa lipunan. Kung kayat kanilang,

sinusuri ang kanilang sarili bilang mas karapat-dapat kumpara sa iba. (Titze, M. at Kuhn,

R. 2010)

Ang mga maagang karanasan ng pagiging katatawanan ay maaaring makabuo

ng tinatawag na ”primal shame” kung saan nakapag bibigay ng negatibong epekto sa

“communicative capability” ng isang bata (Wumser, 1998). Ang paraan ng isang bata o

kabataan sa pakikipagusap, kung paano nya pag-usapan ang isang bagay at kung

paano sya maaaring makipagtaltalan ng direkta sa isang argumento ay maaaring

magsanghi ng kahihinatnan sa relasyon ng lipunan. Kung ang estilo ng isa tungo sa

pakikipag-usap ay hindi tugma sa sariling estilo ng komunikasyon ng isa, ang mga

patakarang panuntunan ng peer group ay magsasanhi ng pagrepell ng reaksyon mula

sa peers. (Titze M. 2009)


Kung kaya, ang kahihiyan ay isang masakit na “self-conscious emotion”. Ito ay

nagpapahiwatig ng “indignity” o kalupitan, pagkatalo, kawalang-kapangyarihan at

pagkababa ng pagkatao. Ayon kay Leonid V. Karasev 1996, ang kahihiyan ay ang

“negatibong modus” ng pagtawa. Ang kahihiyan at pagtawa ay kapuwa na tinatalo ang

mga tao ”involuntarily and intermittently”. Kasing hirap kontrolin ang pag-alis ng

kahihiyan kagaya ng pagtigil sa isang taong tawa ng tawa.

Ngunit ang kahihiyan at pagtawa ay sumasakop sa dalawang kabaligtaran: “The

cramps of severe shame are implosive and covered up” na tumutugon sa kahulugan ng

mga kadahilanan ng pagkaranas ng matinding kahihiyan kung kaya ay tinatakpan na

lamang ang sakit na nararamdaman. Sa kabilang pananaw, ang mga “spasms” ng

pagtawa ng malakas kagaya ng “explosion” ay nagpapahayag ng isang katawan ng

karanasang “supremacy” na hinaluan ng pagsang-ayon sa sarili. Kung kaya ang

katatawanan ay tumutukoy sa isang emosyonal na katayuan ng “state of inferiority” o

kahinaan, habang ang pagtawa naman ay isang malakas na signal na nagpapahiwatig

ng “feelings of superiority” o mataas na pagtingin sa sarili.

Ang kahihiyan ay isang pangunahing mekanismo ng proteksiyon: nahaharap sa

kongkretong banta sa pagpapahalaga sa sarili, ang pinahihiyang inidibidwal ay nagiging

“sensitized” o sensitibo sa kaukulang panlabas na kadahilanan (Titze M. at Wurmser

2009) Sa konstektong ito, isa sa pinaka importante ang paglabas ng mapanuksong

tawa.
Balangkas konsweptal/Teoretikal

Ang mga tao ay tumugon at gumagamit ng katatawanan sa araw-araw na mga

gawain. Ang ilang mga tao ay nilibang sa pamamagitan ng ilang mga isyu at mahanap

ang mga ito napaka nakakatawa. Mayroong maraming mga sangkap ng katatawanan

tulad ng: physiological, asal, emosyonal at nagbibigay-malay na mga bahagi na kung

minsan ay maaaring naroroon sa lahat ng kahulugan ng katatawanan. Upang

masuportahan ang pag-aaral ng mga mananaliksik , ang mga mananaliksik ay gumamit

ng iba’t ibang teorya upang palawakin ang nilalaman ng kanilang pananaliksik.

The Superiority theory

Ayon sa teoryang ito, maaaring masubaybayan pabalik sa panahon nina Plato,

Aristotle at ni Thomas Hobbes 'sa kanyang Leviathan. Ayon sap ag-aaral ni Plato (Plato,

Philebus 49b ff) sa pag-uulat ng mga saloobin ni Socrates ay nagbigay na ang katawa-

tawa ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kawalan ng sarili. Para kay

Aristotle, natutuwa ang mga tao sa mga mababa o pangit na indibidwal sapagkat base

sa kanyang pag-aaral, ang mga tao ay nakakaramdam ng kagalakan sa pakiramdam na

higit na mabuti sa kanila (Vandaele, 2002).

Ang isang mas malapitan na pagtingin sa teorya na ito ay nagpapakita na ang

isang bagay ay nagiging nakakatawa kapag ang viewer ay nakakaramdam ng pagiging

superior sa mga tao sa kaganapan. Sa teorya na ito, ang katatawanan ay isang paraan

ng pagsulong ng isa pagkamakaako o pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili.


Relief theory

Ang teorya na ito ay naniniwala na ang katatawanan ay isang katanggap-

tanggap na paraan sa lipunan ng pagpapalabas ng pag-igting. Ito ay makikita bilang

isang mekanismo ng “homeostatic” kung saan nababawasan ang pag-iisip ng

sikolohikal. Ang teoriya ng Relief ay nagpapahayag na ang katatawanan ay ginagamit

upang mapaglabanan ang “sociocultural inhibitions” at ihayag ang pinigilan na

pagnanais (Buijzen & Valkenburg, 2004).

Paradim

INPUT PROCESS OUTPUT

Humor as a
PPagsusuri sa:
compensation for
Filipino’s feelings 1.) Pag gamit ng Pagsasagawa ng

of shame among biro sa mga program o seminar

Lorma Colleges nakakahiyang ukol sa epekto ng

Students: sitwasyon biro at papalakas ng

2.) Dahilan kung loob sa mga


A. Superiority bakit napapahiyang tao
theory gumagamit
ng biro
B. Relief theory

Sa pigyurang pang-isa ipinapakita ang paradigm ng pananaliksik ukol sa Humor


as a compensation for Filipino’s feelings of shame
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay inilaan para sa pagtukoy sa paggamit ng

katatawanan upang mabawi ang pakiramdam ng kahihiyan.

Sa particular, nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga sumusunod na

mga katanungan:

1. Ano ang dahilan kung bakit gumagamit ng biro ang mga Pilipinong estudyante ng

Lorma Colleges?

2. Pano nakakaranas ng hiya ang mga Pilipinong estudyante ng Lorma Colleges?

3. Nakakatulong ba talaga ang pagpapatawa upang maiwasang mapahiya ang mga

Pilipinong estudyante ng Lorma Colleges?

4. Anong mga programa o seminar ang nararapat na Imungkahi upang mapabuti

ang mental na kalusugan ng mga Pilipinong estudyante ng Lorma Colleges?


METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pamamaraan sa pananaliksik kung paano

isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito. Dito rin nakalaan ang mga bagay

kung paano nakakuha ng datos ang mga mananaliksik sa pagkuha ng impormasyon

mula sa mga participant o kalahok.

Disenyo ng pananaliksik

Para sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong

pananaliksik. Ang kwalitatibong pananaliksik ay isang “multimethod” na proseso sa

pagtuon, kabilang na rito ang pagpapaliwanag sa pag gamit ng naturalistic approach sa

mga respondent o tagatugon. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga

kwalitatibong mananaliksik ay pinag-aaralan ang mga bagay sa natural nitong

kapaligiran,na sinusubukang gawan ng katuturan, o kapaliwanagan, at penomena sa

mga tuntunin ng mga tao sa kanila (Denzin, Lincoln 1994)

Ang pagtatanong tanong at pakikipagkwentuhan ay mga katutubong

pamamaraan sa pananaliksik kung saan ang mga mananaliksik ay magtatanong ng

mga kwestyon ukol sa mga karanasan sa buhay ng mga respondent o tagatugon

(Gonzales at Orteza 1997).

Mga tagatugon

Bilang parte sa pag-aaral ng pananaliksik, 10 estudyante mula sa Kolehiyo ang

napili ng mga mananaliksik bilang tagatugon sa kanilang pag-aaral. Ang mga tagatugon,
ay purong Pilipino at walang eksaktong edad ang isinangkot ng mga mananaliksik

sapagkat ito ay makakabuti sa kanilang pag-aaral upang maiwan ang biases. Ang

pagpili ng mga tagtugon ay random na pinili base sa ginamit na pamamaraan na

isinagawa ng mga mananaliksik na tinatawag na snowball sampling.

Instrumento ng Datos

Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gumawa ng pangkat na

tanong para sa pagsasagawa ng interbyu. Ang unang isinagawa ng mga mananaliksik

ay ang pagpili ng mga tagatugon gamit ang random sampling, pagkatapos ay hinagilap

na ng mga mananaliksik ang mga estudyanteng nasa paaralan at pinaalam ang punto

ng kanilang pananaliksik atsaka nila kinuha ang konsento ng mga napiling tagatugon.

Kasunod sa pagpili ng mga tagatugon ay ang pakikipag palagayang loob sa mga

ito upang makapagpalagayang loob ang mga tagatugon sa mga mananaliksik.

Pagkatapos ay isinagawa na ng mga mananaliksik ang pagtanong tanong mula sa

kanilang ginawang questionnaire atsaka sinumulan ang pakikipagkwentuhan sa mga

tagatugon. Ang proseso sa pangangalap ng datos ay ginamitan ng instrumento na

nagrerekord ng sinasabi ng tagatugon upang mairekord ang bawat detalye ng kwento

ng mga tagatugon

Sa huling parte ng interbyu, ipinaliwang ng mga mananaliksik ang punto ng

kanilang inaaral at pormal na inihayag ang bawat rason sa pagsasagawa ng intebyu.

Ang mga mananaliksik ay isa isang pinasalamatan ang bawat tagatugon na naging

parte ng interbyu.

Pagtrato ng datos
Ukol sa nakuhang datos, ito ay isa isang sinuri ng mga mananaliksik at

sinubukang pagkumparahin ang mga sagot ng mga tagatugon. Sa mga sagot na ito,

ang mga mananaliksik ay naka ngalap ng datos kung saan magagamit sa pagpapatibay

ng kanilang pananaliksik. Gayun pa man, ang mga sagot na di angkop sap ag-aaral na

ito ay inisa isa ring iniangkop ng mga mananaliksik. Gamit ang mga datos na naiangkop

ito ay nagsasabi lamang nap ag-aaral na ito ay nangangahulugang totoo base sa mga

pag-aaral.

You might also like