You are on page 1of 2

Pebrero 5, 2014-02-05 PARA SA MGA : Kasapi, Kawani, Lupon ng Pamunuan ng Federation of Student Governments (FSG) Mga mahahalagang paalala

at tagubilin tungkol sa gaganaping ikalawang Pangkalahatang Pagpupulong ng FSG.

PAKSA

Isang mapagpalang pagbati! Alinsunod sa TUP Order No. 73, s. 2014, ang ikalawang Pangkalahatang Pagpupulong ng FSG ay gaganapin sa Pebero 14-17, 2014 na may temang Iisang layunin. Iisang Hangarin. Iisang Patutunguhan. Gaganapin ang pagtitipong ito sa Technological University of the Philippines Taguig Campus at sa Nonis Resort Inc. sa lalawigan ng Batangas. Itatampok dito ang ibat ibang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong suliranin sa sektor ng mga mag-aaral. Magkakaroon din ng ibat ibang mga panayam na naglalayong mas mapaunlad pa ang kaalaman ng mga kinatawan sa aspekto ng pamumuno, katapatan, paniniwala at kahusayan. Asahan din ang pagkakaroon ng mga usaping panlipunang nagpapamulat at nagpapalalim sa kaalamang mapagdudukalan ng karunungan. Bibigyang lundo rin sa pagtitipong ito ang pagpapasinaya sa Codified Rules and Regulation in the Selection of the Student Regent at and Impeachment Code. Dahil dito, nais iwaksi ng nakalagda ang pagpapasa ng inyong inakdang burador bago sumapit ang ika-12 ng Pebrero 2014. Ito ay magsisilbing panukalang batas bago bistahin ng mga kasapi ng FSG. Maaring ipadala niyo ito sa Facebook account ng nakalagda o sa drexleralcones@yahoo.com. Huwag sanang kalimutan ang muling pagsusulong ng mga resolusyong ibininbin noong nakalipas na Pangkalahatang Pagpupulong ng FSG. Maging handa ang mga may-akda ng mga resolusyong ito sa muling pagpapahayag ng mga pagbabagong naipaloob dito. Para sa maayos na pagdaloy ng palatuntunan, nais ipahiwatig ng nakalagda ang mga sumusunod na paalala at tagubilin: 1) 2) 3) 4) Magsuot ng Corporate Casual Attire sa tuwing dadako tayo sa ating mga pagpupulong; Magdala rin ng mga naayong gayak para sa pamumundok; Magdala ng mga panligong kasuotan; Kaagad na makipag-ugnayan sa mga tagapamahala ng pagpupulong na ito sakaling may pagkaing makasasama sa kalusugan ng mga dadalo; 5) Iwasang magpuyat nang hindi antukin sa gitna ng pagpupulong; Km. 14 East Service Road, South Superhighway, Eastern Bicutan, Taguig City

6) Maglaan ng isang maliit na kandado para sa inyong mga personal na bag; 7) Muling pasadahan ang mga naitakdang panuntunan hinggil sa parliamentary procedures; 8) Maghanda ang bawat ng kampus ng isang maikling pampasiglang bilang para sa Gabi ng Pakikiisa; at 9) Masusing pag-aralan ng mga tagapagsulong ang kani-kanilang mga resolusyong ipapasa nang mapadali ang mga pagbibigay-linaw sa mga tanong ng iba pang kasapi ng FSG. Umaasa ang nakalagda sa buong-pusong pakikisangkot ng bawat dadalo sa pagdalumat, pagsuri, at paghimay sa mga ilalatag na resolusyon at panukalang batas. Nawa ay maging mapangmasid ang bawat isa sa mga kagyat na pakinabang at suliraning dulot ng bawat pagtitibaying resolusyon.

Sumasainyo, Kgg. Drexler C. Alcones Rehente ng mga Mag-aaral

Km. 14 East Service Road, South Superhighway, Eastern Bicutan, Taguig City

You might also like