You are on page 1of 157

Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...

Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky


http://teamteresa.multiply.com/
Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan
Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan

“BULO”
Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat…
Isang pag-aaral sa pagpapatatag ng Bayembi Abuyod
Teresa Rizal Organic Farmers’ Association (BATROFA)
bilang isang samahang nagsusulong ng likas-kayang
pagsasaka sa Abuyod, Teresa, Rizal.

PAULA BIANCA AGUILAR


CHARLOTTE FRANCIS MARIE AMBAS
ANGELO HERNAN MELENCIO
CZERIDAN PARUNGAO
MARILAINE AGNES PINKY SUMALABE
Team Teresa

DR. MA. CORAZON JIMENEZ-TAN


Field Supervisor

Oktubre 22, 2009

1
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

PASASALAMAT
Nais naming pasalamatan ang lahat ng naging parte ng
aming karanasan sa pakikipamuhay sa komunidad.
Lubos na nagpasalamat ang Team Teresa unang una sa
Panginoong Maykapal sa pagpapatnubay at pag-gabay sa aming
paglalakbay sa kanayunan.
Ang mga tao ng Abuyod, Teresa, Rizal (ATR) sa
pagtanggap sa amin at sa pagturing sa amin bilang bahagi ng
kanilang komunidad. Pinasasalamatan din namin ang Bayembi
Abuyod, Teresa, Rizal OrganicFarmers’ Association (BATROFA)
sa pagsisilbing mga guro namin sa komunidad na naging susi
upang aming maisapraktika ang aming mga natutunan sa mga kurso ng Community Development. Salamat din sa
Christian Foundation for Children and Aging (CFCA) at Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura
(MASIPAG) na naging mga katuwang ng kolehiyo sa fieldwork program na ito. Nagpapasalamat din kami kina Ma'am
Malou, Ate Irene at Kuya Loi na tumutulong sa amin tuwing may mga pagpupulong at aktibidad sa komunidad.
Nagpapasalamat din kami kina Kuya Chris at Kuya Ralph na nagbigay sa amin ng kaalaman sa organikong
pagsasaka at pinatnubayan kami sa mga aktibidad ng BATROFA.
Pati na rin Kay Kapitan Norberto Casiano na nagbigay ng mga
dokumento ng Abuyod at ng Dalig. Kay Tatay Enoch na tumulong sa
amin na makakuha ng mga datos sa Munisipiyo ng Teresa.
Nagpapasalamat lalo na ang Team Teresa sa aming mga tinuluyan
na pamilya na nagsilbing pamilya namin sa komunidad.
Nagpapasalamat kami kina Nanay Vinia at Tatay Celso sa
pagtanggap kina Pinky at Idan na maging bahagi ng kanilang
pamilya. Nagpapasalamat rin kami kina Nanay Belen at Tatay Indo
sa pagpapatuloy kina Paula at Chai sa kanilang bahay sa maikling
panahon at nagpapasalamat din kami kina Nanay Stella at Tatay Mario sa pagbabahagi ng kanilang bahay kila Enan,
Chai at Paula. Nais din namin na bigyang pahalaga si Jun-jun na naging kasama namin sa bawat panayam at pag-
iikot sa komunidad.
Sa aming adviser na si Ma'am Marion Tan na gumabay sa amin sa buong fieldwork experience. Pati na rin
ang mga guro na sina Sir Angelito Manalili at Sir Sammie Formilleza na tumulong sa pagkakaroon ng tukoy na
gawain sa komunidad at iba pang mga guro na nagbigay sa amin
ng mga kaalaman sa pagpapaunlad ng komunidad. Hindi din
namin makakalimutan sina Kuya Manny at Kuya Ponsing na
naghahatid sa amin sa Abuyod. Pati na rin sa aming mga kaklase
mula sa Team Camarin, Silang, Hagonoy, Pampanga, Mindoro, at
Nakar sa pakikinig sa aming pagbabahagi at pagbabahagi rin ng
kanilang mga karanasan sa kanilang komunidad.
Sa lahat ng mga tao na tumulong samin. MARAMING SALAMAT!.
☺☺

2
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

MGA NILALAMAN
Pasasalamat

Panimula .............................................................................................................................. 1
Ang Field Instruction Program .................................................................... 1
Mga Gawain sa Komunidad ....................................................................... 1
Metodolohiya............................................................................................... 2
Sakop at Limitasyon.................................................................................... 4

KABANATA I: ANG PAGSASAKA NG PALAY.................................................................. 5


A. Kasaysayan ............................................................................................ 6
B. Pag-marginalize ng mga Magsasaka ..................................................... 6
C. Organikong Pagsasaka .......................................................................... 8

KABANATA II: ANG ABUYOD, DALIG, TERESA, RIZAL ................................................. 9


A. Ang Teresa, Rizal ................................................................................... 10
B. Ang Barangay Dalig................................................................................ 13

KABANATA III: ANG BATROFA......................................................................................... 17

KABANATA IV: ANG MGA KABALIKAT NG BATROFA .................................................. 23


A. Christian Foundation for Children and Aging ......................................... 24
B. Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura................. 30
C. Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan – CSWCD ..................... 32

KABANATA V: ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NG TEAM TERESA AT BATROFA ...... 34


A. Pag-aaral sa Kahirapan ng Abuyod........................................................ 35
B. Case study ng Organic Farming ng BATROFA...................................... 64
C. Pagsasagawa ng Organization Diagnosis ............................................. 76
D. Pagpaplano ng BATROFA ..................................................................... 84
E. Paggawa ng Constitution and By-Laws ng BATROFA........................... 89
F. Herbal Medicine Training at Women’s Planning..................................... 92
G. Farmers’ Rights Seminar ....................................................................... 94
H. Paggawa ng Adoptor’s Profile ................................................................ 96
I. Pag-aaral ukol sa Kalagayan ng mga Lokal na Magsasaka.................... 98

KABANATA VI: ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NG TEAM TERESA SA ONDOY.......... 108


A. Ang Ondoy at ang Abuyod ..................................................................... 109
B. Ang Ondoy at ang kolehiyo .................................................................... 110
C. Ang Ondoy at ang San Mateo, Rizal ...................................................... 110
D. Ang Ondoy at ang Ultra Sports Complex ............................................... 113
E. Ang pagbalik ng Team Teresa sa Abuyod ............................................. 114

KABANATA VII: MGA REKOMENDASYON....................................................................... 115


A. Sa LGU ................................................................................................... 116
B. Sa BATROFA ......................................................................................... 116
C. Sa kababaihan........................................................................................ 117
D. Sa partner agencies ............................................................................... 117
E. Sa CSWCD............................................................................................. 118

KABANATA VII: MGA PAGNINILAY .................................................................................. 119

Apendiks .............................................................................................................................. 133

3
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

PANIMULA
"Bulo" ang tawag ng mga taga-Abuyod sa
batang kalabaw.

Inihahanlintulad ng Team Teresa ang


kanilang sarili bilang isang bulong unang isinabak
sa mundo ng development work. Madalas na
nadadapa ngunit sa bawat galos na natatamo ay
natututo. Madalas na nadadapa ngunit
bumabangon muli upang harapin ang susunod na
pagsubok.

Ang grupo ay parang isang bulong sabik na matuto ngunit nangangailangan pa ng gabay. Siya ay
nagpapayabong sa mga aral na napupulot niya sa kanyang kapaligiran at sa mga elementong kumikilos
dito. Siya ay patuloy na minumulat ng kanyang paglubog sa komunidad.

Maaaring maituring na kalabaw na punong-puno ng karanasan pagdating sa mga gawaing


pagsasaka ang BATROFA ngunit inihahalintulad sila ng Team Teresa sa isang bulong naglalakbay sa
mga palikulikong dynamiks ng organization development.

"Bulo" rin ang palayaw ng aming naging gabay sa komunidad. Malaki ang naiambag niya sa pag-
aaral na ito.

Field Instruction Program

Ang Field Instruction Program (FIP) ng


Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan ay
naglalayon na tulungan ang mga mag-aaral ng
BS Community Development (BS CD) na
maiugnay ang mga teorya at konsepto na
natutunan sa loob ng silid aralan, tulad ng
Community Organizing, sa mga gawain sa
komunidad.

Ang mga partners na maaaring people’s


organizations, non-government organizations, at local government units ay ang siyang naghahandog ng

1
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
mga programa at proyekto na nagbibigay ng
oportunidad sa mga estudyante para
maisapraktika ang mgas natutunan nila.

Sa dalawang semestre, ang komunidad


ang magsisilbing paaralan ng mga mag-aaral at
ang mga tao sa komunidad ang siyang mga
karagdagang guro. Ikalawa, matuto sa mga
karanasan ng pag-oorganisa ng komunidad
kasama ang mga partner agencies at maging
katuwang sa pagbuo ng isang likas-kayang
“organic farming community” sa Abuyod, Teresa, Rizal. Kaugnay nito, nilalayon din ng grupo na
makatulong sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng samahan at maging katuwang sa pagtuklas ng mga
balakid sa pagsulong ng likas-kayang pagsasaka.

Mga gawain sa komunidad

Pangunahing gawain ng grupo sa komunidad ay ang makipamuhay sa mga tao rito. Nariyan ang
pakikipagkwentuhan sa mga nanay at tatay, pagsama sa bundok, at iba pang mga nakasanayan sa
komunidad. Kapag mayroong programa ang mga samahan sa loob ng komunidad, madalas na imbitahan
ang grupo upang dumalo. Bukod sa pakikipamuhay, bahagi din sa gawain ng grupo ang pangangalap ng
datos tungkol sa komunidad at tingnan ang mga problema at balakid dito. Gawain din ng grupo ang
tulungang paunlarin ang organisasyon ng mga magsasaka. Naatasan ang grupo na magsagawa ng mga
trainings, seminars at interviews upang makatulong sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng samahan.

Metodolohiya

Sa buong karanasan sa Teresa, Rizal ng


Team Teresa, maraming metodolohiya ang
ginamit ng grupo sa pangangalap ng datos. Ang
mga ito ay nagbigay daan upang makakuha ng
mga impormasyon tungkol sa komunidad.

Narito ang mga metodolohiya na ginamit


ng grupo:

1. Poverty Study – Nagkaroon ng

2
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
dalawang bahagi ang paggawa
ng pag-aaral na ito. Una dito ay
ang pagsasagawa ng interview
sa sampung taong pinili gamit
ang purposive sampling.
Kinuha ang kanilang pananaw
ukol sa kahirapan. Ang
ikalawang bahagi naman ay
ang pagkumpirma sa mga
naunang nakalap na
impormasyon. Sa bahaging ito
ay gumamit ang grupo ng focus group discussion bilang metodolohiya sa pagkalap ng
datos.

2. Household Profile – Nagsagawa ang grupo ng Socio-Economic Baseline Survey sa


sampung nakapanayam sa poverty study. Layunin nito na makita ang kasalukuyang
kalagayan ng mga pamilya sa komunidad.

3. Case Study – Nagsagawa ng focus group discussion ang grupo para manaliksik ukol
sa organic farming ng BATROFA bilang isang proyekto. Dinaluhan ito ng labing-isang
magsasaka nagsasagawa ng organikong paraan ng pagsasaka.

4. Herbal medicine Training – Sa tulong ng MASIPAG at CFCA, nagsagawa ng dalawang


araw na pagsasanay ukol sa paggamit ng mga halamang gamot. Ito ay upang tugunan
ang problema sa access ng komunidad sa basic medicine.

5. Planning Workshop – Nagkaroon ng pulong ang samahan upang mapag-usapan ang


kanilang plano para sa samahan. Dito tinalakay ng grupo ang kahalagahan ng
kolektibong pagpaplano.

6. Member’s Profile ng BATROFA


– Upang magkaroon ng
masmalalalim na pagkakilanlan
sa mga magsasakang kasapi
sa samahan, nagsagawa ang
grupo ng Socio-Economic
Baseline Survey sa bawat isa.

7. Adoptor’s Profile – Upang


magkaroon ng datos ukol sa

3
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
mga itinatanim ng mga kasapi ng BATROFA, nagkaroon ng panayam sa bawat isa.

8. Organization diagnosis (OD) – Isang malaking bahagi ng kabuuang framework ng


Organization Development ang OD. Ito ibinase ang mga susunod na hakbangin na
isinagawa ng samahan.

9. Training Needs Analysis – Ang grupo ay nagsagawa ng key informant’s interview sa


ilang mga nanay sa komunidad ukol sa kanilang kaalaman sa paggawa at paggamit ng
halamang gamot. Ang resulta nito ang siyang ginamit para sa Herbal medicine
Training.

Sakop at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatutok sa mga magsasaka sa ATR na kasapi sa BATROFA, ngunit
hindi lamang limitado rito. Ang mga impormasyong nakalap ay hango sa mga karanasan ng mga tao sa
komunidad ng ATR.

Bagamat may mga naganap na trainings na maraming taga-Sitio Abuyod ang dumalo, ang
paglalagom at pagsusuma ng pag-aaral sa pagpapalakas ng samahan ng BATROFA ay maaaring
maging iba kung masmaraming tao ang magiging kalahok ng pag-aaral.

Ang mga impormasyon na ginamit sa pag-aaral ng BATROFA ay nakalap lamang sa mga kasapi
ng samahan at mga miyembro ng komunidad. Maaaring maging iba ang resulta ng pag-aaral kung may
mga impormasyon din na nakuha mula sa mga organisasyong naging partner ng lokal na samahan sa
labas ng barangay.

4
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA I.
Ang Pagsasaka ng Palay

5
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

A. Kasaysayan1

Ang pagsasaka ng palay ay nagsimula sa Asya tinatayang 6,000 taon na ang nakalipas. Ito ay
ang pangunahing pagkain o staple food ng mahigit sa kalahati ng populasyon sa mundo.

Ang pagkakaroon ng maraming varities ng palay ay bunsod sa pag-aangkop nito sa iba-ibang


kalagayan ng agro-environment, gawi ng paglaki, gamit, lasa, at kulay. Ito ang dahilan kung kaya’t may
mga variety na angkop sa mga lupang tuyo at sa mga lupang nakababad sa tubig, pati na rin ang iba’t
ibang katangian tulad ng mabango, malagkit, pula, lila, mahaba at payat, at maiksi at bilugan.

Ang mga magsasaka ay nagpaunlad ng kaalaman upang makayanan ng mga palay ang mga
hamon at problema ng kalikasan. Pinagtugma nila ang mga partikular na variety sa mga partikular na
pangangailangan nito tulad ng klima. Dahil dito, ang mga magsasaka ay may kalayaang mag-ipon,
magpaunlad, makipagpalitan, at makapagbenta ng mga binhi.

B. Pag-marginalize ng mga magsasaka

Ang pormal na pag-aaral ng pagpapalahi ng palay sa


mga pamantasan at research institutions ng gobyerno ang
siyang nagbigay daan sa pag-unlad ng makabagong seeds
and management technology. Tinatayang 100 taon na ang
nakalipas nang ang paralis sa agrikultura ay nailipat sa pormal
na sektor mula sa mga magsasaka.

Green Revolution

Ang "pagpapaunlad" ng teknolohiya sa pagbibinhi at


agrikultura ay buhat ng pagpapakilala ng Green Revolution
(GR). Inihain nito ang mga "makabagong" binhi na maganda

1 EMPOWERING SMALL RICE FARMERS:The MASIPAG Approach ng PANAP RICE SHEETS

6
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ang tubo kapag ginamitan ng kemikal na pestesidyo, abono, makinarya, at irigasyon. Kaakibat din ng
pagpasok ng GR ang production loans.

Ang mga binhi ng palay ay napunta sa kontrol ng mga pribadong tao at kumpanya dahil sa
pagpapatupad ng Plant Breeders’ Rights, patente, at teknolohiya ng genetic engineering.

Dahil sa pagsasantabi sa mga magsasaka sa usapin ng pagpapaunlad ng pagbibinhi at


teknolohiyang pang-agrikultura, sila ay na-marginalize hanggang sa dumating sa puntong nabitawan nila
ang kanilang mga tradisyunal na kaalaman sa pagsasaka ng palay.2

Simula noong kalagitnaan ng 1960 ay pataas


ang bilang ng ani ng palay sa Pilipinas dahil sa
paglinang ng uri ng palay na marami kapag
nagbunga. Ang uri ng palay na ito ay tinawag na high
yielding varieties (HYV’s) at isang variety nito ang
may pangalan na miracle rice. Ang mga HYV’s ay
ipinakilala ng International Rice Research Institute
(IRRI). Ang panahong ito kung saan malawakan ang
pagtatanim ng ganitong uri ng palay ay tinawag na
GR.

Noong taong 1989, mahigit kumulang 9.5 bilyong toneladang palay ang naani ngunit habang
tumatagal ay pababa ng pababa ang ani ng palay. Kapag ikukumpara sa ibang bansang Asyano ay higit
na mababa ang ating ani ng palay kaysa sa kanila. Kung noon ang Pilipinas ang nagbebenta ng palay sa
iba't ibang bansa, ngayon ay ang bansa na ang bumibili nito mula sa kanila.

Ang pangunahing dahilan sa pagbaba ng ani ng


palay ay dahil ang mga HYV’s ay nakadepende sa mga
kemikal. Mula 668 tonelada noong 1976 ay naging 1,222
tonelada noong 1988 ang ginagamit na kemikal na pataba
ng mga magsasaka. Noong 1980's rin ay nagkaroon ng
problema ang pagtatanim ng palay kung saan bumaba ng 0.9% ang taunang paglaki ng bilang nito.3

Isang dahilan ng pagbaba ng bilang ay nagkaroon ng mga hindi inaasahang sakuna tulad ng
lindol, tag-tuyo at bagyo sa mga sumunod na taon kung kaya't naapektuhan ang mga tanim ng mga

2 EMPOWERING SMALL RICE FARMERS:The MASIPAG Approach ng PANAP RICE SHEETS


3 http://countrystudies.us/philippines/62.htm (Oct. 6, 2009)

7
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
magsasaka at lalong lumala ang pagbaba ng ani. Sa ngayon ang patuloy na pagbaba ng supply ng bigas
at ang pagkakalubog ng mga magsasaka sa mga utang sapagkat kaakibat ng GR ang mga kemikal na
nilalagay sa tanim at ang malaking gastos ng mga magsasaka sa pagbili nito.4

C. Organikong pagsasaka

Dahil sa mga negatibong epekto ng GR ay


umaasa na muling ibalik ang organikong pagsasaka
kung saan hindi na nangangailangan gumamit ng
kemikal na pataba at pestisidyo ang mga magsasaka.
Ito ang tradisyunal na paraan ng pagtatanim kung
saan hindi kinakailangang lagyan ng kemikal ang mga
palay upang mamunga. Ang paraang ito ay ang
paggamit ng mga organikong binhi na hindi nakadepende sa mga kemikal kundi nangangailangan
lamang ng mga organikong pataba tulad ng dumi ng hayop, compost, atbp. Ang mga pestisidyo na
ginagamit din dito ay organiko tulad ng binurong bituka ng isda at asukal, binulok na katas ng mga prutas,
atbp.

Ang GR ay maaaring nakapagpalaki ng ani


ng mga magsasaka ngunit nakapagpalaki din ito ng
gastos ng mga magsasaka at ng posibilidad ng
pagkakaroon ng sakit dahil sa mga kemikal na
ginagamit dito. Ang tradisyunal na pagsasaka naman
o organikong pagsasaka ay mayroong maskaunting
ani kung ihahambing sa HYV’s ngunit
masnakakatulong naman ito sa mga magsasaka
sapagkat hindi na sila gumagastos sa pataba at pestisidyo. Ang mga bunga ng organikong pagsasaka ay
higit na masligtas, masmasustansya, at masmasarap kung ikukumpara sa mga palay na laking-kemikal.

4 http://www.fasid.or.jp/chosa/forum/fasidforum/ten/fasid10/dl/1-4-p.pdf (Oct. 8, 2009)

8
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA II.
Ang Abuyod, Dalig, Teresa, Rizal

9
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
A. Ang Teresa, Rizal

Heograpiya

Ang munisipyo ng Teresa ay isa sa 14 na


bayan at siyudad sa probinsya ng Rizal. Ang
probinsya ng Rizal ay nasa kanlurang bahagi ng
Maynila, na siyang pinkamalaking siyudad sa bansa
at bahagi ng administratibong

Ang Teresa ay 32 kilometro mula sa


Maynila. Ang oras ng biyahe mula sa munisipyo ng
teresa ay 2 oras. Mula naman sa Maynila, dadaan
sa Marcos Highway-Sumulong Highway o sa ruta
ng Ortigas Ave Extension-Tikling na dadaan sa
Antipolo Rizal. Mag mula naman sa probinsya ng
Laguna, ang bayan ng Teresa ay mararating sa
pagdaan sa Baras-Tanay-Pililia.

Ang Munisipyo ng Teresa ay bahagi ng Ikalawang Distrito ng Rizal at ng kahabaan ng mga


munisipyo ng Baras, Cardona, Jala-jala, Morong, Pililla, Rodriquez, San Mateo, at Tanay Rizal.

Land Area

Ayon sa mga dokumento ng munisipyo, ang kabuoang lawak ng Teresa ay 16,198 ektarya na
umaabot hanggang probinsya ng Quezon. Ayon naman sa dokumento ng probinsya, ang munisipyo ay
may kabuoang lawak na 1,860 ektarya.
Sa kasalukuyan, ang Teresa ay
mayroong 9 na barangay : (1) Bagumbayan, (2)
Dalig, (3) Dulumbayan, (4) May-iba, (5)
Poblacion, (6) Prinza, (7) San Gabriel, (8) San
Roque, (9) Calumpang-Sto. Cristo.

Populasyon

Ayon sa opisyal na bilang ng


populasyon ng teresa noong Septyembre 1,

10
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
1995 ang bayan ay nag rehistro sa kabuoang populasyon na 23,906 o household population na 23,891.
Ang Teresa ay pangatlo sa pinka maliit na munisipyo sa Rizal ayon sa bilang ng populasyon, sumunod
and Jala-Jala at Baras.

Ang estimang bilang ng populasyon sa munsipyo ng Teresa sa taong 2000 ay 27,68 ang
prodyeksyong ito ay nagawa sa pamamagitan ng geometric formula, na Population projection method na
ginamit ng NSO.

Ang barangay May-Iba ay ang pinka malaking populasyon, sumusunod naman ang Dulumbayan
na may 5,180 and 4,979 katao. Nag pinka maliit na populasyon ay ang barangay Calumpang Sto. Cristo
na may 1,542 katao.

Educational Profile

Mayorya (38 and 33%) ng populasyon sa


gulang na 5 taon pataas ay nasa elementarya at
secondarya. Ang 11% ay mga academic degree
holders. Mga 4% ng populasyon sa gulang na 5
taon pataas ay hindi nakatapos ng anumang
grado.

Ang edukasyon at mga pasilidad ay


nangangailangang mapabuti sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon
sa mga residente.

Agrikultura

Cropland: 633 hectares


Crops:
(a) Rice- 77% (488has), 361 has ( irrigated rice), 127 has( rainfed rice)

(b) Corn-5.5% (35has)

(c) Fruits -64.0%( cashew, banana, and citrus)

(d) Vegetables-4.7% (30has)

(e) Rootcrops-2.5% (16has)

11
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Cropland of Rizal: 3.75% (16,866.48 has.)
represents 34% of the total land area

Animal Production
Hogs (1,415,816) Goat(360)

Chicken (308,695) Carabao

Cattle (339)

Mga Problemang kinakaharap ng Teresa:

Konteksto ng Heograpiya:

I. Kakulangan sa Tubig

II. Di maayos na daanan o kalsada

III. Polusyon sa ilog

IV. Ingay na dulot ng pag-quarry

V. Pagkasira ng mga bundok

Konteksto ng Agrikultura:

(a) Relasyon ng mga magsasaka at may-ari ng lupa

(b) Pagtungon ng mga magsasaka sa mga programang pang-agrikultura

(c) Di sapat na pagsuporta ng Gobyerno

(d) Mababang bilang ng produksyon

(e) Kakulangan ng sapat na


pasilidad para sa irigasyon

(f) Lack of market support


mechanism

(g) Polusyon dulot ng commericial


farms at mga pabrika

12
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Emerging Trends:

(a) Pagpapatuloy ng agrikultural na


produksyon

(b) Aktibong mga samahan ng mga


magsasaka

(c) Agrikultura at Seguridad sa Pagkain


bilang pangunahing programang
isinusulong ng gobyerno

(d) Pagtaas ng halaga ng mga makina at pasilidad na kinakailangan sa agrikultura

(e) Pagtaas ng halaga ng feeds

(f) Walang mapagkunan ng sapat na binhi

(g) Kakulangan sa pondo para sa sektor ng agrikultura

(h) Land Conversion

B. Ang Barangay Dalig

Kasaysayan

Taong 1945 ng matamo ng bansang Pilipinas ang kalayaan mula sa pananakop ng bansang
Hapon. Maraming mga kasapi ng hukbong
sandatahan ng Pilipinas ang lumabas at
nagrebelde sa pamahalaan. Ito ang tinatawag na
Hukbalahap.

Ang mga tao ng panahong iyon ay


karaniwang naninirahan sa Barrio Pantay,
Buhangin at Abuyod, kung saan ito ay malayo sa
kabayanan ng Teresa, Rizal. Malaki ang takot nila
sa Huk balahap. Kapag nakakakita sila ng Huk
Balahap agad silang nagtatago. Ayaw nilang
makita sila at makausap ng mga Huk.

13
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Dahil dito, upang maging panatag ang kalooban at makaiwas sa mga Huk balahap ay nagpasiya
ang mga tao na umuwi sa kabayanan at dito ay magtayo ng sariling tahanan. Dumami ang mga tao dito
at nawalan naman ng tao ang Pantay, Buhangin at Abuyod.

Dito na napagpasiyahan ng Pamahalaan Pambayan ng Teresa na gawing isang barrio ang lugar
na pinamayanan ng mga taong mula sa Pantay, Buhangin at Abuyod. Ito ay tinawag na Barrio Dalig
hanggang sa kasalukuyan.

General Data

Ang Barangay Dalig ay isa sa 9 na


barangay ng Teresa. Ito ay may lawak na 2,957
hektarya at may populasyong 9,595 mula
3,826(1995). Karamihan sa mga naninirahan dito
ay mga tagalog. Ang sentro o bayan ay
matatagpuan sa katabing Sitio ang May-iba.

Sa maraming taong nakalipas, marami na


ang naging pagbabago sa barangay Dalig, kabilang dito ang inprastraktura at mga pampublikong
pasilidad. Ang Dalig (Pantay, Buhangin) ay isa sa mga barangay na sumuporta sa programang MRF or
Material Recovery Facilities (Teresa Integrated Solid Waste Management Facility)

Ang Sitio Abuyod ay isa sa mga Sitio sa baranggay Dalig. Dito sa Sitio Abuyod nakasentro ang
aming grupo. Mula sa May-iba o mula sa palengke ng Teresa, isang tricycle lamang ang sasakyan upang
marating ang Sitio Abuyod. Sa unahan ay makikitang sementado ang daan ngunit ang kalahati nito ay
lubak pa din kaya’t mahirap ang biyahe dito. Sa
ngayon ay sinisimulan ng patagin ang daan dahil
ayon sa mga taga- abuyod malapit na daw ang
eleksyon. Mayroon ding paaralan na malapit dito.
Parehong elementary at highschool ay makikita
dito.

Sa buong barangay Dalig ay may 3


paaralan: Abuyod Elementary, Abuyod High
school, PHILSIN Marine Technical College
Foundation Inc. Ang pangunahing hanap buhay

14
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ng mga tao dito ay pagsasaka, ang kadalasang itinatanim ay palay, mais, prutas, gulay, at halamang
ugat. Ngunit sa pagdating ng mga pabrika tulad ng FR Cement Factory (Dragon Cement), Teresa Marble,
and ABC Chemical Factory, ang bilang mga magsasaka ay unti-unting nababawasan.

Dalig Barangay Council and Staffs

NORBERTO S. CASIANO, Barangay Captain

NOEL C. SAN DIEGO, Councilor


Committee on Health

GERALD P. LOPEZ, Councilor


Committee on Agriculture

ARIEL P. DE LEON, Councilor


Committee on Public Works

RODANTE SJ. STO. DOMINGO JR., Councilor


Committee on Education

LOLITO B. SAN DIEGO, Councilor


Committee on Peace and Order

WILLIAM C. PEDROSO, Councilor


Committee on Disaster Preparedness

15
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
JEREMIAS C. ANGELES, Councilor
Committee on Finance

KRISTEL MAY SJ. CARIGMA, SK Chair

ELIGIO S. ALEGRE JR., Barangay Secretary

ROSA S. ANGELES, Barangay Treasurer

JULIETH ANNE B. ESTRELLA, Barangay Bookkeeper

Term Based Barangay Development Plan 2007 – 2010

Ang Dalig ay mayroong Tatlong (3) Taong Planong Pang-kaunlaran. Ito ay sinimulan noong
2008. Taong 2008, ang proyekto at maipagawa ang bakod o perimeter fence ng barangay upang
magkaroon ng maayos sa bakod ang lote ng barangay sa tulong ng municipal, provincial at national
goverment. Taong 2009, ang proyekto ay makabili ng mini dump truck upang magamit sa pangongolekta
ng basura ng barangay, ayon sa dokumento ng Teresa ang dalig ay mayroong dumpsite na may 800
hektarya sa Sitio Panay. Sa parehong taon, may proyekto din na maipagawa ang tulay o hanging bridge
sa sitio korokan upang magamit ng ligtas.

Sa taong 2010, planong mapagawa ang open canal sa loob ng loteng sakop ng barangay upang
malunasan ang pagbaha sa mga kalapit na kabahayan, kasabay nito at mapagawa ang kalsada sa
gitnang palayan o access road para sa kaunlaran ng mga kabarangay. Ayon sa mga tao sa Sitio Abuyod
ang ilang proyekto ay hindi naisakatuparan ngunit ang iba naman ay naipagawa. Ilan pa sa mga proyekto
ng barangay Dalig ay ang Barangay Health Program at Day Care Program.

16
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA III.
Ang Bayembi Abuyod Teresa Rizal Organic Farmers’ Association
(BATROFA)

17
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ang Bayembi Abuyod Teresa Rizal Organic
Farmers’ Association o maskilala bilang BATROFA
ay isa sa mga organisasyon ng magsasaka sa Sitio
Abuyod na nagsasapraktika ng organikong
pagsasaka. Nagsimula ito noong 2006 at sa
kasalukuyan, mayroon na itong dalawampu’t
dalawang (22) miyembro.

Si Tatay Danilo “Danny” Dichoso ang kasalukuyang pangulo ng BATROFA. Respetado ng bawat
miyembro ng BATROFA si Tatay Danny, kaya
naman marami sa mga miyembro ang sa kanya
umaasa sa mga plano at gawain ng organisasyon.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mula sa
pagbuo ng BATROFA ay patuloy siyang hinahalal
na presidente.

Kabilang din si Tatay Juan Dichoso sa


samahan. Nakatira siya sa Sitio Buhangin, na may
kalayuan sa Sitio Abuyod. Hindi siya masyadong
nakakapunta sa mga pagpupulong dahil nga sa
malayo ang kanyang bahay. Bagamat miyembro siya ng
BATROFA ay hindi naman siya nag-oorganiko sa kanyang
pagsasaka. Ayon sa kanya, mahirap makapag-organiko
sapagkat nakikisaka lamang siya sa lupa at hindi pabor ang
may-ari ng lupa na siya ay mag-organikong pagsasaka.

Si Tay William Dichoso naman ay ang bunsong


kapatid nila Tatay Danny at Tatay Juan. Nakikisaka at
nakikihati din siya ng lupa ni Tatay Danny. Maliban sa
pagsasaka, isa rin siyang service driver ng isang kolehiyo sa
bayan.

Bukod kay Tatay William, nakikisaka din sa lupa ni


Tatay Danny ang miyembrong si Tatay Virgilio “Boy”
Esguerra. Maraming ibang trabaho din si Tatay Boy, tulad ng

18
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
pagtitinda ng prutas. Nagtatrabaho din siya bilang
magtatabas ng damo sa mga kalye, sa ilalim ng
DPWH. Madalas ay prutas ang itinatanim ni Tatay
Boy sa lupa ni Tay Danny. Ang iba sa mga tanim
noyang prutas, ang siyang pinambabayad ni Tay
Boy kay Tay Danny.

Si Tatay Manuel “Maning” Navarro ang


bise-presidente ng organisasyon. Nasa bundok pa
ang bahay ni Tay Maning kaya hindi siya madalas
nakakausap ng grupo. Ngunit, sa kabila nito
kapag nagkaroon ng gawin ang mga magsasaka ay aktibong naman siyang dumadalo. Marami
magagandang opinyon tuwing may pagpupulong itond si Tay
Maning. Dahil dito ay isa rin siya sa mga pinakikinggan at
sinusunod ng mga miyembro.

Si Tatay Celso Dicen naman ang kasalukuyang Ingat-


Yaman ng organisasyon. Sa kanyang bahay din
pansamantalang tumutuloy ang ilan sa mga fieldwork
students. Hindi lamang ingat yaman ang ginagampanang
posisyon ni Tatay Celso, marami din siyang katungkulan sa
organisasyon. Paminsan ay nagiging sekretarya at auditor si
Tatay, kapag hindi nakakapunta ang sekretarya at auditor sa
pagpupulong.

Si Tatay Gabriel “GG” Gaviola ang Kalihim ng

samahan. Kadalasan ay tahimik, ngunit


mapagbiro si Tatay GG. Nagsaska din itong si
Tatay GG, ngunit ang pangunahing hanapbuhay
niya ay ang pagtatrabaho sa construction o di
kaya ay pagtatanim sa ibang sakahan. Ito rin ang
dahilan kung bakit hindi siya masyado
nakakadalo sa pagpupulong. Kung minsan tuloy
ay ang asawa niya na si Nay Emily ang
humahalili sa kanya.

19
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Si Tatay Leslie “Les” Newton ay may
kakaibang apelyido dahil may lahi siyang
Amerikano. Madalas ay nagtatrabaho siya sa
isang industrial farm malapit sa Abuyod Gabi na
kadalasan umuuwi si Tatay, pati na rin ang
marami sa mga miyembro na may maraming
hanapbuhay. Dahil dito kadalasan ay sa gabi
namin idinadaos ang mga pagpupulong ng
samahan.

Bukod dito ay mayroon pa silang


tindahan ng hamburger, shakes at streetfoods malapit sa kanilang bahay na madalas naming
pinagmemeryendahan. Si Tay Les ay ang kasalukuyang Auditor ng samahan. Isa din si Tay Les sa mga
nasiraan ng bahay noong nakaraang Bagyong Ondoy. Kaya ngayon ay abala sila sa pagaayos muli ng
kanilang tirahan.

Ang kapitbahay at bilas ni Tay Les na si


Tay Nicolas “Kulas” Ermeno naman ay isa rin sa
mga nasalanta ang bahay noong bumagyo.
Malapit kasi sa ilog ang kanilang bahay kaya
madali silang inabot ng baha. Pagsasaka ang
kasalukuyang hanapbuhay ni Tay Kulas.
Madalas siyang nasa palayan at nakikita na lang
naming bumababa kasama ang kanyang
kalabaw. Napakatahimik ni Tay Kulas. Taliwas
sa kanyang asawa na si Nay Basyon na mas maboka kapag nagkakaroon ng pagpupulong ang
samahan.

Si Tay Benjamin “Ben” Herrero ay baguhang


miyembro ng BATROFA. Ngayon pa lang siya
sumusubok na mag-organikong pagsasaka dahil mas
nakakatipid daw siya sa mga gastusin. Abala din itong
si Tay Ben sa pagmamaneho ng dalawa niyang
tricycle, ngunit aktibo pa din siyang dumadalo sa mga
pagpupulong ng samahan.

Si Tay Romeo “Romy” Cayubit, ang

20
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
mensahero o PRO ng samahan. Madalas makikita si
Tay Romy na palakad lakad sa lugar, upang kausapin
ng mga miyembo ng BATROFA. Siya rin ang minsan
nagsasabi sa amin ng mga problema o isyu ng
samahan.

Kapatid ni Tay Romy si Tay Jesus Cayobit na


siya na atang pinakamatandang miyembro ng
samahan. Madalas ay hindi na siya nakakapagsaka
sa kanilang lupa, kaya nakikihati din siya sa sinasaka
ng kanyang kapatid at mga anak.

Isa pa si Mario “Bulo” Cayobit Jr. sa miyembro ng


pamilyang Cayobit na siyang miyembro din ng BATROFA.
Bulo ang palayaw niya dahil para daw siyang bulo o batang
kalabaw - malakas at maaasahan talaga sa sakahan. Si Bulo
ang pinakabatang miyembro ng samahan na siyang
pinakamalapit sa aming mga estudyante. Madalas kasi ay
siya ang nakakasama ng grupo sa pagakyat sa bundok,
kapag kailangan makipagusap sa ibang miyembro. Siya din
ang inaasahan ng samahan na magpatuloy ng gawain nila sa
mga sususnod na panahon. Sa pamilya din ni Bulo
naninirahan sila Enan, Pau at Chai.

Si Tay Juanito “Johnny” Sto. Tomas ay isa sa mga


pinkaunang nagsa-praktika ng organikong pagsasaka sa
komunidad. 1980’s pa lang nang siya’y nagsimulang mag-organikong pagsasaka. Siya tuloy ang malimit
na nagiging consultant ng mga miyembro ukol dito.
Si Tay Johnny ang kaisa-isang miyembro ng
gumagamit ng irigasyon sa pagpapatubig. Sa
kasalukuyan ang palayan ni Tay Johnny ang
pinakanasalanta, noong nakaraang bagyo.

Ang magkapatid naman na sila Tay Roy at


Tay Rolly Fortaleza ay nitong Setyembre lamang
nakauwi mula sa Mindanao. Si Tay Rolly ang may
pinakamaraming bilang ng nasasakang palay sa

21
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
grupo. Bagkus, sila rin ang may sapat na ani na
kayang ipagbenta sa CFCA.

Una namang tinirhan nila Pau at Chai ang


bahay nila Tay Pedro “Indo” Ilagan. Hindi na
nakakapagsaka itong si Tay Indo dahil sa atake
sa puso at mahinang pangangatawan. Kaya
naman si Nay Belen, ang kanyang asawa, ang
nag-aasikaso ng lahat ng gawain sa palayan at
pati sa pagdalo sa mga pagpupulong.

Ang kanila namang anak na si Tay Manoling “Manny” Ilagan ay miyembro din ng BATROFA. Sa
bundok din nakatira itong si Tay Manny. Ang kubo niya ang madalas gawing pahingahan nang mga
umaakyat sa bundok.

Ang miyembro namang si Tay “Sonny


Boy” Javier ay madalang naming makasama
sapagkat abalang-abala siya sa pakikisaka sa
ibang mga lupa. Mayroon din silang tindahan ng
gulay sa kanilang bahay. Lumalabas ang
pagkabata ni Tay Sonny Boy kapag may mga
palaro sa lugar dahil aktibong-aktibo siyang
sumasali dito.

Si Tatay Cresencio “Abat” Tamo ay isa din sa may mga pinakamalalayong bahay sa bundok.
Bukod sa pagsasaka ay nagaalaga din ng hayop para sa iba itong si Tay Abat. Tuloy, ay hindi siya
masyadong nakakadalo sa mga pagpupulong.

Sa kasalukuyan ay may dalawang (2) bagong miyembro ang BATROFA. Sila ay sina Tay Jose
Teleroso at Tay Rene Feliciano.

22
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA IV.
Ang Mga Kabalikat ng BATROFA

23
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
A. Christian Foundation for Children and Aging

Ang CFCA o Christian Foundation for Children and Aging ay isang organisasyon na nagsimula sa
America noong 1981. Ito ay nabuo sa pamumuno ng misyonaryo at magkakapatid na sina Jin Hentzen,
Bud Hentzen at Bob Hentzen, kasama si Nadine Pearce at Jerry Tolle.

Sa umpisa pa lang ay malinaw na sa mga bumuo ng organisasyon na tumulong sa mga


mahihirap, partikular sa mga bata at matatanda. Ito ay sa pamamagitan ng sponsorship ng mga gustong
tumulong sa mga bata o matanda. Inahalintulad nila ang sponsorship sa isang 2-way street, kung saan
nagagawang maipreserba ang dignidad ng taong tinutulungan at mapakinabangan ang tulong mula sa
personal na bigay ng mga sponsors.

Sa kasalukuyan ang CFCA ay may tatlong daan at sampung libo (310,000) na bata at matandang
sinusuportahan. Mayroon din itong dalawampung daan at pitumpu’t tatlong (273,000) na tumutulong o
sponsors, project staff members at partners sa dalawampu’t apat (24) na bansa sa Asya, Africa at Timog
Amerika. Sa Kansas, USA matatagpuan ang pangunahing opisina ng organisasyon.5

Misyon6

Ang layunin ng CFCA ay tumulong sa mga mahihirap at marhinalisadong sector sa buong


mundo, sa pamamagitan ng:

• Pagbibigay ng personal na atensyon at direktang tulong sa kabataan at matatanda, pati ang


kanilang pamilya, upang makapamuhay sila ng may dignidad, matugunan ang kanilang mga
potensyal at maging aktibong miyembro ng lipunan.
• Paghikayat sa mga mabubuting tao na mamuhay at makatulong sa mga mahihirap na tao sa
mundo, sa pamamagitan ng one-to-one sponsorship.
• Pagbuo ng komunidad kung saan ang lahat ay may ugnayan na may respeto sa bawat isa,
pagkakaunawaan at pagtutulungan na walang pinipiling kultura o relihiyon.

5 http://www.cfcausa.org/aboutus/history.html (Oct. 14, 2009)


6 http://www.cfcausa.org/aboutus/mission.html (Oct. 14, 2009)

24
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ang CFCA sa Pilipinas7

Nagsimula ang CFCA sa bansa noong 1982 at nagbunga ng limang (5) proyekto, sa iba’t ibang
lugar. Ito ay ang Legazpi, Manila, Quezon, Zamboanga at Antipolo Projects. Kilala rin ang proyektong ito
bilang Serve the Children and Older People Project.

Ang CFCA sa Rizal

Pinakaunang proyekto ng CFCA ay


nagsimula sa probinsiya ng Rizal, pangunahin na
sa bayan ng Antipolo. Ito ay pinamumunuan sa
kasalukuyan ni Ginang Malou G. Navio. Ang
kanilang opisina ay matatagapuan sa bayan ng
Angono, Rizal. Bukod sa Antipolo, kabilang na rin
sa mga bayan sa Rizal na tinutulungan ng CFCA
ay ang; Angono, San Mateo, Tanay, Taytay,
Baras, Cainta, Binangonan, Morong at Teresa.

Ang CFCA sa Teresa

Nagsimula ang Antipolo Project sa Teresa


noong 1999 nang mapag-alaman nila na ito ay
ginawang “relocation site” ng mga tao mula sa
siyudad. Sa kasalukuyan ay may walong libo
(8,000) na taong tinutulungan ang CFCA sa siyam
(9) na barangay ng Teresa. Kabilang dito ang
Barangay Dalig, partikular na ang Sitio ng
Abuyod.

Ang CFCA sa Sitio Abuyod

Sa simbahan ng Sitio Abuyod unang nagsimula ang programa ng CFCA sa lugar, noong 2006.
Nagsimula ito sa simpleng pagtuturo sa mga bata tungkol sa Diyos at Bibliya. Tuluyan na ring nagkaroon
ng sponsorship dito. Sa kasalukuyan nga ay mayroon nang isandaan at pitumpu’t anim (176) na
matatanda at batang tinutulungan sa Abuyod.

7 http://www.cfcausa.org/wherewework/cp_philippines.jsp

25
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Sa kasalukuyan si Kuya Lhoy Serrano ang staff-in-charge ng CFCA sa Abuyod. Gawain niya ang
pakikipagusap at pagdalo sa mga pagpupulong ng mga miyembro ng CFCA at paguulat nito sa opisina.
Si Kuya Lhoy din ang nangangasiwa ng lahat ng programa at proyekto ng CFCA sa Abuyod.

Dahil sa dami ng natutulungan ng CFCA sa samahan ay kinikilala at nirerespeto ang CFCA sa


Abuyod. Marami ang nagnanais na matulungan sila ng CFCA at nagsasabi ng pasasalamat nila sa mga
naitulong ng CFCA sa kanilang buhay.

Programa ng CFCA sa Abuyod

Educational Assistance
Sa Abuyod, karamihan sa mga miyembro
ng CFCA ay kabataan. Lahat ng miyembro ay
binibigyan ng suporta sa gastusin sa eskuwela,
mula sa kanilang mga sponsors. Ang mga
sponsors ay maaaring mula sa Pilipinas o sa
ibang bansa. Bawat bata ay may kani-kaniyang
sponsor na siya naming binibigyan ng mga bata
ng liham kada buwan. Sa liham na ito
nakakapagpasalamat at nakakapagkuwento ang mga bata at pamilya tungkol sa mga pangyayari sa
kanilang buhay. Ang CFCA ang siyang nagpapadala ng mga sulat na ito sa mga sponsors.

Monthly Goods
Buwan-buwan, ang bawat miyembro ng CFCA, ay binibigyan ng libreng pagkain ng CFCA.
Kabilang sa mga ibinigay ay labinlimang (15) kilo ng bigas, gatas, asukal, itlog atbp. Sa simbahan ng
Abuyod, karaniwang ibinabagsak ang pagkaing ito na pinipilahan, kadalasan ng mga kananayan.

Sa pagdaan ni Ondoy ay napilitang ibigay


kaagad ang goods para sa susunod na buwan.
Marami kasi sa mga nasalanta ay miyembro ng
CFCA kaya mabuting mapakinabangan na nila ito
kaagad.

Tulong Medikal
Para sa mga miyembrong nagkasakit,
lalo na sa matatanda, mahalaga ang
pagkakaroon nila ng libreng tulong medikal. Sa

26
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
prosesong ito, ay maaaring ipakita ng miyembro
ang resibo ng kanyang mga nabiling gamot o
bayarin sa hospital at maaari naman itong
bayaran ng CFCA o sponsor.

Pagpapaputang
Bukod sa mga libreng ibinibigay ng CFCA
ay nagpapautang din sila sa mga miyembro na
may balak na magtayo ng negosyo o kabuhayan.
Madalas ay sa mga samahan sa Abuyod ito
ibinibigay. Kabilang sa mga napag-uusapan nang
hanapbuhay na maaaring pondohan ng CFCA ay ang paggawa ng hollow blocks at tsinelas.

Crime Intervention
Marami sa mga tao sa Abuyod na aming nakapanayam ang nagsabing nakatulong talaga ang
CFCA upang maibsan ang pagkakaroon ng mga krimen sa lugar. Bago pa pumunta ang CFCA sa lugar,
ay sinasabi nang pugad ng mga kriminal ang Abuyod.

Layunin din kasi ng CFCA sa Abuyod ay ang matanggal na ang krimen sa lugar sa pamamagitan
ng pagbabalik loob sa Diyos. Hinihikayat ng CFCA na ang bawat miyembro ay dumalo sa mga ispiritwal
na pagpupulong at gawain ng CFCA.

“Kapitbahayan”
Sa Sitio Abuyod ginamit ng CFCA ang sistema ng “kapitbahayan”, upang mas maging madali ang
pagpupulong at pagoorganisa sa lahat ng miyembro ng CFCA sa barangay. Nahati sa walo (8) na
kapitbahayan ang Abuyod, na mas kilala sa tawag na K-1 hanggang K-8.

Ang bawat kapitbahayan ay may kanya-kanyang isekdyul ng pagpupulong. Dito sila ay


naguusap-usap ng kanilang mga sariling kalagayan, hinaing at rekomendasyon sa samahan. Dito rin
tinatalakay ang mga kasalukuyang takbo ng proyekto at programa ng CFCA sa kanilang lugar at pati na
rin ang pagpaplano mga susunod pang mga proyekto o programa. Ito ay pinangungunahan ng mga lider
ng bawat kapitbahayan Matapos nito ay magpupulong ang bawat lider ng kapitbahayan sa simbahan
kaharap si Kuya Lhoy ng CFCA. Ito ang tinatawag nilang “Bukluran”, na ginaganap tuwing unang Linggo
ng buwan. Dito inuuulat ng bawat lider ang napagusapan ng kanilang mga kapitbahayan upang malaman
ng CFCA. Dito rin naibababa ni Kuya Lhoy at CFCA ang kanilang mga susunod na gawain, proyekto at
programa para sa Abuyod.

27
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Empowerment and Reaffirmation of Paternal
Abilities (ERPAT)

Dahil napansin ng CFCA na madalas ay


ang mga kananayan lamang ang nagiging aktibo
sa CFCA at sa gawain ng kanilang mga anak, ay
naisipan nilang bumuo ng organisasyon na
maghihikayat na aktibong makasali ang mga
katatayan. Kaya naman nabuo ang ERPAT noong
2006, na may pangunahing layunin na maging
epektibong padre de pamilya sa kanilang pamilya
at sa buong komunidad ng Abuyod. Sa kasalukuyan, ang ERPAT, ay pinamumunuan ni G. Cecilio
Pinero.

Proyekto ng ERPAT

Kabilang sa mga proyekto na tinututukan


ngayon ng ERPAT ay ang pagpaplano ng mga
gawaing pangkabuhayan tulad ng paggawa ng
sabon at bumbilya, mga leadership trainings at
suporta sa mga kapwa tatay sa tulong ng
bayanihan.

Antipolo Project Parents’ Association (APPA)

Kung mayroon naming grupo ng katatayan, ay mayroon


ding grupo ng mga kananayan, na pawang miyembro ng CFCA.
Ang APPA ay nagsimula noong 2007 na noon ay mayroon
lamang labintatlo (13) na miyembro. Una itong pinamunuan ni
Mean Pabyos.

Proyekto ng APPA

Sa panunungkulan ni Ate Mean Pabyos sinimulan ang


mga proyekto tulad ng communal garden na siyang
magtataguyod ng pagkakaroon ng suplay ng halamang gamot sa
komunidad. Subalit naitigil ito dahil sa may nagmay-ari na ng lupa

28
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
na kanilang tinatamnan. Unti-unti na din itong
napabayaan ng mga tao.

Nagkaroon din ng proyekto sa pabahay


ang APPA sa panunugkulan ni Ate Mean.
Nakapagpatayo ng siyam (9) na bahay sa Abuyod
na ginastusan ng limang libong piso (P5,000.00)
bawat isa.

Kasama nga dito ang pagpapatayo ng


maliit na silid-aklatan na itinayo sa bahay ni Nay
Virginia “Vinia” Dicen.

Pagsulong ng Organikong Pagsasaka

Isa sa sinusuportahan ng CFCA ay ang


pagtataguyod ng ligtas na pagkain para sa bawat
pamilya. Ang sagot dito ay ang pagsuporta sa
mga organikong pagkain at sa organikong
pamamaraan ng pagsasaka.

Katuwang ang organisasyon na


MASIPAG ay napagpasiyahan ng CFCA na
hikayatin ang marami sa mga magsasaka sa
Abuyod na magsa-praktika ng organikong pagsasaka. Naging eksklusibo para lang sa mga
magsasakang nag-oorganiko ang CFCA. Tuloy ay sinimulang itayo ang BATROFA, isang organisasyon
ng magsasaka na gumagamit ng paraan ng organikong pagsasaka sa Abuyod.

Mga tulong na naibigay na ng CFCA sa


BATROFA:

• Makina sa Pagsasaka - Kabilang sa mga


programa ng CFCA para sa BATROFA ay
ang pagpapaputang nila ng labinlimang
piso (P15,000.00) sa samahan upang
makabili ng sarili nilang kuliglig at water
pump, na gagamitin sa pag-aararo at

29
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
pagpapatubig ng lupa. Noon kasi ay
umuupa pa sila sa ibang mayroon nito o
di kaya ay pinagtatiyagaan ang mahirap
na proseso gamit ang kalabaw.
• Kalabaw - Mula sa pondo ng CFCA ay
nakapagbigay sila ng kalabaw sa iilang
miyembro ng BATROFA upang
makatulong sa pagsasaka. Marami kasi
sa mga miyembro ay wala pang kalabaw
kaya mas mapapadali at mas
makakatipid sila kung magkakaron ng
kalabaw. Kapag nagkaanak na ang kalabaw na inaalagaan ng isang miyembro ay
mapapasakanya na ang anak nito. Ang nanay na kalabaw naman ay ibibigay sa susunod na
miyembro na wala pang kalabaw upang siya naman ang magkaroon ng pagkakataong
magkaroon ng kalabaw.
• Pondo Sa Trainings at Seminars - Malaking porsyento ng pondo ng BATROFA ay mula sa bigay
ng CFCA. Tuwing nagkakaroon ng seminar at training ang samahan ay madalas itong
pinopondohan ng CFCA, para sa badyet sa pagkain at pamasahe.

B. Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura8

Ang Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-


unlad ng Agrikultura o MASIPAG ay isang network
ng mga samahan ng magsasaka, mga non-
government organizations, at mga siyentipiko na
nagsusulong ng likas-kayang paggamit at
pamamahala ng biodiversity sa pamamagitan ng
pagkontrol ng mga magsasaka sa mga rekurso,
produksyon ng ani, at angkop na kaalaman.

Para sa MASIPAG, ang palay ay buhay.

Noong 1980, sa paglaganap ng kahirapan sa mga kanayunan sa Pilipinas, may ilang mga NGO’s
at grupo ng mga progresibong siyentipiko ang nagsagawa ng konsultasyon sa mga magsasaka sa iba’t
ibang lugar sa bansa. Ang mga konsultasyon na ito ay tinalakay ang epekto ng high yielding varieties
(HYV’s) sa mga maliliit na magsaska at iba pang mga problema ukol sa pangangalakal ng bigas.

8 EMPOWERING SMALL RICE FARMERS:The MASIPAG Approach ng PANAP RICE SHEETS

30
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Noong kalagitnaan ng 1985, isang


pambansang pagpupulong na binansagang ”BIGAS
Conference” o Bahanggunian Hinggil sa Isyu ng
Bigas ang naganap. Pagkalipas ng isang taon,
isang partnership ng mga magsasaka, siyentipiko,
at NGO ang nabuo at ang unang proyekto nito ay
ang pagkawala ng kontrol sa industriya ng palay ng
mga lokal at multinasyunal na kumpanya ng abono
at pestisidyo, multi-lateral rice research institutes, at
mga malalaking naglalako ng bigas.

Ang MASIPAG ay nagsusulong ng isang


holistic approach sa pagpapaunlad, pagpapalakas
ng pamayanan, at pagkuha ng mga magsasaka ng
control sa agrikultura bilang kontribusyon sa
pangkalahatang pagkilos tungo sa
masmaginhawang buhay para sa maliliiit na
magsasaka.

Ang pinakamithiin ng MASIPAG ay mapaangat ang antas ng buhay ng mga maliliit na


magsasaka at mapalakas sila sa pamamagitan ng:
• Sama-samang pagpaplano at pagpapaunlad,
• Epektibo at mahusay na paggamit ng mga lokal na rekurso,
• Akseso at kontrol sa produksyon ng rekurso, katulad ng binhi, teknolohiya, at lupa,

Ang development approach ng MASIPAG ay may limang stratehiya:


• Ang pagtutulungan ng magsasaka at siyentipiko upang pagsamahin ang mga teorya at
teknikal na kaalaman ng mga
siyentipiko sa mga karanasan at
mga praktikal na kaalaman ng
mga magsasaka
• Isang bottom-up na pamamaraan
upang mapahalagahan ang mga
pangangailangan ng komunidad,
ang kanilang mga problema at
pangarap

31
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
• Pananaliksik at pagsasanay na
pinapangunahan ng mga
magsasaka sa pamamagitan
ng mga trial farms na
pinamamahalaan ng mga
magsasaka
• “”Magsasaka para sa
magsasaka” na pamamaraan
ng pagtuturo ng teknolohiya
• Pagtataguyod para sa likas-
kaya/organikong agrikultura,
tunay na reporma sa lupa, mga karapatan ng magsasaka, at pagsalungat sa pagpatent
ng buhay, genetically engineered organisms, mga kasunduan ng GATTWTO sa
agrikultura at ibang mga isyu na nakakaapekto sa magsasaka.

Nagpasya ang mga magsasaka na simulang gumamit ng tradisyunal na mga variety ng palay sa
kadahilanang hindi ito masyadong nangangailangan ng pestisidyo at abono at madaling nakakaakma sa
kapaligiran. Ang pagpapalahi ng palay ang kinilala na pangunahing pag-aaralan upang mapabuti ang
mga tradisyunal na varieties. Kaagapay ng pananaliksik sa pagpapalahi ng palay, pag-aaralan din ang
alternabing pagkontrol sa mga peste upang hindi na gumamit ng mga kemikal na pestisidyo, at
pamamahala ng kalusugan ng lupa upang maging likas-kaya ang produksyon ng palay. Ang layon ay
mabawasan ang gastos na dulot ng pagbili ng magagastos na kemikal na abono at pestisidyo.

Sa ngayon, ang MASIPAG ay may 456 na samahan ng magsasaka, 42 na NGO, at labing limang
siyentipiko.

C. Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayan


– Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at
Pagpapaunlad ng Pamayanan (DCD –
CSWCD)

Ang mga miyembro ng Team Teresa ay


mga mag-aaral ng DCD – CSWCD sa
Unibersidad ng Pilipinas Diliman na kumukuha ng
kursong BS Community Development.
Pinatitingkad ng kagawaran ang huling taon ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng Field Instruction Program (FIP) kung saan sila ay pinapadala sa iba’t

32
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ibang lugar sa bansa upang mailapat at mag-analisa ng mga natutunan nila sa loob at labas ng apat na
sulok ng silid-aralan.

Ang DCD FIP ang nagiging oportunidad ng mga estudyante na matuto sa mga people’s
organizations, non-government organizations, at local government units na ang mga programa, proyekto,
at mga gawain ay magpapakita ng ugnayan ng teorya at praktika, at magpapaunlad at magpipino ng
kakayahan at kasanayan sa Community Organizing – Community Development.

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay naitalaga sa Teresa, Rizal kung kaya’t nabuo ang
Team Teresa. Sila ay ginagabayan ni Dr. Ma. Corazon Jimenez-Tan, isang propesor ng CSWCD.

Mga layunin sa Teresa, Rizal

33
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA V.
Ang Pakikipagsapalaran ng Team Teresa at ng BATROFA

34
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
A. Pag-aaral sa Kahirapan ng Abuyod
(Poverty Study of Abuyod)

Kaugnay ng pag-aaral tungkol sa


komunidad ng Abuyod sa Dalig, Teresa, Rizal,
nagsagawa ang grupo ng isang pag-aaral
tungkol sa kahirapan na nararanasan ng mga
tao sa komunidad.

Nagkaroon ng dalawang bahagi ang


pag-aaral, una ay ang pangangalap ng
impormasyon kung saan ay nagsagawa ng interview survey ang grupo sa pamamagitan ng purposive
sampling at ang ikalawa naman ay ang kumpirmasyon kung saan ay nagkaroon ng isang focus group
discussion.

Sa unang bahagi ng pag-aaral, ginamit bilang metodolihiya ng grupo ang pagsasagawa ng


interview. Purposive sampling ang ginamit ng grupo sa pagtukoy ng mga magiging bahagi ng pag-aaral.
Sa kabuuan ay nakapag-interview ang grupo ng sampung residente ng Sitio Abuyod.

Ang ikalawang bahagi naman ng pag-aaral ay ang kumpirmasyon sa mga unang nakalap na
impormasyon. Ginamit naman ng grupo na metodolohiya ay ang focus group discussion o FGD. Ang
naging kalahok naman dito ay labing-isa at pawang mga miyembro ng BATROFA.

Pero bago natin tingnan ang kahirapan sa loob ng komunidad, ang grupo ay nagsagawa din ng
isang Socio-Economic Baseline Survey upang mas mapalalim ang pagkilala sa mga kalahok sa pag-aaral
na ito.

Demographic Data

Gender Distribution Makikita sa unang graph ang gender


distribution ng mga kalahok sa pag-aaral. Walo sa

20% mga ito ay babae samantalang dalawa naman ay

Male lalaki. Kapansin-pansin sa komunidad na ang mga


babae ang kadalasang naiiwan sa bahay sa
Female kadahilanang ang mga lalaki ay nagtratrabaho sa
labas.
80%

35
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Sa chart naman na ito makikita ang edad 3.5 Age Range


ng mga respondents ng pag-aaral. Makikita na 3

karamihan sa mga kalahok ay nasa 35 hanggang 2.5


39 ang edad. Ang pinakabatang kalahok ay 30 2
Frequency
taong gulang at ang pinakamatanda naman ay 69
1.5
na taong gulang.
1

0.5
Kung titignan naman ang tagal nilang
0
naninirahan sa Sitio Abuyod, makikitang 30 - 34 35 - 39 40 - 44 45 - 49 50 - 54 60 - 64 65 - 69

karamihan sa mga kalahok ay 10 – 15 na taon at


36 – 40 na taon ng nandito. Marami sa mga
naninirahan sa komunidad ay mga pinalipat ng Length of Stay in Abuyod 10 to 15
gobyerno mula sa urban poor communities sa
21-25
Maynila
10%
10% 30% 26-30

36-40

30% 10% 41-45


10%
46-50

Educational Attainment

R Number Educ (yrs) Educ years

1 3rd Yr HS 9
2 HS Graduate 10
3 2nd Yr HS 8
4 1st Yr HS 7
5 Grade 2 2
6 2nd Yr College Undergrad 12
7 3rd Yr HS 9
8 1st Yr College Undergrad 11
9 HS Graduate 10
10 1st Yr College Undergrad 11

36
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Sa unang table naman makikita ang natamong edukasyon ng mga nakapanayam ng grupo. Ayon
dito, wala sa mga kalahok ang nakatapos ng kolehiyo ngunit tatlo sa kanila ang naktungtong naman dito.
Makikita din na ang pinkamataas na antas na naabot ng kalahok ay 2nd year sa kolehiyo at ang
pinakamababa naman ay Grade 2. Kung titignan ang average na taon nila sa pag-aaral, makikita na 9 na
taon ito kung saan ang average educational attainment ay 3rd year sa highschool

Mapapansin naman sa table sa ibaba


na ang lahat ng pangunahing
pinagkukuhanan nila ng kita ay mga
trabahong mahahanay sa sektor ng
manggagawa. Marapat lang na sabihin natin
na karamihan ng mga tao sa Abuyod ay mga
manggagawa.

Anim sa mga kalahok ay walang


pangalawang pinagkukuhanan ng kita.
Kadalasan kasi, ang mga trabahong ito ay
ginagawa ng mga asawang babae o anak na lalaking panganay

Pangunahing pinagkukunan ng kita

MAIN SOURCE OF INCOME 2ND SOURCE OF INCOME

Security Guard 2 None 6

Scrapper 2 Midwife 1

Construction Worker 2 Naglalaba at namamalantsa 1

Taxi Driver 1 Sari-sari Store 1

Street Sweeper 1 Part-time Industrial Farmer 1

Industrial Farmer 1

None 1

Ayon sa table sa ibaba, makikita dito ang mga impormasyon tungkol sa mga pamilya ng mga
kalahok sa pag-aaral. Makikita na mayroong kabuuang 29 na kabataan ang nasasaklaw ng Socio-
Economic-Baseline Survey at 29 din ang bilang ng mga adults. Sa kabuuan, ang bilang ng mga kalahok
sa pag-aaral ay 58 katao.

37
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Kung titingnan naman ang average educational level ng bawat household, kapansin-pansin na
walang umabot sa kolehiyo o kahit sa 4th year high school man lang. Ang pinakamataas ay 3rd year high
school at ang pinakamababa ay Grade 2. Halos walang pinagkaiba sa educational attainment ng mga
kalahok. Ang average years in education ng lahat ng households ay pitong taon na nangangahulugan na
ang average educational level ng lahat ng households ay 1st year high school.

Household Data

No. of child living No of other HH Ave. age Educ


Number Educ level
in the household member (Yrs)
Children Adult

1 3 1 15 42 3rd Yr HS 9

2 5 1 9 38 Grade 6 6

3 1 3 17 30 2nd Yr HS 8

4 6 5 9 31 2nd Yr HS 8

5 0 0 0 69 Grade 2 2

6 3 1 9 55 Grade 5 5

7 4 1 5 33 Grade 6 6

8 2 2 5 30 3rd Yr HS 9

9 5 2 12 29 3rd Yr HS 9

10 0 3 0 31 2nd Yr HS 8

Sa chart na ito makikita naman ang age group


ng mga kabataan na parte din ng pag-aaral. Age group of children
0 to 4
Karamihan sa mga kabataan ay nasa edad na 15
hanggang 18 na taong gulang. Ang pinakakaunti ay 24%
34% ` 5 to 9
ang mga nasa 10 hanggang 14 na taong gulang. Ang
pinakabata sa lahat ng nasasaklaw ng pag-aaral ay 2
10 to 14
buwang gulang, samantala ang pinakamatanda ay 18
14% 28%
na taong gulang.
15 to 18

38
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

19-21
Age group of Adult Sa kabilang banda, narito naman ang
22-25
age group ng mga nakatatanda o adult na
30-33
bahagi din ng pag-aaral. Makikita na
3% 3% 34-37
3% 3%
7% 21% karamihan ng masasabing adults ay nasa 19
38-41
3%
hanggang 21 na gulang pa lamang. Sumunod
42-45
naman ang mga nasa 22 hanggang 25 na
46-49
18%
18%
50-53
taong gulang kung kaya’t maaaring sabihing
10% 10%
58-61
bata pa ang populasyon ng Sitio Abuyod.

62-65

66-69

Employment and Income Sources

Main Source of Income (Annual) 20,000-25,000 Bahagi din ng pag-aaral ang kita ng
46,000-50,000 mga kalahok sa isang taon. Dito sa ikalimang
chart makikita na mayorya sa mga pamilyang
51,000-55,000
10% 20% nakapanayam ay kumikita ng Php 20,000
10%
56,000-60,000
hanggang Php 50,000 bilang pangunahin
66,000-70,000 nilang pinagkukuhanan ng kita.
10%
20%
10% 81,000-84,000
10% 10% Siyam sa sampung pamilyang kalahok
96,000-100,000
ng pag-aaral ay kumikita ng mas mababa pa
>100,000 sa Php 100,000 sa isang taon.

2nd Source of Income (Annual)


Sa apat na pamilyang may sekondaryang
pinagkukuhanan ng kita, dalawa ang mayroon pang 0

ikatlong pinagkakakitaan. Ito ay ang pagbebenta ng 10%


10% 11,000-15,000
gulay at pagtratrabaho ng panganay na anak.
21,000-24,000
10%
60%
10% 31,000-35,000

106,000-110,000

39
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Other source of income (Annual)


Mayorya naman ng mga

0
nakapanayam ay walang pangalawang
10% pinagkakakitaan. Samakatuwid, ang mga
10%
pamilyang ito ay umaasa lamang sa kita ng
46,000-50,000 kanilang bread winner.

80%
66,000-70,000

Per Capita Income

Per Capita Income


R Number TOTAL INCOME
Annual Monthly Daily Number of HH Members

1 16,800 1400.00 46.03 84,000 5


2 7,714 642.86 21.14 54,000 7
3 12,000 1000.00 32.88 60,000 5
4 9,000 750.00 24.66 108,000 12
5 24,000 2000.00 65.75 24,000 1
6 25,248 2104.00 69.17 126,240 5
7 12,000 1000.00 32.88 72,000 6
8 57,900 4825.00 158.63 289,500 5
9 12,000 1000.00 32.88 96,000 8
10 18,000 1500.00 49.32 72,000 4

Sa talahanayang ito makikita naman kung paano ang bahagian budget sa loob ng pamilya ng
mga kalahok sa pag-aaral na ito. Kung papansinin ang daily per capita income sa taas, nakalagay doon
ang budget ng bawat miyembro ng household para sa isang araw. Halimbawa ang pamilya ni
Respondent 1 na kumikita ng Php 84,000 sa isang taon ay may badyet na Php 46.03 para sa bawat
miyembro ng kanyang pamilya para sa isang araw. Ang Php 46.03 na ito ay nagsasaklaw na ng lahat ng
gastusin katulad ng pagkain, kuryente, damit, gastos para sa edukasyon, pamasahe, mga bisyo, atbp.

40
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Mapapansin na bagamat kumikita ng
Php 108,000 sa isang taon ang pamilya ni
Respondent 4, ang bawat isa sa labingdalawang
miyembro ng kanyang household ay may
budget lamang na Php 24.66 bawat isa.
Samakatuwid kahit na malaki ang kinikita sa
isang taon ng pamilya, kung marami rin naman
ang miyembro ng pamilya, maliit pa din ang
budget ng bawat isa.

Kung titignan ang average annual,


monthly, at daily per capita income para sa lahat ng households ay Php 19,466.23, Php 1,622.19, at Php
53.33.

Annual Expenses

Annual Expenses
Food
12%
clothes
2%
0% kitchen fuels

6% Electricity

Drinking
3% water
Furniture
5%
Education
1%
Health
1%
63% Fiesta, etc.
3%
1% House repair
3% Cigars,
liquors
Others

Sa graph namang ito makikita na pagkain ang pangunahing pinaggagastusan ng mga


nakapanayam. Pumapangalawa rito ang ibang gastusin tulad ng pamasahe at puhunan sa mga maliliit na
negosyo.

41
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Per Capita Expense

Per Capita Expense Number of HH


R Number Total
Annual Monthly daily Members

1 86,858 17,371.60 1,447.63 47.59 5

2 42,952 6,136.00 511.33 16.81 7

3 73,550 14,710.00 1,225.83 40.30 5

4 73,758 6,146.50 512.21 16.84 12

5 57,200 57,200.00 4,766.67 156.71 1

6 84,062 16,812.40 1,401.03 46.06 5

7 112,108 18,684.67 1,557.06 51.19 6

8 135,278 27,055.60 2,254.63 74.12 5

9 149,558 18,694.75 1,557.90 51.22 8

10 46,450 11,612.50 967.71 31.82 4

Sa bawat araw, gumagastos ang bawat


miyembro ng household ni respondent 1 ng Php
47.59. Kung ikukumpara natin ito sa kanilang
daily per capita income na Php 46.03,
makikitang hindi sapat ang kinikita ng kanilang
household para sa pang-araw-araw na
gastusin.

Lima sa mga household na


nakapanayam ay kulang ang kinikita para sa
araw-araw, at lima rin naman ang may sobra
pang kita o kaya’y halos sakto lang.

Kung ikukumpara natin ang average per capita income ng lahat ng households na Php 53.33 at
ang average per capita expense ng lahat ng households na Php 53.27, masasabing on the average halos
sakto lang ang kanilang kinikita para sa kanila.

42
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Household Assets
Housing Toilet
R
Housing Toilet Light Source 1 - Concrete - all
Number
1 2 3 1 2 3 1 2 3 4 cement, wood or 1 - Toilet w/ septic

1 √ √ √ tiled floor, tile roof tank


2 - Semi concrete -
2 √ √ √
combination of
3 √ √ √
wood, cement and 2 - Toilet w/
4 √ √ √ tile roof underground filter
5 √ √ √ 3 - Light - wood,
bamboo, leaves,
6 √ √ √
grasses, soil floor 3 - Others
7 √ √ √
Light source
8 √ √ √
1 – Electricity
9 √ √ √ 2 – Petrol lamp
10 √ √ √ 3 – Pump Lamp
4 – others

Sa table 6 naman makikita ang assests ng mga pamilya na kabilang sa pag-aaral na ito. Ayon
dito, karamihan sa mga bahay ng mga kalahok ay gawa sa kahoy, semento, at yero. May iilan na gawa
sa kahoy ang bahay na ang sahig ay yung lupa mismo.

Lahat naman ng nakapanayam ng


grupo ay mayroong palikuran na may inidoro at
septic tank, ngunit ang ilan sa mga ito ay
pinaghahatian ng dalawa hanggang tatlong
pamilya.

May dalawa sa sampung nakapanayam


ang walang kuryente sa bahay kung kaya’t
lampara ang gamit nilang ilaw sa gabi.

43
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Household Assets

R Fuel for Cooking Source of Drinking Water Legend


Number Fuel for cooking
1 2 3 4 5 1 2 3 4 5
1 – Electricity
1 √ √
2 – Petrol/Gas
2 √ √
3 – Firewood
3 √ √
4 – Charcoal
4 √ √
5 – Others
5 √ √
Source of drinking water
6 √ √
1 - Water tap
7 √ √
2 – Artesian well
8 √ √
3 – Rain water
9 √ √
4 – pump
10 √ √ 5 – Others

Kung papansin naman ang talahanayang ito, makikita na karamihan sa kanila ay panggatong na
kahoy ang ginagamit kapag nagluluto. Samantala, ang inumin naman nila ay nagmumula sa poso.

Household Assets – Land


Have Land
R Number Land Size (sq m) ownership arrangements
Yes No
1 √ 60 government owned
2 √ 69 government owned
3 √ 53 government owned
4 √ 80 government owned
5 √ 20 government owned
6 √ 60 government owned
7 √ 20 government owned
8 √ 60 government owned
9 √ 30 government owned
10 √ 24 government owned

Narito naman sa table na ito ipinapakita ang tungkol sa mga lupa na tinitirikan ng kanilang bahay.
Lahat sa mga nakapanayam ng grupo ay mayroong lupa kung saan ang pinaka-maliit ay 20 sq. m at ang
pinakamalaki naman ay 80 sq. m. Ngunit ang lahat ng lupa na tinitirikan ng kanilang lupa ay hindi nila
pagmamay-ari. Sila lamang ang nag-aalaga nito pero ang nagmamay-ari ay ang gobyerno. Samaktuwid,

44
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ang lupang kanilang tinitirhan ay kanila lamang inaalagaan at dadating ang panahon na maaari silang
mapaalis dito na kanila namang kinatatakutan.

Isa pang tinitignan na assets ng mga pamilyang bahagi ng pag-aaral ay ang mga durable goods
o appliances. Sa table sa ibaba mapapansin na halos lahat ng nakapanayam ng grupo ay mayroong
colored TV maliban sa isa dahil siya ay bulag na kaya’t tanging radio na lamang ang kaniyang pang-aliw
sa kanyang sarili. Apat naman sa sampung nakapanyam ng grupo ay mayroong DVD O VCD player sa
kanilang bahay. Dalawa din sa sampu ang mayroong karaoke sa bahay at isa ang may rice cooker at
washing machine. Makikita din na kalahati sa mga nakapanayam ang nagmamay-ari ng cellphones. Pero
mayroon din sa mga nakapanayam na walang anumang appliances sa bahay dahil wala silang kuyente.

Household Assets – Durable Goods


Type of Durable Goods
R Number Others
1 2 3 4 5 6 7 8 9
DVD player and mini-
1 √ √ karaoke
2 √ Cellphone
DVD player and cellphones
3 √ √ (4)
VCD player and cellphones
4 √ √ (3)
5 √
6 None. No electricity.
7 None. No electricity.
Rice cooker, washing
machine, DVD player,
8 √ √ karaoke, and cellphones (3)
9 √ √ DVD player and cellphone
10 √

Legend:
1 - motorcycle / motorboat 2 – Bicycle 3 - Black & White television
4 - Colored television 5 – Radio 6 – Furniture
7 – Refrigirator 8 - Gas Stove 9 – Electric Fan

Sa table na nasa ibaba ipinapakita ang credit facility o kung saan nagungutang ang mga kalahok
sa tuwing kinakapos ng panggastos. Mapapansin na dalawa lamang sa sampung nakapanayam ang
walang pinagkakautangan at 8 dito ay mayroong mga utang.

45
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ayon dito, karamihan sa mga kalahok ay may utang o nagkaroon ng utang sa taon na ito. Marami
rin sa mga kasama nila sa bahay ang may utang. Makikita din na lahat sila ay nanghiram ng pera sa mga
informal na institusyon tulad ng mga kooperatiba o sa kanilang mga kamag-anak. Ang karaniwang
dahilan naman nila ng pangungutang ay upang mayroong pandagdag sa pang-araw-araw na
pangangailangan, pagsisimula o pagpapatuloy ng negosyo, at pangpapadoktor.

Makikita din dito na iba-iba ang sistema ng kanilang pagbabayad dahil na rin sa ito ay informal na
pautang lamang. Iba-iba din ang interes na ipinapataw pero karamihan sa kanila ay walang interes na
binabayaran sa tuwing sila ay mangungutang.

Access to Credit Facility


Have HH have
Source of credit Purpose of Credit
R Credit credit Paymen Interest
Number t (%)
Yes No Yes No Formal Informal 1 2 3 4 5

1 √ √ √ √ weekly 3%
N
2 √ √ A

3 √ √ √ √ 6 months 5%

4 √ √ √ √ indefinite none
N
5 √ A

6 √ √ √ √ √ 2 months 3%

7 √ √ √ √ 4 months 5%

8 √ √ √ √ √ indefinite none

9 √ √ √ √ 3 weeks none

10 √ √ √ √ √ √ indefinite none

Legend:
1 – Daily needs 4 – medicines/hospitalization
2 – Business/livelihood investment 5 – Others
3 – Operational cost in livelihood

46
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Reasons for Informal Credit Preference


R Reasons for Preferring Informal Credit
Number 1 2 3 4 5 6 7
1 √ √
2 √ √
3 √ √ √
4 √ √
5 √
6 √ √ √
7 √ √
8 √ √
9 √
10 √

Legend :
1 – Difficult to obtain credit sources 2 – Difficult in transaction costs 3 – Hard to repay
4 – Live far from credit source 5 – do not understand credit preferences
6 – there is collateral 7 – high interest rates

Dito naman makikita sa table na ito ang mga kadahilan kung bakit lahat ng nakausap ng grupo ay
hindi sa bangko nangungutang ng panggastos.

Mapapansin na isa sa kanila ang nagsabi na kaya hindi sila nanghihiram ng pera sa mga bangko
ay dahil mahirap daw itong bayaran. Anim naman s kanila ang nagsabi na malayo rin kasi ang mga
bangko sa kanilang lugar kaya’t mahihirapan
silang pumunta dito para lanag mangutang. Isa
rin ang nagsabi na hindi niya naiintindihan ang
proseso sa bangko kaya’t mas gusto niyang sa
kamag-anak na lang mangutang. Lima naman
ang nagsabing wala silang maibibigay na
collateral dahil wala naman silang ari-arian.
Anim naman sa sampung nakapanayam ang
nagsabi na mabigat daw masyado ang interest
rates ng mga bangko kaya’t di nila kakayanin na
magbayad dahil hindi din regular ang
pinagkukunana nila ng income para sa pang-
araw-araw.

47
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Decision – making patterns

Areas of
1. Infusion of additional capital to 2. Going to new business/ 3. Marketing of products (whom to
Decision -
current livelihood activity livelihood activity sell, what price?)
making
Who
Rel
usually N Relative Relative
MA FA Both Relatives NA ativ Both NA MA FA Both NA
makes final A s s
es
decision
1
√ √ √
2 √ √ √
3 √ √ √
4 √ √ √
5
(Lives
alone)

6 √ √

7 √ √

8 √ √

9 √ √

10 √ √ √

Table 12. Patterns of Decision Making


Legend : MA – Male Adult FA – Female Adult

48
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Areas of 4. Expansion of existing 6. Build or repair house
Decision - household business or livelihood 5. Purchase of new equiptment
making activity
Who
usually
makes FA Both Relatives NA MA FA Both Relatives NA MA FA Both Relatives NA
MA
final
decision
1
√ √ √
2 √ √ √
3 √ √ √
4 √ √ √
5
(Lives
alone)

6 √ √ √

7 √ √ √

8 √ √ √

9 √ √ √

10 √ √ √

Legend : MA – Male Adult FA – Female Adult

49
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Areas of
7. Purchase of new durables in 8. Transfer employment in
Decision - 9. Going outside the village
the house different place
making
Who MA FA Both Relatives NA
usually M Relative N Relative
FA Both MA FA Both NA
makes final A s A s
decision
1 √ √ √
2 √ √ √
3 √ √ √
4 √ √ √
5
(Lives
alone)
6 √ √ √
7 √ √ √
8 √ √ √
9 √ √ √
10 √ √

Legend : MA – Male Adult FA – Female Adult

50
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Areas of
Decision - 11. Involvement in community
10. Education o the Children
making politics 12. Family Planning
Who
usually Relative N Relative N
MA FA Both MA FA Both MA FA Both Relatives NA
makes final s A s A
decision
1 √ √ √
2 √ √ √
3 √ √ √
4 √ √ √
5
(Lives
alone)
6 √ √ √
7 √ √ √
8 √ √ √
9 √ √ √
10 √ √

Legend : MA – Male Adult FA – Female Adult

51
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ipinapakita ng table na ito ang ilan sa mga bagay na kailangan pagdesisyunan sa loob ng
pamilya at kung kanino ang pinal na desisyon sa mga ito.

Makikita na lalaki ang kadalasang nagdedesisyon sa pamilya lalo na sa usapin ng pagkakaroon


ng kita para sa pamilya, mga bagay na mabibigat tulad ng pagaayos ng bahay at maging pagbili ng mga
kasangkapan sa bahay. Mapapansin naman na parehong lalaki at babae ang nagdedesisiyon sa usapin
ng edukasyon ng mga anak at ng family planning. Katulad ng ibang pamilya, ganoon din ang paraan ng
pagdedesisyon sa komunidad ng Abuyod.

Matapos makilala ng husto ang mga taong bahagi ng pag-aaral at sumailalim sa socio-economic
baseline survey, tingnan na natin ang kanilang naging pagtingin sa kahirapan.

Pananaw sa Kahirapan

Mula sa naganap na “World Summit on Social Development” 9 na ginanap sa Copenhagen, ang


United Nations (UN) ay nagbigay ng panlipunang depinisyon ng pangkalahatang kahirapan o overall
poverty (Gordon, 2005). Ayon dito, ang kahirapan ay maaaring tumukoy sa sumusunod:

• Kahinaan • Lack of human capital


• Powerlessness • Pagkahiwalay
• Kakulangan sa • mababang pagtingin sa lipunan
pangangailangang materyal

Ang mga ito din ang ginamit ng grupo sa pagtingin ng kahirapan ng mga naging bahagi g pag-
aaral.

Material deprivation
Isa sa mga tinitignan na konsepto ng kahirapan ay ang kakulangan sa materyal na kagamitan ng
mga tao sa komunidad. Kadalasang inihahambing ng mga tao ang kahirapan sa kawalan ng appliances,
luho at pera.

9 Mula sa 1995 World Summit for Social Development ng Copenhagen kung saan tinalakay ang pangkalahatang plano
ng aksyon upang labanan ang kahirapan. Ang pagtitipong ito ay dinaluhan ng 117 na pinuno ng mga bansa –
pinakamalawak na pagtitipon ng mga pinuno ng bansa, sa buong kasaysayan.

52
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Base sa mga nakapanayam ng grupo, 5
sa kanila ang walang trabaho at ang 5 naman
ay mayroong napagkukunan ng panggastos sa
pang araw-araw. Ang kanilang kita ay umaabot
sa P300 – P1000 sa isang buwan. Kung
titignan, hindi sapat ito kung marami sa
pamilya. Kaya’t kadalasan na gingawa ay hindi
na bumibili ng mga bagay na hindi naman
kailangan. Tanging sa pagkain at gamot
nailalaan ng pamilya ang kanilang kinikita.

Ayon sa mga nakalap na datos, nakita ng grupo na karamihan sa kanila ay di sapat ang kanilang
kita para makabili ng mga kagamitan para sa bahay at iba pang kailangan nila.
Anim sa aming nakausap ang nagsabi na ang kanilang budget ay napupunta lamang sa pagkain, gamot,
kuryente at tubig. Madalas kapag sila ay kinapos sa pera lalo na kapag may nagkasakit sa pamilya,
nangungutang na lamang sila sa kapitbahay.

Nakita din ng grupo na karamihan sa kanila ay may mga appliances tulad ng TV, DVD at electric
fan. Isa lang sa 10 na aming nakausap ang mayroong refrigirator at isa din lang ang mayroong washing
machine. Karamihan sa kanila ay kahoy ang gamit upang makapagluto. Isa lamang sa kanila ang
nagsabi na mayroon silang stove sa kanilang bahay. Pero kahit mayroon sila ng mga kagamitang ito, ang
kapalit naman nito ay ang bayad sa pagkonsumo ng kuryente.

Dahil dito, makikita na sila ay walang kakayahan na makuha ang kanilang mga luho. Hindi sapat
ang kanilang kinikita upang makabili ng mga gamit sa bahay. Inilalaan nila ang kanilang kita sa kanilang
pagkain at pambayad sa kuryente at mga gamot. Kaya’t naiisip ng mga tao na sila ay mahirap dahil wala
sila ng mga gamit na mayroon ang ibang tao. Wala silang kakayahan na makuha ang kanilang gustong
bilhin bukod sa kanilang pangunahing
pangangailangan.

Mababang pagtingin sa sarili


Isa din sa naging basehan upang
makita ang kahirapan ay ang pagtingin ng mga
tao sa kanilang estado. Kadalasan na ang
mahihirap ay iniisip na wala silang kakayanan
upang maipagtanggol ang sarili dahil mababa
ang kanilang estado sa lipunan.

53
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Ayon sa mga nakapanayam ng grupo,


lahat sila ay nagsabi na wala silang kakayanan
na tumakbo sa pulitika dahil wala silang pera at
wala silang sapat na kaalaman. Anim sa kanila
ang nakatungtong ng highschool na kung saan
2 sa kanila ay natapos ang 4 na taon. 3 naman
sa kanila ang nakatungtong ng kolehiyo ngunit
isa lang ang nakatapos. Ang isa naman sa
kanila ay hanggang grade 2 ang narating. Dahil
dito mababa na ang kanilang tingin sa kanila
dahil hindi sapat ang kanilang kaalaman
kumpara sa ibang tao. Bukod dito, naitanong din ng grupo sa mga nakapanayam kung nakaranas na ba
sila ng pagtataboy sa mga establisamento tulad ng ospital, malls at iba pa. Anim sa mga nakapanayam
ang nagsabi na sila ay nakaranas na ng pagtataboy sa ospital. Kadalasan nilang sinasabi na dahil wala
silang pambayad kaya’t di sila maaaring gamutin sa ospital. Dahil dito, kahit gustuhin man nila na
pumunta sa ospital kapag mayroong nagkasakit sa kanilang pamilya ay di na nila magawa dahil alam
nilang itataboy lamang sila dahil wala silang perang pambayad. Ang kanila na lamang ginagawa ay
gumagamit ng halamang gamot o di kaya ay sa mga health centers na lang pumupunta.

Maging ang pagtatanggol ng sarili sa batas ay hindi nila kaya ayon sa kanila. Isa sa kanilang
dahilan ay ang batas ay nabibili ng pera. Tanging mayayaman lamang ang may kaya na gawin ito. Ang
isa pa ay dahil wala silang pera pambayad ng kanilang abugado kaya’t di nila kakayanin na ipagtanggol
ang sarili.

Ang isa pang dahilan ng kanilang mababang pagtingin sa kanilang sarili ay dahil na rin sa
kanilang edad. Nabanggit ng isa sa mga
nakausap ng grupo na dahil matanda na siya ay
umaasa na lang siya sa kanyang anak.

Kung titignan ang ganitong sitwasyon,


makikita na dahil din sa kapwa natin kaya’t
naiisip ng mga tao na sila ay mahirap. Tulad sa
mga ospital na nagtataboy sa mga tao kapag
walang maipambabayad. Dahil dito, mas
tumatalima sa isipan ng tao na wala silang pera
at mahirap lang sila. Hindi nila kakayaning

54
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
tumakbo sa pulitika at makapasok sa mga
ospital. Kaya’t nagiging mababa ang kanilang
pagtingin sa kanilang estado sa lipunan dahil sa
mga ito. Dahil din sa kanilang edad kaya’t
naiisip nila na wala na silang kakayanan na
mataguyod ang kanilang pamilya. Kaya’t naiisip
nila na mahirap sila at mababa ang estado sa
lipunan.

Isolation
Ang pagkakahiwalay ay maaaring
maramdaman sa pagiging malayo sa mga lugar na madalas ay kailangang puntahan tulad ng palengke,
munisipyo, eskuwelahan, pagamutan at iba pa. Malimit kasi ay sa mga sentro o kapitolyo ng bayan
matatagpuan ang mga ito. Kaya naman marami sa mga komunidad na nasa labas ng sentro ang hindi
madaling nakakatanggap ng mga serbisyong pampubliko.

Maaari din naman itong sanhi ng kawalan ng sapat na akses sa mga proyekto ng gobyerno.

Siyam (9) ang nagsabing malayo ang palengke, munisipyo, health center at ospital sa kanilang
lugar. Sa ‘bayan’, sa may Barangay Dalig, pa kasi ang pinakamalapit na palengke, munisipyo at health
center. Upang makapunta dito ay kailangan pang mamasahe ng apatnapung piso (P 40.00) papunta pati
pabalik sa traysikel. Ang biyahe ay kadalasang umaabot ng labinlimang (15) minuto papuntang bayan.

Dahil nga malayo ang palengke, marami sa kanila ang bumibili na lang sa mga naglalako ng
gulay mismo sa lugar.

Wala namang matatagpuang ospital sa


Teresa, Rizal. Ang pinakamalapit na
pampublikong ospital ay nasa katabing bayan
ng Morong at Antipolo pa. Kadalasan, ang
pamasahe papunta ay nasa tatlumpung piso (P
30.00) at ang biyahe naman ay maaaring
umabot ng mga tatlumpung (30) minuto.

Isa (1) lamang ang sumagot na hindi


siya nalalayuan sa pagpunta sa bayan o sa
ospital. Para sa kaniya, madali lang naman

55
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
pumunta ng bayan basta may pamasahe. Kung
wala naman ay kaya naman daw itong lakarin
kahit medyo mahirap. Mahirap, dahil
maalikabok at minsan maputik ang daan
papuntang bayan.

Madali lang puntahan ang eskuwelahan


ayon sa lahat ng aming nakausap na pamilya.
Nasa loob lang kasi ng Sitio Abuyod ang
mababa at mataas na paaralan, na malapit lang
sa kanilang mga bahay.

Ngunit, lahat din sila ang nagsabing malayo na sa kanila ang kolehiyo. Sa Morong o Antipolo din
kasi matatagpuan ang malalapit na kolehiyo. Bukod dito ay mahal din ang pamasahe kung sakaling
uwian ang mag-aaral.

Sa aming mga nakapanayam ay iisa lamang ang may pinag-aaral sa kolehiyo sa Maynila.
Marami ang tumigil na pagkatapos ng hayskul upang mag-trabaho.

Kaalaman sa mga proyekto ng gobyerno


Lahat sila ay nagsabing kanilang nalalaman ang mga proyekto ng gobyerno kapag may
nagbabahay-bahay sa kanila o kaya ay sa sabi-sabi ng mga kapitbahay.

Kadalasan sa mga proyekto na isinasagawa sa lugar ay libreng tulong-medikal, programang


pangkabuhayan at libreng pakain. Bukod dito, lahat din sa kanila ang nabisita at nakapanayam na ng
CENSUS.

Nang amin silang tanungin kung may


nagawa na ba ang gobyerno upang maibsan
ang kahirapan sa kanilang lugar, marami sa
kanila ang di-sumangayon. Walo (8) sa kanila
ang naniniwalang wala pang ginagawa ang
gobyerno sa kanilang lugar. May nagsabi din
na puro lang pangako pero hindi naman
natutupad. Dumadami lang daw ang proyekto
kapag eleksyon pero pagkatapos ay nalilimutan
na din sila.

56
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Samakatuwid, masasabi nating hindi pa


ganap na nararamdaman ang epekto ng
gobyerno sa mga pamilyang aming
nakapanayam. Masasabi ring hindi sapat ang
mga proyektong kanilang isinasagawa upang
maibsan ang kahirapan sa lugar.

Kung ating titingnan, masasabi nating


mahirap ang mga nakapanayam ng grupo sa isyu
ng isolation. Marami kasi sa kanila ang
naniniwalang sila ay malayo sa mga
mahahalagang lugar na puntahan. Malayo na nga ito ay mahal pa ang pamasahe bagkus, lalo pang
humihirap ang kanilang kalagayan. Marami din ang nagsasabing hindi nila nararamdaman ang mga
proyekto ng gobyerno laban sa kahirapan. Mayroon mang proyekto ay panandalian lamang ang tulong
na nabibigay.

Vulnerability
Isa sa mga sukatan ng kahirapan ng isang tao ay ang kakayahan nitong makaiwas at
makabangon sa pagkakasakit at sa mga kalamidad.

Ang pagkakaroon ng sakit sa pamilya ang nangungunang pinakamahirap na karanasan ng mga


pamilyang aming nakapanayan. Ayon sa kanila, mahirap magkasakit dahil mahal ang gamot, malayo
ang botika, klinika o ospital, at maaaring hindi makapagtrabaho kapag may sakit.

May ilan din naming pamilya ang iniiwasan na ang pagkakaroon ng sakit sa kanilang mga anak.
Sa sampung (10) pamilyang aming
nakapanayam, apat (4) lamang sa kanila ang
nagpapainom ng bitamina sa kanilang mga
batang anak upang makaiwas sa sakit. Ngunit,
magkaiba rin ang badyet nila para dito. Dalawa
(2) sa kanila ang may badyet na tatlong daang
piso (P 300.00) sa isang buwan, para sa
dalawang anak. Isang libong piso (P 1,000.00)
naman ang badyet ng natirang dalawang (2)
pamilya kada isang buwan, para sa tatlo o higit
pang anak.

57
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Kung susumahin, pito (7) sa pamilya
ang sinasali ang gamot o bitamina sa kanilang
badyet. Kadalasan ay gumagastos sila ng
tatlong daang piso (P 300.00) hanggang isang
libong piso (P 1,000.00) kada buwan, sa gamot
pa lamang.

Kung atin itong ibabase sa buwanang


suweldo ng pamilya, malaki ang nakakain na
pera ng gamot sa badyet ng pamilya. Upang
makatipid, dalawa (2) sa pamilya ang
gumagamit muna ng halamang-gamot kapag may nagkakasakit. Bukod sa epektibo at madaling ihanda
ay marami din ang mapagkukuhanan ng mga halamang-gamot sa kanilang lugar.

Ngunit, isa (1) sa aming nakausap, na sa kasamaang-palad ay nabulag, ang nagsabing hindi na
niya kayang ipagamot ang kanyang mga mata dahil matanda na raw siya, walang trabaho at walang
perang pang-opera o pambili ng gamot. Hindi rin naman daw ito kayang tustusan ng kaniyang
inaasahang anak, na sa ngayon ay nagbibigay sa kanya ng pagkain at tirahan.

Bukod sa pagkakasakit, isa rin sa inalam ng grupo ay ang kakayahan ng pamilyang makaiwas o
makabangon sa kahit anumang kalamidad. Mula sa kanila, napagalaman na ang madalas na kalamidad
na nararanasan sa lugar ay ang pagbagyo at pagbaha.

Siyam (9) sa aming nakapanayam ang hindi pa nakakaranas ng kalamidad na dulot ng bagyo at
baha sa Sitio Abuyod. Iisa lamang ang nasalanta na ng bagyo ang kanilang bahay kaya’t napilitang
lumikas sa simbahan.

Kami rin ay nagtanong tungkol sa


kanilang sariling pananaw sa kakayahan nilang
makabangon sakaling maapektuhan sila ng
kalamidad sa lugar. Iba-iba ang naging sagot
ng bawat pamilya.

Isa (1) sa kanila ang di kumpiyansa,


kung kakayanin ng kanilang bahay ang isang
malakas na bagyo. Mahina lang daw kasi ang
pundasyon ng kanilang bahay.

58
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Subalit, siyam (9) sa kanila ang


sumasang-ayon na kahit na mahirap, ay kaya
naman ng kanilang pamilya na makabangon
pagkatapos matamaan ng bagyo o baha. May isa
(1) rin ang nagsabing marami naman ang
magbibigay ng tulong kung sakaling masalanta
sila.

Samakatuwid, masasabing marami pa rin


sa kanila ang naniniwalang kaya nilang mai-ahon
ang sarili sakaling matamaan ng kalamidad, tulad
ng bagyo o baha.

Lack of human capital


Kadalasan ang pagiging mahirap ay iniuuganay din sa kawalan ng kaalaman, problema sa
kalusugan na kung saan naaapektuhan ang kanilang gawain at walang kapasidad na makapagatrabaho.

Ayon sa mga nakapanayam ng grupo, karamihan sa kanila ang nakatungtong lamang ng


hayskul. 2 lamang sa mga ito ang natapos ang 4 na taon sa hayskul. Dahil dito ay wala silang kapasidad
na makakuha ng trabaho na bubuhay sa kanilang pamilya. Kadalasan ay ang mga nakatapos ng kolehiyo
ang tinatanggap sa mga trabaho. Mayroon din iba na tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho na lang.
Pero dahil hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral, ang nakukuha nilang trabaho ay mababa lang ang
sahod. Kaya’t di pa din sapat ang kanilang kinikita upang maging maasyos ang kanilang pamumuhay.

Ang isa pang nakitang dahilan ng grupo ay ang pagkakasakit ng miyembro sa pamilya. Ayon kasi
sa mga nakapanayam ng grupo, ang
pinakamahirap na naranasan nila sa buhay ay sa
tuwing may nagkakasakit sa kanilang pamilya. 3
sa mga ito ang nagsabi na dahil wala silang pera
ay di nila maipagamot ang kanilang kapamilya.
Dahil din sa pagkakasakit ay di sila makakagawa
ng kanilang mga gawain o di kaya ay hindi sila
makapagtrabaho dahil mahina ang kanilang
pangangatawan. Mas mahirap pa kung ang
nagkasakit ay ang taong nagtatrabaho para sa
pamilya dahil sa kanila lang sila umaasa.

59
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Sa kabuuan, naaapektuhan ng
edukasyon at kalusugan ang pagkakaroon ng
limitadong pantaong kapital. Kapag hindi sapat
ang edukasyong natamasa, nalilimitahan din ang
kakayahan ng tao na makakuha ng malaking
suweldo at matatag na trabaho. Kapag nagkaroon
naman ng sakit, lalo na kung ang nagkasakit ay
ang nagtatrabaho para sa apmilya, nalilimitahan
din ang kapasidad ng tao na magtrabaho kung
kaya’t hindi din maganda ang kita. Dahil sa isyu
sa edukasyon at kalusugan, kadalasan na
nahihirapan ang mga tao na makakuha ng mapagkakakitaan kaya’t naiisip nila na sila ay mahirap.

Powerlessness
Ang kahirapan ay iniuugany din sa hindi ganap na nabibigyan ng pagkakataong mabisang
makilahok sa lipunan o sa mga proyekto at serbisyo ng gobyerno.

Nakita ng grupo sa resulta ng mga panayam, nararamdaman nila na sila ay mahirap dahil wala
silang kakayanan na maipagtanggol ang kanilang sarili sa batas. Ayon sa kanila, ang batas ay nabibili ng
pera kaya’t tanging mayayaman lang ang may kayang gawin ito. Wala din silang kapasidad na makakuha
ng magaling na abugado para sila ya maipagtanggol. Mahal daw ng serbisyo ng mga abugado kaya’t
swerte na sila kung sila ay makakuha ng libreng serbisyo ng abugado.

Bukod dito, ang pagsali nila sa pulitika ay kabilang din sa mabisang pakikilahok sa lipunan. Pero
ayon sa mga nakapanayam, lahat sila ay walang
kakayahan na tumakbo sa kahit anong posisyon
sa pulitika dahil wala silang sapat na kaalaman at
pera. Nakikita nila na ang pulitika ay puro pera
kaya’t di nila ito kakayanin na pasukin.

Mahalaga na magkaroon tayo ng parte sa


ating lipunan. Maganda na mayroon tayong
pakikilahok sa gobyerno upang makabahagi tayo
sa mga proyekto at serbisyo mula sa gobyerno.
Pero dahil sa kahirapan, hindi nagagawa ng

60
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
karamihan na makilahok sa ganitong pagkakataon. Wala silang sapat na kaalaman at pera upang
mapasok ang pulitika at kahit maipagtangol lamang sila sa batas.

Social exclusion
Ang kahirapan ay uri ng pamumuhay na minsa'y nakakapagdulot ng ekslusyon o paghihiwalay ng
mga tao sa ibang tao sa komunidad. Sa Abuyod di ito nangyayari sapagkat halos pare-parehas ang
estado at ang nararanasan ng mga tao doon. Sa halip na sila ay maghiwa-hiwalay ay lalo pa silang
naglalapit dahil parehas sila ng dinaranas kung kaya't sila ay nagtutulungan na lang upang maka-angat
ang isa't isa.
Ang kadalasang ekslusyon na naranasan ng aming mga nakapanayan ay ang pagtataboy sa
kanila sa mga ospital at iba pang lugar na nagbibigay ng medikal na serbisyo. Si Tatay Melchor ay
nakaranas ng ipagtaboy sa isang maternity clinic sa kadahilanang wala silang perang pambayad ng
caesarean na panganganak ng asawa. Si Nanay Merla naman ay nakaranas ng di lapatan ng lunas ang
kanyang anak noong nakagat ito ng aso. Katulad ng nangyari kay Tatay Melchor ay tinanggihan din sila
gamutin sa ospital sapagkat wala siyang pambayad. May iba pang nakuwento ang aming mga
nakapanayan ukol dito ngunit kadalasan ay ukol ito sa di pagtanggap ng mga ospital sa mga pasyente na
wala o kulang ang pambayad para sa ospital.

Di naman sila nakakaranas ng pagtataboy sa simbahan, paaralan, mall, restaurant at iba pa.

Income poverty
Ang income poverty ay isa ring aspeto na tiningnan ng grupo upang maanalisa ang kahirapan sa
Abuyod, Teresa Rizal. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng mababang sahod, mga matatanda, mga
may kapansanan, ang mga manggagawang walang lupa at ang geograpikal na kalagayan ng lugar. Ang
mga nabanggit ay kasalukuyang nararanasan ng mga tao na nakapanayan ng grupo.

Kadalasan ang mga haligi ng tahanan o ang mga ama ang nagtatrabaho at nagbibigay ng
kabuhayan sa pamilya ayon sa aming mga nakapanayam. Nakadepende ang buong pamilya sa sweldo
ng ama. Ito ang pinagpipilitang pagkasyahin ng nanay upang matustusan ang mga pangangailangan ng
pamilya. Nalaman din ng grupo hindi sapat ang kinikita ng ama para sa kanyang pamilya. Mababa ang
sahod na binibigay sa kanila at kadalasan ay hindi ito sumasapat sa araw-araw na gastusin ng pamilya.
Si Tatay Luisito na isang construction worker ay kumikita ng Php 4500.00 kada buwan at ito ang
pinagkakasya ni Nanay Angelita sa kanilang pamilya na may 7 miyembro kung saan 4 sa kanila ay nag-
aaral pa. Si Tatay Ronald naman ay kumikita ng Php 200.00 kada araw sa pagiging laborer. Wala ding
kasiguraduhan ang kitang ito sapagkat may mga araw na walang trabaho si Tatay Ronald. Hindi sapat
para sa pamilya ang kanilang sweldo, hindi rin ito sapat para sa kanilang pagod sa pagtratrabaho.

61
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ang mga matatanda at may
kapansanan ay madalas na di na nakakakuha
ng trabaho kung kaya't karaniwang umaasa na
lang sila sa tulong ng anak, kamag-anak o sa
panlabas na tulong tulad ng mga organisasyon.
Dalawa sa sampung nakapanayam ay senior
citizen na. Si Tatay Jesus ay 69 na taong
gulang at si Nanay Violeta naman ay 62 taong
gulang. Parehas silang di na nagtatrabaho dahil
sa di na sila tinatanggap at baka di na rin
kayanin ng kanilang katawan. Si Nanay Violeta
maliban sa matanda na ay isa rin siyang bulag. Sila ay umaasa na lamang sa suporta ng kanilang mga
anak at sa tulong ng CFCA. Si Nanay Violeta ay di na umaasa na uunlad pa ang kanyang kalagayan.
Para sa kanya ay wala na siyang pag-asa upang umunlad. Sinabi din niya na hinihintay na lamang niya
ang kanyang kamatayan. Ang mga matatanda at may kapasanan ay di na nabibigyan ng oportunidad
upang kumita ng pera kung kaya't sila ay dumedepende na lang sa tulong ng iba.

Ang mga magsasaka sa Abuyod, Teresa, Rizal ay nagsasaka ng lupang di kanila. Karamihan sa
kanila ay di nila pagmamay-ari ang lupang sinasaka o di kaya'y sila ay manggagawa na inuupahan ng
mga may-ari ng lupa upang magsaka. Ang mga magsasaka dito ay nangangamba sa mga maaaring
mangyari kapag dumating na ang may-ari ng lupa na sinasaka nila at ang ibang magsasaka naman na
inuupahan ay kinakailangan pang magbayad o magbigay ng ani sa may-ari ng lupa. Sa parehas na
sitwasyon ay lugi ang mga magsasaka dahil walang kasiguraduhan ang kanilang buhay at kita sa
pagsasaka at ito ay nakadepende lamang sa may-ari ng lupa. Sila ang mga magsasakang halos 20-30
taon ng nagsasaka sa lupang iyon, sa lupang di nakapangalan sa kanila. Sila ay mga manggagawang
naglalaan ng oras at pagod upang paunlarin ang lupang di naman kanila.

Pagkumpirma ng nakalap na datos

Sa ikalawang bahagi naman ng pag-


aaral, nakita ng grupo na mayroong pagkakaiba
sa mga naging sagot nang ikinumpirma ng
grupo ang naunang nakalap na datos.

Sa usapin ng material deprrivation,


ayon sa mga kalahok, totoong hindi nila kayang
bumili ng mga appliances at iba pang

62
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
kasangkapan sa bahay. Dahil hindi regular ang trabaho ng halos lahat ng pamilya sa kanilang
komunidad, minsan ay ang kita ay para lamang sa gastos sa bahay tulad ng pagkain at pambayad sa
kuryente. Mas inilalaan nila ang kanilang kita sa pangunahing pangangailangan. Pero ayon din sa kanila,
kakayanin nilang makapag-invest ng mga ganitong bagay kung magsisikap sa pagtatrabaho.

Ang usapin naman sa low social status, hindi naman sinang-ayunan ng mga kalahok ang naging
resulta ng unang pag-aaral. Ayon sa kanila ay kahit walang pinag-aralan o di sapat ang mga napag-
aralan, hindi ito dahilan upang maging mababa ang pagtingin sa sarili. Hindi rin sila sumang-ayon na na
dahil sa edad at kapansanan ay mababa na rin ang pagtingin sa kanila. Pare-pareho pa din na
namumuhay ng tama kung kaya’t hindi ito basehan para sabihin na mababa ang kanilang katayuan
kumpara sa ibang tao.

Pagdating naman sa isolation o


pagkakahiwalay, ayon sa mga naging
bahagi ng kumpirmasyon, sumang-ayon
naman sila na medyo may kalayuan ang
mga ospital, palengke at maging police
station sa kanilang lugar. Kailangan ng pera
para pamasahe upang makarating dito.
Pero dahil rin sa hirap ng buhay ay maging
ang pamasahe ay mahirap na din na
mahanap kaya’t minsan lang sila
makapunta sa mga lugar na nasa bayan. Ang proyekto naman ng gobyerno ay minsan lang din nila
maramdaman. Kadalasan ay tuwing eleksyon lamang nila nakikita na may ginagawa ang gobyerno. Iilan
pa lamang ang kanilang nakitang ibinahagi ng mga pulitiko sa kanilang komunidad. Ito ay ang paaralan,
ang pagkakabit ng kuryente at paggawa ng daan.

Sa pagiging vulnerable sa sakit, kalamidad at baha ay ayon sa kanila ay hindi sila naaapektuhan.
Paminsan-minsan ay mayroong nagkakasakit sa komunidad pero hindi naman ito kadalasang
nangyayari. Kapag mayroong kalamidad tulad ng bagyo ay nararanasan nila ito pero hindi nakakaapekto
ang mga ito sa kanila. Hindi rin daw sila apektado ng baha dahil ang kanilang lugar ay nasa mataas na
lugar kaya’t hindi kayang bahain. Unang beses lamang nangyari sa komunidad ang nangyaring pagbaha
na sumira ng maraming bahay. Hindi daw nila ito inakala na mangyayari kaya’t ang lahat ay gulat sa
pangyayaring iyon. Pero kitang-kita sa kanila na kahit ano pa ang mangyari ay kaya nilang umahon lalo
na kung nagtutulungan ang bawat isa sa komunidad.

63
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ayon naman sa mga nakausap ng grupo, ang usapin naman sa lack of human capital ay hindi
dahilan ang kakulangan sa kaalaman o kahinaan sa pagkakaroon ng maayos na trabaho na sasapat ang
kita para sa pamilya. Ayon sa kanila katamaran lamang ang umiiral kung kaya’t hindi sila nakakakita ng
trabaho. Nasabi din nila na kailangan lamang na maging maabilidad upang makakita ng trabaho na
sasapat sa gastusin ng pamilya.

Ayon sa naging FGD, nabanggit ng mga kalahok tungkol sa usapin ng powerlessness, kaya
nilang ipagtanggol ang kanilang sarili sa legal na paraan. Hindi dahilan ang kulang sa kaalaman o kahit
sa pera. Maging ang pagtakbo sa pulitika ay kaya naman kung ito ay barangay level lamang. Ayon sa
kanila kahit kulang ang kaalaman at salat sa pera, kung ang naisin naman ay sa ikabubuti ng komunidad,
malakas ang magiging laban .

Pagdating sa social exclusion, ayon sa mga kalahok ay ito ay karamihan sa komunidad ay di


nakakaranas nito. May ilan sigurong nakaranas ng ipagtabuyan sa mga ospital, mall o restaurant pero
hindi naman karamihan sa kanila anng nakaranas nito.

Ang income poverty naman ay masasabing totoo lalo na sa usapin sa lupang sinasaka. Ang mga
magsasaka sa komunidad ay nangangambang mawala ang kanilang lupa kapag dumating ang panahon
na kunin ng mga nagmamay-ari ang kanilang lupang sinasaka. Maging ang pag-asa ng mga nakatatanda
sa komunidad at may kapansanan ay totoo. Pero, ang edad ay hindi hadlang upang maging mababa ang
pagtingin sa sarili. Kaya pa din ng mga nakatatanda
ang ilang gawin kaya’t di maituturing na wala na
silang kapasidad na gawin ang mga bagay-bagay.
Ang pagkakaroon naman ng mababang sahod ay
totoo ding nararanasan ng karamihan sa Sitio
Abuyod. Hindi regular ang kanilang trabaho dahil
halos lahat ay nasa construction nagtatrabaho na ibig
sabihin ay hindi araw-araw ay may kinikita ang mga
ito.

B. Case study ng Organic Farming ng BATROFA


bilang isang community project

Ang Bayembi Abuyod Teresa Rizal Organic


Farmers’ Association (BATROFA) ay sinusuportahan
ng Christian Foundation for Children and the Aging
(CFCA). Sa layuning magkaroon ng ligtas at likas-

64
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
kayang supply ng bigas para sa mga taga-
Abuyod, Teresa, Rizal (ATR), pinakilala ng CFCA
sa BATROFA ang Magsasaka at Siyentipiko para
sa Pagpapaunlad ng Agrikultura (MASIPAG)
upang magkaroon sila ng kaalaman sa
organikong pagsasaka.

Noong 2006, sa tulong ni Kuya Tony at


Kuya Chris na mga coordinators ng MASIPAG sa
ATR, nagsimulang dumalo sa libreng seminars at
trainings ukol sa organikong pagsasaka ang
BATROFA. Ang mga seminars ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa mga benepisyo na maaaring
makuha mula sa organikong pagsasaka. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng masmaliit na gastos sa
pagsasaka
bawas gastos sapagkat hindi na kinakailangan bumili ng komersyal na abono at pestisidyo ng
magsasaka at ang kabutihang maidudulot nito sa ating kalusugan sapagkat hindi ito ginagamitan ng kahit
anong kemikal. Dumalo din ang BATROFA ng mga trainings kung saan sila ay tinuruan sa organic
farming mula sa pagpapataba ng lupa, pagsasagawa ng trial farm, pagtatanim ng organikong binhi,
paggawa ng mga organikong pataba at pestisidyo, at pagaalaga ng organikong palay. Dahil sa pagdalo
ng seminars at trainings ay nalaman ng BATROFA ang mga benipisyo na maaari nilang makuha mula sa
organic farming kung kaya't napagpasyahan nilang gawin ito. Pagkatapos ng ilang buwan na pagsasanay
at pag-aaral ng mga miyembro ng BATROFA sa organikong pagsasaka ay sinimulan na nila ang trial
farm noong taong 2006. Ang kanilang pagtatanim ng napiling organikong binhi sa kanilang palayan ay
nagsimula noong sumunod na taon na 2007. Ang pagsasagawa ng trial farm at isang beses kada taon sa
isang palayan ng miyembro at ngayon ay apat (4) na beses na ang naisagawang trial farm ng BATROFA.
Patuloy din ang organikong pagsasaka ng mga
kasapi ng samahan at sa ngayon ay may anim (6)
hanggang pitong (7) hektarya na ng lupa ang
kanilang natatamnan ng organikong palay.
Ipagpapatuloy ng BATROFA ang organikong
pagsasaka upang maabot ang kanilang mga
pangarap na masuportahan ang feeding program
ng CFCA, maitaguyod ang organikong pagsasaka
sa Pilipinas, at higit sa lahat ay ang makapag-ani
ng sapat na bigas para sa sambayanang Pilipino.

65
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Proseso ng Organikong Pagsasaka

Ang pagsasagawa ng organic farming


ay mahahati sa tatlo na bahagi. Ang unang bahagi ay
ang pagkakaroon ng trial farm, ang pangalawa ay ang
pagtatanim ng binhi at pangangalaga sa palay at ang
pangatlo ay ang pag-ani ng bigas at paghahanda
upang mailuto o maibenta.

Ang unang bahagi ay sinisimulan sa pag-


aararo kung saan binubungkal ang lupa upang ito ay
mabasag at mapadali ang susunod na proseso na
pagsusuyod ng lupa. Ang pagsusuyod ay isa ring
proseso kung saan dinudurog ang lupa upang
masmaging pino ito bago tatamnan ng mga binhi. Ang
sunod na proseso ay ang paglilinang ng lupa kung
saan ang pinapantay na ang lupa. Ito ang huling
proseso sa paghahanda ng lupa. Ang huling proseso sa bahaging ito ay ang pagbababad ng binhi sa
tubig. Ilalagay ang mga binhi sa sako saka ito ibababad sa isang drum ng tubig sa loob ng dalawampu't
apat (24) na oras. Ang susunod na proseso ay ang maayos na paglalagay ng naibabad ng binhi sa
nilinang na lupa. Pagkatapos ng labinglimang araw (15) ay handa ng ilipat tanim ang mga binhi.

Ang pangalawang bahagi ay magsisimula sa paglilipat ng napiling binhi mula sa trial farm. Tulad
ng naunang proseso ay itatanim ito sa nalinang na lupa. Palagian itong bibisitahin at aalagaan.
Pagkatapos ng isang buwan ay maaari na itong lagyan ng organikong pataba tulad ng dumi ng kalabaw
at ng organikong pestisidyo tulad ng binurong bituka ng isda. Maaari rin na gamasan o tanggalan ng
damo ang palayan kung marami ng damo ang tumutubo dito. Patuloy lang ang proseso ng paglalagay ng
organikong pataba at pestisidyo at paggagamas hanggang magkaroon na ng bunga sa katawan ng
palay. Kapag mayroong bunga na ang katawan ng palay ay kinakailangang itigil na ang paggagamas
sapagkat maaaring maapektuhan nito ang bunga.

Magsisimula ang pangatlong bahagi pagkatapos ng tatlong (3) buwan mula ng paglipat tanim.
Ang karet ang ginagamit upang anihin ang mga palay. Pagkatapos makuha ang mga palay ay ipapagpag
ito upang bumaba o mahulong ang mga bunga. Tapos ay papahanginan ang mga bunga ng isang araw
bago ito ibibilad upang matuyo sa loob ng isa (1) hanggang (2) araw. Pagkatapos ibilad ang mga bunga
ay hahakutin na ito upang ipakiskis. Ang pagkikiskis ay isang mabilis na proseso lamang sapagkat

66
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ginagamitan na ito ng makinarya. Ang isang
kaban ay natatapos sa pagkikiskis sa loob ng
isang oras. Pagkatapos mapakiskis ay pwede ng
ibenta at iluto ang bigas.

Ang tatlong bahaging ito ay paulit-ulit


lamang ginagawa sa bawat simula ng
pagtatanim. Dahil isang beses pa lamang sa
isang taon nagtatanim ng palay ay karaniwang
nagsisimula ito ng Hunyo hanggang Oktubre o
Hulyo hanggang Nobyembre. Kung bibilangin ang
mga araw ay tinatanyang isang daan at dalawampung araw ang gugugulin mula trial farm hanggang pag-
ani.

Problema sa organikong pagsasaka

Ang mga problemang hinaharap kadalasan ng mga miyembro ng BATROFA sa kanilang


organikong pagsasaka ay ang kawalan o kakulangan ng pambayad sa mga tao na tutulong sa
pagsasaka. Ang solusyon na kanilang ginawa dito ay nagtutulungan sila maghanda ng lupa upang
matamnan na ng binhi. Kasali dito ang proseso ng
pagbasag, pagsuyod at paglinang ng lupa. Kapag
natapos ng ihanda ang lupa ng isang miyembro ay
lumilipat sila ng palayan at ibang miyembro naman
ang kanilang tutulungang maghanda ng lupa.

Isa ring problema na nararasan ng mga


miyembro ng BATROFA ay ang paggawa ng mga
organikong pataba at pestisidyo. Dahil nga ay organic
ito ay kinakailangan talaga itong paggugulan ng oras
sa paggawa. Ang mga sangkap ng organikong
pestisidyo ay di naman binibili tulad ng mga dumi ng
hayop, balat ng saging, bituka ng isda at iba pa. Sa
ngayon ay pinagsisikapan na lamang nila maglaan ng
oras sa paggawa ng mga pestisidyo at pataba na
organiko.

67
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Pamamahala at mga polisiyang uniiral sa
organikong pagsasaka ng BATROFA

Ang pamamahala ng organikong


pagsasaka ay nagbabago kada taon sapagkat
ang namamahala dito ay ang taong nagsasaka
sa lupa na pinagganapan ng trial farm. Siya ang
magdidikta kung kalian sisimulan ang
paghahanda sa lupa bago magtanim, kailan
magtatanim at maglalagay ng organikong
pataba, ang pag-gagamas at iba pang proseso
sa pagtanim. Ang trial farm ay nagaganap at inililipat kada taon sa mga miyembro ng BATROFA.

Ang organikong pagsasaka ng bawat


miyembro ay walang polisiya ngunit ang
pagsasagawa ng trial farm ay may mga alituntunin
o tila gabay na dapat sundin tulad ng saktong
sukat, bilang ng variety na itatanim, layo at lapad
ng pagtatanim. Ang mga sukat na ito ay mula sa
MASIPAG na nagturo sa kanila ng organikong
pagsasaka.

Ayon sa Saligang Batas ng BATROFA


ang bawat miyembro ay obligadong dumalo at
tumulong sa trial farm ng samahan. Hinihikayat rin silang dumalo sa mga pagtulong o bayanihan na
ginagawa ng BATROFA upang matulungan ang kanilang kasapi na makapagtanim sa oras at
mabawasan ang gastos sa upa ng mga
manggagawa sa sakahan.

Mga nakamit at pagbabago sa buhay ng


BATROFA dahil sa organikong pagsasaka

Sa loob ng apat (4) na taon nilang


nagoorganikong pagsasaka ay madami ng
nakamit at kahit papaano ay nabago ang buhay
ng BATROFA at pati na rin ang mga miyembro
nito. Dahil sa patuloy na pagbibigay ng mga

68
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
seminars sa kanila ng MASIPAG ay patuloy rin
ang pagdagdag ng kanilang kaalaman ukol sa
organikong pagsasaka. Mula sa kanilang unang
natutunan na mga benepisyo at proseso ng
organikong pagsasaka ay nagkaroon na rin sila
ng kaalaman sa pagpapalahi ng mga binhi,
paggawa ng iba't ibang organikong pataba at
pestisidyo, sa pagaalaga ng organic o native na
manok at baboy, paggawa ng halamang gamot at
ang pagtatanim ng iba't ibang organikong gulay.
Maliban sa mga kaalaman na ito ay lumiit din ang
gastos ng mga miyembro sa pagsasaka sapagkat di na sila bumibili ng pataba at pestisidyo. Dumami rin
ang mga variety ng palay na kanilang tinatanim, kung dati ay dalawang (2) variety lang ngayon ay apat
(4) na ang variety o higit pa ang kanilang tinatanim. Nakabuti din sa kanilang kalusugan ang pagkain ng
organic dahil ayon sa kanila ay masnaging maliksi at magaan ang kanilang pangangatawan. Ang organic
farming din ay nakapagbigay sa kanila ng pagkakataon na makapunta sa iba't ibang lugar tulad ng
Camarines Sur, Nueva Ecija, Bicol at iba pa.

Di lang sa kanilang mga sarili nagkapagdulot ng pagbabago ang organic farming kundi pati na rin
sa kanilang mga pamilya. Dahil sa organikong pagsasaka ay masmarami ng naiimbak para sa konsumo
ng kanilang pamilya. Kahit na maskaunti ang kanilang ani ngayon kaysa noong di pa sila organiko ay
masmalaki naman ang kanilang natitipid sapagkat malaki ang gastos nila noon sa mga pataba at
pestisidyo. Masmasustansya na rin ang kinakain ng pamilya ng mga miyembro ng BATROFA sapagkat
walang kemikal ang mga gulay at bigas na kanilang naaani.

Nagbago din ang kalagayan ng BATROFA simula ng sila ay nagorganic farming sapagkat
masnakilala sila sa ibang mga samahan ng magsasaka, gobyerno at organisasyon na tumutulong sa mga
samahan. Ang bunga ng pagiging kilala ay nagkaroon ang samahan ng tulong mula sa labas tulad ng
kalabaw, kagamitan at patubig mula sa ibang organisasyon. Dahil sa maraming lugar na nakilang
napuntahan, mga pagaaral na kanilang nagawa at sa mga taong kanilang nakasalamuha ay tumaas ang
kanilang tingin sa kanilang samahan at sa mga kasapi nito. Isa ring pagbabago ng samahan ay naging
masmasaya ang kanilang pagsasama kaysa noon sapagkat ngayon ay wala na silang pinoproblema na
pera pambili ng pataba at pestisidyo. Ang BATROFA din ay naging buo dahil sa parehas ang kanilang
gawain sa sakahan ngayon at iba ito kaysa sa ibang magsasaka na di nagoorganiko. Higit sa lahat ang
BATROFA o Bayembi Abuyod, Teresa, Rizal Organic Farmer's Association ay di nakagapos sa Teresa o
sa Rizal lamang sapagkat ngayon ay nakakapagturo na rin sila sa ibang samahan ng magsasaka sa
Rizal at pati na rin sa labas ng Rizal ng organikong pagsasaka.

69
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Pag-uugnay ng organikong pagsasaka sa pag-


aaral sa kahirapan

Material Deprivation
Isa sa mga tinitignan na konsepto ng
kahirapan ay ang kakulangan sa materyal na
kagamitan ng mga tao sa komunidad.
Kadalasang inihahambing ng mga tao ang
kahirapan sa kawalan ng appliances, luho at
pera.

Ayon sa mga miyembro ng BATROFA ay natulungan sila ng organic farming upang makabili ng
mga kagamitan sa bahay at magkaroon ng mga kagamitan sa pagsasaka at ng mga alagang hayop tulad
ng kalabaw. Ang di pagbili ng mga kemikal na pataba at pestisidyo ay ang naging dahilan upang makabili
ng mga kagamitan sa sarili, sa bahay at sa pagsasaka ang mga miyembro sapagkat nabawasan ang
kanilang dating gastos pagsasaka dahil sa mga kemikal na ito. Dahil din sa organic farming ay patuloy
silang sinusuportahan ng CFCA at MASIPAG kung saan nakakakuha sila ng tulong upang makabili ng
kagamitan sa pagsasaka.

Low Social Status


Isa din sa naging basehan upang makita ang kahirapan ay ang pagtingin ng mga tao sa kanilang
estado. Kadalasan na ang mahihirap ay iniisip na wala silang kakayanan upang maipagtanggol ang sarili
dahil mababa ang kanilang estado sa lipunan.

Ang organic farming ay nakatulong sa


mga miyembro ng BATROFA na magkaroon ng
masmataas na pagtingin sa kanilang sarili at na
makita ang kahalagahan ng mga magsasaka sa
ating lipunan. Ang realisasyon na ito ay dahil sa
mga pagpupulong at seminar na nadaluhan ng
mga miyembro ng BATROFA. Dahil din sa
CFCA at MASIPAG ay masnagkaroon sila ng
lakas ng loob na maipagtanggol ang sarili sa
batas kung sakaling bawiin sa kanila ang
kanilang mga lupang sinasaka. Umaasa silang
tutulungan at di sila pababayaan ng kanilang mga sponsor organizations.

70
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Pagkakahiwalay
Ang pagkakahiwalay ay maaaring maramdaman sa pagiging malayo sa mga lugar na madalas ay
kailangang puntahan tulad ng palengke, munisipyo, eskuwelahan, pagamutan at iba pa. Malimit kasi ay
sa mga sentro o kapitolyo ng bayan matatagpuan ang mga ito. Kaya naman marami sa mga komunidad
na nasa labas ng sentro ang hindi madaling nakakatanggap ng mga serbisyong pampubliko.

Ang mga miyembro ng samahan na BATROFA ay di naiiba sa mga tao sa kanilang komunidad
sapagkat tulad nila ay nararanasan din nila ang kahirapan sa pagpunta at akses sa mga lugar tulad ng
palengke, munisiyo, ospital at iba pa. Ngunit kahit na malayo sa sentro ang kanilang lugar ay nakakaabot
naman sa kanila ang mga programa ng gobyerno. Dahil sa malayo sa kanila ang mga pagamutan ay
gumagawa na lang sila ng halamang gamot na kanilang natutunan mula sa mga seminars ng MASIPAG
at CFCA.

Ang pisikal na lokasyon lamang ang maituturing dahilan kung bakit masasabing nakahiwalay ang
BATROFA o Abuyod sa ibang parte ng Rizal ngunit kung titingnan ang ibang aspeto tulad ng
pakikipagugnayan sa mga tao sa labas ng komunidad ay masasabing di sila hiwalat dito sapagkat
madami ng napuntahan at nakilala ang samahan dahil sa organikong pagsasaka at kasalukuyan silang
may tinuturuang samahan ng magsasaka sa Balatik na nagsisimula na rin magorganikong pagsasaka.

Kahinaan
Isa sa mga sukatan ng kahirapan ng isang tao ay ang kakayahan nitong makaiwas at
makabangon sa pagkakasakit at sa mga kalamidad. Ang organic farming ay nakatulong sa mga
miyembro ng BATROFA pati na rin sa kanilang mga pamilya na magkaroon ng masmalakas na
pangangatawan sapagkat ang kanilang mga kinakain ay walang kemikal. Ayon sa kanila ay masgumaan
ang kanilang pakiramdam at di sila gaanong nagkakasakit. Dahil din sa kanilang kaalaman sa halamang
gamot ay nakakagawa na sila kahit papaano ng
lunas at naagapan nila ang paglala ng sakit
maging ito man ay sa kanilang sarili o sa kanyang
pamilya.

Lack of Human Capital


Kadalasan ang pagiging mahirap ay
iniuuganay din sa kawalan ng kaalaman,
problema sa kalusugan na kung saan
naaapektuhan ang kanilang gawain at walang
kapasidad na makapagatrabaho.

71
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Nakabuti ang organic farming sa mga miyembro ng BATROFA sapagkat dahil dito ay naging
masustansya na ang kanilang pagkain kung kaya't masnaging malakas at masigla ang kanilang
pangangatawan. Dahil din sa masmaliit o halos wala ng gastos sa organikong pagsasaka ay
nakakapagimbak na sila ng masmaraming pagkain para sa kanilang pamilya.

Ang patuloy na pagoorganic farming ay nakapagbigay sa mga miyembro ng BATROFA ng


kaalaman sa mga organikong pamamaraan sa pagsasaka at pagaalaga ng mga hayop, pagpapalahi ng
binhi, pagtatanim ng iba't ibang gulay, paggawa ng halamang gamot at marami pang iba.

Powerlessness
Ang kahirapan ay iniuuganay din sa hindi
ganap na nabibigyan ng pagkakataong mabisang
makilahaok sa lipunan o sa mga proyekto at serbisyo
ng gobyerno.

Ang mga miyembro ng BATROFA ay


nagkaroon ng kakayahan maipagtanggol ng sarili sa
batas dahil sa mga kaugnayan nito sa CFCA at sa
MASIPAG na sumusuporta sa kanilang samahan.
Dahil rin sa napaliit na gastos ng mga miyembro sa
pagsasaka ay masnakakaipon sila para sa
edukasyon ng kanilang anak. Kaugnay na rin nito ay
tinutulungan sila ng CFCA upang mapagaaral ang
kanilang mga anak sa pamamagitan ng sponsorships
ng ibang tao mula sa iba't ibang bansa.

Social Exclusion
Ang kahirapan ay uri ng pamumuhay na minsa'y nakakapagdulot ng ekslusyon o paghihiwalay ng
mga tao sa ibang tao sa komunidad. Malaki ang naitulong ng organic farming sa mga miyembro ng
BATROFA sa aspetong ito sapagkat dahil sa patuloy nila na pagaaral, pagpupunta sa mga seminars at
pagpupulong at palagiang pagkakaroon ng bisita sa komunidad ay lukas na ang kanilang kumpyansa sa
sarili at di na sila nahihiyang makihalubilo at makisama sa mga tao sa komunidad at pati na rin sa mga
tao sa labas ng kanilang komunidad.

72
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Income Poverty
Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng
mababang sahod, mga matatanda, mga may
kapansanan, ang mga manggagawang walang
lupa at ang geograpikal na kalagayan ng lugar.

Halos lahat ng miyembro ng BATROFA


ay di pagmamayari ang lupang kanilang sinasaka
ngunit di naman ito gaanong nagiging problema
sa ngayon sapagkat di sila sinisinigil ng mayari ng
lupa at di sila pinaaalis dito. Nakatulong naman sa mga miyembro ang organic farming dahil bawas ang
kanilang gastos sa pagsasaka at maaari rin na sa masmataas na presyo nila ibenta ang kanilang mga
organikong bigas at gulay sa merkado.

Konklusyon

Ang mga magsasaka ang naghihirap upang magkaroon tayo ng bigas na mailuluto upang
makain sa araw-araw. Ang bigas ay ang pangunahing pagkain sa Pilipinas kung kaya't di nakakapagtaka
na malaki ang pangangailangan natin dito. Dahil sa pangangailangan ito ay ipinakilala ng IRRI ang mga
high yielding varieties na nakakapagbigay ng masmaraming bunga kasya sa ibang lahi ng palay. Ngunit
di nagtagal ay naramdaman na ng mga magsasaka ang mga negatibong epekto ng paggamit nito.
Lumaki ang nga ang kanilang ani ngunit lumaki rin ang kanilang gastos sa pagsasaka sapagkat
nangangailangan ang mga lahing ito ng mga kemikal na pataba at pestisidyo upang mamunga. May
kamahalan rin ang mga kemikal na ito kung kaya't kadalasan ay nababaon sa utang ang mga magsasaka
upang makabili lamang nito. Maaari nga na mataas ang kanilang ani ngunit kung tutuusin ay mababa
parin ang kanilang kita sapagkat malaking halaga rin ang kanilang ginamit upang makabili ng mga
kemikal. Isa ring negatibong epekto na di
agarang naramdaman ay ang negatibong
epekto ng mga kemikal sa katawan ng tao.
Humihina ang resistensya ng taong
kumokonsumo nito at madalas magkasakit ang
mga taong nakatira sa paligid ng sakahan dahil
sa mga kemikal na ginagamit sa pagsasaka.
Dahil sa mga kadahilanang ito ay maraming
grupo na ang nanghihikayat na ibalik sa
tradisyunal o organikong pagsasaka ang
pamamaraan ng pagtatanim kung saan ang

73
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
binhi ng palay ay di nakadepende at nangangailangan ng kahit anong kemikal. Isa na ang organisasyon
ng MASIPAG sa mga nanghihimok at tumutulong sa mga magsasaka na bumalik sa dating pamamaraan
ng pagsasaka. Ang organikong pagsasaka ay makakatulong parehas sa magsasaka at sa kokonsumo
nito sapagkat di kailangan bumili ng mga magsasaka ng mga kemikal at di naglalaman ng kemikal ang
mga bigas na kakainin ng mga tao.

Sa ngayon isa sa mga tinutulungan ng MASIPAG sa pagoorganikong pagsasaka ay ang


BATROFA kung saan sila ay sinimulang bigyan ng seminars noong 2006 at nakapagsimula ng mag
organic farming noong taong 2007. Ang BATROFA ay sinusuportahan rin ng CFCA sa kanilang
pagoorganikong pagsasaka kung saan sila ay binigyan ng kalabaw, kagamitan sa pagsasaka at patubig.
Patuloy hanggang ngayon ang organikong pagsasaka ng BATROFA. Mayroon na silang 6 hanggang 7
hektaryang lupa na may tanim na organikong palay at nakagawa na rin sila ng 4 na beses na trial farm.

Ang pagsasagawa ng organic farming ay mahahati sa tatlo na bahagi. Ang unang bahagi ay ang
pagkakaroon ng trial farm kung saan inilalagay ang 50 uri ng palay sa isang palayan at titingnan kung
anong uri ang pinaka angkop para sa kanilang lupa. Kapag tumubo na ang mga palay na itinanim ay pipili
ka ng 1 hanggang 3 uri ng palay na gusto mong itanip sa iyong lupa at dito nagsisimula ang pangalawang
bahagi kung saan nagaganap ang pagtatanim ng
binhi at pangangalaga sa palay. Ang pangatlong
bahagi naman ay ang pag-ani at mga paghahanda
na ginagawa sa palay upang maging bigas. Ang
tatlong bahaging ito ay paulit-ulit lamang na
ginagawa ng BATROFA.

Hindi maiwasan na magkaroon ng problema


ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim ng
organiko at ang ilan dito ay ang kakulangan ng pera
upang ipangbayad sa mga tao na kanilang katulong
sa pagtatanim at ang oras na ginugugol nila sa
paggawa ng organikong pataba at pestisidyo. Ang
mga problemang ito ay kanila naman
nasosolusyunan sa pamamagitan ng pagtutulong-
tulungan sa pagtatanim sa palayan ng bawat isa ng
walang bayad o bayanihan.

Ang BATROFA ay isang samahan na mayroong mga namumuno ngunit pagdating sa organikong
pagsasaka ay hindi ang mga pinuno ang namamahal nito kundi ang taong mayari ng palayan na

74
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ginanapan ng trial farm. Ang mga batas naman ng samahan sa organikong pagsasaka ay ang bawat
miyembro ng BATROFA ay dapat dumalo sa trial farm at hinihikayat sila na tumulong sa pagtatanim sa
palayan ng bawat miyembro kabilang ang kanilang palayan.

Maraming nang nakamit ang BATROFA at ang kanilang mga miyembro mula ng sila ay
nagsimulang mag organic farming 4 na taon na ang nakakaraan. Masasabi nila na tila nabago na ang
kanilang buhay pati na rin ang kanilang paningin sa kanilang samahan, kasamahan at sa kanilang sarili.
Dahil patuloy ang kanilang pagdalo sa mga seminars ng MASIPAG ay patuloy din ang paglago ng
kanilang kaalaman. Pati ang bilang ng uri ng palay na kanilang itinatanim ay nadagdagan rin mula ng sila
ay nagorganikong pagsasaka. Ayon din sa kanila ay nakabuti sa kanilang kalusugan ang organic farming
sapagkat walang kemikal ang kanilang kinakain at nakakaiwas din sila sa paglanghap ng mga kemikal.
Dahil nga halos walang gastos ang organikong pagsasaka ay masmarami na ang bigas na kanilang
naiimbak para sa konsumo ng kanilang pamilya at masnakakaipon din sila ng pera. Ang organic farming
din ay naging daan ng BATROFA upang maging maskilala ng iba't ibang organisasyon at ng gobyerno
kung kaya't masmadali silang nakakahingi ng tulong dito. Tumaas rin ang kanilang pagtingin sa kanilang
mga sarili sapagkat madalas na silang nakikisalamuha sa iba't ibang tao may katungkulan man o wala.
Kung susumahin ay masasabi na malaki talaga ang naitulong ng organikong pagsasaka sa BATROFA.

Ang organikong pagsasaka ay naiugnay din namin sa naging resulta ng aming pag-aaral sa
kahirapan kung saan lumabas ang kanilang kalagayan pinansyal, emosyonal atbp. sa kahirapan. Ayon sa
aming mga nakalap na datos ay nakatulong ang organikong pagsasaka sa mga miyembro ng BATROFA
upang sila ay makaipon ng pera na kanilang ibinili ng mga kagamitan sa bahay, sa sarili at sa pagsasaka.
Dahil din sa mga seminar na kanilang nadaluhan ay nalaman nila ang kahalagahan ng isang magsasaka
kung kaya't naging masmataas ang kanilang
pagtingin sa kanilang sarili. Ang CFCA at
MASIPAG rin ay mga organisasyong patuloy na
sumusuporta sa BATROFA sa kanilang mga
pangangailangan kung mayroon man.
Masasabi rin na mas nakakaiwas sila sa
pagkakaroon ng sakit sapagkat wala ng kemikal
ang kanilang mga kinakain at ayon din sa
kanila ay gumaan ang kanilang pangangatawan
simula ng sila ay regular ng kumakain ng
organiko. Kung malawakang titingnan ang
organikong pagsasaka at iuugnay ito sa

75
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
kahirapan ng mga miyembro ng BATROFA ay masasabi na kahit papaano ay naging malaki ang
naitulong nito upang tugunan ang kahirapan ng mga miyembro ng BATROFA kung kaya't masasabi nila
na masnaging mabuti ang kanilang estado sa buhay simula ng sila ay nagorganikong pagsasaka.

Ang proyektong organikong pagsasaka ng BATROFA ay nakadulot ng malaking epekto sa


kanilang mga buhay. Ngayon ay masasabi nila na napabuti ang kanilang kalagayan ng dahil dito. Ayon
sa kanila ay pagpapatuloy nila ang pagtatanim ng organiko hanggang makamit ang kanilang mga
pangarap na masuportahan ang feeding program ng CFCA, maitaguyod ang organikong pagsasaka sa
Pilipinas, at higit sa lahat ay ang makapag-ani ng sapat na bigas para sa sambayanang Pilipino.

C. Pagsasagawa ng Organization Diagnosis kasama ng mga magsasaka

Ang organization diagnosis (OD) ay isang bahagi ng kabuuang framework ng Organization


Development.

Ito ay isang prosesong dinadaanan ng isang samahan na nakaangkla sa mga karanasan at


kakayahan ng mga miyembro nito upang magkaroon ng sama-sama at masmalalim na pag-unawa sa
sistemang nagpatakbo at nagpapatakbo sa samahan.

Ito rin ay isang pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng samahan, pati na rin ang mga oportunidad
at balakid na kanilang kinakaharap, at mula rito ay kolektibong magpaplano upang tugunan ang mga
problema, mapagbuti ang mga sistema ng samahan, at makamtan ang kanilang nagkakaisang pangarap.

76
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Ang pag-aaral ng samahan na ito ay


isinasagawa mismo ng samahang kasangkot.

Para sa OD design na ginawa ng Team


Teresa, pakitingnan sa Apendiks.

Layunin ng Organization diagnosis:

Isahang pagtanaw sa:


• Layunin ng samahan
• Sistema ng pagpapatakbo at
pamamahala ng samahan
• Kalakasan at kahinaan ng
samahan
• Mga pangarap ng samahan

Ang Organization diagnosis ay may apat na


mahalagang bahagi:

1. Pagbalik-tanaw sa samahan

Ito ay isinagawa upang magkaroon ng


iisang pagkakilala sa samahan at maisalaysay
ang kasaysayan nila. Ipinakita ng mga
magsasaka kung paano at bakit nabuo ang BATROFA, ang naging bahagi ng kababaihan sa
pagkakabuo nito, at ang kanilang mga dating
paraan ng pagpaparami, pagpapakalat ng
impormasyon, pagpapanatiling aktibo ng mga
kasapi, pagpupulong at pagpaplano, at
pangangalap at pangangasiwa ng pera.
Tinukoy din ang mga nakaraang suliranin na
kinaharap ng samahan.

2. Pagtingin sa kasalukuyang kalagayan


ng samahan

77
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ito ay isinagawa upang sama-sama
nilang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng
BATROFA, matukoy nila ang mga naging
pagbabago sa kanilang samahan, matuklasan
ang kanilang mga kalakasan, kahinaa,
oportunidad, at balakid, at maanalisa ang
istruktura ng kanilang samahan.

3. Pagsipat sa isang matatag na samahan

Isinagawa ito upang maunawaan ng


bawat miyembro ng samahan ang mga elementong nagpapatatag sa isang samahan at inilapat nila ito sa
BATROFA.

4. Pagtanaw sa hinaharap para sa samahan

Dito inilatag ang mga pangarap ng bawat miyembro at bumuo sila iisang pangarap para sa
samahan.

Mga nakalap na datos:

Noon
Hindi na bago sa mga magsasaka ang pag-oorganisa.

Nabuo ang samahan bunsod sa hirap ng pagsasaka. Ang mga maliliit na magsasaka ng Abuyod
ay walang pangbayad ng mga tao upang tulungan silang magsaka at wala rin silang pondo upang bumili
ng mga gamit sa pagsasaka. Naisip nilang
magtulungan na nagsimula lamang sa limang
magsasaka. Nagtutulungan ang lima sa pag-
aararo, pagsusuyod, pagpipilapil, at paglilinang ng
kanilang mga sakahan. Sa paulit-ulit na
pagsasagawa nito, tinawag nila itong ”bayanihan.”
Sa paglipas ng panahon, ang limang
nagbabayanihan ay naging labingtatlo, kaya
noong 2004 nagdesisyon silang bumuo ng isang
pormal na samahan na tinawag nilang Samahang
Magsasaka ng Bayembi (SMB).

78
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Kaya naman sa pagpasok ng MASIPAG sa ATR noong 2006, hindi na kinailangan pang iorganisa
ang mga magsasaka. Binago na lamang ng SMB ang pangalan ng samahan noong nagsimula silang
magsagawa ng organikong pagsasaka.

Ang mga asawa ng magsasaka ay may malaking naiambag sa pagbuo at pagpapanatiling aktibo
ng mga miyembro ng samahan. Tuwing may mga pagpupulong ang samahan, maaga silang gumigising
upang maghanda ng merienda at tanghalian. Sila rin ay dumadalo sa mga pagpupulong, nakikialam,
nagmumungkahi, nagbibigay ng suhestiyon, at nagpaplano. Sa kabila nang patakaran ng BATROFA na
sila ay hindi maaaring maging miyembro ng samahan, sila ay nananatiling aktibo at nakikibahagi sa mga
gawain ng kalalakihan.

Nagpaparami ang samahan sa pamamagitan ng pag-iimbita ng mga magsasaka na sumapi sa


kanila. Hinihikayat nila ang ibang magsasaka na sumapi sa kanila sa pamamagitan ng pagiging
magagandang mga halimbawa ng mga magsasakang may nakukuhang magagandang benepisyo sa
organikong pagsasaka at may magandang naidudulot sa kapaligiran at ganun na rin sa komunidad.

Regular na nagpupulong ang BATROFA


kada huling linggo ng buwan. Ang pagpapaalala sa
mga kasapi na may nalalapit na pagpupulong o
may biglaang pagpupulong ay ginagawa ng mga
PRO o Tagapamalita ng samahan sa pamamagitan
ng pagbahay-bahay.

Mayroong buwanang butaw na Php 20.00


ang mga kasapi para sa pondo ng samahan. Ito ay
kinakalap at tinatago ng kanilang Tresurero o Ingat-
yaman. Kadalasan ay nakukuha nila ang kanilang
mga rekursong pinansyal sa CFCA.

Sinasabing sa pagdedesisyon ay
nagbobotohan ang samahan, ngunit sa mga
masmadalas na panahong hindi na sila
makakapagbotohan ay ang mga opisyal na ang
nagbibigay ng desisyon.

79
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Maganda ang pakikitungo ng bawat
miyembro at maluwag nilang nasasabi ang mga
saloobin sa isa’t isa.

Binalak ng BATROFA na mag-alaga at


magparami ng native na manok. Nakapagpagawa
na sila ng kulungan ngunit sa kakulangan ng
pondo ay hindi sila nakabili ng mga manok.

Ngayon
Ngayon ang BATROFA ay may
dalawampu’t dalawa kasapi at kung ikukumpara dati, masmarami na silang aktibong miyembro.

Sinasabi rin ng mga magsasaka na ang mga seminars at trainings na dinadaluhan nila sa iba’t
ibang lugar sa Pilipinas ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob. Hindi na sila mahiyain ngayon.
Masmataas na ang tingin nila sa kanilang mga sarili at sa mga magsasaka ng bansa.

Naging matagumpay ang samahan sa pagbibigay ng mga sakahan sa mga miyembrong walang
lupang sasakahan. Nagkaroon na rin sila ng mga kagamitan sa pagsasaka na ibinigay ng CFCA at ng
Asian Social Institute.

Ayon sa BATROFA, isa sa kanilang kalakasan ay ang pagkakaroon ng bayanihan. Bukas-loob


silang nagtutulungan ng walang hinihinging kapalit. Walang patakarang umiiral sa pagbabayanihan ng
mga magsasaka. Kung hindi gustong pumunta ng isang kasapi, hinahayaan lang nila at iniisip nilang

80
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
maaaring may masmahalagang ginagampanan
ang kasamahan nilang iyon. Ang pagkakaroon ng
bayanihan ay isang patunay na may malasakit sa
isa’t isa ang mga magsasaka ng Abuyod. Isa itong
patunay na hindi basta-basta mabubuwag ang
samahan.

Isa rin sa kalakasan ng BATROFA ay ang


pagkakaroon ng magagaling na opisyal. Mataas
ang pagtingin at nirerespeto nila ang kanilang
pamunuan, lalong lalo na kay Tatay Danny na
siyang Pangulo ng samahan simula pa noong nabuo ang SMB. Isang elemento sa pagkakaroon ng
malakas na samahan ang pagkakaroon ng matinding pagtiwala sa mga opisyal nila.

Ayon sa kanila, isa naman sa kanilang kahinaan ay ang hindi madalas na pagdalo ng mga ilang
miyembro sa kanilang mga pagpupulong. Marahil isa ito sa dahilan kung bakit itinuturing nilang ang
Pangulo ang siyang may huling sabi sa pagdedesisyon ng samahan. Dahil sa minsan ay kaunti lang ang
dumadalo, ang Pangulo na ang nagdedesisyon kaysa antayin pa nila ang araw na makukumpleto sila
tapos doon lamang magdedesisyon.

Ang hindi pagkakaroon ng sariling pondo ang isa rin sa kahinaan nila. Hindi na raw nasusunod
ang pagbabayad ng buwanang butaw at may mga pagkakataon pa raw na nauutang ang pondo ng
samahan ng ilang mga kasapi.

Dahil sa ilang malakabuteng mga miyembro at mga kasaping hindi nagbabayad ng butaw,
nadiskubre nilang isa sa mga dahilan nito ay ang hindi nila pagkakaroon ng mga polisiya. Tinitingnan nila
ito bilang isang kahinaan.

Nakikita ng samahan na isang


oportunidad para sa kanila ang pagkakaroon ng
maraming natatanggap na suporta mula sa
labas ng komunidad. Unang una na ang CFCA
na ang pangunahing nagbibigay ng suportang
pinansyal sa BATROFA. Meron ding MASIPAG
na nagbibigay ng suportang teknikal, Team
Teresa ng CSWCD na nagbibigay ng suporta
sa pagpapalakas ng samahan, at nabanggit din

81
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
nila na Local Government Unit ay pinakikinggan ang mga hinaing ng mga magsasaka sa Teresa.

Isa sa mga panganib o threat na nakikita ng samahan ay ang hindi pagiging sigurado sa lupang
kanilang sinasaka. Walang magsasaka sa BATROFA na makapagsasabing sa kanila ang lupang
kanilang sinasaka. Karamihan sa kanila hindi pa nakikita ang nakarehistrong may-ari sa mahigit na
dalampung taong pagsasaka sa lupa. Ang kinatatakot nila ay maaaring biglang dumating ang sinasabing
may-ari, bawiin sa kanila ang lupa, at hindi nila alam kung ano ang mga hakbang na dapat gawin upang
mapagtanggol nila ang lupa at kanilang sarili.

Mulat ang mga tao sa ATR. Alam nilang dependent na sila sa CFCA at alam nilang hindi ito
makapagdudulot ng maganda lalung-lalo na kapag umalis na ang CFCA sa kanilang lugar. Marahil ay
naging dependent sila dahil din sa approach ng CFCA na buwan-buwan nag-aabot ng dole-outs sa mga
sponsored families nila.

Tradisyunal ang paraan ng kanilang pagbabalangkas ng samahan – nasa itaas ang opisyal at
nasa ibaba ang mga miyembro.

Ang isang matatag na samahan ay…


Ayon sa mga kasapi, ang isang matatag na samahan ay may matatag na pundasyon. Matibay
dapat ang pagkakatayo ng mga kasapi ng samahan upang hindi ito basta-basta na lamang babagsak.
Isang elemento rin ng pagiging matibay ng samahan ay ang dami ng mga kasapi nito. Naniniwala sila na
dapat marami ang mga miyembro upang maging matatag ang pundasyon ng BATROFA.

Nabanggit din nila na dapat ay unahin munang isipin ng samahan ang pagpapatatag kaysa sa
pagpapataas nito.

82
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Alam din ng mga kasapi na
mahalagang may nagbibingkis sa mga
miyembro ng samahan, at yun nga raw ang
mga opisyal nito. Ayon sa kanila, dapat ay
pinananatili ng pamunuan na sama-sama at
nagkakaisa ang miyembro.

Sa usapin ng pagbuo ng samahan,


kolektibo raw ang pagkilos para masiguradong
lahat ng paraan upang maging matibay ito ay
naimungkahi.

Mahalaga rin para sa mga magsasaka ang hindi pagiging mayabang ng mga opisyal sa
kadahilanang masmadali raw bumagsak ang mga samahang ganito.

Hinaharap
Tangan ang pagsusuri sa nakaraan at kasalukuyan na kalagayan ng BATROFA, sama-sama
silang bumuo ng kanilang mga pangarap. Tatlo ang pangarap na nabuo nila:

Sa mga pangarap na ito inangkla ng BATROFA at Team Teresa ang kanilang mga sumunod na
aktibidad sa komunidad.

May mga ibang isyu rin ng samahan na lumabas sa OD – ang pagtingin nila na dapat mga
kalalakihan lamang ang maging kasapi at ang hindi pagsasagawa ng kolektibong pamamahala ng
samahan. Ninais din ng Team Teresa na talakayin ang mga isyung ito.

83
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
D. Pagpaplano ng samahan ng BATROFA
(Planning Workshop)

Layunin ng Planning Workshop na matuto


ang mga tao sa komunidad na magplano ng mga
susunod na gawain. Layunin nito na maging
malinaw sa mga tao sa komunidad ang
kahalagahan ng pagpaplano ng sama-sama.

Sa unang sesyon nagpahayag ang bawat


kasapi ng kanilang mga inaasahan sa maghapong
gawain. Inasahan ng bawat isa na maging malinaw ang mga mapag-aralan, magkaroon ng katuparan
ang mga pangarap para sa hinaharap, karagdagang kaalaman para sa pagpapatatag ng samahan,
magkasundo-sundo ang lahat, maipagpatuloy
ang mga napagkasunduan, magkaroon ng
pagbabago at pag-unlad ang
samahan,maraming magawa sa mga
napagkasunduan, makabuo ng isang planong
matatatag para sa samahan, maunawaan ang
kahalagahan ng pagpaplano at maunawaan ng
lahat ang pagpaplano.

Sa ikalawang sesyon, nagbigay ng


oryentasyon ang MASIPAG tungkol sa kanilang
kasaysayan at magbalik tanaw sa pagsali ng BATROFA sa MASIPAG. Inilatag din ang layunin ng
MASIPAG na isulong ang likas kayang pagsasaka (Sustainable Agriculture) sa pamamagitan ng
pagpapataas ng kontrol sa binhi at pagsasaka sa
organikong pamamaraan. Nagbalik tanaw din sa
kung paano nabuo ang MASIPAG at inilatag ang
pilosopiya ng MASIPAG na “makataong uri ng
pamumuhay para sa maliliit na taong
magsasaka”, kasabay ang paglalatag ng bisyon
at misyon na ibalik ang kontrol sa binhi sa
pamamagitan ng istratehiyang pangekonomiya.

Sa ikatlong sesyon naglayong maipakita


ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng

84
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
isang samahan at maalala ang pagkakabuo
ng samahan. Inilatag ang mga pagbabago sa
samahan sa pagbabaliktanaw sa noon
ngayon at bukas ng samahan, noon ay
regular ang pagpupulong, nagtutulungan ang
samahan, mayroong mahigit sa sampu ang
miyembro, at nagpupulong upang magbahay-
bahay sa pagiimbita. Sa ngayon, regular pa
rin ang mga pagpupulong ng samahan,
nanatili ang pagtutulungan, humigit na sa
dalawampu ang miyembro at hanggang
ngayon ay pinagpapatuloy ang paghikayat sa mga pagpupulong. Sa bukas ng samahan (Fig. 1.1),
inaasahang lalao pang mapalakas ang samahan, makabuo ng mga komite, mag-organisa ng kabataan,
magkaroon ng sariling bodega at gilingan, magkaroon ng sakahan ang bawat miyembro at patuloy na
palaganapin ang organikong pamamaraan ng pagsasaka.

BUKAS

Bumuo ng mga Magkaroon ng sariling


Komite bodega at gilingan

Malakas na samahan

Magkaroon ng sariling
I-organisa ang taniman ang bawat
mga kababaihan miyembro

Palaganapin ang
organikong pagsasaka

Nag balik tanaw din sa mga dahilan ng pagkakabuo ng samahan ng BATROFA: Noo’y walang
“bonding” o pagsasama-sama ang mga magsasaka, nagkakanya-kanya lang sa gawain sa pagsasaka,
dahil dito, naisip na magandang magsama-sama ang magsasaka lalo na ang magkakatabing sakahan,
isa sa dahilan ng pagkakabuo ng samahan ay upang maipahayag at makuha ang tulong ng goyerno.
Nabuo din ang samahan dahil sa CFCA at MASIPAG.

85
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Bago matapos ang ika’tlong sesyon


iniugnay ang kahalagahan ng malakas na
samahan sa paggawa ng straw tower noong
nakalipas na Organization diagnosis. Mula dito,
nagkaroon ng realisasyon patungkol sa
pagkakaroon ng matibay na pundasyon, sama-
samang paggawa, pagkakaroon ng pagkakaisa,
pagkakaroon ng maraming
miyembro,pagkakaroon ng isahan layunin. Sa
lahat ng ito, ang naging aral ng samahan ay
ang pagkakaisa ng lahat sa anumang gawain at
kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng samahan.

Sa ika-apat na sesyon ang pagsasagawa ng sama-samang pagpaplano, ang sesyong ito ay


naglayong maipakita kung papaano magplano ang samahan. Nagsimula ang talakayan sa kahalagahan
ng pagpaplano sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga plano ng samahan at ang pamamaraan ng
pagpaplano ng BATROFA para sa isang proyekto at programa ng samahan para sa isang taon. Nagbigay
ng halimbawa na proyekto kung saan ikinumpara ang pagkakaiba ng tradisyunal at sama-samang
pagpaplano

SAMA-SAMANG PAGPAPLANO TRADISYUNAL NA PAGPAPLANO

Officer

Member PLAN Member Officer Plan

Officer
Members
High leadership development – officers at Low in leadership development – officers lang ang
members ang nagdedevelop at ramdam ng nagpaplano, maaring hindi magawa ng buong puso
members ang pagpaplano. ang plano.

86
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ang mga sumusunod ang naging
realisasyon ng samahan:

Mas maganda ang samasamang


pagpapalano dahil bukas sa loob ng mga
miyembro ang napagusapan ng mga officer, (2)
kinakailangan ang kalahatang pagpupulong sa
pagpili ng leader, (3) natututo ang mga miyembro
na maging lider.

Matapos ito ay sinimulan ang


pagsasagawa ng plano sa pamamagitan ng pagbaliktanaw sa kalagayan ng samahan at tinalakay ang
mga hakbang na kinakailangan sa pagpaplano. Ibinigay na halimbawa ang pagpaplano upang
matugunan ang problema sa lupa at
maipaglaban ang karapatan ng mga
pagsasaka. Mula dito ay natukoy ang gawain,
layunin, at mga kailngang tulong mula sa loob
at labas ng nayon.

Sa pamamagitan ng mga gabay na


katanungang ito unti-unting na simulan ang
pagbuo ng plano ng samahan:

• Nasaan na tayo ngayon?


• Saan tayo pupunta? / Ano ang kailangan natin?
• Bakit natin ito gusto marating? / Bakit ito kailngan?
• Anu-ano ang mga benepisyo nito sa
atin?
• Anu-ano ang mga kailngan natin
gawin?
• Anu-ano ang mga kailngan natin
gamitin?
• Kailan natin ito gagawin?
• Paano natin ito susubaybayan?

Sa pamamagitan ng mga gabay na


katanungang nabaggit, ang mga sumusunod

87
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ang naging resulta:

Ngayon: “ Mga kailangan sa Farmer’s Rights Seminar”

GAWAIN LAYUNIN KAILANGAN

MULA SA MULA SA
NAYON LABAS
Kumuha ng materyales tulad ng Upang masiguradong
manila paper, mic, etc. maganda ang daloy ng
seminar
Siguraduhing makadadalo ang Upang sama-samang matuto
mga miyembro ang mga kasapi
Venue Upang may mapagdausan
ang gaganaping seminar
Pagkain/gamit sa pagluluto Upang hindi na umuwi ang
mga dadalo sa seminar at
upang may makain na rin ang
mga tagapagsalita
Tagapagsalita Upang masmaraming
matutunan ang mga dadalo
Pagkuha ng budget Upang may gagastusin ang
samahan para sa pagkain at
mga materyales na
kakailanganin
Imbitahan ang mayor Upang matulungan ang mga
magsasaka sa problema nila
sa lupa

Nagkaroon din ng pagtatakda kung sino-sino ang mamahala sa nasabing gawain at


napagkasunduan ang petsa kung kailan idadaos ang seminar sa karapatan ng mga magsasaka.

Sa ika-limang sesyon ang workshop


kung saan nagplano ang mga miyembro ng
mga hakbang na kailngang gawin upang
maabot ang mga mithiing at mga pangarap ng
samahan para sa hinaharap. Nagkaroon ng
sariling pagpaplano ang BATROFA, sinimulan
nila ito sa pagtukoy ng mga spesipikong
hakbang upang mapalakas ang samahan sa
pamamagitan ng paglilista ng mga aktibidad na
nais nilang gawin: (1) Magkaroon ng batas at
polisiya na dapat sundin, (2) magkaroon ng pagkakakitaan ang samahan (livelihood), (3) outing ng
samahan upang mapalapit sa isa’t-isa, (4) makahikayat pa ng maraming miyembro sa pamamgitan ng

88
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
livelihood, (5) pagpaparami ng miyemrbro lalo na
ng kababaihan, (6) maayos na paghawak sa
pondo ng samahan.

Matapos ito, nagkaroon ng di


pagkakaunawaan at di nagkasundo ang mga
kalalakihan at mga kababaihan. Mungkahi ng mga
kababaihan na magkaroon ng livelihood partikular
ang paggawa ng basahan upang mapagkunan ng
pondo ng samahan at upang mahikayat ang
marami na sumapi sa kanilang samahan. Ngunit
di sumangayon ang mga kalalakihan dahil di sila naksisigurado sa magiging kahihinatnan kung
maibabalik sa kanila ang puhunang dalawang libong piso na kakailanganin para sa paggawa ng
basahan.

Nagkaroon ng mahabang pagtatalo at diskusyunan hanggang sa napagkasunduan na lamang na


gumawa muna ng batas at polisiya ang samahan. Sa huling sesyon hinikayat ang lahat na pagisipan
mabuti ang mga pagpaplanuhan tulad ng nabanggit na paggawa ng polisiya. Hiningi din ang opinyon ni
kuya Ralph mula sa MASIPAG, ayon sa kanya mahalagang makapag saayos muna ng polisiya ang
samahan upang maging maayos ang lahat. Ganun
din nagmungkahi si Kuya Loy na staff ng CFCA na
siyang ngangasiwa sa mga proyekto at gawain sa
komunidad. Ayon sa kanya magandang pakinggan
din ang mga stratehiyang sistematiko upang
matulungan ang samahang maisaayos ang kanilang
pagpaplano at maisakatuparan ang mga naitakdang
gawain ng samahan.

E. Pagtulong sa paggawa ng Constitution and By-


Laws ng BATROFA

Ang BATROFA ay nagsimula noong taong


2006 na may 12 miyembro at ngayon taong 2009 ay
mayroon na silang 22 miyembro at patuloy pa itong
nadaragdagan. Dumarami ang lumilipat sa pag-
oorganikong pagsasaka ngunit kaakibat ng paglaki ng
bilang ng miyembro ng BATROFA ay dumami rin ang

89
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
mga problemang kanilang nararanasan sa
samahan. Ang mga problemang ito ay tungkol
sa di pagdalo ng ibang miyembro, sa paghawak
ng pera ng samahan, sa mga katangian na
dapat taglay ng isang magsasaka na gustong
sumali sa samahan at iba pa. Dahil sa mga
problemang ito ay naramdaman ng BATROFA
na kinakailangan ng magkaroon ng matibay na
disiplina ay kaayusan ang kanilang samahan at
lumabas ang kanilang kagustuhan sa
magkaroon ng saligang batas ng kanilang
samahan.

Karaniwan ay ang saligang batas ng isang samahan ay binubuo kasabay ng pagtatag ng


samahan ngunit ibaang naging kaso ng BATROFA. SA loob ng mahigit na tatlong (3) taon ay dumaloy
ang samahan sa walang saligang batas na umaalalay sa kanila. Dahil noon para sa kanila ay di ito
kinakailangan sapagkat di pa nila nararanasan ang mga problemang nabanggit kanina. Dahil sa
organization diagnosis na naganap noong ika-9 ng Agosoto ay lumabas ang kanilang pagaasam na
makabuo ng Saligang Batas ng BATROFA dahil naramdaman nila na kinakailangan ito ng kanilang
samahan upang maging maayos ang takbo ng samahan. Dahil sa kagustuhang ito ay nagplano sila
kasama rin kami ng mga araw na ilalaan sa paggawa ng Saligang Batas ng samahan. Napagpasyahan
na tuwing ang araw ng Linggo ang paggawa ng Saligang Batas sapagkat ito ang araw kung saan wala
masyadong ginagawa o di abala ang mga miyembro ng BATROFA sa trabaho.

Ang unang Linggo ng paggawa ng Saligang Batas ay noong ika-6 ng Setyembre.

Sa unang araw ng paggawa ng


Saligang Batas ay naglista si Nanay Binya ng
mga batas na sa tingin niya ay dapat sundin ng
mga miyembro ng samahan. May tatlumpung
(30) batas ang kanyang naisulat at isa-isa niya
itong binasa sa mga miyembro ng BATROFA.
Sa bawat bilang ay sinasangayunan ito ng mga
miyembro kapag ito ay kanilang nagustuhan
ngunit kung ito ay di nila nagustuhan ay muli
nila itong pinaguusapan. Dahil sa gabi na
nagsimula ang pagpupulong ay di gaanong

90
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
natapos ang paggawa ng mga batas at piniling
tapusin na ito ng mga miyembro sa susunod na
pagpupulong.

Ang pangalawang Linggo ng paggawa


ng Saligang Batas ay noong ika-13 ng
Setyembre.

Sa pangalawang araw ng paggawa ng


Saligang Batas ay binalikang muli ang mga
batas na napagusapan noong nakaraang
pulong. Nilinaw rin ang mga parusang ipapataw sa mga lalabag na batas na kanilang naisulat. Ginawa rin
na mastukoy ang bawat batas ng samahan upang maging malinaw itong basehan para sa takbo ng
samahan. Pagkatapos mapagusapang mabuti ang mga batas na kanilang ginawa ay natapos na ang
pagpupulong at napagpasyahan itong ituloy sa ibang araw para sa mga huling pagsasaayos ng Saligang
Batas.

Ang pangatlo at huling Linggo ng paggawa ng Saligang Batas ay noong ika-20 ng Setyembre.

Sa huling araw ng paggawa ng Saligang


Batas ay pinagtibay ito ng BATROFA sa
pamamagitan ng pagboto kung sila ba ay
sumasangayon sa mga naisagawang batas. Tulad ng
nakasaad sa kanilang saligang batas, kinakailangan
na lagpas sa kalhati ng bilang ng dumalo ang
sumangayon sa batas upang ito ay maipatupad. Ito ay
kanilang pinagbotohan at napagtibay ang mga batas
na kanilang nagawa noong nakaraang dalawang
Linggo. Pagkatapos mapagtibay ang mga batas ay
pinagusapan nila kung ano ang kanilang susunod na
hakbang na gagawin. Napagpasyahan nila na isulat
sa kompyuter at i-print ang mga naisulat na batas at
ito ay dapat pirmahan ng bawat miyembro na nabasa
nila ang Saligang Batas at sila ay sumasangayon dito.
Natapos ang pagpupulong na ito.

Makalipas ang ilang araw, sa tulong si ng

91
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
aming grupo, ay nabigyan na ng kopya ang bawat miyembro ng samahan at pinirmahan na rin nila ang
isang papel na may katibayan na nabasa na nila ang mga batas na nakapaloob sa Saligang Batas ng
BATROFA at sila ay sumasangayon dito.

Ang tatlong araw ng Linggo ay nilaan ng BATROFA upang mabuo nila ang kanilang Saligang
Batas. Ito ay pinagugulan nila ng panahon, hirap, ideya at kaalaman upang maging angkop ito para sa
pangangailangan ng kanilang samahan. Ang kanilang Saligang Batas ay maaaring nilang baguhin,
dagdagan o bawasan tuwing may pagpupulong at ang anumang pagbabago na gagawin ay dapat
sinagayunan ng higit sa kalhati ng bilang ng dumalo.

F. Herbal Medicine Training at pagpaplano ng isang


socio-economic project para sa mga kababaihan

Alinsabay sa naganap na Organization


Diagnosis ng samahang Bayembi Abuyod Teresa Rizal
Organic Farmers’ Association o BATROFA, isa sa
kanilang gustong gawin ay magkaroon ng isang Herbal
Medicine Training. Ninais nilang magkaroon ng
ganitong pag-aaral upang magtugunan ang kanilang
problema sa access sa gamot at kakulangan ng pera
para makabili ng conventional na gamot sa tuwing may
magkakasakit sa pamilya. Dahil dito ay isinakatuparan
ang kanilang nais sa tulong ng Magsasaka at Siyentipiko sa Pag-papaunlad ng Agrikultura o MASIPAG at ng
Christian Foundation for Children and Aging o CFCA.

Bago naganap ang training, ang grupo ay nagsagawa ng Training Needs Analysis o TNA upang mailapat
ang gagawing training ayon sa kanilang nalalaman at gustong pang malaman.

Ginanap ang nasabing training noong


Setyembre 1 at 2 sa chapel sa Sitio Abuyod. Ang
naging speaker sa training na ito ay si Kagawad Amy
na isa ring magsasaka mula sa Nueva Ecija. Tinuruan
niya ang mga kananayan na nagsidalo ng ilang mga
gamot na mabisa sa mga sakit na kadalasang kanilang
nararanasan. Ang kanilang mga nagawang gamot ay
Sambong granules, Akapulko ointment at Lagundi
syrup.

Sa huling bahagi ng training ay nagkaroon ng


assessment sa naging daloy at sa mga natutunang

92
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
gamot ng mga kananayan. Isa sa mga lumitaw na
suhestiyon ay ang paggawa ng halamang gamot na
pangmaramihan. Nais nilang makagawa ng gamot na
marami ang makikinabang upang hindi na mahirapan
ang karamihan sa paghahanap ng gamot sa tuwing
may magkakasakit sa kanilang pamilya. Dahil dito ay
nagkaroon ng isang araw na pagpupulong upang
mapagusapan ang kanilang nais na gawin.

Nagkaroon ng diskusyon ang mga nanay ukol


sa paggawa ng maramihang gamot. Layunin ng mga
kananayan sa komunidad na makapagimbak ng gamot
sa kanilang lugar upang pagdating na panahon na kinailangan ng mga kapitbahay ay may mapagkukunan ang mga
ito. Ang isa pang layunin nila ay hindi para kumita ng pera kundi matulungan muna ang mga kasamahan at
matugunan ang kanilang problema sa access ng gamot.

Nakapaloob sa napagusapan ng mga


kananayan sa Sitio Abuyod ang pagkakaroon ng
communal garden na ilalagay sa bundok at paglalagay
din ng mga garden sa bawat kapitbahayan. Nagkaroon
din ng tasking ang mga nanay upang mas maging
malinaw ang hatian ng gawain. Sisimulan nila ang
kanilang unang pagluluto sa Disyembre at
magkakaroon sila ng monthly assessment upang
makita at mapag-usapan ang mga tanim at lulutuing
gamot sa susunod na mga araw.

Ang gawaing ito ay tumugon sa pangangailangan ng tao sa komunidad. Dahil mahirap ang pagpunta sa
ospital at mahal ang mga gamot, kinakailangan na makahanap ng alternatibong gamot na tutugon sa problema sa
sakit sa komunidad. Tinugunan din nito ang usapin ng
vulnerablility sa mga sakit. Gaya ng nasabi sa pag-
aaral ng kahirapan sa komunidad, ayon sa mga tao dito
ay sila ay madalas maapektuhan ng mga sakit kaya’t
pati ang kanilang gawain sa pang araw-araw ay
naapektuhan din. Kadalasang hindi nakakayang bumili
ng gamot para maibsan ang kanilang sakit dahil walang
pambili. Nakita nga na ang halamang gamot ang sagot
sa kanilang pangangailangan. Dahil sa maraming mga
halamang gamot sa komunidad, hindi na mahihirapan
ang mga tao para maghanap nito at pati din sa
paggawa naman ng gamot ay kayang-kaya na nila

93
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
dahil sa ginanap na Herbal Medicine Training. Kaya’t sa oras na mangangailangan ng gamot ang mga tao sa
komunidad, hindi na magiging problema ang gamot dahil may libre at mabisang gamot na magagamit.

G. Farmers’ Rights Seminar

Sa naganap na Organizational Diagnosis

ay naisaad na isa sa mga problema ng samahan

ay ang kawalang katiyakan sa pagmamay-ari ng

kanilang lupa. Kaya naman noong nakaraang

pagpaplano ng BATROFA ay napagusapan kung

paano nila ito matutugunan. Napagkasunduan na

magkaroon ng isang seminar sa karapatan ng

magsasaka o isang Farmer’s Rights Seminar na gaganapin sa Setyembre 29, 2009. Mula sa MASIPAG

ang tagapagsalita sa seminar na siyang sasagot sa mga katanungan ng magsasaka.

Pagsasagawa ng TNA

Dahil sa malawak ang sakop ng mga karapatan ng magsasaka ay kinakailangan na malaman talaga

kung aling aspeto dito ang may kinalaman sa isyu ng BATROFA. Upang matiyak ito ay nagsagawa ang

Team Teresa ng isang Training Needs Analysis (TNA) sa iilang miyembro ng BATROFA. Kabilang sa

aming mga naitanong ay:

1. Anu-anong mga karapatan ang inyong alam patungkol sa magsasaka?

2. Pag-aari niyo ba ang inyong lupang sinasaka?

3. Kung hindi ay nakausap niyo na ba ang may-ari ng lupa?

4. Anu-ano ang mga napagusapan niyo?

5. Gaano kalawak ang lupang inyong sinasaka?

6. Anu-ano pa ang gusto niyang malalaman sa mangyayaring seminar?

7. Makakadalo po ba kayo sa seminar?

Sa mga tanong na ito inaaasahang magiging malinaw kung ano ang talaga ang nais

malaman ng BATROFA sa seminar.

Resulta ng TNA

94
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Mula sa mga nakalap na impormasyon sa TNA aming napagalaman na marami sa mga
miyembro ang hindi pagmamay-ari ang kanilang lupa. Karaniwan sila ay tenante, nakikisaka o laborer sa
kanilang mga lupa. Bagamat hindi nila ito pagmamay-ari ay marami rin sa kanila ang wala namang
sistema ng bayaran o hatian sa mga may-ari. Ang iba ay matagal nang hindi nakakausap ang may-ari,
habang marami sa kanila ang hindi talaga kilala kung sino ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka.

Kagustuhang malaman mula sa seminar

Dahil dito, nanganganib ang mga magsasaka na baka biglang kunin ng mga may-ari ang
kanilang lupa. Kaya naman, sa TNA, kanilang nabanggit na kagustuhan sana nilang malaman kung
papaano ba nila maaari ang lupang kanilang sinasaka. Katwiran nila ay alam nila na maaari namang
mapasakanila ang lupa dahil bukod sa hindi na pumupunta ang may-ari, ay matagal na silang nagsasaka
dito.

Hakbangin kung sakaling kunin ang lupang sinasaka

Amin ding itinanong kung anu-anong hakbangin naman ang gagawin nila sakaling kunin nga ang
lupa mula sa kanila. Ang iba sa kanila tulad ni Tay Celso at Tay Danny, ay may mga nagawa nang
hakbang. Nakapagtanong na sila sa Department of Agrarian Reform (DAR) kung sino ang may-ari ng
kanilang lupang sinasaka. Nang malaman nila na hindi ito nakarehistro sa DAR ay ipinangalan na nila
ang kanilang lupa sa kanila. Ngunit, sa kabila nito, ang tingin nila ay hindi pa rin ito sapat upang ganap
na maprotektahan ang lupa nila. Mas mabuti daw kung sila ay magkakaroon ng pormal na titulo ng
pagmamay-ari.

Ang iba naman sa kanila ay hindi pa nakakaisip ng maaaring gawin kung agawin sa kanila ang
lupa. Ani nila ay kung mapapatunayan nga ng may-ari na sa kanila ang lupa ay malugod naman nila itong
ibibigay. Ngunit, pakikiusapan nila ang may-ari na kung puwedeng ipagpatuloy nila ang pagsasaka dito,
sapagkat sila naman ang namuhunan at nag-asikaso upang yumabong ang lupa. Gusto naman nila Tay
Kulas at Tay Les na kung maaari ay bayaran ng may-ari ang bawat tanim na kanilang ipinunla sa lupa, sa
katwirang sila naman ang gumastos dito.

Ang tagapagsalita

Matapos makuha ang resulta ng TNA ay amin itong ipinadala sa MASIPAG, upang mapagaralan
ng magiging tagapagsalita.

95
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ngunit, aming napagalaman na hindi na pala makakadalo si Kuya Ralph Vallesteros ng
MASIPAG kaya’t hindi sila makakapagbigay ng tagapagsalita. Tuloy, kami na lang ang naghanap ng
maaaring maging tagapagsalita. Pinaunlakan ni Ka Rene, na presidente ng samahang Aniban ng
Manggagawa sa Agrikultura o AMA, ang aming anyayang maging tagapagsalita. Ang AMA ay isang
organisasyon ng magsasaka na tinayo noong 1930’s. Ito ay matatagpuan sa Victory Norte, bayan ng
Santiago, sa probinsiya ng Isabela. Ang pangunahin nilang layunin ay maitaguyod ang karapatan at
kabutihan ng kalagayan ng mga magsasaka upang mapaunlad ang agrikultura sa Pilipinas.

Pagpapaliban sa Farmer’s Rights Seminar

Nakalatag na ang magiging daloy ng seminar sa Setyembre 29. May tagapagsalita na. May lugar
na din na pagdadausan, badyet para sa pagkain, at napaalalahanan na rin ang mga miyembro ukol dito.
Ayos na ang lahat ngunit walang nakapaghanda sa mangyayari ng mga susunod na araw. Noong
Setyembre 26 nga ay dumating ang Bagyong Ondoy. Kabilang ang Abuyod sa matinding naapektuhan ni
Ondoy. Hindi lamang nito sinalanta ang mga pananim ng magsasaka, kundi ang iba sa kanilang mga
tirahan.

Tuloy, kinakailangan pang ayusin muli ng ating mga magsasaka ang kanilang mga palayan
upang ihanda sa susunod na pag-aani. Kasama na rina ng pagkukumpuni ng mga nasirang tahanan.
Upang makasiguro kung dapat pa bang ituloy ang seminar ay nagtanong-tanong kami sa miyembro kung
sa tingin nila ay makakayanan pa nilang dumalo sa seminar. Lahat sila ay sumang-ayon na huwag na
munang itong ituloy dahil lahat sila ay magiging abala sa mga susunod na araw.

Dahil dito, nagdesisyon na rin na ipagpaliban muna ang seminar upang bigyan ang mga
magsasaka ng pagkakataong makabangon muli. At dahil sa Oktubre ay matatapos na ang semestreng ito
ng mga mag-aaral, ay napagpasiyahan na sa susunod na semester na lamang itutuloy ang seminar.
Sumang-ayon naman ang lahat sa planong ito.

H. Paggawa ng Adoptor’s profile

Sa tulong ng MASIPAG nakalap ang mga


datos at mga impormasyon tungkol sa mga
magsasaka ng Abuyod, Teresa, Rizal. Sa
pamamagitan ng panayam sa bawat kasapi ng
samahang BATROFA inalam ang mga
mahahalagang impormasyon patungkol sa
proseso ng pagtatanim at pagsasaka. Kasama sa

96
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
pagkalap ng datos inalam ang petsa ng kanilang
pagsisimula sa MASIPAG. Sa pagkalap ng datos,
tinukoy din ang iba’t-ibang klase ng binhi na
ginagamit sa isang panahong taniman. Inalam
ang mga binhing itinatanim sa panahon ng tag-
ulan at tag-araw, ang nararapat na distansiya ng
pagtatanim, lawak o sukat ng taniman at ang
kabuuang dami ng ani. Karaniwang itinatanim
tuwing tag-ulan ay lagkitan, makan, angelica, RC
18, RC 14, at tuwing tag-araw naman ay mga
gulay tulad ng sitaw, talong upo, kalabasa, at
mais. Ang karaniwang distansiya ng pagtatanim ng palay ay 22 cm, sa lawak na mula 0.5 hanggang 1
ektarya ng lupa. Ang dami ng ani ay base sa lawak ng lupang tinataniman umaabot ng 10 hanggang 80
kaban ang kabuuang ani.

Inalam din ang iba’t ibang pamamaraan at proseso sa pagpapataba ng lupa. Ang ibang
magsasaka ay gumagamit ng organikong pampataba tulad ng bituka ng isda at asukal 1kg sa isang
linggo, at ang iba nama’y di gumagamit ng organikong pataba tulad ng triple 14 at Uria na umaabot ng
P1,500 kada kilo, Brodan, Malatayon at Seven.

Isa sa mga suliranin sa pagsasaka ay ang pagkakaroon ng peste sa palayan tulad ng atangya,
busuak, uod, damo, at bukbok. Ang mga magsasaka ay mayroong alternatibong pamamaraan sa
pamamahala ng mga peste sa kanikanilang palayan, ang ilang gumagamit ng organikong pestisidyo ay
naglalaan ng kaukulang oras sa paggawa nito. Isang lata ng katas ng binurong bituka at asukal ang
inilalagay sa 16 litro na tubig, samantalang ang ilan ay bumibili ng pestisidyo tulad ng malatayon at
brodan, dalawang takip nito ang inihahalo sa tubig kada isang sprayer.

Bukod sa tanim na palay, mayroon pang


iba’t-ibang pananim ang mga magsasaka ng
Abuyod tulad ng, mga gulay na talong, kangkong,
gabi, okra, kamatis, talbos, sili at prutas kagaya
ng saging, mangga, santol, tundok, papaya,
pinya, langka, sampalok, guyabano, suha,
kalamansi. Ang ilan sa mga magsasaka ay
mayroong pagmamayaaring kalabaw na galing sa
CFCA, ang iba ay sarili tulad ng baka, bibe,
manok, kambing, aso at pusa.

97
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

I. Pag-aaral ukol sa kalagayan ng mga


magsasaka ng BATROFA (Members’ Profile)

Mula sa aming pakikipamuhay kasama


ang BATROFA at sa mga datos mula sa mga
panayam namin sa bawat miyembro, ay aming
ihahatid ang kasalukuyang lagay ng
pamumuhay ng mga magsasaka ng BATROFA.

Napili naming hatiin ito sa dalawa (2),


ang kalagayan nila sa kanilang mga gawaing
agrikultural, tulad ng pagsasaka at pagaalaga
ng hayop; at ang iba pang hanapbuhay bukod sa agrikultura.

Pagsasaka

Bukod sa kalagayan ng pagsasaka, ay kasama din ang pag-aalaga ng hayop sa mga gawaing
agrikultural ng mga miyembro ng BATROFA. Kabilang din dito ang pagbebenta nila ng kanilang mga
naani o ng inaalagang hayop, pati na rin ang mga problemang kanilang kinakaharap mula rito.

Marami sa mga miyembro ay pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay. Humigit sa kalahati ng


mga miyembro ay katulong sa pagsasaka ang kanilang asawa, anak at kapatid. Marami din kasi sa mga
miyembro ng samahan ay magkakamag-anak.

Lahat ng mga miyembro ay siyang gumgastos sa pagtatanim at siya ring nagtatakda ng mga
itatanim sa lupa nila.

Mga itinatanim

Palay
Palay ang kadalasang itinatanim ng
mga miyembro. Iba’t ibang uri ng palay ang
naitatanim; tulad ng M16-2, C-78, RC-74, M-23,
malagkit, red rice at black rice. Mula sa
MASIPAG at CFCA ang mga binhi ng palay ng
ginagamit ng ilan sa magsasaka. Habang may

98
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
iba naman na nagtatabi ng binhi mula sa
nakaraang ani. Umaabot ang natatabing binhi
mula sa tatlong (3) balde hanggang pitong (7)
kaban, depende sa lawak ng lupang sinasaka.

Marami sa mga magsasaka ay umaani ng


labinwalong kaban (18) ng bigas hanggang sa
isandaang (100) kaban ng bigas. May dalawang
(2) miyembro na umaani ng lampas sa isandaang
kaban sapagkat malaki ang lupang kanilang
sinasaka.
Sa kanilang mga naani ay kakaunti lang ang hindi nagbebenta ng naani. Madalas sila ang mga
magsasaka na mayroon pang ibang pinagkukuhanan na kita bukod sa pagsasaka. Kanila itong iniimbak
para sa pansariling konsumo lamang. Sa mga nagbebenta naman, hindi tataas sa limampu (50) na
kaban ng palay ang itinatabi para sa sarili.

Mais
Kalahati lamang sa mga miyembro ang nagtatanim ng mais. Ang ilan ay nagbebenta nito lalo na
kung malaki ang sakahan ng mais. Mas marami ang inaani lamang ang mais para sa pansariling
kagustuhan.

Gulay
Maliban sa palay ay nagtatanim din ang lahat ng gulay para sa sariling pangkonsumo o
pangbenta. Kabilang sa mga gulay na madalas na itinatanim ay sitaw, talong, upo, kalabasa at okra.
Kadalasan ay nakakaani ang isang magsasaka ng humigi’t kumulang tatlumpung (30) kilo ng
gulay kada anihan.

Prutas
Ang lahat din ay makikitaan ng mga tanim ng iba’t ibang prutas sa gilid ng kanilang mga sakahan.
Ang ilan sa madalas na itinatanim ay saging, mangga, santol, bayabas, kalamansi at pinya. May mga
pinagbebenta talaga ang mga nakuhang prutas ngunit mayroon ding nagbebenta kung sakaling may
magtanong lang.

Halamang-Ugat
May mga iba rin naman na nagtatanim ng mga halamang-ugat tulad ng talbos ng kamote,
kamoteng kahoy, luya at mani.

99
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Tulad din ng gulay at prutas, ang iba ay
pinagbebenta ito, pero mas maraming nagtatanim
nito para sa pagkain ng kani-kanilang pamilya.

Paglalako ng Tanim

Nauna nang nabanggit na marami sa


mga miyembro ang binebenta ang kanilang mga
tanim, dahil marami nga sa kanila ay pagsasaka
ang pangunahing hanapbuhay.

Para sa palay, iba-ibang bilang ng kaban ang kanilang itinatabi para sa pagbebenta. Ang ilan ay
kung ilan ang matira sa kanilang mga nakonsumo. Ang iba naman ay hindi bababa sa 10 kaban ang
iniimbak kung maliit ang naani. Sa mga miyembrong may malalaking sakahan, sila ay nakakabenta ng
mga pitumpu (70) hanggang isandaang (100) kaban ng bigas, kada anihan.

Kadalasan ang naaning palay ay ibinebenta sa mga bayuhan o gilingan ng palay sa palengke ng
Barangay Dalig. May iba naman na deretso na sa mga may-ari ng tindahan sa palengke ang pagbenta ng
bigas. Mayroon din namang may tindahan ng bigas sa mismo niyang bahay.

Isa lamang sa miyembro ang nagbebenta ng kaniyang aning palay sa CFCA para sa kanilang
programang libreng pakain sa mga bata. Ito ay dahil sa marami siyang naaani, na umaabot ng mga
tatlong daan (300) na kaban ng bigas, kada anihan. Sa mais naman, kadalasan na mismong ang taong
gustong bumili ng mais, ang siyang magaani at maghahakot ng mais mula sa sakahan ng magsasaka.

Ang mga gulay, prutas at halamang-ugat naman ay itnitinda o inilalako ng maraming magsasaka
sa kanilang mga kapitbahay.

Kapag sa palengke o bayuhan


ipinagbebenta ang palay, kadalasan ito ay
napagbibili ng sampung piso (P10.00) hanggang
labimpitong piso (P17.00) kada kilo ng bigas. Ang
isang kaban naman ay maaaring ibenta ng apat
na daang piso (P400.00) hanggang pitong daang
piso (P700.00). Kung sa CFCA naman ito
ipagbebenta, tatlumpu’t piso (P30.00) ang kilo ng
bigas at isang libo at anim na raang piso

100
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
(P1,600.00) ang isang kaban.

Karaniwang Suliranin

Amin ding inalam kung anu-ano ba ang mga problemang karaniwang nararanasan ng
magsasaka sa pagtatanim, pati na rin sa pagbebenta ng kanilang ani.

Pagsasaka
Sa pagsasaka, madalas ay problema ang peste sa palay, kalamidad tulad ng bagyo, kawalan ng
sapat na patubig kapag tag-araw, madamong palayan, mahal na gastusin sa pagsasaka, payat at
mabagal na pagtubo ng palay.

Peste
Marami sa mga magsasaka ay itunuturing ang peste sa mga tanim, bilang pangunahing suliranin
sa pagsasaka. Kadalasan ito ay dulot ng madadamong palayan na maaaring tirahan ng mga peste. Ang
mga pesteng tulad ng uod, daga, insekto, kuhol at atangya ang karaniwang sumisira sa mga tanim. Dahil
dito ay nababawasan ang dapat anihin ng mga magsasaka.

Ang BATROFA ay gumagamit ng mga organikong pamamaraan ng pamamahala sa peste.


Bukod kasi sa mas mura ito sa mga komersyal na pestesidyo ay madali lang itong gawin at madaling
makuha ang mga sangkap nito. Kadalasang ginagamit na pangtaboy sa peste ay ang pagtatanim ng
madre de cacao sa tabi ng mga palay, pag-ispray ng katas ng citronella at sili (laban sa daga), pagsabog
ng binurong isda, hipon na may kasamang asukal.

Makabubuti rin ang palaging pagagamas o pagtanggal ng mga damo sa palayan nang hindi na
doon manirahan ang mga peste. Mahirap ding trabaho ito na minsan ay kinakailangan pang umupa ng
tauhan na maaaring mag-gamas.

Kalamidad
Madalas nasisira ang mga pananim ng magsasaka kapag tinatamaan ng kalamidad, pangunahin
na ang bagyo.

Patubig
Kapag tag-araw, nahihirapan ang magsasaka na patubigan ang kanilang mga tanim. Karamihan
kasi ng magsasaka sa Abyod ay sahod-ulan lamang ang sistema ng pagpaptubig sa kanilang lugar. Sa
kasalukuyan ay nakakatulong ang kuliglig at water pump na ibinigay ng CFCA sa BATROFA upang
maibsan ang problema sa patubig. Kailangan na lamang bumili ng krudo upang umandar ang kuliglig.

101
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Kadalasan tuloy ay hindi na nagtatanim


ng palay ang magsasaka kapag tag-araw na.
Malimit na itinatanim ay gulay (talong, sitaw, upo,
kalabasa) at puno (mangga, santol, bayabas,
saging) – mga tanin na hindi na masyado
nangangailangan ng tubig para tumubo.

Mga Gastusin
Dahil nga marami sa BATROFA ay sarili
ang gastos sa pagsasaka, minsan ay nagigipit din
sila sa pagbayad sa mga kinakailangan upang
makapagtanim. Kabilang sa mga pinagkakagastusan ng karaniwang magsasaka ay ang kalabaw, krudo
sa motor, binhi, abono, pestisidyo, upa sa tauhan (magtatanim, magkakaret, magagapas, magkikiskis,
maghahakot) at pamasahe sa paglipat ng mga naani.

Upang mabayaran ang mga ito, marami sa mga magsasaka ang nangungutang. Naging
kalakaran na rin na ang pambayad utang ng magsasaka ay ang ani rin nila. Ang isang kaban ng bigas ay
katumbas ng limandaan piso (P500.00) hanggang isang libong piso (P1000.00), depende sa
napagusapan. Bigas na rin ang minsang suweldo ng mga tauhan sa pagsasaka. Halimbawa, sa nag-
gapas mapupunta ang isang sako ng bigas kada pitong sako na nagapas niya.

Minsan pa nga ay malaki ang napupunta sa pambayad-utang kaya kakaunti na lang ang
natitirang bigas para sa magsasaka. Isa ito sa mga kadahilanan nila kung bakit patuloy pa rin silang
naghihirap.

Malaking tulong para sa mga magsasaka


ng BATROFA ang pagbibigay ng kalabaw ng
CFCA. Dahil dito, hindi na nila kinakailangang
bumili o umupa pa ng kalabaw. Ang mga
kaalaman tungkol sa organikong pagsasaka, na
kanilang natutunan mula sa MASIPAG, ang
nakatulong upang sila na mismo ang gumawa ng
organikong pataba at pestisidyo. Nakatipid sila
sa pagbili ng mga komersyal na abono at
pestisidyo na nakasasama pa sa kalusugan. Hindi

102
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
rin nakokompromiso ang pagtubo ng palay dahil minsan pa nga ay mas matataba at berdeng berde ang
palay na naaani sa organikong pataba at pestisidyo kaysa sa komersyal na uri.

Maraming testimonya ng magsasaka ng BATROFA ang nagsasabing mas nakatipid sila sa


gastusin sa pagsasaka nang sila ay lumipat sa organikong pamamaraan. Hindi katulad noon na
masyadong maraming kailangan bayaran para lamang makapagsaka.

Peligro sa Kalusugan
Sa tradisiyonal na pagsasaka, malawakan ang paggamit ng kimikal sa abono at pestisidyo.
Tuloy, marami sa mga magsasaka ang nakakadama ng pagbabago sa kanilang kalusugan. Ang ilan ay
nagkakasakit lalo na kapag nakakalanghap ng kimikal mula sa pestisidyo at abono. At dahil nga kimikal
ang gamit, ay masasabing kimikal din ang mga bigas na kinakain at pinagbebenta nila. Paglaon ay
marami ding masasamang epekto ito sa kalusugan tulad ng pagtaba, medaling pagkahingal at pagbaba
ng resistensiya ng katawan.

Ang BATROFA naman ay kamapante na ligtas sa kimikal ang ipinapakain nila sa kanilang mga
pamilya. Mas gumaan at lumakas din ang kanilang pakiramdam dahil hindi na sila direktang gumagamit
ng kimikal sa kanilang mga palayan.

Problema sa lupang sinasaka


Isa rin sa mga suliraning matagal ng
kinakaharap ng mga magsasaka sa Abuyod ay ang
katiyakan nila sa pagmamay-ari ng kanilang lupang
sinasaka.

Marami sa miyembro ng BATROFA ay kilala


ang may-ari ng kanilang lupa ngunit wala silang
napaguusapan hatian o bayaran sa paguupa ng lupa.
Ang iba naman ay hindi talaga pinupuntahan ng may-
ari ang lupain.

Dahil dito hindi tuluyang mapasakanila ang


kanilang mga lupain. Nangangamba tuloy sila na baka
bigla na lang itong bawiin sa kanila ng mga may-ari.
Hindi nila alam ang maaari nilang gawin upang
maangkin na talaga ang lupa na mahigit tatlumpung
(30) taon na nilang sinasaka

103
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Pagbebenta
Kabilang sa mga nararanasang problema ng magsasaka tuwing sila ay magbebenta na ng
kanilang naani ay ang mababang presyo sa bigas, dayaan sa mga timbangan ng bilihan ng bigas at ang
hindi pagbabayad ng mga nangungutang na mamimimili.

Mababang Presyo ng Bigas


Ani nila ang presyo ng bigas ay itinatakda
ng mga bumibili, kadalasan sa palengke. Minsan
ay binababaan ng mga bumibili ang presyo ng
kanilang mga bigas. Sapagkat kailangan nilang
makapagbenta ay napipilitan silang kunin na ang
halagang ibinigay kaysa naman sa wala silang
kitain.

Para sa kanila, hindi makatarungan ang


kinikita nila sa pagbebenta kung iisipin ang pagod, hirap at gastusin na kanilang inilaan upang
makapagsaka lang.

Nadadaya sa Timbangan
May mga ilan ding magsasaka ang
nadadaya naman sa timbangan kapag sinusukat
na ang bigas na ipagbebenta. Minsan daw ay
kakaunti lang ang sukat kahit na madami silang
naaani. Tuloy, hindi sila nabibigyan ng nararapat
na halaga para sa kanilang naani.

Hindi nagbabayad na namimili


May iba naman sa kanila ang nagtitinda
ng bigas sa kanilang bahay o kaya ay naglalako
sa kanilang mga kapitbahay. Paminsan ay hindi maiiwasang umutang ang iba dahil na rin nagigipit sila.
May iba sa kanila ang nakakalimutan nang magbayad o hindi nagbibigay kahit na sinisingil.

Pag-aalaga ng Hayop

Halos lahat ng mga magsasaka ay mayroon ding inaalagaang hayop. Bukod sa naiuulam nila ito
ay naipagbebenta pa kung kinakailangan. Mahalaga rin ang pagaalaga ng kalabaw para sa magsasaka

104
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
dahil malaki ang naitutulong nito sa pag-aararo, pagsuyod ng lupa at pati sa paghakot ng kaban ng palay.
Hindi lamang iyan, may ilan din ang nagpapaupa ng kalabaw sa ibang mga magsasakang walang
kalabaw.

Mga hayop na inaalagaan

Ang mga malimit alagaang hayop ay manok, kalabaw, baka, baboy at pato. Nagmula sa CFCA
ang ilan sa mga kalabaw ng samahan. Kapag nagkaanak na ang kalabaw mula sa CFCA mapupunta ito
sa nag-alaga. Habang ang inang kalabaw naman ay mapupunta sa pangangalaga ng bagong miyembro
ng samahan.
Tinatantiyang aabutin ng lima (5) hanggang labindalawang (12) buwan ang pagpapalaki sa
kanilang mga alaga.

Pinagkakagastusan

Pagkain o feeds ang pangunahing pinagkakagastusan ng mga nagaalaga ng hayop. Sa manok


at baboy madalas gumagastos ng pagkain. Hindi ito katulad ng mga kalabaw, baka o pato, na ang
kinakain ay mga damo o palay sa kanilang sakahan.
Kapag nagigipit naman ay madalas burak o kaning baboy ang pinapakain sa mga baboy at palay
para sa manok.
Kasama din sa pinagkakagustusan ang tali o lubid para sa kalabaw. Ang iba ay gumagasta sdin
para vitamins at gamot kapag nagkakasakit ang alagang hayop.

Pagbebenta ng hayop

Minsan ay naipagbebenta din nila ang kanilang mga inaalagaang hayop pang dagdag-kita.

Sa pagbebenta ng kalabaw at baka, maaaring kumita ng sampung libong piso (P10,000)


hanggang dalawampung libong piso (P20,000) kada isang kalabaw o baka. Sampung libong piso
(P10,000) naman, kada isa, ang pagbenta sa baboy. Ang pato at manok naman ay naipagbibili ng
isandaang piso (P100) hanggang dalwandaang piso (P200) kada isa.

Karaniwang suliranin

Pagdating sa pagaaalaga ng hayop ay may ilan ding nabanggit na problema ang magsasaka ng
BATROFA. Ilan dito ay ang gastos sa pakain ng manok, pagkakasakit ng mga hayop at ang pagnanakaw
ng inaalagang hayop, lalo na kung ito ay pangbenta.

105
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Sa pagbebenta naman ng hayop ay walang nakikitang problema ang nagaalaga dahil madalas,
kusa nang pumupunta sa kanila ang bibili ng hayop. Sila rin ang nagtatakda ng presyo ng hayop na
kanilang ipagbibili.

Gastos Sa Pakain
Kahit na marami sa BATROFA ang palay, damo at kaning baboy lamang ang pinapakain sa mga
inaalagang hayop, may iba pa rin ang gumagamit ng komersyal na pakain sa kanilang mga hayop. Ito ay
para sa mga magsasaka na pangunahing ipinagbebenta ang kanilang mga hayop.

Pagkakasakit
Hindi rin naman maiiwasan na magkasakit ang mga hayop na inaalagaan. Kadalasan ay
nagkakaubo at lagnat ang mga manok, baboy at kalabaw o di kaya ay nagsusugat ang mga paa ng baka.
Kapag nangyari ito, kinakailangan talagang bumili ng gamot ang may-ari. Ang iba ay gumagamit
pa ng vitamins upang maiwasan na ang pagkakasakit ng alaga.

Nakawan ng Hayop
Marami sa mga magsasaka ng Abuyod ay nakatira sa ibaba ng bundok. Kung kaya naiiwan nila
ang ilan sa kanilang mga alaga sa itaas – sa kanilang mga palayan. Dahil dito, mas madaling nakawin
ang kanilang mga alaga, lalo na ang mga manok at pato.

Iba pang hanapbuhay

Bukod sa pagsasaka, mayroon ding ibang


magsasaka ang may iba pang hanapbuhay.
Kadalasan kasi ay kulang ang kinikita ng magsasaka
sa pagbebenta ng kanilang mga naani kaya
kinakailangan pa nilang maggkaroon ng ibang
pagkakakitaan.
Sa Abuyod, kadalasan sa kanila ay nagtatrabaho sa
mga industrial farms na malapit lang sa kanilang
lugar, bilang maintenance worker. Ang iba ay
nagtatrabaho sa pagawaan ng uling o di kaya ay
tricycle o service driver.
May iba naman na kapag tapos na ang
pagtatanim sa bukid ay nagtatrabaho bilang tiga-
tanim sa mga sakahan ng ibang magsasaka.

106
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Karaniwang suliranin

Mula sa mga magsasakang may iba pang hanapbuhay, amin silang tinanong kung may mga
problema ba silang nararanasan dito. Tanging sa paguuling at pagmamaneho ng tricycle sila ay
nakapagsabi ng mga suliranin.

Pag-uuling
Sa paggawa ng uling mahirap ang pabago-bagong panahan, lalo na kapag umuulan dahil hindi
sila nakakapag patuyo ng uling. Problema din daw ang madalas a pagpasma at pananakit ng katawan
mula sa paggawa.

Pagmamaneho ng Tricyle
Pangunahing problema pa rin ay ang lubak-lubak na daan papuntang Abuyod sapagkat madalas
maaksidente o di kaya’y masiraan ang kanilang tricycle.

107
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA VI.
Ang Pakikipagsapalaran ng Team Teresa sa Bagyong Ondoy

108
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
A. Ang Ondoy at ang Abuyod

“Mahirap na nga kami, lalo pang


pinahirapan. Nag-iwan pa ng basura,” sabi ni
Pareng Aye.

Nasa ATR ang Team Teresa noong


Setyembre 26, 2009 nang bumuhos ang Bagyong
Ondoy. Hindi inaasahan ng komunidad na
ganoon katindi ang mangyayari. Ang lakas ng
hangin at ulan noon ay parang sa karaniwang
bagyo lamang kaya ang lahat ay nagulat noong tumaas ang ilog at pinasok ang mga kabahayan.

Pagtaas ng ilog, halos lahat ng tao sa komunidad ay nasa labas ng kanilang mga bahay. Ang iba
ay dahil ang bahay nila ay pinasok na nang baha, ang iba naman ay dahil sa tinutulungan nila ang nauna.
Inilikas sa matataas na kabahayan ang mga kagamitan sa bahay, damit, at pati na rin ang mga kabataan.
Ang leadership training noon ng CFCA ay naging aktwal na pagpapakita ng leadership skills. Sa kabila
nang delubyong idinulot ng bagyo, matingkad pa rin ang pagmamalasakit ng mga taga-Abuyod sa isa’t
isa.

Kinabukasan ay sinimulan na nang mga tao ang paglilinis ng kanilang mga kabahayan, habang
may ilan na nagtayo ulit nang bahay malapit lamang sa kanilang bahay na nasira. Ang putik na iniwan ng
ilog sa loob ng mga kabahayan ay halos dalawang talampakan ang taas na kinailangan pang palahin at
timbain.
Dito nasilayan ng grupo na hindi lang pala mga magsasaka ang marunong magbayanihan sa
ATR.

Agad na nawala ang kuryente sa lugar pagbagsak ng bagyo. Tumagal ito hanggang sa lumuwas
ang grupo paalis ng Teresa noong Setyembre 29, 2009. Putol ang kalsada dahil sa bumiyak ito at dahil
rin sa mga nagbagsakang poste. Kailangang maglakad ng kaunti ng mga nagnanais na makapunta sa
Antipolo at Maynila.

May mga palayan at taniman ding nasira dahil sa lakas ng hangin at pagtaas ng tubig. Hindi
inaasahan ng mga magsasaka ang ganitong kalamidad.

109
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
B. Ang Ondoy at ang kolehiyo

Noong Setyembre 29, 2009, bumuo


ang Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at
Pagpapaunlad ng Pamayanan ng task-
force na magbibigay tulong sa mga
nasalanta ng Bagyong Ondoy.
Pinangalanan nila itong ”Timba-timbang
Pagsikhay.”

Naghandog ng ilang mga seminars


ang kolehiyo tulad ng Stress Debriefing at Disaster Assessment upang bigyang armas ang mga
volunteers.

Naghanda rin ng relief goods na ibibigay sa mga nasalantang partner areas ng kolehiyo. May
mga goods na galing sa nasalantang grocery store na sama-samang hinakot, nilinis, at ni-repack ng mga
mag-aaral, faculty, staff, at iba pang volunteers ng kolehiyo.

C. Ang Ondoy at ang San Mateo, Rizal

Unang alon

Noong ika-3 ng Oktubre 2009, bilang volunteer ng Timba-timbang Pagsikhay ng kolehiyo,


nagpunta ang isa sa mga miyembro ng Team Teresa sa isang evacuation center sa San Mateo, Rizal.
Kasama ni Enan ang apat pang mag-aaral sa undergraduate level at dalawang alumni ng CSWCD.
Nagbigay ng relief goods at tanghalian ang grupo.

Ang evacuation center ay hindi tulad ng inaasan ni Enan. Ito ay isang eskwelahang natabunan ng
putik ang ground floor. Ang mga corridors ay basa ng putik, tubig, ihi, at dumi. Ang mga pamilyang
nasalanta ay nagsisiksikan sa loob ng mga classrooms. Tila walang maayos na waste management
system ang evacuation center at kapansin-pansin na walang hiwalay na kwartong sarado upang
pagbihisan at palikuran ng mga kababaihan.

Nagkagulo ang mga tao sa pamimigay ng relief goods. Walang tulong na natanggap ang grupo
mula sa local government unit bagama’t may isang Barangay Kagawad na nanood habang nag-aabot
ang group sa mga nasalanta.

110
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Kahit na wala ang partner people’s organization sa lugar noong mga oras na yun, may mga
lumitaw na local community leaders na siyang nagbigay tulong sa grupo. Sa kabila nang pagkakagulo ng
mga tao, may iilan na inoorganisa ang kanilang mga kasama. May ilan pa ngang naging taga-announce
ng mga pangalan ng mga taong bibigyan ng relief goods.

Ikalawang alon

Noong ika-6 ng Oktubre 2009, ang mga mag-aaral ng kolehiyo sa undergraduate level ay hinugot
mula sa kanilang mga klase at ipinadala sa Barangay Banaba, San Mateo, Rizal.

Ang Barangay Banaba, na katabi ng Ilog ng Marikina at Ilog ng Nangka, ay isa sa mga matinding
nasalanta ng naglalakihang baha na dulot ng Bagyong Ondoy. Sa mga naunang pagkilos ng kolehiyo sa
lugar, lumabas ang pangangailangan ng maskomprehensibong datos ukol sa mga nabiktima ng Ondoy
na siyang makakatulong sa mga nais magbigay tulong sa lugar.

Sa kooperasyong ng Center for Disaster Preparedness Founcation, Inc. (CDPFI) at Buklod Tao,
ang kolehiyo ay nagpadala ng 26 na mag-aaral na kumukuha ng BS Community Development at
sumasailalim sa Field Instruction Program ng Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayanan upang
magsagawa ng Disaster and Needs Assessment sa lugar. Kasama sa mga mag-aaral na ito ang Team
Teresa. Ang mga estudyante ay hinati sa 13 na grupo, dalawa sa bawat grupo, at nabigyan ng kanya-
kanyang lugar sa loob ng barangay kung saan sila ay pipili ng mga kapanayam gamit ang purposive
sampling. Sa kabuuan, 150 na kabahayan ang nakapanayam.

Nilalaman ng survey questionnaire ang socio-economic baseline information ng kabahayan,


antas ng risk sa kalamidad, uri at dalas ng mga natatanggap na tulong, pagninilay sa kanilang kalagayan,
pagninilay sa mga natatanggap na tulong, tungkulin ng nakapanayam sa kanyang pamilya at komunidad,
at ang kanilang mensahe sa gobyerno at international community.

Bagamat ang mga questionnaires ay


nagtalakay ng mga angkop at mahahalagang
impormasyon, ito ay nakasulat sa Ingles,
isang lenggwaheng hindi komportable para
sa mga nakapanayam.

Napag-alaman ng mga mag-aaral na,


bagamat may early warning system sa ilog,
ang mga taga-Banaba ay walang sistema sa

111
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
paghahanda upang mabawasan ang tindi ng
kalamidad. Wala silang sistema ng paglikas
at pag-evacuate.

Ang mga local government unit ng


San Mateo at Barangay Banaba ay walang
maayos na sistema ng pag-oorganisa at
pamimigay ng relief goods sa komunidad.
May mga biktima ng kalamidad na
nagrereklamong hindi raw nakakaabot sa
kanila ang mga relief goods samantalang ang
iba raw ay nakatanggap na ng ilang beses.
Ang mga volunteers ay binibigyan ng kalayaan na gawin ang gusto nila kahit na ang ibang mga tao sa
lugar hindi na nakakatanggap ng tulong.

Ayon sa mga resident eng Barangay


Banaba, ang master list ng mga nasalanta ay
hindi maaasahan at wasto. Ani nila, may mga
ilan na hindi nakasama sa listahan. Ang iba pa
raw ay nakalista ng dalawang beses – una,
nakalista sa pamilya ng magulang at ikalawa,
nakalista bilang head ng sariling pamilya.

Nirerekomenda ng mga mag-aaral na


magpadala agad ng underwear, napkin,
kumot, mga gamit sa paaralan, gamut para
sa alipunga, ubo at sipon, at mga gamit sa
pag-aayos ng bahay.

Dahil sa isinagawa lamang ang


assessment ng madalian, nabatid ng mga
mag-aaral na kulang pa ang mga
kabahayan na nakapanayam.
Nirerekomenda nila na magkaroon pa ng
iba pang pagkilos upang masmaging
maayos at maaasahan ang Disaster and
Needs Assessment.

112
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
D. Ang Ondoy at ang Ultra Sports Complex

Unang alon

Noong ika-8 ng Oktubre 2009,


katulad ng ikalawang alon ng Team Teresa
sa Barangay Banaba, ipinadala ulit ng
kolehiyo ang mga mag-aaral na sumasailalim
sa Field Instruction Program sa Ultra Sports
Complex sa Siyudad ng Pasig kasama ang
CDFI.

May dalawang evacuation centers sa Ultra Sports Complex. Ang isa ay may mahigit-kumulang
200 na pamilya, at ang isa naman ay 700 na pamilya.

Sumama ang Team Teresa sa grupong naitalaga sa pagbibigay assisatance sa evacuation


center management. Nag-asikaso ng mga pila, nangolekta ng mga basura, at tumulong sa pagrerekord
ang grupo.

Kalaunan ay sumama na ang grupo sa isa pang grupo ng mga mag-aaral na naitalaga sa
pagsasagawa ng stress debriefing ng mga kabataan.

Ikalawang alon

Noong sumunod na araw, 14 na estudyante na lamang ang sumama sa Ultra Sports Complex
kung kaya’t isang grupo na lamang ang
binuo.

Tumungo ang grupo sa masmalaking


evacuation center at tumulong ang grupo sa
pagrerekord ng mga kabataang nasa edad na
13 – 17 na taong gulang. Tumulong din ang
mga mag-aaral sa pag-iinventory ng mga
donasyong dumating mula sa UNICEF.

113
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Katulad nung nakaraang araw, tinapos din ang grupo ang
kanilang araw sa pamamagitan ng pagtulong sa pag-stress debrief
ng mga kabataan.

E. Ang pagbalik ng Team Teresa sa Abuyod

Bumalik ang Team Teresa sa Abuyod noong ika-18 ng


Oktubre upang magkaroon ng assessment ang BATROFA at higit sa
lahat ay upang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong
Ondoy. Pagdating naming sa
area ay wala pang tao na
nakapila sa sitio hall ng Sitio
Abuyod na napagusapang lugar kung saan ipapamahagi ang mga
relief goods. Sa tulong nila Nanay Basyong at Nanay Sabel ay
tinawag ang 53 tao na tinukoy ni Sitio Chairman Gina na nasalanta ng
bagyo. Isa-isang tinawag ang mga taong ito tapos ay pinapirrma at
binigyan ng relief goods (2 kilong bigas, toiletries at pagkain) na
nakalagay sa isang timba. Tumulong ang mga kananayan at
pinangunahan ni Nanay Gina sa pamamahagi ng relief goods sa mga
tao kung kaya’t medyo nawalan kontrol ang grupo sa pamamahagi
nito. Ayon sa listahan sa baranggay ay limampu’t tatlo (53) lamang
ang nasamantala ngunit pagkatapos ng pamamahagi ng relief goods ay naubos ang animnapung (60)
timba na inihanda ng grupo at naipamigay sa ibang tao ang pitong (7) timba na para sana’y sa mga
miyembro ng BATROFA na nasalanta rin ng bagyo. Sa relief operation na ito ay animnapung pamilya ang
nabigyan ng relief goods upang tulungang muling makabangon mula sa Bagyong Ondoy.

114
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA VII.
Mga Rekomendasyon

115
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ang Team Teresa ay umaasa na patuloy ang pagunlad ng BATROFA at ang buong Abuyod kung
kaya kami ay nagtukoy ng ilang mga rekomendasyon na sa aming palagay ay makakatulong sa mga tao
sa komunidad, sa baranggay, sa mga organisasyon na sumusuporta sa Abuyod at sa aming mga
estudyante na pinag-aaralan ang mga tao at
samahan sa Abuyod, Teresa, Rizal.

A. Sa LGU

Nirerekomenda ng Team Teresa na sana'y


magkaroon ng isang comprehensive na
community profile ang Baranggay Dalig sa mga
sitio na nasasakupan nito kabilang na dito ang
Sitio Abuyod. Sa aming pag-aaral at pananaliksik
sa Abuyod ay napag-alaman namin na kulang o
di sapat ang datos na mayroon ang Baranggay Dalig upang maging profound ang impormasyon nito
tungkol sa lugar at sa mga taong nakatira dito. Minumungkahi rin ng aming grupo na maging masmaayos
ang pagbibigay at pagaabot ng mga proyekto sa mga tao sa Abuyod sapagkat ayon sa kanila ay di
naman nakarating sa kanila ang ilang mga proyekto na nakasaad sa listahan ng kanilang baranggay
projects.

Nirerekomenda din ng Team Teresa na gumawa ng sariling community profile ang Sitio Abuyod
upang magkaroon sila ng datos ukol sa kanilang
lugar at upang maging masmakatotohanan ang
mga datos na lalamanin ng community profile na
ito. Umaasa din ang grupo na sana'y maging
masaktibo at visible ang mga opisyales tulad ng
baranggay chairman sa komunidad at magkaroon
ng bukas at maayos na relasyon ang mga officials
sa mga tao sa komunidad upang matugunan ang
mga pangangailangan at mapakingggan hinaing ng
mga tao sa baranggay.

B. Sa BATROFA

Sa samahan naman ng BATROFA ay nirerekomenda namin sa sana ay matanggal na ang


kanilang isyu sa pag-sali sa mga kababaihan sa kanilang samahan at makita nila ang kahalagahaan ng
mga kababaihan sa kanilang samahan pati na rin sa kanilang araw-araw na gawain sa bukid. Sana ay

116
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
maging bukas na ang kanilang isipan na
maraming maaring magagawa at maibahagi
ang mga kababaihan at sila ay di dapat
nakukulong sa mga gawing bahay lamang.
Umaasa rin ang grupo na sa tulong ng
nagawang saligang batas ng BATROFA ay
masolusyunan na ang problema ng samahan
sa attendance at paghawak ng pera. Higit sa
lahat ay nirerekomenda ng Team Teresa na
mabago na ang kanilang top-down na pag-
tingin sa samahan kung saan ang nasa itaas ay
ang mga opisyales ng samahan at ang nasa ibaba ay ang mga miyembro nito.

C. Sa kababaihan

Nirerekomenda ng Team Teresa na maging bukas ang mga kananayan o kababaihan na sabihin
ang kanilang mga opinyon at ideya dahil sila ay bahagi ng BATROFA at ng komunidad. Mahalaga kung
maisasali sila sa samahan ng BATROFA tulad ng kanilang ninanais sapagkat maliban sa dadami ang
miyembro nito ay makakapagbahagi rin sila ng kanilang mga suhestiyon na maaaring makapagpaunlad
ng samahan. Kahit na di sila tinuturing miyembro ng BATROFA ay malaki na ang naitutulong nila sa
samahan sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain tuwing may pagpupulong, sa pagiging proxy sa
mga asawa nila at sa mga gawain na rin sa palayan. Umaasa ang aming grupo na mamulat ang mga
kananayan o kababaihan sa kanilang kahalagahan sa BATROFA pati na rin sa komunidad.

D. Sa partner agencies

Sa CFCA

Isa sa mga mungkahi ng grupo ang nag awing mas-empowering sa mga tao ang development
framework na ginagamit sa Teresa, Rizal. Sa pagbibigay ng monthly goods ay napapalaganap ang
dependency culture na siyang sumasagka sa pagpapalakas ng mga tao. Maaaring turuan ang mga lokal
na PO na mag-facilitate sa kanilang mga pagpupulong,

Sa MASIPAG

Alinsabay sa pagsusulong ng likas-kayang pagsasaka ay ang pagkakaroon ng likas-kayang


samahan upang magsulong nito. Nirerekomenda ng grupo ang pagpapatuloy at pagpapatindi ng

117
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
pagpapalakas ng samahan, hindi lamang sa
Abuyod ngunit pati na rin ang ibang mga
samahang kabalikat ng MASIPAG.

E. Sa CSWCD

Iminumungkahi ng grupo na sa halip na


magkaroon ng Psychological Preparation
Seminar ang mga fieldwork students bago ma-
deploy ay itanim na lamang sa mga pre-field
CD subjects ang mga kinakailangang
preparasyon para sa field. Ang mga mag-aaral sa BS Community Development ay dapat handa sa Field
Instruction Program, dahil kung hindi, maaaring hindi ito ang propesyon para sa kanila.

Magandang tingnan at ipagmalaki ng mga fieldwork students ng CSWCD hindi ang hirap na
kanilang naranasan kundi ang mga karanasan nila sa komunidad sa kabila ng mga hirap na ito.

118
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

KABANATA VIII.
Mga Pagninilay

119
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Paula Bianca "Pau" Aguilar

Sa ilang buwang pamamalagi namin sa


Abuyod maraming bagay ang aming natutunan sa
pag agapay sa samahan ng BATROFA. Sa
pamamagitan ng mga trainings at seminar aming
napag alaman na kinakailangan ng BATROFA na
magkaroon ng isahang layunin tungo sa sama-
samang pag-abot ng kanilang mga mithiin at
pangarap sa hinaharap, at nararapat lamang na
ang layunin ay galing sa lahat ng miyembro hindi
lamang sa leader nang sa gayon ay maging epiktibo ang pagsasgawa ng mga plano ng samahan at
maisakatuparan ang mga napagkasunduan ng samahan.

Makikita din ang kakulangan ng paglahok ng mga kababaihan sa samahan dulot narin ng
pagiging patriarkal ng ating lipunang ginagalawan.Simula pa sa una ang kababaihan ay nakatali lamang
sa papel na ginagampanan sa pagluluto at hindi napapahalagahan ang kahalagahan ng pagiging
miyembro ng kababaihan sa samahan. Ang asawang lalaki lamang ang siyang kumkatawan bilang
miyembro ng BATROFA. Kinakailanang magkaroon ang samahan ng pagpapahalaga sa mga
kababaihan sa pamamagitan ng pagpayag na sumapi ang mga kababaihan sa kanilang samahan.

Gayon din makikita na masyadong umaasa at sumasandal ang samahan sa tulong na ibinibigay
ng CFCA, at aminado ang mga tao doon na hindi nila alm ang gagawin kung mawawala ang CFCA sa
kanilang komunidad. Isa ring sa pagsubok na kinakaharap ng samahan ay kung papaano mapalalaki ang
bilang ng kanilang mga miyembro at patuloy na makapag hikayat ng mga tao na sumapi sa kanilang
samahan.

Isa pa sa mga isyung kinakaharap ay ang


kakulangan sa interes ng kabataan na magsaka
dahil karamihan sa mga kabataan ay mas
pinipiling magtrabaho sa mga pabrika at sa
maynila, at ito ay nagdudulot ng pangamba sa
sambayanang pilipino dahil sa magbaba ng bilang
ng mga magsasaka.

Maganda rin na isulong ang organikong


pagsasaka sa ating bansa bukod sa ito’y ligtas

120
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
mas makatitipid pa ang mga magsasaka dahil sa
hindi nanila kinakailkangan bumili ng mga
pestisidyo na sadyang nakasasama sa ating
kalusugan. Bagama’t hindi lahat ng mga
nagsasaka ay organiko mayroon ding gumagamit
ng patabang organiko at mga pestisidyo.

Isang magandang gawain ng samahan


ay ang kanilang pag babayanihan, ito ay isang
malaking hakbang upang mapaunlad ang
kanilang samahan ganun din ang komunidad,
Dahil dito ,aking natutunanan ang kahalagahan ng pagtutulungan, ang tunay na kahulugan ng
pagbabayanihan— pagkaka-isa at pagmamalasakit sa kapwa, ito ang ang magsisilbing daan patungo sa
pagunlad at pagiging matatag ng kanilang samahan.
Sa pag-abot ng kanilang mga pangarap magiging madali kung sila’y magpaparami ng miyembro
upang maisakatuparan ang mga hakbang tungo sa kanilang mga pangarap.

Sa kabila nito, kinakailangan nila ng kaagapay sa paglutas ng isyu patungkol sa pag-mamayaari


ng lupang kanilang pinagpaguran at sinaka ng matagal na panahon.

Sa Fieldwork na ito marami akong natutunan na hindi matututunan sa kahit saan, ito ay ang
pagmamahal sa tao, at sa bayan. Bagama’t ang kursong ito ay di gaanong mayaman sa salapi, masarap
sa pakiramdam na nakakatulong tayo sa mahihirap at mga nangangailangan ng tulong. Noong una ay
hindi ko pa gaano maintindihan at mapahalagahan ang kursong ito, pero sa mga nangyari at napagdaan
ko sa ilang taong pagaaral natutunan ko at nalaman ang kagandahan ng aking kursong nakuha. Ang
kursong ito ay higit pa sa kahit anong kurso dahil tayo ay nagaaral kasabay ng pagsisilbi sa bansa at sa
sambayanang Pilipino.

Charlotte Francis Marie "Chai" Ambas

Sa loob ng tatlong buwan na


pakikipamuhay ko sa mga tao sa komunidad ay
marami akong natutunan na sa aking palagay ay
di ko matututunan sa loob ng eskwelahan o sa
aking lipunang ginagalawan. Maraming bagay din
ang aking napagnilaynilayan na nagkaroon ng
malaking epekto sa aking katauhan. Masasabi ko

121
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
na ako ay di na ang dating Chai na unang pumasok
sa Abuyod noong Hunyo kundi ako ay isang bagong
tao na may masmalalim ng kaalaman sa buhay sa
labas ng siyudad.

Dahil sa pagpunta namin sa Abuyod ay


natutunan ko na ang pagsasaka ay isang mahirap na
gawain. Iba ito sa kaalaman natin na ang pagtatanim
ay ang paglalagay lamang ng punla sa lupa kundi isa
itong mahaba at nakakapagod na proseso. Dahil sa
aking napagalaman at natunghayan na hirap na
nararanasan ng mga magsasaka ay maituturi ko na
bayani ang mga magsasaka sapagkat kahit na
sobrang nakakapagod ang proseso ng pagtatanim at
sa maliit na kita na nakukuha nila mula rito ay
pinagpapatuloy pa rin nila ito upang masuportahan
ang kanilang pamilya at tayong mga kumokonsumo
nito.

Ang mga pagbabago sa aking sarili na naidulot ng komunidad ay ang aking mga kaugalian at ang
aking pananaw. Dahil sa pagpunta ko sa Abuyod ay natuto ako kumain ng gulay at isda na dati'y di ko
ginagawa. Natuto din ako gumawa ng gawaing bahay upang makatulong sa pamilyang aking tinutuluyan.
Nabago rin ang aking pananaw sa buhay dahil ng pagpunta ko sa komunidad sapagkat masnaiintindihan
ko na ngayon ang masa kung saan kadalasan ay kulang at minsan ay sapat lamang ang kanilang kita sa
pagsuporta ng pamilya. Naunawaan ko ang halaga ng pera kung kaya't nakapagturo ito ng leksyon sa
akin na maging masmasinop sa pagbili at nagturo rin ito sakin na mag-ipon. Nalaman ko rin na ang
kasiyahan ay di direktang kaugnay ng pera – na pwedeng maging masaya sa mga simpleng bagay lang
tulad ng pakikipagbiruan, sama-samang pagluluto, pakikipagkwentuhan at iba pa.

Totoo na kulang ang mga klase sa kolehiyo upang tuluyang maunawaan at matutunan ang
Community Development sapagkat marami akong natutunan sa Abuyod tungkol sa pagoorganisa ng
komunidad o ng samahan. Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng fieldwork sapagkat maliban sa
pagsasapraktika ng mga natutunan sa kolehiyo ay nadadagdagan rin ang iyong kaalaman sa
pagpapaunlad ng komunidad. Sa maikling panahon na aming pananatili sa komunidad ay napagalaman
namin na di biro ang pagkakaroon ng mga seminars sapagkat ito ay isang mahaba at masusing gawain.
Dapat ito ay sinisimulan sa pagkakaroon ng TNA, dapat din gumawa ng mga paanyaya, kinakailangan rin
na gumawa ng magandang daloy ng seminar at ang iba pang preperasyon na ginagawa tulad ng

122
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
pagaayos ng lugar na gaganapan at pagkain.
Natutunan ko rin na maging flexible kapag
nagkakaroon ng problema at di nasusunod ang
mga napagplanuhan. Naging matiyaga at mahaba
rin ang aking pasensya kapag nagkakaroon ng
gulo sa komunidad. Sa aking pananatili sa
komunidad ay natutunan kong lalong bigyang
halaga ang mga tao sa komunidad sapagkat sila
ang may kaaalaman na makakatulong sa
kanilang pagunlan. Higit sa lahat ay natuto akong
makinig sa mga kwento, hinaing, opinyon at ideya
ng mga tao sa komunidad.

Para sa akin ay naging masaya at makabuluhan ang aking naging pananatili sa Abuyod, Teresa,
Rizal at marami akong natutunan mula sa fieldwork experience na ito. Gusto ko sanang pasalamatan ang
aking mga kagrupo na sila Idan, Paula, Pinky at Enan sa pagbibigay saya kapag kami ay nasa field.
Nagpapasalamat din ako sa kanilang pagunawa sa akin kapag ako'y nagkakamali at sa pagturo sakin ng
mga aral sa pagpapaunlad ng komunidad o maging sa aking buhay. Lubos akong natutwa na kayo ang
aking nakasama sa fieldwork na ito at na di natapos sa pagiging kagrupo at ating relasyon kundi ay
naging magkakaibigan tayo. Nagpapasalamat di ako sa aming adviser na si Ma’am Marion Tan na
gumabay sa amin sa mga gawain namin dito sa Abuyod at sa lahat ng mga guro na kabahagi ng
fieldwork committee at sa aming mga guro sa field based subjects na sila Sir Manalili at Sir Formilleza.
Gusto ko rin pasalamatan ang buong komunidad ng Abuyod sa pagkupkop sa amin at sa pagpapatuloy
sa amin sa kanilang lugar. Nagpapasalamat din ako sa mga samahan sa loob ng Abuyod at higit sa lahat
sa samahan ng BATROFA na nagsilbing guro sa amin habang kami ay nagaaral dito sa komunidad. Sila
rin ay nagsilbing mga tatay sa amin na inaalagaan at pinoprotektahan kami. Tulad nga ng titulo nitong
papel na ito ay kami ay tila isang bulo na hinuhubog at inaalagaan ng mga magsasaka upang makatulong
balang araw sa kanilang pilapil ng pagbabago.

Czeridan "Idan" Parungao

Hindi isang biro ang mawalay sa pamilya


ng ilang buwan. Hindi rin biro na makipamuhay sa
ibang lugar. Lalong hindi biro ang maging isang
Community Development student.

123
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Sa aking naging karanasan sa
semestreng ito, halong tuwa at lungkot ang aking
naramdaman. Tuwa dahil nagkaroon ako ng
pagkakataon na makalabas sa lipunan na aking
gnagalawan. Nakaranas ako ng buhay na iba sa
aking nakasanaayan. Masaya din ako dahil natuto
ako ng maraming bagay sa tulong ng mga tao sa
komunidad. Naging masaya din ako dahil
nakatagpo ako ng kaibigan sa aking mga
nakasama sa field. Pero sa likod ngmasayang
mukha, may natatagong lungkot pa din. Isang
dahilan na rin ay ang pagkawalay ko sa aking pamilya sa mahabang panahon. Naging malungkot din
dahil sa ilang mga problemang dumating habang naroon kami sa komunidad. Higit sa lat ay lungkot nang
kami ay nagpaalam pansamantala sa aming mga naging pamilya sa komunidad at sa ibang tao na aming
nakasalamuha.

Pero ang karanasang ito ay manantili sa akin ng matagal. Dito ako mas natuto sa maraming
bagay. Ang simpleng pamumuhay sa komunidad ay nagsilbing aking silid-aralan at ang mga tao dito ang
aking naging guro. Hindi sa lahat ng pagakkataon ay mararnasan natin ang ganito. Pero ako ay
nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking karanasan sa Abuyod.

Dahil sa mahabng panahon ng pananatili sa komunidad, maraming bagay akong nakita na


positibo at mayroon ding negatibo.

Isa sa mga magandang katangian ng komunidad ay


ang pagiging buhay ng bayanihan. Nasaksihan ko ito sa
kanilang pagsasaka sa kanialng mga bukid. Kitang-kita din ito
noong magkaroon ng pagbaha sa komunidad na sumira ng
mga bahay doon. Hindi pinabayaan ng mga kapitbahay ang
isa’t isa. Makikita ang kanilang tulungan sa oras ng problema.
Isa ding magandang abgay sa komunidad ay ang pagiging
matatag na bawat isa. Makikita na kahit anong problemang
dumating, basta’ nagsasama sama ay makakaahon mula sa
problema. Di rin sila medaling mawalan ng lakas ng loob at
pag-asa sa pagkamit ng kanialng mga mithin. May kanaiya
kaniya silang abilidad na nagagmit nila sa oras ng kanilang
kagipitan.

124
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Pero makikita din sa komunidad ang patuloy na pag-asa sa mga tulong galing sa labas tulad ng
CFCA. Marahil kaialangan nila ito para makapagtapos ang kanailang mga anak. Pero dahil sa sobrang
pagiging dependent nila sa CFCA, baka pagdating ng pnahaon na umalis ang CFCA ay hindi na nila
kakayanin at babalik sa dating buhay. Kaialngan nilang matuto na hindi dumepende sa mga programa ng
CFCA bagkus ay patatagin nila ang mga samahan sa loob nng komunidad at mul dito ay magtulong
tulong na gumawa ng mga proyekto o programa na naaangkop sa kanailang komunidad. Ang isa pang
negatibong katangian ng komunidad ay ang pagpapanatili ng marginalization lalo na sa samahan ng mga
magsasaka. Kitang kita ko na ang kababaihan ay walang boses sa samahan. Sila lamang ang humahalili
sa mga asaaw sa tuwing hindi sila makakapunta sa pagpupulong. Suporta lamang ang kababaihan sa
samahan at hindi nabibigyan ng pagkakataon na bumoto o mabialang sa samahan.

Sa likod naman ng ganitong sitwasyon ay ang layunin ng samahan ng BATROFA na matuguan


ang pangangailanagn ng sambayang Pilipino at layuning maging ligtas ang kakainin ng mga pamilya.
Ang panagarap na ito ay hindi lamang para sa kanaialng komunidad kundi para sa sambayang Pilipino.

Isnag malaking karangalan ang makasama at nakipamuhay sa buhay ng mga magsasaka. Hindi
lamang sila maliit na sector sa ating lipunan. Sila ang nagpapakain sa milyong milyong mga Pilipino,
kaya’t nararapat lamang na sila ay tawaging mga BAYANI.

Marilaine Agnes Pinky Sumalabe

Sa aking pamamalagi ng humigi’t kumulang


na tatlong buwan sa Sitio Abuyod at pakikimuhay
kasama ang miyembro ng BATROFA at ng
komunidad ay marami akong bagong natutunan at
mga nabagong pananaw, na sa tingin ko ay aking
babaunin at magagamit hindi lang sa pagiging isang
community developer, kundi sa aking buhay mismo.
Mas makakabuti siguro kung hahatiin ko ito sa iba’t
ibang aspeto ng aking karanasan sa fieldwork.

Sa Pakikipamuhay/Integrasyon sa Komunidad

Kahit na alam ko sa sarili ko na ako ay isang


taong madaldal at marunong makisama sa iba’t
ibang uri ng tao, sa una ay talagang nahirapan akong

125
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
makipamuhay. Una sa lahat ay medyo nahihiya
ako na makitira sa ibang bahay ng isang buong
semestre. Hindi ko rin alam kung magugustuhan
ba kami ng pamilyang aming titirhan, ng
BATROFA at ng buong komunidad ng Abuyod.

Paano kung wala naman kaming


naitulong o naipamahagi sa kanila? Paano kung
madismaya sila sa aming pakay o sa mga
gagawin namin? Ito ang mga una kong
katanungan nung nagsisimula palang kami sa
aming pakikisalamuha sa mga tao.

Ngunit, habang tumatagal ay unti-unti kong naunawaan ang kahuluguhan ng pakikipamuhay.


Hindi ito dapat pinpilit, natural lang kumbaga. Parang nasa bahay lang, huwag kang mahihiyang ipakita
kung sino ka dahil ang totoong ikaw ang siyang tatanggapin at magugustuhan ng tao sa komunidad. Sa
kalaunan naging kumportable na ako sa aming tinutuluyan at sa pakikipagusap naming sa mga tao ng
komunidad. Nakakabiruan ko sila at nasasabihan pa ng mga kuwento sa buhay.

Isa pa sa aking natutuhan ay ang likas na kabutihan ng tao sa kanilang kapwa. Hindi totoong
makasarili na ang tao ngayon dahil buhay at kitang kita ko sa Abuyod ang pagmamalasakitan ng tao sa
kanilang kapwa. Sa buong pamamalagi namin ay hindi ako nakaranas nang kahit na anong klaseng
pagtataboy o pag-ayaw nila sa akin. Buong puso nila kaming tinanggap, tinuluungan at pinagkatiwalaan,
kahit na hindi rin malinaw sa kanila noong una ang pakay ng aming pagpunta. Doon ako talaga na-
“touch” dahil hindi ko talaga aakalain na malugod din nila kaming pinapasok sa kanilang komunidad at sa
kanilang mga tahanan ng walang alinlangan.

Sa Magsasaka

Ang magtanim ay TALAGANG hindi biro. Totoong mahirap at mabusisi ang proseso ng
pagsasaka. Bukod sa pagod ang buong katawan ay andiyan pa ang problema sa gastusin sa pagsasaka.
Kahit na maraming inaani ang magsasaka ay hindi pa rin ito sapat upang maging maunlad ang kanilang
buhay dahil napupunta ang kanilang pera pambayad utang. Dagdag pa dito ang pabago-bagong
panahon , katulad nga ng pagsalakay ni Ondoy, na maraming sinalantang palayan. Madami talagang
suliraning kinakaharap ang magsasaka kaya mas naging pabor ako na bigyan sila ng malaking
importansiya ng ating lipunan. Kailangan ay sapat na nababayaran ang lahat ng kanilang paghihirap,
upang mas dumami pa ang magsasaka at lalo pang umunlad ang ating agrikultura. Sa sarili kong mata

126
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
nakita kong paano ang pagtatanim (nasubukan ko pa nga e). Kaya talagang masasabi ko na sa sakit
palang ng katawan, hindi pa sila nakakabawi sa kanilang kinikita.

Masasabi kong masuwerte ako dahil hindi naman lahat ng tao ay nagagawang makipamuhay
kasama ang magsasaka. Dahil mula dito ko napapahalagahan ang sektor na dati ay hindi ko man lang
naiisip. Hanggang sa aking pagtanda at sa kung anu man ang gagawin ko sa aking buhay, alam kong
babaunin ko ang pagpapahalagang ito, na maaari kong gamitin upang kahit papano ay makatulong din
ako sa kanila.

Sa BATROFA

Kung mahirap ang pagsasaka, e mas mahirap na siguro ang organikong pagsasaka. Mas
mabusisi kasi ito, ngunit mas matipid at ligtas sa mga sakit kumpara sa komersyal na pagtatanim. Kaya
naman saludo talaga ako sa bawat miyembro ng BATROFA na nagagawa pang isipin ang kapakanan ng
iba at ng kalikasan bago ang pansariling interes. Bilib ako sa kanilang pagpupursige na paigtingin at
palawakin ang samahan upang matulungan pa ang ibang magsasaka na nag-oorganikong pagsasaka sa
Pilipinas.

Sa aking pakikisalamuha sa kanila ko natutunan ang maraming isyu at suliranin ng magsasaka ,


pati na rin ng komunidad at ang kahalagahan ng aking nakuhang kurso na hindi ko kalianman natutunan
sa paaralan. Sa aking palagay ay sila ang
pinakaepektibo naming guro sa buong pamamalagi ko
sa kursong ito.

Bukod sa organikong pagsasaka ay buhay na


buhay din ang BAYANIHAN sa samahan. Hindi
matatapos ang araw na hindi mo maririnig sa isang
magsasaka ang pagtulong niya sa kapwa magsasaka
sa pagtatanim o sa pagpapahiram ng kanyang
kagamitan o kalabaw sa kanya. Kapag may isa pang
magsasakang hindi pa tapos magtanim ay
magtutulungan silang lahat na tapusin ito kaagad.

Tunay ngang hindi sapat ang maraming


kaalaman, mabubuting pinuno, malalaking pondo
upang ganap na tumatag ang samahan. Ang
samahan ay nagsisimula at magbubunga mula sa mga

127
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
miyembro nito, sa paniniwala nilang mas lalakas sila kung sila ay sama-sama at nagmamalasakitan sa
isa’t isa.

Sa aking mga “TEAMMATES”

Kung mayroon akong pamilya mula sa BATROFA at sa komunidad ay mayroon din akong
pamilya sa aking mga teammates. Sino pa nga ba ang maguunawaan at magmamalasakitan kundi
kaming sama-samang pumunta sa komunidad. Marami din akong natutunan sa aking mga teammates,
hindi lang puro kalokohan at kung anu-ano.
Una, na ang bawat isa ay may iba’t ibang kakayahan at kalakasan na sadyang mapapakinabangan ng
team at ng komunidad. May mas magaling sa pagsasalita at mayroon naman sa pagsusulat. Sa aking
pagsama sa kanila, nalaman kong mas gusto kong magsalita na lang kaysa magsulat.

Pangalawa, iba-iba talaga ang personalidad ng tao. Hindi maiiwasang magkaroon ng samaan ng
loob, magkatampuhan at minsan pa nga magka-iyakan. Dito ko napatunayan na ang importante sa huli
ay marunong kang umunawa at magpakumbaba upang maging maayos ang samahan ninyo. Para sa
akin, mas mahalagang maging maayos ang pakikitungo ko sa bawat isa.

Sa Konsepto ng Pagpapaunlad ng Samahan

Paulit-ulit na sinasabi ni Ka Lito ang


importansiya ng sama-samang paggawa kasama ang
komunidad sa buong proseso ng pagunlad. Sa
Abuyod ko rin naintindihan kung bakit tama si Ka Lito.

Kung sa kanila mismo magsisimula ang pag-unlad ay


alam nating mas makakabuti ito dahil sila ang mas
nakakaalam sa kanilang kalagayan.

Sila rin ang magpapatuloy nito sakaling


mawala na ang mga tumutulong sa kanila. Kaya dapat
lamang na sa una pa lang ay natulungan na natin
silang umasa sa kanilang sariling kakayahan at
potensyal.

Mabuti na sama-sama tayo sa pagunlad ng


samahan at komunidad dahil ang isang bagay ay lalo

128
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
lamang pahahalagahan, mamahalin at
isasabuhay ng mga tao kung ito ay personal
nilang binuo, pinaghirapan at pinakinabangan.

Sa Papel Ko Bilang Isang Community Developer

Ang papel natin bilang isang community


developer ay upang tumulong at humalili sa
kanila. Bukod sa natututo tayo sa kanila ay
natututo din sila sa atin. Maaari nating ipaalam
sa kanila ang ating mga teknikal na napagaralan,
habang sila naman ay sa praktikal na aspeto.

Isa pa sa aking natutuhan ay ang hindi pagpilit sa tao sa komunidad ng iyong pansariling
kagustuhan. Sapagkat estudyante ako at mayroon ding mga kinakailangang ipasa sa paaralan ay hindi
ko naiiwasan na minsan madaliin ang paggawa ng isang aktibidad sa komunidad upang makaabot sa
aming palugit na isang semestre. Ngunit sa totoong buhay, hindi dapat minamadali ang proseso ng
pagunlad dahil ang lahat ay dumadaan sa proseso, gaano man ito kabilis o kabagal. Sa ganitong
trabaho, tanging ang tao lang din sa komunidad ang magtatakda ng panahon ng kanilang pagunlad.

Paminsan naman ay may kailangan ka ring ipaunawa sa mga tao na taliwas sa kanilang nauna
nang paniniwala. Hindi ka dapat mahiya na maging agresibong itawid sa kanila ang iyong mga
nalalaman kung alam mo naman na ito ay para sa ikakabuti din ng kanilang kalagayan. Katulad na lang
sa BATROFA kung saan marami sa kanila ang hindi tumatanggap na maging opisyal na miyembro ang
kababaihan sa samahan. Ilang beses na din naman naming ipinaintindi sa kanila na hindi ito tama dahil
umaaasa rin naman sila sa kanilang mga asawa kapag may gawain ang samahan, kaya dapat lamang na
ituring din silang miyembro nito. Pero sadyang mahirap banggan ang ganitong nakasanayan kaya mula
ngayon hanggan sa susunod na semestre ay magiging isa ito sa aming tututukan.

Tunay ngang marami akong dapat ipagpasalamat sa karanasan ko ng isang semestre sa


komunidad ng Abuyod, BATROFA at maging sa teammates ko. Marami akong naunawaan at
natutunan na sa tingin ko ay aking mapapakinabangan sa aking buhay. Sa huli, para sa akin, ang susi
ng isang makabuluhang karanasan sa kursong ito ay ang pagbubuo din ng makabuluhang relasyon sa
mga tao sa komunidad, maging sa mga kasama mo sa iyong grupo - relasyon na may
pagmamalasakitan, pagunawa at respeto sa kakayahan at karapatan ng isa’t isa.

129
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Angelo Hernan "Enan" Melencio

“Talagang taga-Abuyod ka na, hani?”, sabi ni


Kagawad Noel nang makita niya akong nakatayo at
nakikinig sa pagpupulong ng Sitio nitong Sabado
lamang.

Hindi alam ni Kagawad kung gaano niya


pinataba ang puso ko noong sinabi niya sa akin iyon.
Para sa ating mga nakikitira lamang sa mga
komunidad, masarap malaman na tinitingnan na tayo
ng mga tao hindi na bilang mga dayuhan ngunit mga
taga-roon na sa komunidad.

Maaari ko bang sabihin na kahit papaano ay


naging matagumpay ang pagpaparamdam namin sa
komunidad na kami ay nakikiisa sa kanila, na ang
mga pangarap nila ay pangarap na din namin at ang pagkilos nila ay pagkilos na din namin?

Community Development work

Magkakaiba nga ang mga komunidad. Oo nga, common sense nga, pero masnapagtibay ko ang
ideyang ito nang maitalaga ako sa dalawang magkaibang fieldsite – ang una ay sa Anda (CD 180) at ang
ikalawa ay ang Teresa (CD 181). Ang mga sistemang umiiral sa mga komunidad nito ay magkaiba.
Parehas na Pilipino ngunit magkaiba ang kultura at pananalita. Parehas na maganda ang pagtanggap at
pakikitungo, ngunit magkaiba ang paraan.

Ang paraan ng pag-oorganisa ng mga locals ay hindi magkatulad. Walang komunidad na


magkaparehas. Marahil ang mga komunidad ay parang mga fingerprints; magkakahawig man ang mga
daliri natin, iba-iba pa rin ang fingerprints nito. Maaari ko bang sabihin na walang framework o approach
na magkatulad kapag inilapat na ito sa isang komunidad?

Maraming iba’t ibang factors ang tinitingnan sa pag-oorganisa ng. Unang unang mapapansin ay
ang geophysical na katangian nito. Naaalala ko dati sa Anda, mahirap magpatawag ng mga seminar at
pagpupulong lalong lalo na kapag biglaan. Ngunit sa Teresa naman, sa loob ng 30 minuto, halos lahat na
ng bahay napuntahan mo.

130
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Isang factor din ay ang ”strength” ng
Team at ”strength” ng lokal na PO; ”strength”
in terms of the size of the group and their
individual and collective capacities. Kapag
masmaraming kamay ang kumikilos,
masmadali at masmabilis ang gawain, ngunit
hindi sa lahat ng bagay ay tama ito.
Mahalaga na ang mga kamay na kumikilos ay
alam ang kanyang gagawin, ang mga kamay
na kumikilos ay may tangan na framework na
magiging basehan ng kanilang pagkilos.
Kung kaya’t sa community organizing,
mahalaga ang capacity building hindi lang ng mga taong inoorganisa ngunit pati na rin ng mga
tumutulong mag-orgnisa.

Isa ring dapat tingnan ay ang mga ideyolohiyang bitbit ng mga tao sa komunidad. Mahirap
banggain ang mga nakasanayan na nila, tulad na lang na ang pagtingin na ang presidente ang siyang
mapagpasya sa samahan. Ito yung mga pagkakataong, sa gitna ng seminar o training, ay mapapatigil ka
at mapapaisip. Sasabihin sa iyong sarili, ”Ano na ang susunod kong gagawin eh hindi ko pwedeng
sabihing outright na mali ang ganitong pag-iisip?”. Tama bang sabihin na mali ang ganitong pag-iisip o
dapat ba nating tingnan na hindi ito mali ngunit mayroon pang mas-epektibo at masmakataong paraan
tulad ng collective leadership?

Isa pang mahirap banggain ay ang pagkilala ng BATROFA na ang mga kababaihan ay hindi
dapat maging miyembro ng samahan ng magsasaka.

Marami akong aral na napulot ukol sa teknikal na aspeto ng Community Development. Hindi pala
madaling may tangan kang konseptong itinuro ng kolehiyo na yun ang tama at mas-epektibo kapag
taliwas dito ang itinuro ng kultura ng komunidad sa mga tao rito. Hindi rin madaling magpalaya mula sa
mga kadena ng pag-asa (dependency) kapag may mga elementong masmatagal nang nakapasok sa
komunidad na hindi sadyang nagpapatibay ng kadenang ito.

Kababaihan

Malaki ang pinagbago ng tingin ko sa babaihan simula nang tumungtong ako sa kolehiyo. Sa CD
11 pa lang, itinuro na ni Ma’am Tan ang paggamit ng gender lens at paggiging conscious sa special
needs ng kababaihan. Hindi man ako nag-CD 165, ang pag-inculcate ng mga propesor ng kolehiyo sa

131
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
mga subjects na itinuturo nila ay malaki ang naitulong. Sa katunayan, dalawang final paper ko sa aking
Political Science subjects ay tungkol sa kababaihan at ang kanilang kapangyarihang politikal.

Kaya naman ako medyo balisa sa mga kalagayan ng kababaihan sa Abuyod. Hindi kaya’t mali
lamang ang approach namin na talagang binabangga namin head-on ang pag-iisip nila? Ako kasi
namulat sa kolehiyo gradually sa mga propesor at sa mga kaklase kong babaeng lagi akong tinatama sa
mga pagkakataong lumalabas ang aking pagka-macho. Mulat din kasi ang mga kababaihan sa kolehiyo.
Dapat din sigurong magkasabay ang pagmulat ng mga kalalakihan at kababaihan ng Abuyod.

Ako’y nalulungkot na hindi kami nakagawa ng profile ng mga kababaihan na palaging aktibo sa
gawain ng samahan. Bagama’t ang mga kananayan na ito ay hindi pormal na miyembro ng BATROFA,
tila sila pa ang masmaraming mungkahi at maslaging nakikita sa mga pagpupulong ng samahan at ng
komunidad. Sinabi ko na ito kay Chai at sa susunod na semestre ito raw ay gagawin nila.

Kalamidad

Maraming itinuro sa akin ang Bagyong Ondoy. Masnapatingkad ang pagkakaiba ng mayaman at
mahirap.

Sa natatanging rural area na nasalanta ng baha, tila masmadali silang nakaka-recover kaysa sa
mga napuntahan ko sa San Mateo at Ultra. Kinabukasan lamang pagkatapos ng kalamidad, may ilan
nang nagtatayo ng mga bahay nila at nagtutulong-tulong ang mga tao sa komunidad upang tanggalin ang
putik sa mga kabahayan. Marahil dahil sa Teresa hindi lahat ng bahay nasalanta kung kaya’t may mga
kapitbahay at kamag-anak silang nakakatulong.

Hindi ko pa nasusubukang mag-organisa sa mga urban areas ngunit isa sigurong magandang
gawin sa mga ganitong komunidad ay buhayin ang bayanihan. Malaki ang maitutulong nito sa usapin ng
kalamidad.

Atbp.

Ako ay nagagalak na ako ay nabigyan ng


pagkakataong makasalamuha ang mga sektor na
siyang backbone ng ating lipunan – ang mga
magsasaka at ang mga mangingisda. Ako’y
umaasang masmarami pang matutunan sa mga
bayaning ito sa paglabas ko sa paaralan.

132
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Apendiks
Appendix A. Organization Diagnosis Design
B. Dokyumentasyon ng focus group discussion para sa paggawa ng Case Study ng
Organikong Pagsasaka bilang isang proyekto ng BATROFA
C. Ang nabuong SALIGANG BATAS AT MGA ALINTUNTUNING PANLOOB NG BAYEMBI
ABUYOD TERESA RIZAL ORGANIC FARMERS' ASSOCIATION (BATROFA)
D. Resulta ng Training Needs Analysis ukol sa Herbal Medicine
E. Results ng TNA para sa Farmer’s Rights Seminar
F. Farmer’s Rights Seminar Design
G. MASIPAG Adoptors Update

A. Organization Diagnosis Design

Session 1: Pagpapalagayang loob at Pakilanlan


Layunin:
a. Upang makapagpalagayang loob at makilala ang lahat ng kalahok, mga facilitators,
at mga kinatawan ng ating partner agencies.
b. Upang mailatag ang mga inaasahan ng mga kalahok para sa maghapong aktibidad.
Session Flow:
Activity 1: Pambungad na panalangin

Activity 2: Pagpapakilala
Title: “Kung isa akong tanim, ano ako?”
Mechanics:
1. Ang bawat isa ay babanggitin ang palayaw at sasabihin kung anong
tanim siya. Halimbawa, “Ako si Enan at ako ay isang kabute kasi ako
ay kung saan saan na lang sumusulpot.”
2. Pagkatapos ay babanggitin nila ang inaasahan nila para sa
maghapong aktibidad.
Materials: wala
Duration: 15 minutes
Facilitator: Chai Ambas

Session 2: Paglalatag ng Layunin at Schedule


Layunin:
a. Upang maintindihan ang kahalagahan ng pagtatasa at pagsusuri ng samahan upang
mapayabong ito.

Session Flow:
Activity 1: Paglalatag ng layunin ng organizational diagnosis
Title: “Ang Mga Layunin ng Organizational Diagnosis”
Mechanics:
1. Ipapakita ng facilitator ang mga layunin ng organizational diagnosis at
itatanong niya sa mga kalahok kung bakit sa tingin nila ay mahalaga ito.

Materials: manila paper


Duration: 10 minutes

133
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Activity 2: Paglalatag ng schedule para sa maghapon


Facilitator: Idan Parungao

Session 3: Pagbalik-tanaw sa Samahan


Layunin:
a. Magkaroon ng iisang pagkakilala sa samahan
b. Maisalaysay ang kasaysayan ng samahan
Session Flow:
Activity: Dula-dulaan
Title: “Wag nang Maarte, Tayo ay Umarte”
Mechanics:
1. Hatiin ang mga kalahok sa tatlong grupo.
2. Bubunot sila ng tigi-tigisang katanungan mula sa anim na gagawin ng mga
facilitators (“Paano nabuo ang samahan at bakit ito binuo?”, “Ano ang naging
bahagi ng mga kababaihan sa pagbubuo ng BATROFA?”, “Paano dati
nagpaparami ang samahan at paano nila pinapanatiling aktibo ang mga
miyembro?”, “Paano dati nagmi-meeting at nagplaplano ang samahan?”,
“Paano nangangalap ng pera ang samahan at paano nila ito
pinangangasiwaan?”, at “Anu-ano ang mga problema ng samahan at paano
ito nasolusyunan?”).
3. Bibigyan ang mga kalahok ng 10 minutes upang maghanda.
4. Isasadula nila ang mga kasagutan sa mga nabunot na tanong ng 5 minutes.
5. Ipapaliwanag nila ang dula at magkakaroon ng “Question and Answer”
Portion ng 5 minutes.
6. Uulitn nila ang Step 2 hanggang Step 5 para sa mga natirang bubunuting
katanungan.
Materials:
Papel na nakasulat ang mga topics na isasadula ng mga miyembro

Discussion Points:
1. Sino ang nag-organisa sa BATROFA at bakit ito inorganisa?
2. Kailan ito na-organisa?
3. Sinu-sino ang mga naunang bumuo nito?
4. Ano ang sistema ng pagpaparami ng samahan?
5. Mayroon bang mga teambuilding activities ang samahan?
6. Ano ang decision-making patterns ng samahan?
7. Ano ang information dissemination system ng samahan?
8. Saan kumukuha ng financial resources ang samahan?
9. Sino ang nagtatago nito?
10. Paano nila pinangangasiwaan ang pinansya ng samahan?
11. Anu-ano ang mga naging suliranin ng samahan at paano nila hinarap ito?

Duration: 2 hours
Facilitator: Pinky Sumalabe

Session 4: Kasalukuyang Kalagayan ng Samahan


Layunin:
a. Malaman ang kasalukuyang kalagayan ng samahan.
b. Maikunpara ang kasalukuyang kalagayan ng samahan sa kalagayan nito noon.
c. Maipaliwanag ang kahulugan ng kalakasan, kahinaan, oportunidad at balakid ng
isang samahan.
d. Matuklas ang kalakasan, kahinaan, oportunidad at balakid ng samahan.
e. Magkaroon ng isang pananaw sa istruktura ng samahan.
Session Flow:
Activity 1: nakaraan at kasalukuyan ng samahan.

134
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Title: “Noon Ganito Kami, Ngayon Ganito Na”
Mechanics:
1. Mula sa mga nakaraang kalagayan ng samahan na natuklasan sa
mga naunang aktibidad, isusulat ito ng grupo sa metacards.
2. Pagkatapos ay ididikit ang mga ito sa manila paper na may
BATROFA TREE. Ilalagay ito sa ugat ng puno.
3. Bibigyan ngayon ng mga metacards ang mga miyembro upang isulat
nila ang alam nilang kasalukuyang kalagayan ng samahan.
4. Pagkatapos ay ididikit nila ang mga ito sa katawan ng puno.
5. Ang mga nailagay sa ugat na ibig sabihin ay kalagayan nila “noon”
ay ihahambing sa nakalagay sa katawan ng puno na ang ibig sabihin
ay “ngayon” upang malaman ang mga pagkakapareho at pagkakaiba
ng kalagayan at proseso ng samahan.
Materials:
Metacards
“BATROFA TREE”
Scotch tape
Pentel pen

Discussion Points:
1. Anu-ano ang kasalukuyang kalagayan ng samahan?
2. Anu-ano ang dahilan kung bakit naging ganito sila ngayon?

Duration: 20 minuto
Facilitator: Idan Parungao

Activity 2: Kahulugan ng SWOT


Title: “Bangka ng Pag-asa”
Mechanics:
1. Magpapakita ng litrato ng bangkang butas na may sakay na mga
mangingisda. Ang litrato rin ay magpapakita ng malalakas na alon at
may lighthouse.
2. Itatanong nang facilitator kung ano ang nakikita at napapansin ng
mga kalahok sa litrato.
3. Ipapaliwanag ng facilitator kung ano ang SWOT sa larawan.
Materials:
Drawing ng bangka

Discussion Point:
1. Ano ang Kalakasan, Kahinaan, Opportunities, at Threat?

Duration: 10 minutes
Facilitator: Pau Aguilar

Activity 3: SWOT ng Samahan


Title: “Pilapil ng Pagbabago”
Mechanics:
1. Magdidikit ng larawan ng palayan na may apat na pitak sa harapan.
2. Hahatiin sa apat na grupo ang mga kalahok.
3. Ang bawat grupo ay bibigyan ng tigi-tigisang pitak na kinakatawan
ang Strength, Weakness, Opportunities, and Threats ng samahan.
4. Bibigyan ng mga metacards na hugis palay ang mga kalahok.
5. Susulatan ng mga kalahok ang mga metacards, depende kung saan
sila natalaga.
6. Itatanim nila sa mga pitak ang mga metacards na sinulatan nila.

135
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
7. Sa bawat beses na magdidikit sila, ipapaliwanag nila kung bakit
ganun ang naisulat nila.
Materials:
Drawing ng palayan
Scotch tape
Metacards (hugis palay)
Pentel pen

Discussion Points:
1. Ano ang kalakasan, kahinaan, opportunities, at threats ng samahan?
2. Nagkakaisa ba ang mga miyembro sa mga ito?
Duration: 1 hour
Facilitator: Pinky Sumalabe

Activity 4: Istruktura ng BATROFA


Title: “Follow the Leader”
Mechanics:
1. Hahatiin sa dalawang grupo ang mga kalahok.
2. Itatanong ng facilitator sa mga kalahok kung anu-ano ang mga
officers nila at kung anu-ano ang mga committees.
3. Ipapasulat niya ito sa metacards.
4. Magtatalaga ang bawat grupo ng isang miyembro na siyang
pipiringan at ihaharap sa blangkong blackboard.
5. Ipapadikit sa kanila ang mga metacards ng paisa-isa sa blackboard
na nakaayos ayon sa organizational structure nila.
6. Gagabayan sila ng mga miyembro ng grupo nila sa pamamagitan ng
pagsigaw nila ng directions.
7. Ang naunang grupo ang siyang panalo.
Materials:
Metacards
Pentel pen
Scotch tape
Manila paper
Blindfold (panyo)

Discussion Points:
1. Ano ang organizational structure ng BATROFA?
2. Sino ang nakaisip nito?
3. Bakit ganito ang pagkakaayos nito?
Duration: 20 minutes
Facilitator: Pau Aguilar

Session 5: Ang Pangarap ng Samahan


Layunin:
a. Mailatag ang mga pangarap ng bawat miyembro para sa samahan.
b. Magkaroon ng iisang pangarap para sa samahan.
Session Flow:
Activity: Pagdro-drawing ng mga pangarap
Title: “Larawan ng Pangarap”
Mechanics:
1. Hahatiin sa apat na grupo ang mga kalahok.
2. Ipapaguhit sa kanila ang kanilang mga pangarap.
3. Bibigyan sila ng oras upang ipaliwanag ang kanilang mga pangarap para sa
samahan.
4. Sa bawat pagpapaliwanag, itatanong sa mga kalahok kung lahat sila ay
sumasang-ayon sa nabanggit na pangarap.

136
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Materials:
Manila paper
Coloring materials
Scotch tape

Discussion Point: Anu-ano ang mga pangarap ng bawat isa para sa samahan?

Duration: 45 minutes
Facilitator: Enan Melencio

Session 6 (Optional Session): Ano ang isang matatag na samahan?


Layunin: Upang maunawaan ng bawat miyembro ang mga elementong nagpapatatag sa iisang
samahan at mailapat nila ito sa kanilang sa BATROFA.
Session Flow:
Activity: Straw tower making contest
Mechanics:
1. Hahatiin sa apat na grupo ang mga kalahok.
2. Bibigyan sila ng sapat na dami ng straw.
3. Papagawin sila ng straw tower sa loob ng limang minuto.
4. Pagkatapos ng limang minuto, ang grupong may pinakamataas at
pinakamatatag na straw tower ang mananalo.
Materials:
Straw

Discussion Points:
1. Ano ang mga elementong nagpalakas sa straw tower?
2. Paano nila ito mairerelate sa kanilang samahan?
3. Ano ang mga kinakailangan ng isang samahan para palakasin ito?
4. Ano ang mga kinakailangang gawin ng BATROFA para maging masmalakas
ito?

Duration: 20 minutes
Facilitator: Enan Melencio

Session 7: Pagtatasa
Layunin:
a. upang mabuod ang mga impormasyon na nakuha mula sa mga ginawang aktibidad
ng samahan
b. upang
Session Flow:
Activity 1:
Title: BATROFA TREE
Mechanics:
1. ipapakita sa samahan ang BATROFA TREE
2. nandito nakadikit ang mga impormasyon mula sa samahan na magiging
basehan ng pagtatasa
3. ipapaliwanag ng facilitator ang nabuong BATROFA TREE upang mas
maging malinaw ang lahat ng kanilang ginawa.
Materials:
“BATROFA TREE”

Discussion points:
1. ano ang nagustuhan/natutunan sa mga ginawa?
2. anu-anong mga aral ang nakuha sa ginawang activities?
3. may mga bagay bang hindi malinaw?
4. ano ang masasabi sa buong araw na gawain?

137
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
5. ano ang masasabi sa mga technical na aspeto?
- food,venue,time,visuals
- facilitator
- daloy
5. mga rekomendasyon
Facilitator: Chai Ambas

B. Dokyumentasyon ng focus group discussion para sa paggawa ng Case Study ng Organikong


Pagsasaka bilang isang proyekto ng BATROFA

Attendance:
Romy Cayobit, Junjun, Celso, Danny, Ben, Maning, GG
Prayer: Paula
Introduction: enan
-pagpasok ng datos sa barangay hall tungkol sa barangay dalig. Ikukumpirma ang datos sa miyembro
kung totoo nga
-kakaunti lang ang datos sa mismong Sitio ABuyod

Paula: community Profile


Pangunahing Hanapbuhay: marami ngang magsasaka sa dalig (tay romy)
Rootcrops ang pangunahing tinatanim (Tay Celso)
2004: naitayo ang Highschool ng Abuyod, nauna ang elementarya.
Ngayong taon, 4 ang guro sa elementary (1995 documents)
Sa ngayon ayon kay Tay Celso at junjun:
Grade 1-2: 2-3 sections
40 na bata sa isang classroom, 900 plus ang estudyante, 9 ang guro.
Development Plan:
Naisagawa ang perimeter fences sa Dalig, wala pa rin daw bakod hanggang ngayon sa Barangay Hall
dahil palagi siya andoon.(Romy
Nagkaroon ng tulay (nagawa ito)
Nagkaroon din ng mini dump truck. Nakakakolekta sa Abuyod sa elementary school ang basura at
dinadala sa dumpsite sa Purokan. Ang iba, mga bahay bahay, ay sa ilog tinatapon, sa mga bahay ay
hindi nakakapasok ang mga truck. Sinusunog na lang o ginagawa sa paggawa ng apoy na pangluto.
(celso at les)
Bagong kalsada sa Gitnang Palayan. Malabong matupad ito dahil hindi pa nga maayos ang mga kalsada
sa Abuyod (tay Danny) Imposible sa 2010, baka wala na sila bago ito matapos.
Open canal ay possible daw.
Tinanong ni Tay Danny kung saan nakuha ang mga proyektong to. Pinaliwanag na sa Barangay ito
nakuha at kung totoo baa ng mga ito dahil wala naman daw silang napapansin na pagbabago sa kanilang
sitio.

Idan: Poverty Analysis


Nakakabili ba ng appliances:
Hindi sapat ang kita para makabili ng appliances (Romy)
Kaya kung magsumikap (Danny)
Madalas na napupunta sa pambayad utang ang kita ng mga tao (Tay Danny)
Totoo na marami ang hindi kayang tumakbo sa pulitika at hindi kayang ipagtanggol ang sarili sa batas
dahil kulang sa kaalaman.
Noong araw, maluwag pa ang kita ay nakatakbo si Tay Danny at Romy pero natalo sila dahil mas
mayaman ang kalaban, 30 votes lang ang lamang.
Kung dito sa baranggay, kaya naman pero sa pambayan na pulitika ay kaya naman.
Kaya naman na ipagtanggol ang sarili sa batas, pag may problema na naghahanap ng padrino. (Danny)
Pag may problema at least sila ay lumalaban (Celso)
Tutol ang lahat na hindi hadlang ang katandaan sa pagkakaroon ng mababang tingin dito sa lipunan.

138
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Distansiya sa ospital, police station, palengke: malayo daw talaga. Pero kaya namang pumunta basta
may pera. Ang iba ay dito na lang sa komunidad namamalengke dahil walang pera pampalengke
Naabot daw ba sila ng proyekto: oo daw kasi malayo ang lugar. Minsan ay nakakarating katulad ng
paaralan. Minsan lang maambutan (Tay Maning)]
Pag may kalamidad madalas ang tulong, relief goods (Tay Romy)
Schools (Tay Les) Kuryente, kalsada (Danny) kasi mageeleksiyon pag wala na ay wala na ding tulong.
MAdalas bang magkasakit ang tao dito?
Hindi naman. Madalang lang. Mahirap magkasakit dahil mahal magpadoktor. (danny)
Pana-panahon lang ang pagkakasakit (Celso)
Sa kalamidad: madalas bang binabagyo o baha?
Bagyo: meron pero hindi nasasalanta. (lahat)
Baha meron sa ilog pero dito wala. Hindi binabaha dito sa baba. (Romy) Lubog ang Teresa pag sila ay
binaha. (Maning)
Wala silang makuhang magandang trabaho dahil kulang sa kaalaman:
Katamaran (Romy)
Nasa tao yun, may abilidad dapat kahit magsasaka lang. gagawa ka ng paraan para sa pamilya (ben)
Dahil ba sa pagkakasakit e hindi nakakpagtrabaho?
Siyempre naman pero di madalas, minsan ay isang araw lang.
Naranasan nang ipagtabuyan sa ospital?
Tay mAning: sa PRoj. 4 ay hindi inasikaso ng ospital ang asawang manganganak na dahil kulang sa
pera.
Malabo kasi may mga provincial hospitals dito, maliban na lang siguro kung malala na (Ben)

Organikong Pagsasaka : Chai


1. Kelan nagsimula ang org. farming? 2006 (trainings, seminars, trial farm) 2007, nag oorganiko na
talaga.
2. Bakit nagsimula? Dahil sa MASIPAG, naengganyo dahil wala daw gastos. Pinagseminar pa si
Danny at doon niya nalaman ang benepisyo ng org. farming. 3 lang ang magseminar sa
MASIPAG at silang tatlo ang tumuturo sa mga ka-miyembro. May MASIPAG staff din na
nagtuturo sa kanila sa org. farming.
3. Paano sinimulan? Nag-seminar muna ang 3, nagtrial farm, kumuha ng binhi, inalam ang likas-
kayang pagsasaka at doon n sila nagsimula
4. Ang org. pagsasaka ay nakatulong upang magkaroon sila ng ligtas na pagkain (danny)
5. Isa isa ang trial farm at ang binhi ay binigay lang ng MASIPAG. Sunod-dunod na ang miyembro
sa pagoorganiko sa tulong ng iba ng nakapagseminar. May mga ibang magsasaka na
nagoorganiko ngunit di magawa dahil hindi sa kanila ang lupa. May usapan sa manager.
6. CFCA ang nagpakilala sa MASIPAg at MASIPAG ang nagpaliwanag na ng org. farming.
7. Kuya Tony, Kuya Chris Panerio ang nagturo sa org. farming.
8. Ang samahan pa nila noon ay di pa under sa MASIPAG. Iniba ang pangalan na under na sa
MASIPAG.
9. 2006 pa lang ay bumibisita na si Tony sa MASIPAG sa komunidad.
10. Food security, ligtas na pagkain, makatipid sa gastos sa pagsasaka (rason sa pagoorganiko)

11. Nakukuha sa org. farming?

Kumikita sa pagoorganic. Noon, bumibili sila ng capital para sa abono at pesticide. Dati wala
silang pera dahil pambayad utang lang ang sinasaka. Dati 10,000 ang gastos sa saka, ngayon
4,000-5,000 na lang ang gastos. (Danny)

Pagkain ang isa pang nakukuha (Tay Celso). Ngayon nakakaluwag na siya. Kahit hindi ibenta
nakakaangat pa rin sa buhay dahil nakakatipid sa gastos . Unang una ay pampamilya muna ang
sinasaka, kung may matira ay puwede nang ibenta (Celso)

Nakabili pa ng kotse si Tay Danny

139
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Ngayon pa lang nagsimula si Tay Ben na mag-organic.
12. Mas nakilala sila ng ibang org, nakarating sila sa ibang mga lugar upang makapagseminar.
Noon ang sinasabi ay “magsasaka lang pala kami”. Mas mataas sila sa iba dahil sila ang
nagpapakain sa sambayanang Pilipino. Mas nakataas ng confidence sa sarili dahil alam nilang
mahalaga ang kanilang gawain sa komunidad. Kahit hindi sila nakapagaral ay alam nilang may
mga kaalaman sila na hindi alam ng iba at iyon ay sa pagsasaka.
13. Layunin o marating sa org. pagsasaka:

Danny – makatulong sa mamamayan na makakain ng ligtas, nadagdagan ang katalinuhan sa org


farming, naalis ang kahihiyan sa pagkausap sa ibang tao.
Ben- makatipid sa paggastos sa pagsasaka dahil gumagamit siya ng abono na commercial, dilaw
ang palay niya sa kanila ay berde. Tipid na maganda pa ang tubo ng palay.
Maning – madagdagan ang ani ng miyembro upang ang CFCA ay kumuha na ng bigas sa kanila.
Masusuportahan nila ang feeding program ng CFCA at makakain ng ligtas na pagkain ang
kabataan.
GG- makatipid sa gastos dahil sobrang mahal ang abono, sa organic makukuha mo sa palengke
ang infredients. Maganda din ang ani.
Romy- hangad na madagdagan ang pinagaralan sa org. farming sa MASIPAG. Dahil mkung saan
saan sila nakapunta. Upang maging proud siya sa sarili niya.
Junjun- makapagpalahi ng rice varieties. Malampasan ang isang magsasaka na umabot sa 300
rice varieties/breeders. Makapagpakain sa komunidad ng ligtas na pagkain.
Celso- maitaguyod ang likas-kayang pagsasaka. Nang sa gayon ay ang kaakibat na kagustuhang
yumaman mula dito.
14. Mula 2007-2009 na ang organikong pagsasaka.
15. Procedures sa organic farming:
- Pagaararo muna-binubungkal ang lupa, tapos suyod-dinudurog ang lupa. Maaring ipunla na
o ilinang na. tapos paglilinang-finish o pinapantay ang lupa, magbabad ng binhi sa tubig ng
24 hours sa drum kung maramihan pero nasa sako ang palay na ilulubog sa drum upang
tumubo.(pagbabad) Tsaka mo ilalagay sa nilinang na putik, aayusin at ipupunla hanggang sa
tumubo na. Kapag 15 days na ay ready na ilipat-tanim. Aalagaan ito hanggang lumaki,
maglalagay ng organikong pataba pagkatapos ng 1 buwan at kalahati ang palay: pwede
compost o spray.
- Paggagamas: nasa magsasaka na kung bago isang buwan kung marami na ang damo.
- Tuloy tuloy na procedure hanggang ang bunga ay nasa kataawan ng palay hindi na pwedeng
gamasin ang damo dahil maapektuhan na ang bunga.
- 3 months bago umani, madalas ay kinakaret upang anihin. Patapos ay hahampasin para
bumaba ang bunga, papahanginan mga isang araw bago ibilad upang tumigas nang mga 1-2
days.
- Bago kiskisin ay ihahakot na. Ipakiskis na ang sunod. Isang kaban ay wala pa sa isang oras
gamit ang makina. Puwede na siyang ilagay sa sako. Bigas na siya. Puwede rin naming
ibayo.
- Tapos pagkatapos ay bubungkalin na ulit ang lupa sa susunod na pagtatanim. Pareho lang
ang cycles ng pagtatanim.
- Once a year ang pagtatanim. June-October or July-November
- 6 – 7 hectare ang lawak ng lupa na org. farming. Puro sa bayembi pero meron din iba sa
buhangin.
- Mula trial farm hanggang ani ay inaabot ng 120 days. Pag walang trial farm ay ganoon din
ang haba.

Problema sa Organic Farming:


- Paano gumawa ng compost, maghanap ng ingredients sa paggawa ng pataba
Soln: pag may pesta gagawa ng pantaboy dun tulad ng citronella. Ganoon din sa pataba, sila
na mismo ang gumagawa.

- Pambayad sa mga tao na tutulong sa pagsasaka


- Paggagamas

140
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Trial Farm: Ang mayari ng lupang tinamnan ang siyang manager noon. Kasi siya ang
nakakaalam nun.
Polisiya sa trial farm –may mga sukat, layo, lapad sa pagtatanim at magtulong tulong sa
pagsasaka. Bayanihan ang number 1 batas sa trial farm (Celso). Pag madamo ang palayan,
madami ang peste kaya kailangan malinis ang trial farm.
Accomplishments: (Bago sa buhay at samahan)
Junjun-kaalaman sa pagpapalayan, pagpapalahi, kaalaman sa insecticide na kayang gastusan.
Sa samahan, mas dumami ang kaalaman, nakilala sila sa ibang organisasyon, tumaasa ang
tingin sa ka-miyembro.
Celso- Noon ay malaki ang gastos sa pagsasaka, ngayon ay kaunti na lang. 1% na lang ang
ginagastos ngayon. Noon umaani ng marami kaya lang pagkatpos ng anihan, tapos na ang kain.
Ngayon ay nakakaimbak ng pagkain. Noon, 1 variety lang ang itinatanim, ngayon ay 3 rice
varieties na at may nakareserba pa para sa susunod. Sa samahan naman, masayahin na sila.
Dati kanya kanya, walang pakialaman kung saan mangungutang. Ngayon pag sinasabing abono,
mas hindi namromroblema dahil madali na lang ito gawin. Madami sila prob noon, ngayon
nakakangiti na.
Romy- maganda na ang kinakain ng pamilya pero di sapat dahil ay konti lang ang naaani.
Marami nang kaalaman.
GG- maganda ang pakiramdam ng katawan dahil hindi na gumagamit ng kimikal. Sa samahan,
nagkaroon ng kuliglig at kalabaw, di na gumagastos na malaki.
Maning- Sa samahan, kung saan saan sila nakakarating. Hindi niya alam na makakapunta siya
sa ibang lugar kahit nagbubungkal lang siya ng lupa. Sa saka, maganda nawala ang gastos sa
pataba at pestisidyo (1500 plus). ANg hindi lang maiwasan ay ang pagbayad sa krudo, operator
at tagatanim. Noon nagkaroon ng kalabaw, nagawa nang sarilinin ang pagtatanim. 2 klase lang
ng variety dati (maagkit at isa pa). Ngayon, papalit palit na ng rice variety (5: 11-11, 70-3, black
rice at red rice). Hindi binebenta, pang konsumo lang ng pamilya. Noon ayos lang ang ani, hindi
naman nalulugi dahil sobrang dami ng inaani.
Ben- naguumpisa pa lang pero malaking katipiran kung ipagpapatuloy gawa ng experience sa
pagbili ng fertilizer. MUla ng may kalabaw ang samahan, madali ang pagsasaka. Noon, inaabot
sila ng 1 buwan bago maayos ang palayan. Nang may kagamitan, nagtutulong tulong sila, sa
loob ng isang buwan ay nakakatanim na ang lahat. Di tulad dati na kanya kanya ang buwan ng
pagaani.
Danny- kaalaman sa pagsasaka ng organiko. Nakamit na kagamitan sa pagsasaka. Kilala ang
pagkatao nila sa organic farming, minsan nadyadyaryo pa sila. Nakakatulong sa ibang mga
magsasaka kapag naiimbitahan silang magtulong.
Trial Farm: Danny, Maning, Celso at Johnny.
ANG LAHAT ng binhi sa trial farm ay iniimbak at kapag may nangangailangan ay binibigyan ang
miyembro. Walang bayad. Pag madami nang binhi ay ipinapabayo na at inihahain. Kapag 2
beses nang natrial farm ang binhi ay kukuha na g bagong binhi. Nagumpisa sa 1 kutsarita iyon,
yung tira ay iniimbak yung isang kutsarita ay ginagamit sa susunod na trial farm.
Hybrid Binhi: 20 kilos/ mahigit 1,000.00
Naidulot:
1. Pagkain- ngayon mas marami nang naiimbak na pagkain. Noon pag umani ng 70 kaban, mga 25
kaban lang sayo kasi yung iba ay pambabayad utang dahil mahal ang pagpapasaka dati.
Nakakapagalaga ng manok na puwede na ring ipakain sa pamilya mo, pati mga gulay. Kung ano
ang sumobra ay yun na ang ibebenta mo. Libre na sa bigas at ulam at alam mong native at ligtas.
Mga gulay ay organiko din, wag dapat isprayan. Kaya nagpapakilala sa mha kalapit upang
malaman na ang kinakain ay ligtas.
Pag malls ang bibili mahal, pag dito dito lang pareho ang bentahan. Maganda daw sana kung
may babagsakan sila ng mga naani (AHSHI, CFCA). Ang problema ay baka hindi makalusot sa
mga laboratory.

2. Lamang na sa purchasing power.


3. Noon ang tingin bago mag-organic farming ni Tay Celso sa lahat ay ang tatanda nila.
Pakiramdam niya ay nawala ang lason sa katawan, gumada ang pakiramdam. Noon nakayuko
kung lumakad ngayon ay taas-noo na. (MANING)

141
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
May kumpiyansa sa sarili dahil sa ligtas ang kinakain.

Noon pag magsasalita sa lahat ay kinakabahan na. Ngayon ay gusto nang magsalita at tawagin
na. Noon sa likod nakaupo, ngayon ay gusto na gusto nang matawag.

4. IWAS SA SAKIT.
Danny- dati ay mataba. Noon ulam ay baboy, manok at isda. An hingal ay sobra.pero ngayon
nagsasaka ay nawala ang hingal

Celso-noon ay sari saring amoy kimikal ang naamoy. Masakit ang ulo, mahirap huminga, ngayon
nabawasan ang polluted air, malayo na sa sakit.

5. AKSES SA GAMOT.
Celso-madali nang nakakuha ng gamot, lalo na ang herbal med. Alam na ang tanim para sa
sakit. Kasabay na sa organic farming seminar aya ng upland (gulay), mais, pagalaga ng native
chicken gamit ang organic feeds, baboy at herbal medicine ngayon. Palawak nang palawak ang
kaalaman kaysa noon na naghihintay lang sila na maambunan ng tulong. Ngayon ay kaya na
nila gumawa ng gamot.

6. EDUKASYON:
Celso- sa ani pag may natira na 50 kaban, bebenta ang 25 kaban para sa eskuwela ng anak at
kalahati ay pangkonsumo.

7. PAGTATANGGOL SA SARILI
Celso- sa kanya, nitong nag-oorganic siya, malaki na ang malasakit niya sa sakahan nila. Kung
dadating ang panahon na kunin ito sa kanya, ngayon pa lang ay nagiisip na siya ng dahilan para
maipagtanggol ito gamit ang batas.

Malaki ang maitutulong ng CFCA. Una muna ang CFCA (sponsored child muna), nang malaman
ni Maam Malou na may miyembro g CFCA na farmers, doon sila nakapasok sa MASIPAG. Dahil
nagkita si Maam Malou at Tony at nagkadiskusyon sa pagsasaka. Hinanap ni Tony ang mga
magsasaka at ngakaroon ng meeting/pulong upang bumuo na ng samahan at ipinaliwanag na
ang MASIPAg, organic farming. Sinubukan nila at naging maganda ang organic farming. Nagtie-
up ang CFCA sa MASIPAG at pati na rin ang AHSHI.

Ibingay na ang mga batas ng samahan upang basahin at lagdaan. Enan

C. Ang nabuong SALIGANG BATAS AT MGA ALINTUNTUNING PANLOOB NG BAYEMBI ABUYOD


TERESA RIZAL ORGANIC FARMERS' ASSOCIATION (BATROFA)

ARTIKULO I. PANGALAN
ARTIKULO II. LAYUNIN AT PANINIWALA NG SAMAHAN
ARTIKULO III. PAGIGING KASAPI
ARTIKULO IV. PAGIGING OPISYAL
ARTIKULO V. TUNGKULIN NG MGA OPISYAL
ARTIKULO VI. PANGKALAHATANG ASEMBLIYA
ARTIKULO VII. PAGDALO SA MGA GAWAIN AT PAGPUPULONG NG SAMAHAN
ARTIKULO VIII. GAWAING BUKID NG SAMAHAN
ARTIKULO IX. PINANSYA
ARTIKULO X. PAGDIDISIPLINA
ARTIKULO XI. PAGSUSUSOG
ARTIKULO XII. PAGPAPATUPAD

142
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
PAUNANG SALITA

Kami, ang mga magsasaka sa Abuyod, Teresa, Rizal na nagkakaisa upang isulong ang likas-kayang
pagsasaka sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng organikong pagsasaka, pagpapahalaga sa kakayahan
ng kababaihan, pangangalaga sa kalikasan, pagtuturo sa kabataan at ibang magsasaka, at pagpapatuloy
ng bayanihan, ay binubuo at pinapalakas ang samahang BATROFA at pinagtitibay ang Saligang Batas
na ito.

ARTIKULO I.
PANGALAN
Ang samahan ay makikilala sa pangalang Bayembi Abuyod Teresa Rizal Organic Farmers' Association o
BATROFA.

ARTIKULO II.
LAYUNIN AT PANINIWALA NG SAMAHAN
Seksyon 1. Layunin. Ang samahan ay naglalayong pag-ibayuhin at isulong ang likas-kayang
pagsasaka sa pamamagitan ng:
III. pagpapaunlad ng organikong pagsasaka;
IV. pagpapahalaga sa kakayahan ng kababaihan;
V. pangangalaga sa kalikasan;
VI. pagtuturo sa kabataan at ibang magsasaka; at
VII. pagpapatuloy ng bayanihan.
Seksyon 2. Paniniwala. Ang samahan ay nagkakaisa sa paniniwalang:
(a) ang pundasyon ng samahan ay ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakapantay-
pantay;
(b) dapat igalang ang karapatan at pagkakaiba-iba ng bawat isa;
(c) kailangang magkaroon ng seguridad sa pagkain ang pamilya bago makatulong sa
seguridad sa pagkain ng komunidad;
(d) kailangang magparami upang mapalakas ang pagtugon sa layunin ng samahan; at
(e) pinakamataas na nagpapasya sa lahat ng gawain ng samahan ay ang
pangkalahatang asembliya.

ARTIKULO III.
PAGIGING KASAPI
Seksyon 1. Pagiging ekslusibo. Ang samahan ay binubuo ng mga magsasakang nag-
oorganikong pagsasaka at mga magsasakang may kagustuhang lumipat sa organikong
pagsasaka.
Seksyon 2. Pagsapi sa samahan. Ang lahat ng sumusunod ay ang mga alintuntunin sa mga
nagbabalak sumapi sa samahan:
(f) Organikong pagsasaka. Maaaring sumapi ang isang magsasaka sa BATROFA
kung siya ay nagsasagawa ng organikong pagsasaka o may kagustuhang lumipat
sa organikong pagsasaka.
IV. Edad. Maaaring sumapi ang isang magsasaka sa BATROFA anuman ang edad
basta't may kakayahang magsaka.
V. Kababaihan. Maaaring sumapi ang isang babaeng magsasaka sa BATROFA kung
siya ay wala pang asawa, wala nang asawa, o ang kanyang asawa ay walang
interes na sumapi sa samahan.
VI. Kinatawan ng pamilya. Isang magsasaka lang sa isang pamilya ang maaaring
maging kasapi ng samahan.
VII. Membership fee. Maaaring sumapi ang isang magsasaka sa BATROFA kung siya
ay magbabayad ng membership fee na isang daang piso (Php 100.00) sa pondo
ng samahan.
Seksyon 3. Mga responsibilidad. Ang mga kasapi ay may sumusunod na responsibilidad:
(a) Dumalo sa mga pagpupulong;
(g) Dumating sa tamang oras na napag-usapan;
(h) Manalangin ng sama-sama bago at pagkatapos ng pagpupulong;

143
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
(i) Pakinggang mabuti ang bawat kasapi upang maunawaan;
(j) Sa mga pagpupulong, iwasang magkwentuhan habang may nagsasalita;
(k) Sa mga pagpupulong, iwasang magsalita ng sabay-sabay upang maiwasan ang
hindi pagkakaunawaan;
(l) Huwag dumalo sa mga gawain at pagpupulong ng samahan na nakainom;
(m) Buong pusong isulong ang layunin ng samahan;
(n) Siguraduhing nasusunod ang Saligang Batas na ito.
Seksyon 4. Mga karapatan. Ang mga kasapi ay may sumusunod na karapatan:
VI. Karapatang makapagpahayag ng sariling saloobin at damdamin sa lahat ng
gawain ng samahan, kahit saan man at anumang oras;
VII. Karapatang tumiwalag sa samahan;
VIII. Karapatang bumoto at maiboto sa botohan ng mga opisyal ng samahan;
IX. Karapatang bumoto sa mga pagpaplano't pagpapasya ng samahan;
X. Karapatang mabigyan ng samahan ng kalabaw sa pagkakataong mayroon nang
kalabaw na maibibigay;
XI. Karapatang gumamit ng mga kagamitan at makina ng samahan;
XII. Karapatang dumalo sa lahat ng pagpupulong at gawain ng samahan;
XIII. Karapatang bumitiw sa anumang posisyon sa samahan;
XIV. Karapatang maghain ng reklamo sa kahit na sinong kasapi at opisyal ng samahan;
Seksyon 5. Pagtitiwalag. Ang isang kasapi ay maaaring tumiwalag sa samahan. Kasunod sa
pagtitiwalag ng miyembro ang:
(h) pagbawi sa lahat ng benepisyo at karapatan niya sa samahan katulad ng kalabaw,
mga kagamitan, at makina ng samahan, at
(i) pagbalik sa kasaping tumiwalag ang lahat ng perang kanyang naibigay sa
samahan. Ang perang ibabalik ay maaaring manggaling sa pondo ng samahan o
paghahati-hatian ng mga kasapi.

ARTIKULO IV.
PAGIGING OPISYAL
Seksyon 1. Mga opisyal. Ang mga opisyal ng samahan ay:
(a) Presidente
(b) Pangalawang Presidente
(c) Kalihim/ Sekretarya
(d) Ingat-yaman/ Tresurero
(e) Tagatuos/ Awditor
(f) Tatlong (3) Tagapamalita/ Public Relations Officers (PRO)
Seksyon 2. Pagpili sa pamamagitan ng botohan.
(a) Mga iboboto. Ang lahat ng opisyal ay pipiliin sa pamamagitan ng botohan.
(b) Petsa. Magkakaroon lamang ng botohan ng opisyal kada dalawang taon tuwing
buwan ng Enero.
(c) Paraan. Ang botohan ng opisyal ay gagawin sa pamamagitan ng pagsusulat sa
balota. Ang mga balotang papel na ihuhulog sa ballot box o isang lalagyan ng mga
kasaping dumalo sa botohan ang magpapasya kung sino sa mga nominado ang
mananalo. Ang nominadong may pinakamaraming boto ang siyang idedeklarang
panalo.
(d) Karapatang bumoto at maiboto. Ang lahat ng kasapi, kabilang ang mga
kasalukuyang opisya, ay maaaring bumoto at maiboto sa kahit anong posisyon.
(e) Pagboto sa pamamagitan ng proxy. Walang sinuman ang maaaring bumoto sa
pamamagitan ng proxy.
Seksyon 3. Haba ng termino. Ang mga mapipiling opisyal ay gagampanan ang kanilang mga
tungkulin sa samahan ng dalawang (2) taon.
Seksyon 4. Pagbitiw sa pwesto. Maaaring magbitiw sa pwesto ang isang opisyal ngunit ito ay
kailangan munang pag-usapan ng samahan sa isang pagpupulong.
Seksyon 5. Pwestong nabakante. Sa mga pagkakataong nabakante ang isang pwestong pang-
opisyal, magkakaroon ng botohan para sa pwestong nabakante sa lalong madaling
panahon. Ang botohang ito ay gaganapin sa isang pagpupulong.

144
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

ARTIKULO V.
TUNGKULIN NG MGA OPISYAL
Seksyon 1. Presidente. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin ng presidente:
(i) Maging opisyal na tagapagsalita ng samahan at katawanin ang samahan sa mga
pagkakataong ito ay kailangan katawanin;
(j) Maging punong-tagapagpadaloy ng mga pagpupulong ng samahan;
(k) Pirmahan ang mga dokyumentong inaprubahan ng pangkalahatang asembliya;
(l) Gampanan ang mga tungkuling iniatas ng samahan;
(m) Siguraduhing ang mga kasapi ay nagagampanan ang kanilang mga tungkulin
patungkol sa mga gawain at proyekto ng samahan;
(n) Himukin ang mga kasapi sa bayanihan at mga gawaing bukid ng samahan;
(o) Siguraduhing nananatiling nagkakaisa ang mga kasapi ng samahan;
Seksyon 2. Pangalawang Presidente. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin ng pangalawang
presidente:
(a) Humalili sa presidente sa pangangasiwa sa mga gawain ng samahan;
(b) Tumayo bilang pansamantalang presidente sa mga pagkakataong wala ang
presidente sa mga gawain at pagpupulong ng samahan;
(c) Gampanan ang mga tungkuling iniatas ng samahan;
(d) Siguraduhing nasusunod ang Saligang Batas na ito;
(e) Palagiang punahin ang mga kakulangan ng samahan;
Seksyon 3. Kalihim/ Sekretarya. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin ng kalihim:
(a) Tumayo bilang tagapag-ingat ng bawat dokumento o mahahalagang papeles ng
samahan;
(b) Magdokumento sa lahat ng pagpupulong at gawain ng samahan;
(c) Sa bawat pagpupulong, mag-ulat ng mga napagusapan at napagkasunduan noong
nakaraang pagpupulong o gawain;
(d) Gampanan ang mga tungkuling iniatas ng samahan;
Seksyon 4. Ingat-yaman/ Tresurero. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin ng ingat-yaman:
(a) Tagatala ng mga ari-arian at pondo ng samahan;
(b) Taga-ingat ng pondo ng samahan;
(c) Tumanggap at mag-ingat ng bayad ng kasapian o anumang pondong dumarating
sa samahan katulad ng mga donasyon;
(d) Kasama ng presidente at pangalawang presidente tuwing maglalabas ng pera sa
bangko;
(e) Maglagak at maglabas ng pondo na may pagsang-ayon ng pangkalahatang
asembliya;
(f) Gampanan ang mga tungkuling iniatas ng samahan;
Seksyon 5. Tagatuos/ Awditor. Ang sumusunod ay ang mga tungkulin ng tagatuos:
I. Tagatala ng mga perang lumalabas at pumapasok sa samahan;
II. Taga-ingat ng mga resibong galing sa mga gastusin ng samahan;
III. Sa bawat pagpupulong, maging taga-ulat ng daloy ng pinansya ng samahan;
IV. Suriin ang kalagayang pampananalapi ng samahan at mga pag-aari nito;
V. Gampanan ang mga tungkuling iniatas ng samahan;
Seksyon 6. Tagapamalita/ Public Relation Officer (PRO). Ang sumusunod ay ang mga tungkulin
ng tagapamalita:
V. Magpakalat ng mga impormasyon, anunsyo, at balita sa mga kasapi ng samahan;
VI. Siguraduhing alam ng lahat ng kasapi ang darating na pagpupulong;
VII. Tagakolekta ng mga kagamitan sa bawat kasapian sa mga pagkakataong may
kailangang kolektahin;
VIII.Gampanan ang mga tungkuling iniatas ng samahan;

145
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
ARTIKULO VI.
PANGKALAHATANG ASEMBLIYA
Seksyon 1. Pangkalahatang Asembliya. Ang pangkalahatang asembliya ang pinakamataas na
mekanismong tagapagpasya ng samahan. Sa bawat pagpupulong, ang mga kasaping
dumalo rito ay ang bumubuo ng pangkalahatang asembliya. Ang kanilang
mapapagkasunduan at mapagpapasyahan ay isasakatuparan ng buong samahan.
Seksyon 2. Buwanang pagpupulong. Ang buwanang pagpupulong ng samahan ay gaganapin
tuwing huling linggo ng bawat buwan.
Seksyon 3. Korum. Ang pagpupulong ng samahan ay maaari lamang ipagpatuloy kung ang bilang
ng miyembrong dumalo ay higit sa kalahati ng kabuuang bilang ng miyembro ng
samahan.
Seksyon 4. Mayorya. Higit sa kalahati ng lahat ng dumalo sa pagpupulong ang kinakailangang
dami ng boto upang magdikta ng pagsang-ayon ng samahan sa proyekto, gawain, o
ano mang bagay na kinakailangang pagpasyahan ng samahan.

ARTIKULO VII.
PAGDALO SA MGA GAWAIN AT PAGPUPULONG NG SAMAHAN
Seksyon 1. Kinatawan o proxy.
(a) Pagpapapadala ng kinatawan. Ang kasaping hindi makakadalo ay maaaring
magpadala ng kinatawan. Sa ganitong pagkakataon, ang kasaping hindi nakadalo
ay hindi ituturing na absent.
(b) Ang kinatawan. Ang kinitawan ay maaaring ang asawa o anak ng kasaping hindi
makakadalo.
(c) Limitasyon ng kasapi. Ang isang kasapi ay hindi maaaring magpadala ng
kinatawan sa mga pagpupulong o gawain ng samahan ng dalawang (2) beses na
magkasunod. Sa pagkakataong ito ay malabag, ang kasapi ay makakatanggap ng
kaukulang disiplina.
(d) Limitasyon ng kinatawan. Ang isang kinatawan ay maaaring lumahok sa mga
gawain at pinag-uusapan ng samahan ngunit hindi siya maaaring bumoto sa mga
pagkakataong magpapasya o magpaplano ang samahan.
Seksyon 2. Excuse letter.
(a) Pagbibigay ng excuse letter. Ang kasaping hindi makakadalo sa isang
pagpupulong o gawain ng samahan ay maaaring magbigay ng excuse letter bago
siya umabsent sa kahit kaninong kasaping makakadalo. Ang excuse letter ay
kinakailangang may lagda ng tatlong (3) opisyal bago ito magkabisa. Sa ganitong
pagkakataon, ang kasaping hindi nakadalo ay hindi ituturing na absent.
(b) Limitasyon. Ang isang kasapi ay maaari lamang magbigay ng hanggang tatlong
(3) excuse letter na magkakasunod. Sa mga pagkakataong siya ay lumabis sa tatlo
(3), bibigyan siya ng kaukulang disiplina.
Seksyon 3. Pagliliban o pagiging absent. Ang kasaping mahuhuli ng mahigit sa tatlumpong (30)
minuto sa napagkasunduang oras ay ituturing na absent at makakatanggap ng
kaukulang disiplina.
Seksyon 4. Pagiging huli sa napagkasunduang oras o late.
(a) Pagiging late. Ang kasaping mahuhuli ng hindi hihigit sa tatlumpong (30) minuto
sa napagkasunduang oras ay ituturing na late.
(b) Limitasyon. Ang isang kasaping magiging late ng tatlong beses sa mga gawain o
pagpupulong ng samahan ay ituturing na absent at makakatanggap ng kaukulang
disiplina.

ARTICLE VIII.
GAWAING BUKID NG SAMAHAN
Seksyon 1. Kinatawan o proxy.
(a) Pagpapapadala ng kinatawan. Ang kasaping hindi makakadalo ay maaaring
magpadala ng kinatawan. Sa ganitong pagkakataon, ang kasaping hindi nakadalo
ay hindi ituturing na absent.

146
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
(b) Ang kinatawan. Ang kinatawan ay dapat may kaalaman sa organikong
pagsasaka.
(c) Limitasyon ng kasapi. Ang isang kasapi ay hindi maaaring magpadala ng
kinatawan sa mga pagpupulong o gawain ng samahan ng dalawang (2) beses na
magkasunod. Sa pagkakataong ito ay malabag, ang kasapi ay makakatanggap ng
kaukulang disiplina.
Seksyon 2. Excuse letter. Ang pagbibigay ng excuse letter sa mga gawaing bukid ng samahan ay
katulad lang din sa pagbibigay ng excuse letter sa mga pagpupulong at gawain ng
samahan na nakasaaD sa Artikulo VII Seksyon 2.

ARTIKULO IX.
PINANSYA
Seksyon 1. Buwanang butaw.
(a) Pagbibigay ng butaw. Ang bawat kasapi ay magbibigay ng dalawampung piso
(Php 20.00) na butaw kada buwan sa samahan. Ang hindi makakapagbigay ng
butaw sa isang buwan ay magbabayad sa susunod na buwan, kasabay ang butaw
sa buwan na iyon.
(b) Pangongolekta. Ang pangongolekta ng butaw ay gaganapin sa buwanang
pagpupulong ng samahan.
Seksyon 2. Membership fee. Ayon sa nakasaad sa Artikulo III Seksyon 2 Subseksyon (e), ang
mga nagnanais sumapi sa samahan ay kinakailangang magbayad ng isangdaang piso
(Php 100.00) sa pondo ng samahan.
Seksyon 3. Paglabas ng pera. Ang paglabas ng pera ng samahan ay dapat ikonsulta at
pahintulutan ng pangkalahatang asembliya.
Seksyon 4. Pagpapautang. Ang pagpapautang sa isang kasapi ay maaari lamang pahintulutan
kung ito ay lubos na kinakailangan katulad ng mga pagkakataong may emergency o
kalamidad.

ARTICLE X.
PAGDIDISIPLINA
Seksyon 1. Unang disiplina. Ang unang kaukulang disipina na ibibigay sa isang kasapi ay ang
pagkausap sa kanya ng mga opisyal. Dito siya ay kakausapin ng masinsinan upang
ipaliwanag ang kanyang mga kadahilana.
Seksyon 2. Ikalawang disiplina. Ang ikalawang kaukulang disiplina na ibibigay sa isang kasapi sa
pagkakataong inulit niya muli ang kanyang pagkakamali, siya ay bibigyan na ng babala
ng Presidente tungkol sa kanyang pagkatanggal sa samahan.
Seksyon 3. Huling disiplina. Ang huling disiplina na ibibigay sa isang kasaping inulit muli ang
kanyang pagkakamali ng tatlong beses, sapilitan na siyang tatanggalin sa samahan.

ARTIKULO XI.
PAGSUSUSOG
Maaaring baguhin at palitan ang anumang nilalaman ng Saligang Batas na ito tuwing may
pagpupulong ang samahan. Ito ay kailangang pagkasunduan ng pangkalahatang
asembliya.

ARTIKULO XII.
PAGPAPATUPAD
Ang Saligang Batas at mga Alintuntuning Panloob na ito ay pinapagtibay sa araw na ito, Setyembre
20, 2009. Ito ay ipapatupad hanggang may baguhin o palitan ang anuman sa nilalaman
nito.

Nagkakasundo, nagkakaisa, at sinasang-ayunan ang lahat ng nakasaad sa Saligang Batas ngayong


Setyembre 20, 2009 sa Kapilya sa Sitio Abuyod, Barangay Dalig, Teresa, Rizal,
Danilo Dichoso, President
Manuel Navarro, Pangalawang President
Gabriel Gaviola, Kalihim

147
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Celso Dicen, Ingat-yaman
Leslie Newton, Tagatuos
Romeo Cayubit, Tagapamalita
Mario Cayobit Jr., Tagapamalita
Virgilio Esguerra, Kasapi
Benjamin Herrero, Kasapi
Roy Portalesa, Kasapi
Jose Toleroso, Kasapi
Nicolas Ermeno, Kasapi

Dumalong proxy,
Belen Ilagan, kinatawan ni Pedro Ilagan

Sinaksihan at tinulungan ng mga mag-aaral mula sa Kagawaran ng Pagpapaunlad ng Pamayan,


Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan ng Unibersidad ng Pilipinas,
Paula Bianca Aguilar
Charlotte Francis Marie Ambas
Angelo Hernan Melencio
Czeridan Parungao
Marilaine Agnes Pinky Sumalabe

D. Resulta ng Training Needs Analysis ukol sa Herbal Medicine

Nagsagawa kami ng TNA sa 16 na kababaihan. Lahat sila ay may anak na.

1. Ano ang kahulugan ng halamang gamot?


Walang side effect
Walang naa-allergy
Unang ginagamit bago ang gamot na conventional
Mas matipid na paraan ng panggamot
Gamot galing sa halaman
gamot na libre
gamot na di na binibili

2. Anu-ano ang sakit na kadalasang nararansan sa komunidad?


Ubo Lagnat
Sipon Sakit sa balat
Trangkaso Kuto
Hika Pigsa
Sakit sa ulo Sugat
Pilay-hangin Pilay
Sakit sa ngipin Sakit ng katawan
Sakit sa tiyan Highblood
bulutong diarrhea
pigsa sakit sa sikmura
sore eyes

148
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
3. Anu-ano ang mga sakit na alam nyong gamutin gamit ang halamang gamut?

Maraming nabanggit ang mga nakapanayam. Ito ay iilan lamang:

Sakit Halamang gamot Proseso


Dahon ng labong Tinatapal sa ulo
LAGNAT
Dahon ng tuba-tuba Pinapainit sa apoy
Nilalagyan ng langis at tinatapal
sa ulo
TRANGKASO Sambong Dinidikdik/papakuluang nag
mga dahon

Tanglad/luya Itinatapal s ulo/ pinapakuluan

PILAY Tuba-tuba Idinadarang sa apoy at itatapal


itmo pinapainit sa apoy, nilalagyan
ng langis at tinatapal sa pilay
HIKA lagundi ilalaga
oregano iniisteam sa kanin tapos pinipiga
at dinaragdagan ng kalamansi
(iniinom)
NAGSUSUKA NG DUGO usbong na bayabas dinidikdik, pinipga at iniinom
SAKIT NG KATAWAN sambong kakatasan at ipanghihilot
herba buena pinapanghilot, nilalaga
SUGAT dahon ng bayabas nilalaga at nilalagay sa sugat
dahon ng malunggay kinakatas at nilalagay sa sugat
kamaria itatapal sa sugat

PASMA sambong kakatasan at ipanghihilot


dahon ng lagundi ilalaga at iinumin
dahon ng sambong ilalaga at ipapainom
dahon ng kalamansi papakuluan, ipapalanghapa ng
usok o ipapaligo
UBO AT SIPON oregano ibabad sa tubig na aminit,
lalagyan ng kalamnsi at
ipapainom tuwing umaga
itmo pinapainit sa apoy, nilalagyan
ng langis at itatapal sa dibdib
dahon ng ampalaya kinakatas ang dahon at
ipinapainom
kalamansi gagawing inumin
taheebo papakuluan at iinumin
pulot iniinom
Amarillo nilalaga
Balat/dahon ng sampalok papakuluan
Sakit ng tiyan dahon ng anonas pinapainit sa apoy, lalagyan ng
langis at itatapal sa tiyan
taheebo papakuluan ang dahon
PAGTATAE kaimito ilalaga

149
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
atis ilalaga
Amarillo Dinidikdik at itatapal sa tyan
Pito-pito Ilalaga
Balat ng akasya Ilalaga
Talbos ng bayabas Ilalaga
Talbos g kakawati Iis-isin at babayuhin at itatapal
sa tyan
Balat ng duhat Ilalaga
Acacia Ilalaga
Dahon ng tuba-tuba Itatapal sa tiyan

SAKIT NG ULO Dahon ng labnog Lalagyan ng asin, iis-isin at


itinatapal sa ulo
Balat ng anunang Ilalaga at iniinom
Dahon ng anonas Itatapal sa ulo
GALIS Madre de cacao ikinukuskos
SAKIT NG NGIPIN makabuhay dagta ipapahid sa banda sa
amta tapos malalasahan na ang
pait

dampol ilalaga at dadagdagan ng asin


katakataka tinatapalan ng dahon
BUNI apog kukuhang apog tapos lalagyan
ng dagta iahahalo tapos
ipapahid
SAKIT MULA SA BUWANANG sambong ilalalaga
DALAW
HIGHBLOOD tanglad ilalaga
DIABETES bignay papakuluan
BINAT anona ilalaga ang balat
PIGSA gumamela itinatapal ang dinikdik na
gumamela
BULUTONG/TIGDAS kulandro ilalaga at itatapal
BULATE guyabano ilalaga

4. Gumagamit ba kayo ng herbal medicine sa tuwing may magkakasakit sa inyong pamilya? Alin
ang mas kadalasang ginagamit tuwing may nagkakasakit, halamang gamot o convetional
medicine?
• Lahat sa kanila ay gumagamit ng halamang gamot sa tuwing mayroong mgakaksakit sa kanilang
pamilya.
• 2 sa 15 na nakapanayam ang nagsabi na inuuna nila ang conventional medicines tulad ng
paracetamol bago gumamit ng halamang gamot ang isa na man ay nagsabi na sabay niyang
ginagamit ang mga ito at ang natitira ay nagsabi na halamang gamot muna ang kanilang
ginagamit bago ang mga gamot na conventional.
• Ang mga dahilan ng paggamit ng halamng gamot:
o Mas mabisa ng halamng gamot kaysa sa mg conventional medicine
o Maaaring makagawa ng pansariling gamot gamit ang mga halaman.
o Mas epektibo ang halamang gamot kaysa sa ibang gamot
o Malayo ang botika at kulang ang salapi upang makabili ng gamot

150
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
o Makukuha lamang sa paligid ang mga halamang gagamitin upang makagawa ng gamot

5. nakaranas na ba ng herbal medicine training?


Pito sa kanila ang nakaranas ng training tungkol sa herbal medicine
8 sa kanila ay hindi pa nakakaranas ng ganitong training

6. Anu-ano ang inaasahan at gusto pang matutunan sa gaganaping training?


Madagdagan ang kaalaman ukol sa herbal medicine
Makilala ang mga dahon pang hindi nakikilala
Iba pang prosesong ginagamit upang makagawa ng halamang gamot
Malaman ang gamot para sa lagnat na sobrang taas
Maaaring gamutin ang taheebo
Ano pa ang gamit ng eucalyptus at malunggay
Mga ahalamng gamot na maaaring maitanim sa lugar
Pano makagawa ng syrup
Ointment

7. makararating ba sa darating na training?


Lahat ay makapupunta sa gaganaping training maliban sa 2.

E. Results ng TNA para sa Farmer’s Rights Seminar

1. Mga karapatan ng Magsasaka na alam nila:


• Hangga’t di kailangan ng may-ari ang lupa, maaaring tanimanito o gamitin ng tenante o
caretaker
• Kapag abandonado na ang lupa o matagal ng hindi pinupuntahan ng may-ari ang
lupamay karapatan na ang nagsasaka ditto.
• Kapag matagal na sila sa lupang sinasaka, maaari ng mapasakanila ang lupa
• Karapatan na mabayaran ang tanim nila, kung sila ay paaalisin sa lupang sinasaka
• Karapatan na lumaban kapag binawi ang lupa na wala naman sa kasunduan
2. Kilala ba ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka?
• 4 sa kanila ay kilala ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka
• 3 sa kanila ay di-kilala ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka
• 1 sa kanila ay sarili nila o minana nila ang lupang sinasaka
3. Ano ang kasunduan ukol sa lupa?
• 2 is to 1 (e.g 300 kaban, 200 dito ay sa magsasaka at ang 100 ay sa may-ari ng lupa )
4. Gaano katagal na nagsasaka?
• 35 years – 4 hectares
• 10 years –
• 19 years –
• 25 years – 2 ½ hectares
• 30 years – 1 hectare and 531 sq. m.
• 20 years – 1 ¼ hectares
• 23 years – less than 1hectare
• 15 years -
5. Mga problemang kinakaharap sa lupang sinasaka?
• Kapag dumating ang may-ari na may dalang titulo at bawiin ang lupa
• Ipagbili ang lupa ng mga kapatid

151
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
• Di kilala ang totoong may-ari
• Paano bibilhin ang lupa
• Pagpasok ng mga developers (housing, commercial)
6. Mga hakbang na ginawa
• Lumapit na sa DAR at inerekord ang mga tanim
• Ang iba ay walang ginawa
7. Mga binabalak na gawin
• Lalaban para makuha ang lupa
• Hahanapin ang may-ari ng lupa sa ahensya ng gobyerno. Kapag meron nagmamay-ari,
kakausapin ito. Kung wala naman ay bibilhin ang lupa.
8. Mga gustong malaman sa seminar
• Legality sa lupa
• Kapag pinaalis sa lupa, may porsyento ba silang makukuha
• Karapatan ng magsasaka
• Karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka
• Paano malaman kung sino ang nagmamay-ari ng lupa.

F. Farmer’s Rights Seminar Design

Session 1: Pagpapalagayang loob at Pakilanlan


Layunin:
c. Upang makapagpalagayang loob at makilala ang bawat samahan, ang mga
facilitators, at mga kinatawan ng ating partner agencies.
d. Upang mailatag ang mga inaasahan ng mga kalahok para sa maghapong aktibidad.
Session Flow:
Activity 1: Pambungad na panalangin

Activity 2: Pagpapakilala

Duration: 15 mins
Facilitator: Chai

Session 2: Lokal na kalagayan ng mga magsasaka


Layunin:
a. Maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa komunidad
b. Mailatag ang mga problemang kinakaharap ng mga magsasaka sa komunidad
Session Flow:
Activity: Lecture
Materials:
- Powerpoint presentation or visual aids
- Masking tape
- Laptop
- Projector
Discussion Points:
1. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa komunidad?
2. Anu-ano ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka kaugnay ng kanilang
karapatan bilang mga magsasaka?
3. Anu-ano ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka kaugnay ng kanilang mga
lupang sinasaka?

Duration: 30 mins
Facilitator: Pinky

152
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/

Session 3: Pambansang kalagayan ng mga magsasaka


Layunin:
f. Malaman ang kalagayan ng mga magsasaka sa ating bansa
g. Makita at maintindihan ang papael ng mga kababaihan sa pagsasaka

Session Flow:
Activity: Lecture
Materials:
- Powerpoint Presentation o visual aids
- Masking tape
- Laptop
- Projector
- White cloth
Discussion Points:
1. Ano ang kalagayan ng mga magsasaka sa ating bansa?
2. Mayroon ba itong kaibahan sa sa local na kalagayan ng mga magsasaka?
3. Ano ang bahagi o papel ng mga kababaihan sa pagsasaka?
Duration: 30 mins
Facilitator: Enan

Session 4: Speaker
Layunin:
a. Maipaliwanag ng mas malinaw ang mga karapatan ng mga magsasaka at iba pang
usapin.
b. upang magkaroon ng pagkakataon na masagot ang katanungan ng mga magsasaka
ukol sa kanilang mga problema sa kanilang mga lupang sinasaka
Session flow:
Activity 1: Talumpati
Discussion Points:
1. Ano ang mga pangunahing karapatan ng mga magsasaka?
2. Ano ang mga batas na may kaugnayan sa mga lupang sinasaka ng mga
magsasaka?
3. Anu-ano ang mga maaring gawing hakbang ng mga magsasaka upang
masolusyunan ang mga usapin sa kanilang mga lupang sinasaka?
Activity 2: Question and Answer
Facilitator: Speaker
Duration: 2 hrs

Session 5: Planning
Layunin:
a. Upang magkaroon ng plano sa mga susunod na buwan
b. Upang magamit ang mga kaalaman na natutunan para mapayabong at mapaunlad
ang samahan
Facilitator: Paula
Duration: 45 minutes

Session 6: Summary
Layunin:
a. Upang mabuod ang naging daloy ng ating aktibidad sa buong araw
Facilitator: Idan
Duration: 15 minutes

Session 7: Assessment
Layunin:
a. Upang magkaroon ng pagtatasa sa kabuuang daloy ng aktibidad?

153
Bulo: Ang pagkadapa, pagbangon, at pagmulat...
Unang Team Teresa: Enan, Pau, Chai, Idan, at Pinky
http://teamteresa.multiply.com/
Discussion Points:
6. ano ang nagustuhan/natutunan sa mga ginawa?
7. anu-anong mga aral ang nakuha sa ginawang activities?
8. may mga bagay bang hindi malinaw?
9. ano ang masasabi sa buong araw na gawain?
10. ano ang masasabi sa mga technical na aspeto?
- food,venue,time,visuals
- facilitator
- daloy
5. mga rekomendasyon
Facilitator: Chai
Duration: 10 Minutes

154

You might also like