You are on page 1of 2

Paraan at Sistema ng Pagtuturo Noon

Mas tinuturo sa mga bata ang bokasyon kumpara sa akademiko. (Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay para sa mga babae preparasyon para sa buhay mag-asawa). Gumagamit sila ng alibata upang maging gabay sa pasusulat at pagbabasa ng mga bata. Mas binibigyang pansin ang pagtuturo ng mga doktrinang Kristiyano kaysa sa agham at matematika. Kaya naging mabisa ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Prayle.

Nagtuturo sila ng ibat- ibang wika tulad ng Kastila at Latin. Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin. Mahihigpit at kadalasang nananakit ang mga tagapagturo.

Repleksyon
Parehong nagkaroon ng positibo at negatibong pagbabago sa sistema ng pagtuturo noon sa ngayon. Ngayon, nagkaroon na tayo ng mga teknolohiya na makakatulong sa atin upang mas mapagaralan ang mga bagay-bagay. Gumagawa na rin ng mga aktibiti ang mga guro na nagpapasigla sa mga estudyante na mag-aral. Mas naiintindihan ng mga estudyante ang kanilang aralin. Ngunit sa kabilang banda, nagiging tamad at pabaya ang mga estudyante dahil hindi na gaanong mahigpit ang mga guro hindi tulad noon na nananakit pa ang mga tagapagturo kapag hindi sumunod ang estudyante sa mga batas. Isa pang problema sa edukasyon ngayon ay ang mataas na halaga ng mga gamit sa pag-aaral. Kahit saan ka mag-aral, pribado man o sa mga pampublikong pamantasan, napakamahal na kalakal ang edukasyon. Maraming mga bata ang may kagustuhang mag-aral ngunit nang dahil sa kakulangan sa pera, hindi sila nakakapag-aral.

Sophia Lorraine G. Antonio

J- Idealism

You might also like