You are on page 1of 13

Honesto: Batang

Matapat, Idolo ng
Lahat!

Layunin

Nakapagpapakita
ng matapat na
paggawa sa mga
proyektong
pampaaralan

May mga pagkakataong ikaw ay


hindi nagiging tapat sa mga
gawaing ginagawa. Napipilitang
magsinungaling dahil sa takot na
mapahiya o mapagalitan ng
nakakatanda. Nangyari na ba sa iyo
ang ganito?

Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!


Siya si Honesto, anak nila G. at Gng. Anastacio
Castro. SIya ay labimpitong taong gulang at kasalukuyang
nasa ikalimang baitang ng Paaralang Elementarya ng Sala
sa bayan ng Cabuyao. Si Honesto ay kakaiba sa
karaniwang mga mag -aaral dahil sa murang edad ay
kinailangan na niyang maghanapbuhay upang makatulong
sa gastusin ng pamilya. Buong sipag niyang tinutulungan
ang kanyang mga magulang upang maitaguyod ang
pangangailangan nilang magkakapatid. Tunay na siya ay
isang mabait at huwarang anak at kapatid para kanyang
pamilya.

Isang araw habang si Gng. Anacay ay


nagtuturo ay tinawag niya si Honesto sa
harap ng klase. Tila nagulat at natakot ang
bata kaya siya ay nagdalawang isip na
tumayo at lumapit sa guro. Hanggang sa
siya ay lapitan na ng guro at malugod na
ipinagmalaki at ginawang halimbawa ang
mga gawi na nakasanayang gawin ni
Honesto sa paaralan at maging sa kanyang
pinapasukan na trabaho.

Nagsimulang magkuwento si Gng. Anacay. Alam niyo ba


mga bata na kayo ay mapalad na magkaroon ng isang
kamag - aral na kinagigiliwan ng maraming tao dahil sa
kanyang pagiging matapat. nagbulungan ang mga bata
at tila nagtaka kung sino ang tinutukoy ng guro.
Nakakwentuhan ko si Gng. Villanueva (Coordinator ng
Yes - O Club)noong isang araw, ayon sa kanya siya daw
ay humanga sa ginawa ng isa ninyong kamag - aral.
Habang siya ay abala sa pangungolekta ng mga naipong
plastik na bote ay nilapitan siya ng mga bata at nag - alok
ng tulong. Agad naman siyang pumayag at tinawag ang
batang ito na aking tinutukoy upang pamunuan ang
pagbebenta ng mga naipong bote para magamit na
pondo ng Yes - O Club. Agad naman siyang tumugon sa
aking ipinagawa.

Makalipas ang ilang minuto, dala - dala na niya ang pera


na napagbentahan mula sa mga plastik na bote. Agad
siyang inabutan ng guro ng pangmerienda ngunit mabilis
na tinanggihan ang alok at masiyang bumalik sa kanyang
klase. Sa hindi kalayuan napansin ni Gng. Villanueva ang
grupo ng mga bata na naiinis na nagkukuwentuhan.
Hmp. Nakakainis talaga malaki naman ang
napagbentahan sa plastik na bote ewan ba kung bakit
ayaw niya pang bawasan. ang wika ng isa. Agad naman
sumigunda ang isa pang mag - aaral, Baka sumisipsip
lang paano laging liban sa klase. Napaisip ng malalim
ang guro hinggil sa narinig na usapan ng mga bata. At
agad na ikinatuwa ang pagiging matapat na bata ng
kanyang mag - aaral.

Biglang nagtaas ng kamay si Jocelyn, Ma,am,


Ma,am ako po ba ang tinutukoy ninyo? lakas loob
na tanong ng bata at umalingawngaw ang
tawanan sa loob ng silid - aralan. Agad na
nagpatuloy sa pagkukwento si Gng. Anacay.
Bilang pagpapatuloy kaninang umaga naman
nakasalubong ko papasok ng paaralan si Mang
Max at agad na kinamusta ang batang ito. Sabi ko
naman medyo dumadalas siya sa pagliban sa
klase at doon ko napagalaman na siya pala ay
kasalukuyang namamasukan sa construction
upang kumita ng pera at maipangdagdag sa
kanilang pangagastos. Naantig ako sa aking
narinig at mas lalo niya pa akong pinahanga sa
mga sumunod na sinabi ni Kuya Max.

Alam mo ba Gng. Anacay lubos akong nagagalak sa batang iyan,


noong isang araw ay umalis ako ng maaga sa site na pinaggagawan ng
aking bahay. Kinailangan ko kasing dumalo sa miting pambarangay na
ipinatawag ni Kapitan Kiko Alimagno. Ako ay tiwala sa aking mga
trabahador ngunit noong isang araw ay binalikan ko ang mga naganap
sa site gamit ang CCTV Camera na aking inilagay sa hindi kalayuan. Ako
ay nabigla sa aking nasaksihan, noong araw na ako ay dumalo ng miting
mga alas - 4:00 hapon. Sa aking pag - alis pala ay agad ding nag - alisan
ang aking mga manggagawa kahit hindi pa oras ng uwian ng bigla akong
may narinig na boses at nagsabing,mga kasama maaga pa po alas 5:00 ang ating uwian higit kumulang isang oras pa po bago tayo
maaaring umuwi, ang mahinahon na paliwanag ng bata. Aba!, akala
mo kung sino ka kabago - bago mo ganyan ka. paangil na sagot ng isa.
Oo nga atsaka wala naman si Bossm minsan lang naman ito, dugtong
pa ng isa. Bahala po kayo basta ako ay uuwi ng tama sa oras iyong
itinakda ng may - ari, mahinahon ngunit malaman na pagpapaliwanag
ng bata.

Wow! tunay na kahanga - hanga naman talaga


siya sa kanyang mga kilos at gawi. Dapat siya ay
kinikilala sa flag ceremony upang tularan pa ng
mga batang tulad namin. Eh Maam sino po ba
ang batang ito na dapat naming tularan? makulit
na pagtatanong ng mga mag -aaral ni Gng. Anacay.
Dito na ipinagmalaki ng guro sa lahat si Honesto
isang batang matapat at dapat iniidolo ng lahat.
Dahil dito ay agad sa mungkahi ng kanyang mga
mag - aara ay agad na ipinatawag ni Gng. Anacay
ang mga magulang ni Honesto.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ilarawan si Honesto. Alin sa mga katangian
niya ang nagpapakita ng pagiging
matapat?
2. Papaano hinangaan ni Gng. Anacay si
Honesto? Isalaysay ito sa klase.
3. Bilang isang indibidwal, paano mo
maipapakita ang matapat na paggawa sa
paaralan? Sa lahat ng uri ng paggawa?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga
ang pagiging matapat sa ibat ibang mga gawaing pampaaralan at sa uri ng
paggawa.

You might also like