You are on page 1of 1

Alalahanin ang Laro ng Lahi

Emmanuel Joseph Sumatra


Kabilugan ng buwan, maraming mga batang nagkalat sa daan. Laro dito, laro doon.
At pagsapit ng umaga, mga bata'y nagkalat na. Hanap dito, hanap doon. Sa
pagdating ng hapon, nagkakagulo sa nayon. Sabi raw ay may piyesta roon, kaya
mga bata'y naroon.
Kaysarap alalahanin ng mga alaalang dating naging atin. Mga larong may
pagkakaisa, larong pinagbuklod ang ating lahi ang ipinapakita.
Hindi gaya nang dati, umaga pa lang, mga bata'y nagtataya-tayaan na. Hanggang
tawagin sapagkat kainan na. Lingon dito, lingon doon, tagu-taguan na naman sa
dapit hapon. Kapag may piyesta, palosebo ay sikat na sikat na. Sa mga laro sa
paaralan, patintero, sipa't takraw at sipa ay laging nandiyan.
Ngunit, nasaan na ito ngayon? Tuluyan na nga bang nilamon ng modernisasyon?
Laro ng lahi ay natabunan, ng mga laruang walang katotohanan. Nagkalat diyan
ang mga computer na may laro pa at Friendster. Samahan pa natin ng mga Play
Station, Cellphone at MP3, kung saan sarili mo lamang ang ikinukubli. Halos tayong
lahat na ay nalamon ng pantasya sa mga larong ngayon ay isa-isa. Hindi gaya ng
dati, tayo ay sama-sama. Laro ng lahi nasaan ka na?
Kilala tayong mga Pilipino sa pambihirang pagkakaisa, nagtutulungan, at samasama. Naging tulay natin ang mga larong ito upang makilala tayo sa buong mundo.
Hahayaan na lang ba nating malamon tayo ng modernisasyon at ang tunay na
kultura ng mga Pilipino ay tuluyan nang mabaon?

You might also like