You are on page 1of 4

TANONG NG MGA KABATAAN

Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa


Pagte-text?
:-)Kung magiging maingat ka sa pagte-text, maaaring magandang
paraan ito para makipag-usap sa iba.
:-(Kung hindi ka magiging maingat, maaaring masira nito ang kaugnayan
mo sa iba at ang reputasyon mo.
Tatalakayin sa artikulong ito ang mga dapat mong malaman tungkol sa

Kung kanino makikipag-text


Kung ano ang ite-text
Kung kailan magte-text

Mayroon ding:

Mga tip sa pagte-text


Quiz Tungkol sa Pagte-text

Kung kanino makikipag-text


Para sa maraming tin-edyer, ang pagte-text ay malaking tulong sa pakikipag-usap nila sa iba. Sa
pagte-text, nakakausap mo ang sinuman at ang lahat ng nasa phonebook momaliban na lang
kung hindi payag ang mga magulang mo.
Ayaw ni Daddy na nakikipag-usap kami ng kapatid kong babae sa mga lalaki. Kung gagawin man
namin iyon, dapat ay sa telepono sa sala at may kasama.Lenore.
Ang dapat mong malaman: Kung ibibigay mo ang number mo kung kani-kanino, puwede kang
mapahamak.
Kung basta mo na lang ibibigay ang number mo sa kahit sino, baka makatanggap ka ng mga
message o larawan na hindi mo gusto.Scott.
Kung madalas kang makipag-text sa isang di-kasekso, malamang na mahulog agad ang loob mo sa
taong iyon.Steven.
Sabi ng Bibliya: Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli. (Kawikaan 22:3) Kung
mag-iingat ka, maiiwasan mo ang maraming problema.
Karanasan: May kaibigan akong lalaki, at lagi kaming magka-text. Katuwiran ko, close lang talaga
kami. Hindi ko iniisip na magiging problema iyon hanggang sa sabihin niya na nagkakagusto na siya
sa akin. Dapat pala hindi ako naging ganoon kalapt sa kaniya at ganoon kadalas mag-text.
Melinda.
Pag-isipan ito: Sa palagay mo, ano ang mangyayari sa pakikipagkaibigan ni Melinda sa lalaking
iyon ngayong nalaman niyang may pagtingin ito sa kaniya?
Ibahin ang takbo ng kuwento! Ano sana ang ginawa ni Melinda para nanatili na lang silang
magkaibigan?

Kung ano ang ite-text


Napakadaling magpadala ng textat masaya ring makatanggap nitonakakaligtaan nga lang ng
ilan na posibleng ma-misinterpret ito ng bumabasa.
Ang dapat mong malaman: Puwedeng ma-misinterpret ang text mo.
Sa text, hindi mo mahahalata ang damdamin at tono ng boseskahit pa meron itong mga emoticon
o text symbol. Puwede itong maging dahilan ng di-pagkakaunawaan.Briana.
May alam akong mga babae na nasira ang reputasyon at nakilalang flirt dahil sa mga itine-text nila
sa mga lalaki.Laura.
Sabi ng Bibliya: Nag-iisip muna ang mabuting tao bago sumagot. (Kawikaan 15:28, Todays
English Version) Ang aral? Basahin muna ang text mo bago ito ipadala!

Kung kailan magte-text


Kung magiging makatuwiran ka, makakaisip ka ng sarili mong mga patakaran sa pakikipag-text o
texting etiquette, gaya ng tawag dito ng ilan.
Ang dapat mong malaman: Kung hindi mo ilalagay sa lugar ang pagte-text, magtitingin kang
walang modo at mahihirapan ka sa pakikipagkaibigan.
Madaling malimutan ang texting etiquette. Kung minsan, may kausap ako o may kasamang
kumakain, pero nakikipag-text ako sa iba.Allison.
Delikadong mag-text habang nagmamaneho. Kung hindi ka nakatingin sa daan, puwede kang
maaksidente.Anne.
Sabi ng Bibliya: Sa lahat ng bagay ay may takdang panahon, . . . panahon ng pagtahimik at
panahon ng pagsasalita. (Eclesiastes 3:1,7) Totoo rin iyan pagdating sa pagte-text!

Mga tip sa pagte-text


Kung kanino makikipag-text
;-)Sundin ang mga paalaala ng mga magulang mo.Colosas 3:20.
;-)Huwag basta-basta ibigay sa iba ang number mo. Kung matututo kang maging
magalang sa pagtangging magbigay ng iyong pribadong impormasyongaya ng
cellphone number momapapakinabangan mo ito hanggang sa maging adulto ka na.
;-)Huwag makipag-flirt sa text. Kung may mabuong romantikong damdamin, baka mauwi
lang ito sa pagkabigo at sakit ng damdamin.
Kilal ako ng mga magulang ko na maingat sa paggamit ng cellphone, kaya may tiwala sila sa akin
na magiging maingat ako sa pagpili ng mga number na ise-save ko sa phonebook ko.Briana.

Kung ano ang ite-text


;-)Bago mag-text, tanungin ang sarili, Tama kayang idaan sa text ang sasabihin ko sa
sitwasyong ito? Baka naman mas mabuting tumawag sa telepono o maghintay na
makausap siya nang personal.
;-)Huwag i-text ang mga bagay na hindi mo naman sasabihin kung kaharap mo siya.
Kung hindi ito dapat sabihin nang harapan, hindi rin ito dapat i-text, ang sabi ng 23anyos na si Sarah.
Kung may magpadala sa iyo ng mahahalay na larawan, sabihin mo ito sa mga magulang mo.
Magsisilbi itong proteksiyon at magtitiwala ang mga magulang mo sa iyo.Sirvan.

Kung kailan magte-text

;-)Patiunang magpasiya kung kailan ka hindi gagamit ng cellphone. Hindi ko dala ang
cellphone ko kapag kumakain o habang nag-aaral, ang sabi ng tin-edyer na si Olivia.

Ino-off ko ang cellphone ko kapag nasa Kristiyanong pulong para hindi ako matuksong
tingnan iyon.
;-)Maging makonsiderasyon. (Filipos 2:4) Huwag mag-text kung may kaharap kang
kausap.
Nag-set ako ng limitasyon sa sarili ko, gaya ng hindi ako magte-text kapag may kasama akong mga
kaibigan maliban na lang kung kailangan. Hindi ko rin ibinibigay ang number ko sa mga hindi ko pa
ka-close.Janelly.

Texting quiz
Senaryo 1
Anim na buwan na kayong magkasintahan, pero nakita mo ngayon na hindi siya ang tamang
indibiduwal para sa iyo. Ano ang mas mabuting i-text sa kaniya?
A. Break na tayo.
B. Kailangan nating mag-usap. Kailan tayo puwedeng magkita?
Tamang sagot: B. Maliban na lang kung hindi angkop na gawin ito, mas mabuting makipag-usap
nang personal pagdating sa mga seryosong bagay gaya ng pakikipaghiwalay.Lucas 6:31.

Senaryo 2
Nakatanggap ka ng text na may kasamang mahalay na larawan ng isang kaeskuwela. Ano ang
pinakamabuti mong gawin?
A. I-delete agad ang larawan.
B. I-forward ang larawan sa lahat ng kaibigan mo.
Tamang sagot: A. Ang sexting o pagpapadala ng text o larawan na may kinalaman sa sex ay
nagpapababa sa pagkatao ng lahat ng nasasangkot. Huwag makisangkot dito!Efeso 5:3, 4.

Senaryo 3
Kumakain ka ng hapunan kasama ang iyong pamilya at narinig mong may nag-text sa iyo. Ano ang
pinakamabuti mong gawin?
A. Tingnan ang text at isiping okey lang iyon sa pamilya mo.
B. Hintaying matapos ang hapunan bago mo basahin ang natanggap mong text.
Tamang sagot: B. Makapaghihintay ang text. Unahin ang pamilya.Filipos 1:10.

You might also like