Professional Documents
Culture Documents
REVIEWER PARA SA ARALING PANLIPUNAN IV
1. Ang Ekonomiks ay isang siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga suliraning
may kaugnayan at epekto sa isang ekonomiya. Ano ang nagpapatunay sa
konseptong ito?
A) Ang Ekonomiks ay may malawak na saklaw sa ating buhay.
B) Ang Ekonomiks ay hindi nakakaimpluwensiya sa ating kasalukuyang kalagayang
pangekonomiya.
C) Ang Ekonomiks ay paraan ng pagsisikap ng tao upang mabuhay lamang.
D) Sa Ekonomiks, nabibigyan ng kasagutan ang bawat suliranin.
2. Ang Ekonomiks ay inuring agham panlipunan. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay
nito?
A) nakatuon ang pakikipagugnayan ng tao sa kanyang kapwa
B) dito nakasalalay ang pagsibol ng bagong nilalang
C) dito nababatay ang mga paniniwala at saloobin ng tao
D) nakatuon ang kagalingan ng bawat tao
3. Ang paghahangad ng tao na umunlad ang pamumuhay ang nagpabago ng kanyang
gawain mula sa simple tungo sa masalimuot na paraan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A) Ang uri ng pamumuhay ngayon ay bunga ng nakaraang gawain o paraan upang
mabuhay.
B) Ang nakaraan ang pundasyon ng ating kasalukuyan.
C) Ang pagunlad ay bunga ng bukas na kaalaman.
D) Mayroong pagunlad sa bawat pagsisikap.
4. Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman. Anong
katotohanan ang nagpapatunay nito?
A) Ang Pilipinas ay may iba’tibang uri ng likas na yaman na lubhang makatutulong sa
mga pangangailangan ng mga mamamayan at ng bansa.
B) Ang Pilipinas ay naging tanyag dahil dito.
C) Maraming dayuhan ang naganyak pumunta sa Pilipinas.
D) Bukas ang Pilipinas para sa mga dayuhang mangangalakal.
5. Suliranin ng ating lupain dulot nang pagkawala ng matatabang lupa na kailangan
upang maparami ang produksyon ng produkto na mahalaga sa ekonomiya ng bansa.
A) pamatay peste C) kaingin system
B) erosyon D) illegal logging
6. Ang mabilis na pagkaubos ng ating kagubatan ay malaking suliranin ng bansa. Paano
ito haharapin ng pamahalaan?
A) Magkaroon ng “political will” ang gobyerno na ipatupad ang batas at parusahan
ang sinumang lalabag dito mahirap man o mayaman.
B) Hikayatin ang mga mamamayan na magtanim ng mga puno.
C) Hahayaan na lamang ng pamahalaan ang nasabing suliranin.
D) Babantayan ang bawat kilos ng mga mamamayan.
7. Maraming suliraning pangkabuhayan ang nararanasan o kinakaharap ng tao.
Kabilang sa mga ito ang kasapatan ng pagtugon sa pangarawaraw na
pangangailangan kung saan naging limitado ang mga ito sa simula pa lamang. Alin sa
sumusunod ang naging sanhi ng mga ito?
A) kakulangan B) populasyon C) kakapusan D)
kasaganaan
8. Ang kalagayang pangekonomiya ng bansa ay nagbabago dahil sa iba’tibang salik na
nararanasan nito. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng kalamidad na naging sanhi
sa pagkakaroon ng . . .
A) kalabisan B) kakulangan C) kakapusan D)
kahirapan
9. Salat ang pinagkukunangyaman ng bansa upang tugunan ang lahat ng
pangangailangan ng mamamayan nito. Ano ang paraan upang isagawa ang wasto at
pantaypantay na pamamahagi ng salat na yamang nito?
A) alokasyon B) pagkonsumo C) distribusyon D)
pagrarasyon
10. Isang sistemang pangkabuhayan kung saan binibigyang halaga ang nasyonalismo at
ang kapakanan ng estado kaysa kabutihan ng kalagayan ng indibidwal.
A) kapitalismo B) komunismo C) pasismo D)
sosyalismo
11. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ay lubhang nakakaapekto upang mapanatili
ang balanse ng populasyon at pinagkukunangyaman ng bansa. Alin sa mga
sumusunod na programa ang mungkahing hakbang ng pamahalaan upang maibsan
ang patuloy na pagtaas ng populasyon?
A) pagplano ng pamilya C) pagpapaliban ng pagaasawa
B) pagtatakda ng gulang sa pagaasawa D) pagaasawa ng maaga
12. Dapat matugunan ang pangangailangan ng bawat tao sa isang bansa. Alin sa mga ito
ang dapat bigyang pansin?
A) pagkain, damit, tirahan C) damit, sasakyan at pagkain
B) tirahan, alahas at sasakyan D) tirahan, trabaho at luho
13. Ang pagkonsumo ay ginagawa ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan
at magkaroon ng kasiyahan sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay
nito?
A) Ang tao ay may sadyang walang katapusang pangangailangan.
B) Ang tao ay naghahangad na matugunan ang kanilang hilig at pangangailangan
upang mabuhay at masiyahan.
C) Ang tao ay laging may pangangailangan upang masiyahan.
D) Ang tao ay laging nasisiyahan sa pagtugon sa pangangailangan.
14. Ang mga bagay na ating nakikita at naririnig ay nakakaapekto sa ating pagkonsumo.
Suriin kung anong gawain sa ibaba ang maaaring makahikayat sa iyo bilang mamimili
upang magkonsumo ng isang produkto.
A) panonood ng telebisyon C) pagbabasa ng diyaryo
B) pakikinig ng radyo D) pagtingin sa billboards
15. Ang kasanayang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa
paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang kanilang kontribusyon ay nauugnay sa . . .
A) produksyon B) pagkonsumo C) pamamahagi D) pag
imbento
16. Lahat tayo ay kumukonsumo ng mga produkto na naaayon sa ating pangangailangan
at kasiyahan. Sa pamamagitan nito, inilalarawan natin ang mga uri ng pagkonsumo.
Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng pagkonsumo?
A) Tuwiran o direkta C) mapanuri
B) Produktibo D) mapanganib
17. Maraming organisasyon sa negosyo kung saan nakatutulong sa pagpapaunlad ng
pamumuhay ng bawat tao. Kabilang sa mga ito ay ang isang organisasyon ng
negosyo na itinuturing na pinakamatanda at pinakapangkaraniwang uri ng samahan.
Alin sa sumusunod ang inilalarawan ng pahayag?
A) Isahang pagmamayari C) korporasyon
B) Sosyohan D) kooperatiba
18. Isang paglalarawan hinggil sa galaw ng indibidwal na tao, sambahayan, bahay
kalakal, industriya at pamilihan. Tinatalakay nito ang maliit na yunit pangekonomiya
ng isang bansa. Ano ang tinutukoy ng pahayag na ito?
A) Ekonomiks B) Makroekonomiks C) Maykroekonomiks D) Implasyon
19. Maraming demand na kinakailangan na matugunan ang bawat tao. May iba’tibang
paraan kung paano tugunan ang mga ito. Isang salik ng demand na nakaaapekto sa
kakayahan ng mamimili na bumili ng mga produkto at serbisyo. Anong salik ang
tinutukoy nito?
A) panlasa B) kita C) presyo D)
espekulasyon
20. Bilang bahagi ng Ekonomiks, ito ay naglalarawan ng kabuuang kita, pangkalahatang
presyo, trabaho, produsyon, at gastos o bayarin. Ito ay tumutukoy sa pagaaral ng
ekonomiya sa kabuuan. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A) Maykroekonomiks C) Makroekonomiks
B) Gross National Product D) per capita income
21. May iba’tibang saklaw ang maykroekonomiks. Batay sa sumusunod na saklaw, alin
sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A) Sambahayan B) bahaykalakal C) samahangbayan D presyo
22. Sinusukat ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nagagawa ng ekonomiya
ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ano ang ginagamit na panukat upang matukoy
ang ganitong kalagayan?
A) Per capita income C) Consumer Price Index
B) Gross National Product D) Marginal Propensity to Consume
23. Tumutukoy ito sa isang kalagayan kung saan ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo
ng mga produkto at serbisyo at lahat ng bilihin sa pamilihan na makatutugon sa
pangangailangan ng bawat tao.
A) Cost push inflation C) implasyon
B) Demand pull inflation D) deplasyon
24. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat ng pamilihan sa
buong ekonomiya ay nakakaapekto sa kalagayang pangkabuhayan ng bawat
mamamayan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng implasyon. Alin sa sumusunod ang
hindi sanhi o dahilan ng implasyon?
A) Pagtaas ng suplay ng salapi C) pagtaas ng gastos sa produksyon
B) Pagtaas ng presyo ng langis sa D) pagtaas ng antas ng pamumuhay
ng mga pandaigdigang pamilihan mamamayan
25. Ang implasyon ay isang suliraning pangkabuhayan na lubhang nagpapahirap sa
pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng isang bansa. Alin sa sumusunod
na pahayag ang paraan para malunasan ang suliraning ito?
A) Dapat takdaan ang dami ng suplay ng salapi sa sirkulasyon.
B) Taasan ang gastos kaysa kita.
C) Kontrolin ang investment sa bansa.
D) Pabayaan ang mga magsasaka sa mga gawain nito.
26. May iba’tibang institusyon ng pananalapi sa ating bansa. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa mga institusyong ito?
A) bangko B) sanglaan C) paseguruhan D)
appliance center
27. Ang patakarang piskal ay ginagamit ng pamahalaan upang mapaayos ang kalagayan
ng pananalapi sa bansa. Ang mga sumusunod ay sanhi ng paggamit ng patakarang
piskal maliban sa . . .
A) pagbubuwis C) pagpapairal ng surplus sa
badyet
B) paglaban sa implasyon D) pagkakaroon ng deficit
28. May iba’tibang pinagkukunan ng pondo ang pamahalaan upang gamitin para
mapaayos ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa. Alin sa sumusunod ang
pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
A) koleksyon ng buwis C) tulong mula sa mga dayuhang
bansa
B) paggawa ng salapi D) pagbibili ng mga lupaing pag
aari ng pamahalaan
29. Alin ang pinakamahalagang dahilan ng pagpataw ng buwis sa mga kalakal na
pumapasok sa bansa?
A) Mapangalagaan ang lokal na produkto.
B) Mabigyangsigla ang pagaangkat.
C) Makalikom ng mas maraming dolyar.
D) Makabawi sa buwis na nakapataw sa mga produktong nailuwas sa ibang
bansa.
30. Alin ang makatulong sa paglutas ng implasyon?
A) maayos na pagbabadyet, pagkokolekta ng buwis at paggugol ng pamahalaan
B) pagtakda ng tamang presyo
C) paglimita sa pagaangkat
D) paglimita sa produksyon
31. Alin ang tumutukoy sa paggamit ng pagbubuwis at paggastos ng gobyerno upang
mapatatag ang ekonomiya ng bansa?
A) patakarang piskal C) patakarang politikal
B) patakarang pananalapi D) patakaran sa kita
32. Ano ang nangyayari kapag sumusobra ang gastos ng pamahalaan kaysa sa
nakokolekta nitong buwis?
A) Nagkakaroon ng depisit sa badyet. C) Nagkakaroon ng surplus sa
badyet.
B) Nagkakaroon ng deplasyon. D) Lumiliit ang utang ng
pamahalaan.
33. Ang pagsasaayos ng mga programang pangkabuhayan ng bansa ay pangunahing
layunin ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga mamamayan nito. Alin sa
sumusunod ang hindi kabilang sa patakarang piskal ng pamahalaan?
A) mapatatag ang kalagayang pampulitika ng bansa
B) mapataas ang antas ng pagkakautang ng bansa
C) malutas ang implasyon at kawalan ng trabaho
D) pagsasaayos ng mga spillover sa ekonomiya
34. Ang bawat programa ng pamahalaan ay nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan
ng mga mamamayan nito. Kaya naging matalino ang mga ito sa paggugol ng pondo
na inilalaan sa mga programang pangkabuhayan upang maisaayos ang pamumuhay
ng bawat tao. Ang paggugol na ito ay tinatawag na . . .
A) patakarang piskal C) pambansang kita
B) pagbubuwis D) Gross National Product
35. Sa lahat ng sektor na tumataguyod sa ekonomiya, hindi ito gaanong umaasa sa pag
aangkat. Malaki ang naitutulong nito sa kaunlaran ng bansa dahil sagana ang Pilipinas
sa likas na yaman at yamangtao. Sa kasalukuyan, itinuturing na isang kritikal na
sektor sa ekonomiya na nangangailangan ng masusing pansin ng pamahalaan. Alin sa
sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A) pangingisda B) agrikultura C) paggugubat D)
pagmimina
36. Maraming pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan na nauugnay sa klima na
nararanasan ng ating bansa dulot ng hindi balanseng kalagayang pangkapaligiran. Ito
ay dulot ng suliraning pangagrikultura kung saan hindi pangkaraniwang pangyayari sa
pandaigdigang klima dahil sa pagkakulong ng init ng araw sa atmospera dulot ng
karbon dioxide, nitrogen oxide at chlorofluorocarbon. Anong suliraning
pangkapaligiran ang tinutukoy?
A) polusyon B) erosyon C) global warming D)
pagkaubos ng kagubatan
37. Ang pagpasok ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay nakapagbibigay ng
pagkakataon na makipagkalakalan sa pandaigdigdigang pamilihan at maganyak ang
lokal na tagagawa na maging mahusay at maipakita ang kakayahan sa larangan ng
kainamang kapakinabangan. Alin sa sumusunod ang nagbibigay daan nito?
A) APEC B) GATT C) NAFTA D) LAFTA
38. Ang paglikha ng isang produkto ay dumaan sa isang proseso upang maisakatuparan
ang pagkakabuo nito. May mga uri ng mga gawaing pangkabuhayan sa sektor ng
industriya na napapabilang ang paglinang ng likas na yaman sa mga lupain at anyong
tubig.
A) Primary B) Tersarya C) Sekondarya D)
industriya
39. Upang mapalago ang mga industriya sa bansa, nagtatag ng mga programa at
proyekto sa maliliit at katamtamang laking industriya. Kabilang sa mga ito ang
pagpapautang ng Word Bank sa maliliit at katamtamanglaking entrepreyur para sa
pangkinabukasang kaunlaran ng mga industriya sa Piipinas. Aling programa ang
tinutukoy dito?
A) SelfEmployment Loan Assistance
B) Kabalikat sa Pagpapaunlad ng Industriya
C) Industrial Guarantee and Loan Fund
D) AgroIndustrial Technology Transfer Programa
40. Kabahagi ang pamahalaan sa paggalaw ng ekonomiya. May mga pangunahing
tungkuling ginagampanan ito upang maging maayos ang paggalaw ng ekonomiya.
Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng pamahalaan?
A) Pangangalaga sa pribadong ariarian
B) Pagtataguyod sa kompetisyon
C) Pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga nagbabayad
D) Pagbibigay ng pampublikong kalakal
41. Ang yamangtao ay binubuo ng mga kakayahan, talino, abilidad at lakas ng tao na
ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Anong katotohanan ang
nagpapatunay nito?
A) Ang yamangtao ang lumilinang ng likas na yaman upang matamo ang
kapakinabangan ng mga ito.
B) Ang yamangtao ang kumakatawan sa bansa.
C) Ang yamangtao ang salik sa pagunad.
D) Ang yamangtao ay mahalaga sa ekonomiya.
42. May panuntunan ang pamahalaan hinggil sa pampublikong paggasta upang matiyak
na para ito sa ikabubuti ng nakararami at naaayon sa batas. Dulot nito,
kinakailangang maipamahagi ito ng pantay sa mamamayan ng bansa. Alin sa
sumusunod ang hindi kabilang sa pampublikong paggasta?
A) Panuntunan ng pagtitipid C) panuntunan sa pansariling interes
B) Panuntunan ng pangangailangan D) panuntunan sa pagiging
produktibo
43. May laya ang bawat tao na magtrabaho at maghanap ng ikabubuhay ng sarili at ng
pamilya. Gayunpaman may limitasyon ang kalayaang ito. Kabilang sa mga gawaing
pangkabuhayan ang mga impormal na gawaing pangekonomiya. Anong anyo ng
impormal na gawain ang naglalarawan ng pagiwas sa pagbabayad ng buwis at
maling pagdeklara ng buwis?
A) Illegal na ekonomiya C) dinakareport na ekonomiya
B) Countertrade D) dinakatalang ekonomiya
44. Isang salik ang kahirapan sa pagkakaroon ng impormal na sektor ng ekonomiya.
Ayon sa isang ekonomistang Pilipino, karamihan sa mga gawaing impormal sa
ekonomiya ay likas na tugon ng karamihang Pilipino na naghihirap. Sino ang
ekonomistang ito?
A) Andres Castillo C) Roberto de Ocampo
B) Bernardo Villegas D) Leuterio Tolentino
45. Ang patuloy na paglaganap ng impormal na ekonomiya ang palatandaan ng paghina o
pagkawalangbisa ng mga batas dahil hindi na kaya ng mahihirap ang sumusunod.
Ano ang pwedeng gawin ng pamahalaan ukol dito?
A) Pabayaan na lang ang mga gumagawa nito.
B) Bigyan ng pera ang mga ito upang tumigil na sa nabanggit na gawain.
C) Magsagawa ng mga programang pangkabuhayan sa mga ito.
D) Ikulong ang mga taong sangkot sa mga gawaing ito.
46. Nakasalalay nang malaki ang ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan nito sa
ibang bansa. Kaugnay nito ang pagsanib ng Pilipinas sa APEC, isang samahanng
mga bansa sa larangan ng pakikipagugnayang pangekonomiya. Sa anong rehiyon
kabilang ang APEC?
A) Kanlurang Asya C) AsyaPasipiko
B) Timog Asya D) Hilagang Asya
47. Ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay nakatutulong sa
pagunlad ng ekonomiya. Dahil dito tinagurian silang mga “Buhay na Bayani” sa
kasalukuyang panahon. Sa anong paraan sila nakatutulong sa ating bansa?
A) Dahil sa paghihirap nila sa kanilang pamilya.
B) Dahil naipapakita nila ang tunay na pagkatao ng mga Pilipino.
C) Dahil sa ipinapadala nilang pera sa kanilang pamilya.
D) Dahil sa katatagangloob na ipinamalas para sa bayan.
48. Ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa ay nakapagbibigay ng malaking tulong para
mapaunlad at mapaayos ang mga gawaing pangekonomiya ng bansa. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa mga patakaran at programa sa kalakalang panlabas
ng bansa?
A) Pagbubukas ng ekonomiya sa mga malayang puwersa ng pamilihan.
B) Pagpapatibay ng pagtutulungang pangekonomiko at teknikal.
C) Paghina ng mga produktibong lokal na labis na napabayaan.
D) Pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.
49. Hindi pa lubos na napagtitibay ang malayang kalakalan sa maraming bansa dahil sa
pagbabawal na ipinapataw sa mga ito. Ito’y isang paraan para proteksyonan ang
ekonomiya ng isang bansa. Ang mga sumusunod ay mga balakid sa malayang
kalakalan maliban sa . . .
A) mababalanse ang pandaigdigang pagbabayad
B) mapangalagaan ang pambansang seguridad
C) mapangalagaan ang mga nagsisimulang negosyante
D) mahigitan ang pagunlad ng ekonomiya ng ibang bansa
50. Nagsisikap ang bawat bansa na mapaayos ang kalagayang pangkabuhayan nito. Ito
ay isang paraan upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay ang mga mamamyan
nito. Ano ang tawag sa kakayahan ng isang bansa na makipagkumpetensya sa ibang
bansa?
A) industriyalisasyon C) modernisasyon
B) globalisasyon D) liberalisasyon