You are on page 1of 3

Enero 22, 2016

Grade 10

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X


Ekonomiks

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakapagbibigay ng sariling palatandaan ng konsepto sa pag-unlad.


B. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kauanlaran.
C. Naibibigay ang saloobin tungkol sa konsepto ng pamumuhay sa bansang Pilipinas.
D. Nakabubuo ng isang malikhaing pamagat batay sa mga larawan patungkol sa paksa.

II. Nilalaman

Paksa: Konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran (Alamin)


Sanggunian: LM Ekonomiks
pp. 340-342
Kagamitan: aklat, pantulong biswal

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na gawain
 Pagdarasal at pagbati
 Pagpuna sa kaayusan ng kapaligiran
 Pagtala ng liban

B. Paglinang sa aralin
1. Pagganyak
Panuto: Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sariling konsepto ng kaunlaran sa isang ikaapat
na bahagi ng papel.
Pamprosesong tanong:
Paano niyo nasasabi na ang isang bansa ay maunlad? Ipaliwanag.

2. Lunsaran
Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat at bibigyan ng larawan upang suriin ang
bawat kalagayan. Bigyan ng malikhaing pamagat ang bawat larawan na naka-upload sa
facebook.
Pangkat 1: unang larawan
Pangkat 2: pangalawang larawan
Pangkat 3: pangatlong larawan
Pangkat 4: pang-apat na larawan

3. Talakayan
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin? Bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong maging
kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag
3. Pag sinabi nating Pag-unlad, paano mo siya bibigyang kahulugan?
4. Sa inyong palagay, maituturing ba natin na maunlad ang bansang Pilipinas? Bakit?

C. Pangwakas na gawain

1. Paglalahat
Panuto: Magpapakita ng larawan ang guro na may pahayag at ang mga mag-aaral naman ay
dudugtungan ito base sa kanilang opinion.
Batay sa mga larawan,
malinaw na ang buhay sa
Pilipinas ay

____________________________

2. Pagpapahalaga
Panuto: Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong ng guro.

. Bilang isang mag-aaral, sa simpleng paraan paano niyo matutulungan


ang ating bansa upang umunlad o mas mapaunlad pa ito?

IV. Takdang aralin

Ibigay ang kahulugan, pagkakapareho at pagkakaiba at halimbawa ng sumusunod:

•Pagsulong

•Pag-unlad

You might also like