You are on page 1of 2

BARAYTI NG WIKA

Ipinaliliwanag ng teoryang sosyo-linggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous ng wika.

1. Dalawang Dimensyon ng Wika


o Dimensyong Heograpiko–makakalikha ng diyalekto. Ginagamit ng isang rehiyon, lalawigan o pook
malaki man o maliit. Ang mga diyalek ay makikilala sa punto o tono at estraktura ng pangungusap.
o Dimensyong Sosyal–nakabubuo ng sosyolek. Nakabatay ito sa pangkat ng panlipunan.

2. Diyalekto–ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba
pang aklat.

3. Sosyolek–naman ang tinatawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.


o Kosa, pupuga tayo mamaya.
o Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
o Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day.
o Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon sa Robinson.
o Pare, punta tayo mamaya sa SM Cauayan. Me jamming dun, e.

4. Jargon–ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.


5. Idyolek–ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-
kaniyang paraan ng paggamit ng wika.

Homogenous–iisang wikang ginagamit sa iisang lugar o pangkat-etniko.

Heterogenous–iba’t ibang wikang ginagamit sa iisang lugar, lipunan, o/at pangkat-etniko.

Linggwistikong Komunidad–mga salitang natatangi sa isang partikular na lugar, lipunan, o/at pangkat-etniko.

Unang Wika–wikang natututunan sa pagkamulat. Tinatawag din itong inang wika.

Pangalawang Wika at iba pa–wikang natututunan kasunod ng unang wika.

Ayon ka Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. Pagpapahayag ng Damdamin (emotive)–ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita.
o Masaya ako sa bayang kinagisnan ko.

2. Panghihikayat (conative)–ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos ng taong


kinakausap.
o Magluto ka ng maaga dahil maagang darating ang mga panauhin.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)-ginagamit ang wika bilang panimula ng usapan o pakiki-
ugnayan sa kapwa.
o Kumusta ka?

4. Paggamit bilang sanggunian (referential)–ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin
bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
o Ayon kay Aristotle, sa kanyang aklat na Retorika, kailangang makilala muna ng isang manunulat ang sarili
bago siya magsimulang sumulat.

5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalimgual)–ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa


isang kodigo o batas.
o Malinaw na isinasaad sa Batas Komenwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na
ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.

6. Patalinghaga (poetic)–gimagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay at iba pa.
S

You might also like