You are on page 1of 3

Customs of the Tagalog Events in the Philippine Islands

Katawagan sa namumuno ng barangay at sa pinakamataas na antas ng tao

Ayon kay Plasencia, Dato ang tawag sa namumuno ng barangay samantalang ang

deskripsyon naman ni Morga sa namumuno ng barangay ay Principal. Meron lamang pagkakaiba

sa katawagan subalit pareho lamang sila ng papel sa lipunan. Trabaho ng isang Dato o ng

Principal na pamunuan ang kanyang nasasakupan at alamin ang mga problema at

pangangailangan ng nasasakupan nito bilang kapalit sa respeto ng mga tao. Ayon kay Plasencia,

Maharlika ang tawag sa pinakamataas ng antas ng tao samantalang ang deskripsyon naman dito

ni Morga ay mga Timaguas o mga Plebeians. Nagkaroon lang din ng konting pagkakaiba sa

katawagan subalit pareho lamang silang pinakamataas na antas ng tao. Sila yung mga uri ng tao
na may kapangyarihan upang pagsilbihan ng mga tao o tinatawag na mga alipin. Ang mga

aliping ito ay tinatawag na aliping namamahay at aliping saguiguilir.

Batas sa kamatayan

Nasabi ko na pareho lang ang deskripsyon nina Morgan at Plasencia sa Batas sa

kamatayan dahil base sa aking pag kakaunawa sa sinabi ni Plasencia sa kanyang dokumento na

ang sino mang gumawa ng maling pagtrato sa asawa o sa pamilya ng Datu ay mahahatulan ng

kamatayan o di naman kaya ay magiging alipin. Pareho lang sa sinabi ni Morgan sa kanyang

dokumento na ang sino mang gumawa ng maling pagtrato sa anak o sa pamilya ng Principal ay

mahahatulan din ng kamatayan o di naman kaya magiging alipin din.

Batas sa Relasyon/kasal

Nasabi ko na pareho lang din ng deskripsyon sina Morgan at Plasencia sa Batas sa

Relasyon/kasal dahil isa sa sinabing kondisyon ni Placensia sa batas ng kasal na kapag

nagpakasal ang lalaking maharlika sa babaeng alipin at nagkaroon sila ng anak, magiging malaya

ang babaeng alipin at magiging malaya din ang kanilang anak na katulad din sa sinabi ni Morgan

na kapag nagpakasal ang isang lalaking katubo na may mataas na uri ng antas sa isang babaeng

alipin at nagkaroon sila ng anak, magiging malaya din ang babaeng alipin gayundin ang

kanilang anak.

Pagsamba sa mga Idolo

Ayon kay Placensia at Morgan, walang relihiyon ang mga katutubo noon. Tanging sa

mga idolo lamang sila sumasamba at nagpapasalamat. Ilan daw sa mga sinasambang idolo ng

mga katutubo ay araw, buwan, buaya at ibon na ang deskripsyon ni Plasencia sa ibong ito ay
Tigmamanuguin samantalang ang deskripsyon naman ni Morgan sa ibong ito ay Batala na kung

saan kapag nakita nila itong lumilipad ay kinakailangan nilang pumasok sa kani-kanilang

tahanan dahil senyales ito na mayroon masamang mangyayari. Patungkol naman sa buaya, kaya

nila ito sinasamba ay dahil sa maaari itong makapaminsala sa kanila dahil alam naman natin na

ang buaya ay kumakain ng tao kaya naman labis itong pinahahalagahan at sinasamba ng mga

katutubo upang di sila maperwisyo ng mga buaya.

Batas sa utang

Halos pareho lamang ng deskripsyon sina Plasencia at Morgan sa batas sa utang dahil

ayon sa kanilang dalawa, ang sino mang hindi makapagbayad ng kanilang mga inutang ay

magiging alipin ng kanilang mga pinagkakautangan. Kung mamatay naman ang taong may

pinagkakautangan, malilipat sa kanyang mga kamag anak o sa kanyang mga anak ang utang ng

kanyang utang at kung hindi parin nila ito kayang bayaran, magiging alipin ang sino mang

napagmanahan ng utang.

You might also like