Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Week
Banghay Aralin Week
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
I. LAYUNIN:
Natutukoy ang mga terminolohiyang teknikal sa pagsulat ng manwal
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng manwal
Naisasaalang-alang ang mga etika sa pagsulat ng manwal
Nakabubuo ng sariling manwal batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika
Ikalawang Sesyon:
Ikatlong Sesyon:
Ika-apat na Sesyon:
C. PAGLALAHAD
Unang Sesyon:
Gagamiting lunsaran ang laro sa pagtukoy sa kaugnayan nito sa mismong paksa.
Pagtukoy ng guro sa kahulugan at kalikasan ng manwal.
MANWAL- ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa
pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho , pagbuo ng mga mekanismo,
pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o
pagkukumpuni ng mga produkto
HALIMBAWA:
Gamit ng appliances sa bahay USER MANUAL/
Kompyuter, fax machine, printer, cell phone USER GUIDES
MANWAL
-nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay.
-higit na komprehensibo at malawak ang saklaw kaysa sa instruksiyon.
-nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng
pagsasaayos ng mga kompleks na kagamitan.
Ikalawang Sesyon:
URI NG MANWAL
Ikatlong Sesyon:
D. PAGLALAPAT
Unang Sesyon:
PANGKATANG TAGISAN NG TALINO
PAGTUKOY. Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Iharap lamang ang
SMILEY na HAHA! Kung ito’y Tama at HUHU? Kung ito’y Mali.
1. Ang manwal ay isang pasalitang gabay at reperensyang materyal.
2. Mas malawak ang saklaw ng instraksiyon kaysa sa manwal.
3. Mas mainam ang paggamit ng mga salitang jargon sa pagbuo manwal upang
mas maka-ugnay ang mga babasa nito.
4. Kinakailangang ulit-ulitin ang buong kahulugan ng mga akronim upang hindi
makalimutan ng mga babasa ng manwal.
5. Talataan ang paglalahad ng mga instraksyon sa manwal.
Ikalawang Sesyon:
MAIKLING PAGSUSULIT:
PAGTUKOY
1. Manwal na Operasyonal (Operational Manual)- kung paano gamitin ang
mekanismo at kaunting maintenance
2. Manual-Serbisyo (Service Manual)- routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing,pagsasa-ayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong
bahagi.
3. Teknikal na Manwal (Technical Manual)- nagtataglay ng espesipikasyon
ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo.
4. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User Manual o
Owner’s Manual)- naglalaman ng gamit ng mekanismo,routine
maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan
at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
5. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)- para sa konstruksiyon o pagbuo
ng isang gamit,alignment, calibration, testing at adjusting ng isang
mekanismo.
6. Manwal para sa pagsasanay (Training Manual)- ginagamit sa mga
programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.
Ikatlong Sesyon:
Maghahanda ang guro ng isang malaking manwal at lalapatan ito ng label ng mga
mag-aaral.
Ika-apat na Sesyon:
E. PAGLALAHAT
Unang Sesyon:
Dugtungang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.
Ikalawang Sesyon:
Isahang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.
Ikatlong Sesyon:
Pangkatang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.
Ika-apat na Sesyon:
Hindi na magkakaroon pa ng paglalahat ngunit hahayaan ang mga mag-aaral na
magbahagi ng kanilang naransan sa pagbuo ng manwal.
IV. PAGTATAYA
Unang Sesyon:
Sa isang kalahating papel,
o Susuriin ng mga mag-aaral ang isang manwal kung tinataglay nito ang natalakay.
o Ito ay binubuo ng 15 puntos.
Ikalawang Sesyon:
Sa isang-kapat na papel,
o Pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga dalang halimbawa ng guro kung saan ito
nabibilang na uri.
o Ito ay binubuo ng 10 puntos.
Ikatlong Sesyon:
PANGKATANG GAWAIN:
Pagbuo ng graphic organizer na nauukol sa mga bahagi ng manwal.
Pagpapaliwanag sa bawat bahagi sa pamamagitan ng isang pangungusap.
Ito ay binubuo ng 20 puntos.
Ika-apat na Sesyon:
V. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN:
Unang Sesyon:Paunang pagbasa sa mga uri ng manwal.
Ikalawang Sesyon:Paunang pagbasa sa mga hakbang sa pagbuo ng manwal.
Ikatlong Araw: Paghanda sa mga kagamitang gagamitin sa pagbuo ng manwal sa
susunod na sesyon.
Ika-apat na Sesyon: Paunang pagbasa sa kahulugan at kalikasan ng Liham-
Pangnegosyo.