You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO SA PILING LARANG—TECH-VOC

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

 Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

 Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

 Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo (CS_FTV11/12PT-


0G-I-94)
 Naisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal-bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PU-0m-o-99)
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika
(CS_FTV11/12WG-0m-o-95)

I. LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga terminolohiyang teknikal sa pagsulat ng manwal
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng manwal
 Naisasaalang-alang ang mga etika sa pagsulat ng manwal
 Nakabubuo ng sariling manwal batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika

II. PAKSANG-ARALIN: Pagsulat ng Manwal


 SANGGUNIAN:
 Villanueva,V. & Bandril, L. (2016). Filipino sa Piling Larangan
(Isports at Teknikal-Bokasyonal).Vibal Group Inc. Quezon City,
Philippines.
 Batnag, A. et al. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex
Printing Company, Inc. Sta Mesa Heights, Quezon City.

 KAGAMITAN: LCD Projector, Laptop, kagamitang biswal at tsok


III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin na pangungunahan ng isang mag-aaral na sa kanyang pangalan ay
may letrang A at O.
 N-E-W-S na pagtatala sa mga lumiban sa klase.
 Pagsasaayos ng mga ‘di organisadong upuan gayundin sa pagpulot sa mga kalat.
B. PAGGANYAK
Unang Sesyon:
 Pagpapanggap ng guro na may natanggap na regalo mula sa isang hindi kilalang
tao.
 Bubuksan ng isa sa mga mag-aaral ang regalo, makikita rito ang isang kurtina at
isang sobre na may manwal. Nilalaman ng manwal ang mga panuntunan sa
paglalaro ng KURTINA NG IDENTIDAD.
 Ipapangkat ang klase sa apat.
 Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat upang isaulo ang unang
pangalan ng kanilang katunggali.
 Pagkatapos ng oras, lalaruin na ang Kurtina ng Identidad.
 Mayroong kurtinang hawak ng dalawang mag-aaral ang papagitan sa
dalawang pangkat.
 Sa loob ng sampung segundo magpapadala ng isang kinatawan ang bawat
pangkat na lalapit sa kurtina.
 Sa pagtatapos ng oras, biglaang ibaba ng may hawak ang kurtina at sabay
maghuhulaan ng unang pangalan ang dalawang kinatawan.
 Sampung rounds lamang ang laro, kung sino ang mas maraming natukoy
na tamang pangalan ang siyang tatanghaling panalo.

Ikalawang Sesyon:

 Isang sobre na naglalaman ng manwal at sa loob nito’y may pahayag na SINO


AKO?
 Kinapapalooban ng mga gawain ang loob ng manwal. Nilalaman nito ang mga
panuntunan sa paglalaro sa larong SINO AKO?
 Panuntunan:
 Buong klase ang kabilang sa laro.
 Babanggit ang guro ng mga pangalan na nasa loob ng klase.
 Sa hulihan, ay magtatanong ang guro kung sino ang panghuling nabanggit.
 Tutukuyin ng kahit na sino sa klase kung sino ang kasagutan kung sino
ang panghuling nabanggit?
 Masasagot kung sino ang panghuling nabanggit na pangalan.
 Magtatagal ang laro batay sa bilis ng pag-iisip ng klase.

Ikatlong Sesyon:

 Dugtungang pagbabalik-aral sa mga natalakay sa nakaraang sesyon sa


pamamagitan ng larong “PASS,STOP and GO” .
 Magpapatugtog ng musika at kapag tumigil ay ikaw ang sasagot sa mga tanong na
nauukol sa kahulugan at kalikasan ng manwal, mga terminolohiyang nauukol sa
manwal at mga hakbang sa pagsulat ng manwal.

Ika-apat na Sesyon:

 TAYO at UPONG laro na lunsaran sa pagbabalik-aral.


 Ang TAYO at UPONG laro ay babanggit ng pahayag ang guro na nauukol sa mga
natalakay sa nakaraan at tutukuyin kung tama o mali ito. Kung tama sila ay
mangyaring naka-upo at kung mali ay tumayo.

C. PAGLALAHAD
Unang Sesyon:
 Gagamiting lunsaran ang laro sa pagtukoy sa kaugnayan nito sa mismong paksa.
 Pagtukoy ng guro sa kahulugan at kalikasan ng manwal.
MANWAL- ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa
pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho , pagbuo ng mga mekanismo,
pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o
pagkukumpuni ng mga produkto
HALIMBAWA:
Gamit ng appliances sa bahay USER MANUAL/
Kompyuter, fax machine, printer, cell phone USER GUIDES

MANWAL
-nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay.
-higit na komprehensibo at malawak ang saklaw kaysa sa instruksiyon.
-nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng
pagsasaayos ng mga kompleks na kagamitan.

MGA PAYO SA PAGSULAT NG MANWAL


 Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita, maliban
kung sadyang kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na
gagamitin ito.
 Buuin ang mga akronim sa unang banggit.
 Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono at estilo ng pagsulat.
 Gumamit ng maiikling pangungusap at parirala.
 Gumamit ng numbered lists.

Ikalawang Sesyon:

URI NG MANWAL

 Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)- para sa konstruksiyon o pagbuo ng isang


gamit,alignment, calibration, testing at adjusting ng isang mekanismo.
 Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User Manual o Owner’s Manual)-
naglalaman ng gamit ng mekanismo,routine maintenance o regular na pangangalaga
at pagsasaayos ng mga kagamitan at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang
mekanismo.
 Manwal na Operasyonal (Operational Manual)- kung paano gamitin ang mekanismo
at kaunting maintenance
 Manual-Serbisyo (Service Manual)- routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing,pagsasa-ayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong bahagi.
 Teknikal na Manwal (Technical Manual)- nagtataglay ng espesipikasyon ng mga
bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo.
 Manwal para sa pagsasanay (Training Manual)- ginagamit sa mga programang
pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.

Ikatlong Sesyon:

BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT


 Pabalat na Pahina-kailangang may malinaw na pamagat. Sumasagot sa tanong na
“Tungkol saan ang manwal na ito?” o “Ano ang nilalaman ng manwal?” Ang
pamagat ay maaaring may disenyo na angkop sa larangang paggamitan nito.
 Talaan ng Nilalaman- dito itinatala ang mga pahina at ang pagkasunod-sunod ng mga
gawain sa loob ng manwal.
 Introduksyon-nagpapaliwanag tungkol sa Ano-Paano-Sino.
 Navigational Tips- pahina na may biswal na simbolo na magagamit upang unawain
ang mga bahagi ng manwal.
 Apendiks- ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng
nilalaman ng manwal.
 Bibliyograpiya-paalpabetong talaan ng mga reperensya o mga binasang dokumento,
lumilitaw o nababanggit man ang mga ito sa mismong papel ng manwal o hindi.
Ika-apat na Sesyon:

 Pangkatang Gawain: Pagbuo ng Sariling Manwal


 Hahatiin sa apat (4) ang bilang ng klase.
 Magkakaroon ng bunutan sa uri ng manwal na bubuuin.
 May kalayaan ang bawat pangkat na pumili ng lalamanin ng manwal ngunit
mariing may kaugnayan sa piniling larangan.
 Ang manwal ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubric na may mga
bahagdan na:
o Nilalaman (Larawan at Teksto) = 60%
o Disenyo at Balangkas = 35%
o Takdang Oras = 5%
o KABUOAN =100%

D. PAGLALAPAT
Unang Sesyon:
PANGKATANG TAGISAN NG TALINO
 PAGTUKOY. Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Iharap lamang ang
SMILEY na HAHA! Kung ito’y Tama at HUHU? Kung ito’y Mali.
1. Ang manwal ay isang pasalitang gabay at reperensyang materyal.
2. Mas malawak ang saklaw ng instraksiyon kaysa sa manwal.
3. Mas mainam ang paggamit ng mga salitang jargon sa pagbuo manwal upang
mas maka-ugnay ang mga babasa nito.
4. Kinakailangang ulit-ulitin ang buong kahulugan ng mga akronim upang hindi
makalimutan ng mga babasa ng manwal.
5. Talataan ang paglalahad ng mga instraksyon sa manwal.

Ikalawang Sesyon:

MAIKLING PAGSUSULIT:

 PAGTUKOY
1. Manwal na Operasyonal (Operational Manual)- kung paano gamitin ang
mekanismo at kaunting maintenance
2. Manual-Serbisyo (Service Manual)- routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing,pagsasa-ayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong
bahagi.
3. Teknikal na Manwal (Technical Manual)- nagtataglay ng espesipikasyon
ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo.
4. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User Manual o
Owner’s Manual)- naglalaman ng gamit ng mekanismo,routine
maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan
at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
5. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)- para sa konstruksiyon o pagbuo
ng isang gamit,alignment, calibration, testing at adjusting ng isang
mekanismo.
6. Manwal para sa pagsasanay (Training Manual)- ginagamit sa mga
programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.

Ikatlong Sesyon:

 Maghahanda ang guro ng isang malaking manwal at lalapatan ito ng label ng mga
mag-aaral.

Ika-apat na Sesyon:

 Hindi magkakaroon ng paglalapat sa sesyon na ito sapagkat may aktwal na pagbuo ng


manwal ang bawat pangkat.

E. PAGLALAHAT
Unang Sesyon:
 Dugtungang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.
Ikalawang Sesyon:
 Isahang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.
Ikatlong Sesyon:
 Pangkatang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.
Ika-apat na Sesyon:
 Hindi na magkakaroon pa ng paglalahat ngunit hahayaan ang mga mag-aaral na
magbahagi ng kanilang naransan sa pagbuo ng manwal.
IV. PAGTATAYA
Unang Sesyon:
 Sa isang kalahating papel,
o Susuriin ng mga mag-aaral ang isang manwal kung tinataglay nito ang natalakay.
o Ito ay binubuo ng 15 puntos.
Ikalawang Sesyon:
 Sa isang-kapat na papel,
o Pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga dalang halimbawa ng guro kung saan ito
nabibilang na uri.
o Ito ay binubuo ng 10 puntos.

Ikatlong Sesyon:

PANGKATANG GAWAIN:
 Pagbuo ng graphic organizer na nauukol sa mga bahagi ng manwal.
 Pagpapaliwanag sa bawat bahagi sa pamamagitan ng isang pangungusap.
 Ito ay binubuo ng 20 puntos.

Ika-apat na Sesyon:

Hindi na magkakaroon pang pagtataya sa sesyon na ito bagkus magkakaroon ng


pagsusuri sa mga nilikha ng bawat pangkat.

V. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN:
Unang Sesyon:Paunang pagbasa sa mga uri ng manwal.
Ikalawang Sesyon:Paunang pagbasa sa mga hakbang sa pagbuo ng manwal.
Ikatlong Araw: Paghanda sa mga kagamitang gagamitin sa pagbuo ng manwal sa
susunod na sesyon.
Ika-apat na Sesyon: Paunang pagbasa sa kahulugan at kalikasan ng Liham-
Pangnegosyo.

You might also like