You are on page 1of 6

Aralin 2

“Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon”

Layunin

1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan at makabuluhan at kapaki-pakinabang na


sanggunian at pananaliksik.
2. Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang konteksto.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
4. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipag palitang
ideya.

Pagpili ng batis (Sources) ng Impormasyon

Mahalaga na pumili ng batis ng impormasyon sapagkat ang pagbuo ng pananaliksik o


anumang impormasyon na nais ipahayag o ibahagi sa iba ay nangangailangan ng patotoo,
nararapat lamang na wasto at balido ang mga datos na kakailanganin. Mahalaga sa mga gawaing
nabanggit ang paghahanap ng tamang batis (sources) ng impormasyon. Ang pananaliksik ay
tapat at totoo na mga impormasyong sinususugan o pinagtitibay ng mga kaisipan/impormasyong
hinango/hinahango sa bibliyograpiya.

Ang Bibliyograpiya ay isang listahan ng mga ginamit sa sanggunian sa pananaliksik. Ito ay


inihahanay ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod batay sa apelyido ng awtor (Abueg ET
Al., 2012)
Ilan sa mga halimbawa na maaring batis ay mga:

 Aklat
 Cassette tape
 Pahayagan
 Dokumento ng pamahalaan
 Artikulo
 Internet entry
 Pananaliksik

Mga kilalang lathain o journal ng mga unibersidad:

University of the Philippines (U.P) diliman journals online

 Libreng online service na naglalaman ng mga journal sa U.P Diliman. Kabilang


ang daluyan at lagda

Ang Daluyan: journal ng wikang Filipino

 Ito ay isang refereed journal nannaglalathala ng dalawang beses kada taon.


 Ito ay monoligguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag aaral at
pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang
diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang Filipino.

Ang Lagda: journal ng U.P Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

 Isang refereed journal na naglalathala ng dalawang beses kada taon ng DFFP,


kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas.
 Ito ay Monolingguwal sa Filipino, maaaring maglathala sa rehiyonal na wika sa
pilipinas ngunit may lakip na salin sa poambangsang wika. May layunin itong
paunlarin ang pag aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan, malikhaing
pagsulat, at kulturang Pilipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina
gamit ang wikang Filipino at ibang wika sa pilipinas.
Sa Ateneo, mayroon ding isang journal sa Filipino na tinatawag na Katipunan: journal
ng mga pag aaral sa wika, panitikan, sining at kulturang Pilipino.

Katipunan – ay nagpapakilala sa inteletuwalisasyon ng Filipino, hindi lamang bilang wika,


bagkus isang disiplina. Tunguhin ng journal na ito ang magkaroon ng kritikal at analitikal na
pagsusuri sa wika, panitikan at mga aralin sa Pilipinas kabilang ang ilang disiplina.

Daloy- ay isang journal na pangwika at pampanitikan ng departamento ng mga wika ng Pilipinas


sa pamantasang De La Salle na taunang nililimbag.

Hasan – ay isang interdisiplinaryong refereed journasl sa Filipino ng unibersidad ng Santo


Tomas na taunang nililimbag.

Layag- ay opisyal na journal ng departamento ng Sikolohiya ng pamantasan ng De La Salle.


Matutunghayan sa journal na ito ang mga artikulong nakasulat sa mga wikang Filipino at Ingles
bilang pagtataguyod

Malay – ay isang refereed journal na multi-disiplinaryo sa Filipino, nililimbag dalawang beses sa


loob ng isang taon sa ilalim ng pamamahala ng kolehiyo ng malalayang Sining, para sa
pamantasang De La Salle. Bilang journal na multi-disiplinaryo, nagtatampok ang malay ng mga
papel, riserts, at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman muka sa iba’t ibang
disiplina.

Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon

Ayon kina Abesamis, et al., (2001) mahalaga ang pagtatala at pag-oorganisa ng mga nakalap na
datos sapagkat kung hindi, tiyak ang pagbabalik-balik sa aklatan para lamang tiyakin kung tama
ang pagkakasipi.
Ilan sa mga mabisang tip sa pagtatala ng impormasyon ay ang mgasumusunod.

1. Isulat ang lahat ng impormasyong iyong kinakailangan at sipiin ang mga ito sa oras na
Makita agad.
2. Sumulat ng maayos upang mabasa.
3. Magdaglat kung kinakailangan upang makatipid sa oras ngunit tiyaking mauunawaan
ang mga ito sa muling pagbabasa.
4. Tiyaking buo ang mga impormasyon upang hindi magkaproblema sa pagsulat ng mga
talababa at bibliyograpiya.
5. Gawing eksakto ang mga impormasyon upang madaling makakuha ng mga sipi o lagom
na magagamit sa konklusyon.
6. Sinupin ang iyong mga impormasyon. Magpokus lamang sa mga pangunahing ideya sa
halip na mga walang kabuluhang ideya.
7. Organisahin ang mga tala upang hindi malayo sa balangkas.

Ayon naman kina Cancino, Et al. (2012). May ilang pamantayan sa paghahanap ng mga
datos na kailangan sa pananaliksik.

1. Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.


2. Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
3. Kailangan may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksang pag-
aaralan.
SINULAT
NA
ULAT
MS. SARAH JANE G. RABINA

BSCRIM-1A

GROUP 1

LAZARO, JAUREEN G.

CRUZ, DENMAR M.

SARMIENTO, JOSHUA

PADIN, RAIVEN D.

You might also like