You are on page 1of 2

Manaig, Kristin C.

BSA 1-1
Tanikalang Ginto
Mga Tauhan
 Maimbot- ang salitang “maimbot” ay nangangahulugan sa pagiging maramot
o masiba na siya namang katangian niyang taglay sa dula dahil sa
paggamit ng yaman at kapangyarihan upang makuha lamang ang gusto
partikular na sa pagdadamot niya kay Liwanag sa lahat nang nagnanais
na makasal sa dalaga; siya rin ang pawang sumisimbolo sa pamahalaang
Amerikano
 Liwanag- siya ang dalagang iniibig ni K’ulayaw at siya ring
ipinagdadamot ni Maimbot; ang “liwanag” ay nangangahulugang pag-asa o
kalayaan na tulad ng mga katangiang naipamalas niya sa dula dahil
hindi niya nais na mapasailalim habambuhay kay Maimbot, ang nais niya
ay lumaya at sumaya sa piling ni K’ulayaw, at hindi siya nawalan ng
pag-asa para makamit ito; siya ay simbolo ng pag-asang makalaya ng mga
Pilipino
 K’ulayaw- ang salitang “k’ulayaw” ay nangangahulugang karelasyon o
kaugnayan na ipinakita sa dula bilang mangingibig ni Liwanag; punong-
puno siya ng katapangan at pagmamahal kahit ibuwis man ang sariling
buhay; siya naman ang sumisimbolo sa mga Pilipino o pagiging tunay na
Pilipino
 Nagtapon- siya ang kapatid ni K’ulayaw na inabandona ang sariling
pamilya para sa pera at ginto at siya rin mismo ang nakapatay sa
sariling kapatid; siya rin ang tapat at sunud-sunurang alipin ni
Maimbot at ginagawa niya ito upang kumita at matustusan ang luho ng
pagsusugal; siya naman ang sumisimbolo sa mga Pilipinong nagtaksil sa
sariling bayan, takot, duwag at mahina
 Dalita- ang salitang “dalita” ay nangangahulugang kahirapan o
pagdurusa na katangian niya mismo na naipakita sa dula; siya ang ina
ni K’ulayaw at Nagtapon; mahina at may malubhang sakit, at
nangungulila pa sa kaniyang mga anak; siya ang simbolo ng inang bayan

Buod
Ang Tanikalang Ginto ay isang kilalang sedisyosong dula na
isinulat ni Juan Abad noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa ating
bansa. Hindi lamang ito isang pangkaraniwang dula ng pag-ibig ng
magkasintahang hindi nagka-tuluyan dahil sa magulang, bagkus ito ay dula na
kakikitaan ng tagong mensahe ukol sa pagmamahal sa bayan at nasyonalismo.
Ang dula ay nagsimula sa monologo ni Liwanag na nalilito sa kung anong
gagawin: kung pakakasalan niya ba ang kaisa-isang mahal na si K’ulayaw o
kung tatanawin niya ba ang utang na loob sa kaniyang amain na si Maimbot.
Tutol si Maimbot sa pag-iibigan nina K’ulayaw at Liwanag dahil ang kaniyang
nais ay siya lamang ang makasama at pagsilbihan ni Liwanag hanggang sa
kamatayan. Kaya naman, ginawa niya ang lahat upang sila’y hadlangan at
inutusan niya ang kaniyang alipin na si Nagtapon na pagbawalan ang
pagkikita ng dalawa. Binigyan ni Maimbot si Liwanag ng tanikalang ginto at
nangako pa ng marami pang kasaganaan kapalit ng pag-ampon niya rito. Ang
tanikalang gintong ito ay sumisimbolo sa kontratang panghahawakan nila.
Ngunit, mas nanaig pa rin ang pagmamahalan nina Liwanag at K’ulayaw. Dahil
dito, mas naging marahas ang paraan ng pagpupumilit ni Maimbot. Nagtapos
ang dula sa pagkakapatay ni Nagtapon sa sarili niyang kapatid na si
K’ulayaw.

You might also like