You are on page 1of 4

yCrisostom Ibarra

Paglinang sa Talasalitaan

1. Mapalad – ang salitang mapalad ay nagangahulugang masuwerte sa buhay

Halimbawa: Si Aiza ay mapalad na makakapaglakad muli siya sa lalong madaling panahon, at


walang mga medikal na supply dahil sa kanyang swerte kamakailan lamang, hindi siya
mamamatay sa impeksiyong kaniyang dala.

2. Kapangyarihan – ang salitang kapangyarihan ay nangangahulugang kakayahan, may


natatanging lakas at isang dakila

Halimbawa: Ang isang matalinong tao ay hindi iiwan ang kaniyang karapatan sa kahabagan ng
pagkakataon, nais na manaig ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng nakararami.

3. Mangingibig – ang salitang mangingibig ay nangangahulugang taong umiibig na


humihingi ng permiso sa isang taong kaniyang iibigin

Halimbawa: Si Aurore ay naninibugho bilang isang mangingibig sa pagmamahal kay Juan, at


ang pag-aagawan sa pagitan ni Nivla at ni Inad ay isa sa pinakamahihirap na kabagabagan ni
Aurore.

Liham
EPQ Quarters, Dr. #9
Libingan ng mga Bayani,
Fort Bonifacio, Taguig City
Ika-26 ng Pebrero, 2018

Mahal kong Nida,

Maligayang pagbati sa iyo Nida Balika, ikinagagalak kong nalaman na ikaw pala’y
nakabalik na sa Pilipinas, ang lahat ng iyong pinaghirapan noon ay nagdulot ng kasiyahan sa
bayan kong ito at ngayon ay paparangalan kana sa “Bayaning Pilipinong Makabagong Siglo”.
Isa kang tunay na Pilipino nang dahil sa iyong pagsasakripisyo mo’y lahat ng taong natulungan
mo ay nakabangon muli, ang mga batang nasa langsangan ay nakapag-aral na at nagsimula ng
panibagong pamumuhay.

Ikaw ay aking maihahalintulad sa tauhan ng Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra,


siya ay nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan
ng San Diego, dito ay naipamalas niya ang tunay na pagmamahal niya sa kaniyang bayan. Ang
layunin niyang ito ay hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kapakanan ng
nakararami

Mahal na Nida huwag kang mag agam-agam na baka masayang ang napakaganda
iyong nasimulan sapagkat ikaw ay maglilikod nang tapat, walang bahid ng pansariling interes at
buong puso na ibibigay ang kanyang sarili sa ating bayan.
Huwag kang matakot Nida sapagkat ang iyong mabuting halimbawa ay hindi maaaring
putulin o sirain ng isang makasariling layunin nino man. Sapat na ang inyong kontribusyon at
naiambag. Ang inyo pong kontribusyon sa ating bayan ay hindi na maaaring tawaran ng
sinuman.

Maraming Salamat sa iyong mga nagawa sa bayang ito, isa kang magandang
halimbawa sa bansang Pilipinas

Gumagalang,

Alvin

Kultura
Mga Kulturang Pilipino na Saang Kabanata Kalagayan ng mga kulturang ito sa
inilahad sa Aralin Ito Makikita? kasalukuyan
1. Ang pagpapahalaga sa Kabanata 14 Ipinakita ni Crisostomo Ibarra ang
larangan ng edukasyon (Mga Suliranin ng pagpapahalaga niya sa edukasyon sa
Guro) kabanatang ito, sa kasalukuyan
nasusuportahan pa rin ng gobyerno ang
mga pangangailangan ng mga estudyante
tulad kong nag-aaral pa
2. Ang Pagdiriwang ng Kabanata 26 Sa Pilipinas, kilala tayo, bilang mga
Kapistahan (Ang Dispiras ng masasayahing tao at relihiyoso. Makikita
Pista) sa ating mga tradisyon ang ating matimyas
na debosyon sa kung anuman ang ating
mga patron sa Bayan, Pamilya at
pamayanan. Subalit,marami ding mga
puna ukol sa pagdiriwang nito, tulad ng
paggastos ng sobra pag naghahanda, ang
grandiyosong pagdiriwang, at marami
pang iba.
3. Ang Pagiging Mapagbigay Kabanata 1 Si Kapitan Tiago ay kilala bilang taong
sa mga Tao (Isang Pagtitipon) nabibilang sa mataas na lipunan at
matulungin sa mga mahihirap, sa panahon
ngayon may mga taong paring handang
tumulong sa mga taong nangangailangan.
Ang pagiging mapagbigay sa kapwa at
kahit anong maliit o malaking tulong ay
isang biyaya para sa nangangailangan
nito. Ang pagiging mapagbigay ay isa ring
daan para sa mas mabuti, mapayapa, at
magandang buhay
4. Prusisyon ng mga Katoliko Kabanata 38 Sa kabanatang ito ipinakita dito ang
(Ang Prusisyon) pagkakaroon ng matibay na paniniwala sa
panginoong Diyos, laganap ngayon ang
prusisyon tulad ng Poong Nazareno, para
sa maraming tao, ang debosyon para sa
Poong Nazareno ay yaong nangyayari
tuwing prusisyon o traslacion lamang.
5. Ang Pagmamahal sa Kabanata 16 Kung minsan dumaraan sa panahong
Pamilya (Si Sisa) nagkakaproblema ang isang
pamilya. Magagamit nila ang problema ito
para maging lalong matatag at malapit sa
isa’t isa. Sadya sigurong hindi mapapalitan
ng materyal na bagay ang pagmamahal ng
isang Ina tulad ni Sisa kay Crispin at
Basilio. Kahit gaano pa kahirap ang
daranasin ng isang Ina huwag lang mawala
ang kaniyang mga anak

JOURNAL
Ika-26 ng Pebrero,2018

Mahal kong Talaarawan

Sa araw na ito, aking nabalitaan na ang dating kong kaiskuwela na si Elizabeth ay may
kaparehong karanasan kay Maria Clara sapagkat siya ay lumaki nang hindi nakilala ang
kaniyang Ina at Ama dahil iniwan si Elizabeth noong sanggol pa lamang. Ang tanging kumalinga
kay Eliza ay kaniyang Lola at Lolo lamang. Masipag ang Lolo ni Elizabeth subalit hindi ito
marunong tumanggi kapag siya’y niyaya ng kaniyang mga kaibigan. Ang Lola naman ni Eliza ay
mahina rin dahil ito ay may sakit na hika. Mahirap ang walang kang magulang, wala kang
matatakbuhan at wala kang mapagsasabihan ng mga problema at higit sa lahat wala ng
magpapa alala pa sa iyo.

Para naman sa akin si Cyrix ang maihahalintulad ko sa isang tauhan sa Noli Me


Tangere na si Elias sapagkat nang nakita ni Cyrix na ang lahat at naranasan na niya ang iba’t
ibang uri ng pagpapakasakit. Alam na niya ang personalidad ng iba’t ibang uri ng tao na
kanyang nakakasalamuha. Hangad niya ang makakabuti sa nakakarami kahit na ang buhay
niya ang nakataya. May ilan na mga tao sa lipunan ngayon na kagaya ni Cyrix na gagawin ang
lahat para sa bayan ngunit sila’y minsan hindi naiintindihan ng masa o hindi lamang
pinanapansin.

DAPAT BA o HINDI DAPAT?


"DAPAT BA O HINDI DAPAT GINAMIT NI RIZAL ANG PANULAT SA PAGKAMIT NG
KALAYAAN NG PILIPINAS". Ngunit Kung ako ang tatanungin ay Dapat lamang na ginamit ni
Rizal ang panulat dahil mas inisip Niya ang kapakanan ng mga Pilipino sa halip na dumanak
ang dugo dahil sa paghihimagsik ay mas binigyan niya ng pansin kung paano niya sasabihin
ang mga ginagawa ng kastila sa kanilang bayan at ito ay sa pamamagitan ng mga nobela na
nakatulong upang mabuksan ang isipan ng mga Pilipino.

Isa sa mga tao na lumaban para sa kalayaan ng mga Pilipino ay si Dr. Jose Rizal. Isa
siya sa ating mga bayani at karapat-dapat lang siya maging isa. Hindi tulad ng mga ibang
bayani natin na nakipag away para sa ating kalayaan, si Jose Rizal ay gumamit ng ibang
paraan, gumamit lamang siya ng kanyang pag-iisip, sulat at ang kanyang mga salita para
ipakita sa mga Pilipino na tumayo para sa kanilang sarili at lumaban sa mga kastila. Ang
paglalaban niya ay hindi sa paggagamit ng espada or pagkukuha ng buhay ng isang tao,
ginamit niya ang kanyang panulat para mabukas ang mga mata ng mga Pilipino. Naramdam
niya ang sakit ng mga Pilipino at ang kanyang bansa kaya talagang pinaglaban niya ang
kanyang pangarap para sa kanyang bansa hangga’t sa kanyang pagkakamatay, hanggang
ngayon ang pangarap niya ay namumuhay sa bawa’t Pilipino ngayon.

Sasakripisyo ni Rizal ang kanyang buhay para sa kanyang bansa, handa siya sa lahat
basta lamang bumalik muli ang kagandahan ng Pilipinas at bumuhay muli ang Pilipinas at ang
kanyang kababayan. Dapat maging malakas ang mga Pilipino, na kahit wala na nga siya,
lalaban pa rin sila para sa kalayaan ng Pilipinas. Meron silang abilidad at karapat-dapat na
matikman at makaranas ng kalayaan na para sa kanila, huwag lang nila mawala ang
inspirasyon na lumaban para sa kanilang sarili at para sa kanilang bansa.

You might also like