You are on page 1of 9

BanghayAralin sa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
- Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig sa kwento.
- Nakapakikinig na mabuti sa binasang kwento.
- Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
- Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.
- Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.
II. PaksangAralin: “Si Nina at Si Yaya Naty”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng mga Panghalip na Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Nn at Gg sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 3-5
Bright Part I pah. 112-123
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn/Gg, plaskard
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Yaya probinsiya nawalay hinaplos
2. Pagganyak:
Sino ang nag-aalaga sa bata sa bahay?
Paano kung may hanapbuhay ang nanay, sino ang nag-aalaga sa bata?
Ipakita ang big book at hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang paglalarawan sa mga nakikita dito.
3. Pangganyak na tanong:
Ano ang gusto ninyong malaman ang aking kwento?
Paano inaalagaan ni Yaya Naty si Nina?
4. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa kwento.
“Si Nina at Yaya Naty”
Umalis ang nanay at tatay ni Nina. Nagtungo sila sa probinsiya para dalawin ang Lolo at lola sa bukid.Habang
wala ang mag-asawa, naiwan si Nina sa kanyang Yaya Naty.
Sa umaga, pinaliguan ni Yaya Naty si Nina. Pagkatapos, ipinaghanda niya ito ng agahan; kanin, pritong isda at
may papaya pa. Pagkatapos kumain ng agahan, nagpunta na si Nina sa hardin kasama ng kanyang mga kaibigan
upang maglaro. Naglaro sila ng taguan, at saluhan ng dahon.
Nang matapos ang kanilang paglalaro nag-siuwi na ang mga kaibigan ni Nina.“Halika ka na Nina, “ ang tawag ng
yaya. Oras na para kumain ng hapunan. Binigyan ng yaya si Nina ng kanin, nilagang baka at katas ng dalandan.
Pagkatapos linisin at bihisan ng yaya si Nina, handa na siya sa pagtulog. Subalit hindi pa inaantok si Nina.
Ipinagtimpla siya ni Yaya Naty ng gatas para raw makatulog na siya.
Lumipas pa ang ilang oras ay gising pa rin si Nina. Hinihintay niya ang kanyang nanay at tatay.“Yaya Naty
kelan darating si nanay at tatay?” tanong ni Nina. “Huwag kang mag-alala, darating din sila kaagad.” Sabi ng
yaya.Sige aawitan kita para makatulog ka na.Subalit hindi pa rin makatulog si Nina.Hindi siya makatulog kapag
wala ang kanyang nanay at tatay. Ngayon lamang siya nawalay sa kanila.
“Alam ko na, babasahan na lang kita ng mga paborito mong kwento,” sabi ng Yaya.“Sige po yaya, gusto ko po
yan.” Sabi ni Nina.Ganoon nga ang ginawa ng yaya. Hindi pa man natatapos ang kwento ay napansin niya na
nakatulog na si Nina. Hinaplos-haplos ng yaya ang buhok ng natutulog na si Nina .
2. Talakayan:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento??
Saan nagpunta ang tatay at nanay?
Kanino naiwan si Nina?
Paano inalagaan ni Yaya Naty si Nina habang wala ang kanyang nanay at tatay?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Ipasakilos ang ilang mga mahahalagang bahagi ng kwento.
2. Ipaguhit ang mga pagkaing inihanda ni Yaya kay Nina.
3. Iguhit ang mukha ni Nina habang wala ang kanyang nanay at tatay
(Magkaroon ng talakayan/pagpapaliwanag ng mga bata sa kanilang mga ginawa)
IV. Pagtataya:
Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig. Ikahon ang wastong salita.
1. Si (Nina, Nena, Nita) ay may yaya.
2. Nagpunta sa (Amerika, probinsiya, Maynila) ang kanyang tatay at nanay.
3. Inalagaan si Nina ng kanyang ( lola, tita, yaya)
4. Hindi makatulog si Nina dahil (naiinitan siya, naaalala niya ang magulang niya, naguguton siya)
5. Binasahan ni yaya Naty ng (kwento, awit, balita) si Nina para siya makatulog.
V. Kasunduan:
Punan ang Venn Diagram ng mga kailangang impormasyon tungkol sa iyo.
Agahan ni Nina Agahan Ko

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin
Nagagamit ang mga panghalip na Kami at Sila.
II. PaksangAralin: “Si Nina at si Yaya Naty”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Panghalip na Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Nn at Gg sa Iba pang Titik na napag-aralan
na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn/Gg plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sino ang nag-alaga kay Nina habang nasa probinsiya ang nanay at tatay niya?
Bakit hindi makatulog si Nina?
2. Pagganyak:
Laro: Ipaayos ang mga pangyayari sa kwento ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Umiinom si Nina ng gatas.____
Tulog na tulog na si Nina._____
Binabasahan ni Yaya Naty ng kwento si Yaya Naty.____
Inaawitan ni Yaya Naty si Nina para makatulog._____

B. Paglalahad:
Ilahad ang mga pangungusap:
Ako, si Nita at Nilda ay naglalaro ng taguan.
Kami ay masayang naglaro.
Sina Nilda, Nena at Nita ay nagtago.
Sila ay nagtakbuhan sa hardin.
Sina tatay at nanay ay aalis.
Sila ay pupunta sa probinsiya.
Sinu-sino ang mga naglalaro?
Ano ang nilalaro nila?
Sinu-sino ang aalis?
Anong panghalip ang ginamit kasama ang nagsasalita?
Anong Panghalip ang ginamit para sa mga taong pinag-uusapan.
C. Paglalahat:
Ang mga salitang ipinapalit sa pangalan ng tao ay tinatawag na panghalip.
Tandaan:
Ang Tayo at Sila ay mga panghalip.
Ginagamit ang panghalip na Tayo para sa dalawa o higit pang mga tao kasama ang nagsasalita.
Ginagamit ang panghalip na Sila para sa dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan.
D. Paglalapat:
Gamitin ang Kami o Sila upang mabuo ang pangungusap.
Nanay at bata sa kusina

Si nanay at ako ay nasa kusina.


____ay nasa kusina.

3 babae patungo sa paaralan

Magkakasamang naglalakad sina Ric. Ton, at Ed.


_____ay patungo sa paaralan.
IV. Pagtataya:
Punan ng Kami o Sila ang patlang.
1. pamilyang sama-samang nagsisimba
Sina tatay, nanay at ako ay nagsisimba.
_____ay nagpapasalamat sa Diyos.
2. 2 bata na bumibili ng sorbetes
Sina Nitoy at Popoy ay mahilig sa sorbetes.
_____ay kumakain ng sorbets sa apa.
3. 2 bata nakikinig sa guro
Sina Mar at Marianne ay nakikinig sa guro.
_____ay tahimik na nakikinig.
4. 1 babae at 1 lalaki umiinom ng gatas
Si Ate Lita at ako ay umiinom ng gatas.
____ay malusog at maliksi.
5. 2 babae naghuhugas ng plato
Si Pia at ako ay naghuhugas ng plato.
____ay maingat para hindi makabasag.
V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 larawan may simulang tunog/titik na Nn sa iyong kwaderno.
Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng
aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Nn sa iba pang titik na napag-aralan na.
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Si Nina at si Yaya Naty”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn/Gg plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwentong ating binasa?
2. Pagganyak:
Awit: Ako ang Kapitbahay Mo
Pahulaan: Katulong ako ng doktor sa panggamot ng mga maysakit. Sino ako?
B. Paglalahad:
Ilahad ang mga larawang may simulang tunog na Nn.
Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan;
Nene noyog nota nars , nanay nunal
Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.
Saang titik nagsisimula ang bawat larawan?
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Nn?
Awitin: Ano ang tunog ng titik Nn.
/Nn/ ay may tunog na /en/. Imustra sa bibig.
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-
aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, ,Ll at Nn
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Na ne ni no nu
Parirala:
Nita at Nini
Nena at Nila
Tina at Lina
Lino at Nina
Tunog ng nota
Mga abaniko
Ang baon
Sina nana at tatay
Pangungusap:
Sina Nita at Nini ang nasa bayan.
May abaniko sa banig.
Paano niluto ang nata?
Makulay ang abaniko.
Mataas ang tunog ng nota.
Sino ang binibini?
IV. Pagtataya:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
Salita Larawan
1. Nars niyog
2. Niyog nunal
3. Nanay nars
4. Nota nanay
5. Nunal nota
V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na /Gg/.

Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Nn at Gg sa iba pang titik na napag-aralan na.
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Ang Munting Gamu-gamo”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa mga Panghalip na Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Nn at Gg sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Lagyan ng / ang larawang may simulang titik na Nn
Bola nanay laso sili nota nunal nars
2. Pagganyak:
Ano ang ginagawa ng nanay bago siya umalis ng bahay?
Sino ang kanyang pinagbibilinan?
Sinusunod naman kaya ng anak ang bilin ng nanay?
Ano kaya ang mangyayari kung hindi susundin ang bilin ng nanay?
B. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento: “Munting Gamu-gamo”
Isang munting Gamu-gamu ang tuwang-tuwa sa liwanag ng isang nakasinding gasera. Gustong-gusto niya ang liwanag
na taglay nito. Paikot-ikot siyang lumilipad dito. Napansin ng inang Gamu-gamo ang ginagawa ng anak.
“Huwag na huwag kang lalapit sa liwanag. Masusunog ang iyong pakpak,” kabilinbilinan ng ina sa munting gamu-
gamo.
Subalit talagang gustong-gusto ng maliit na gamu-gamo ang liwanag. Nagpatuloy siya sa paglipad at pag-ikot sa
gaserang may liyab. Maya-maya, napasigaw siya at biglang nadikit ang kanyang pakpak sa apoy. Walang nagawa ang
Inang Gamu-gamo kundi mapaiyak sa sinapit ng anak.
2. Pagtalakay
Tungkol saan ang kwento?
Bakit napahamak ang Munting Gamu-gamo?
Anong aral ang natutuhan mo sa kwento/
3. Anong kulisap ang matigas ang ulo?
Saan siya binawalang lumapit ng ina?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Gamu-gamo gasera
Ano ang simulang titik/tunog ng mga salita sa pisara.
Pagbigayin pa ang mga bata ng iba pang halimbawa ng mga salitang may simulang tunog na Gg:
Gatas Gemo ginatan goma guro
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Gg?
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento:
Pantig; Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll , Yy , Nn at Gg.
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Ya ye yi yo yu
Na ne ni no nu
Ga ge gi go gu
Salita:
Gata, gabi, gala, gana, gitna, gamu-gamo, goma, gansa, galak, balag, bantayog, gusto, tubig, banig, sago, gulaman,
gora, hilig, sahig
Parirala:
Gatas at gabi, gamu-gamo at gagamba, ang gansa, may gatas, gusto sa sahig, tulog sa banig
Pangungusap:
Malasa ang gabi sa gata.
Malamyos ang tunog ng lata.
Madumi ang gagamba.
Anim ang gansa sa ilog.
May ginto sa sahig.
Matamis ang sago at gulaman.
Kwento:
Ang Gitara
Si Gina ay iisa-isa sa kubo. Nilalaro niya ang manika.
Maya-maya ay nakita Ni Gina ang gitara. Sa kuya niya ang gitara. Nilaru-laro niya ito. Nasira ang gitara. Lumuha
si Gina. Nahihiya siya sa kuya niya.
Sino ang nag-iisa?
Ano ang nilalaro niya?
Bakit siya lumuha?

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang salita para sa larawan.
1. larawan ng goma goma gora gota
2. larawan ng guro nanay ate guro
3. larawan ng gansa manok gansa bibe
4. larawan ng gagamba gamu-gamo lamok gagamba
5. larawan ng gunting kutsilyo gunting lagare

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.
Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng
aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nasusulat ang malaki at maliit na titik Nn at Gg

II. PaksangAralin: Wastong Pagsulat ng mga Titik Nn at Gg


A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Panghalip ng Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Gg at Nn sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn /Gg , plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
(Nn at Gg )
Nanay gunting nars gansa gora goma
2. Pagsasanay kaugnay sa mga napag-aralan na titik.

Pagsasanay 1- Pagbuo ng mga pantig gamit ang mga titik na napag-aralan na:

Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll,,Yy, Nn at Gg

Pagsasanay 2 – Iugnay ang larawan sa tamang salita.

Larawan Salita
1
Nars
Goto
Gatas
Nanay
nunal

Pagsasanay 3
Magpaligsahan sa Pagbasa ng parirala na nasa plaskard.

Pagsasanay 4
Pagguhit ng mga larawan na may simulang titik Nn at Gg.
IV. Pagtataya:
Pagsulat ng titik Nn at Gg
Nn Nn Nn Nn Nn
Gg Gg Gg Gg Gg

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

You might also like