You are on page 1of 19

KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.

9506 City of Koronadal, South Cotabato


PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

Plano sa Pagkatuto

ANTAS – 3

Mga mahahalagang Tanong: Kakailanganing Pang-unawa:


Anu-ano ang mga Nauunawaan at
pangyayaring naganap sa napagsusunod sunod ang mga
kuwentong napakinggan. pangyayari sa kuwento.
Ano ang pang-ukol? Nauunawaan na ang pang-
Anu-ano ang mga halimbawa ukol ay mga salitang nag-
ng pang-ukol? uugnay sa mga bahagi ng
Paano gagamitin ng wasto ang pangungusap.
mga pang-ukol sa Nauunawaan kung paano ang
pangungusap. wastong gamit ng mga pang-
ukol.

Mga Panimulang Gawain:

 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng Liban

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Lingguhang Layunin:
a. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
 Natutukoy ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa
kuwentong napakingggan.
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

b. Pag-unlad ng Bokabularyo
 Nauunawaan ang mga salitang
ginamit sa kuwento gamit ang
pagpapakahulugan.
c. Gramatika (Kayarian ng Wika)
 Nagagamit nang wasto ang mga
Pang-ukol sa pangungusap.
d. Pagsulat at Pagbaybay
 Nababaybay nang wasto ang mga
salitang may tatlo o apat na pantig.

UNANG ARAW
Mga Layunin:
 Natutukoy ang kahulugan ng mga
salita ayon sa pagpapakahulugan.
 Natutukoy ang wastong gamit ng
mga salita sa pangungusap.

I. Pagtuklas
Mga Panimulang Gawain: :Panalangin

A. Pagganyak
Guro: Magandang umaga mga bata.
:Magandang Umaga po titser.

(Ipapaskil sa pisara ang mga sumusunod


na salita at sa isang kolum ay ang
pagpapakahulugan)

Guro: Mga bata may mga


pagpapakahulugan na isinulat sa pisara,
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

ngayon ay ating tutukuyin kung anong


salita ang inilalarawan nito.

Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay


A at ikabit sa Hanay B kung saan
nakasaad ang pagpapakahulugan. :Babasahin ang mga nakapaskil sa pisara.

Hanay A Hanay B
Mga Salita Kahulugan
1. ligaw Matibay na kahoy na
maaring gapangan ng
halaman.
2. ipinulupot Ginagamit sa
paghahalaman
3. hiling Napunta sa kung saan
4. nalagot Nahulog
5. balag Maingat na itinali ng
paikot sa isang matibay
na bagay.
6. abono Humingi ng pabor
7. lilim Nagsisilbing panangga
sa init.
Tumutubo sa halamanan.

:”Ang ibig sabihin po nga salitang ligaw ay


Guro: Batay sa mga pagpapakahulugan napunta sa kung saan.”
ano ang pagkakaunawa ninyo sa salitang
ligaw?
:”Ang ibig sabihin po ng salitang ipinulupot
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

ay maingat na itinali ng paikot sa isang


Guro: Magaling! Ang sunod na salita ay matibay na bagay.”
ipinulupot ano kaya ang kahulugan nito.
:Sasagot sa tanong ng Guro.
Guro: Tumpak! Ano naman kaya ang
kahulugan ng:
Hiling
Nalagot
Balag
Abono
Lilim

B. Paglalahad
Guro: Mahusay ninyong nasagot ang lahat
ng kahulugan ng mga salita. Ngayon mga
bata ay sasagutin natin ang mga
sumusunod na gawain.

(Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.)

Guro: Ang dalawang pangkat ay


magkasabay na sasagutin ang mga
pangkatang gawain, basahin ng mabuti
ang panuto. Mayroon lamang kayong
isang minuto upang masagutan ang mga
pangungusap.

(Magtatalaga ng 1-minute timer.)


KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

Panuto: Pag-aralan ang kahulugan ng


salita na may salungguhit ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.
Lagyan ng Oo kung ang salita ay wasto at
akma sa pangungusap at Hindi naman :Mag-uunahan sa pagsagot sa gawain.
kung hindi wasto ang pagkakagamit ng
salita.

_______1. Mainit ba sa lilim ng puno?


_______2. Gumagapang ba ang halaman
sa bahay?
_______3. Maaari bang ipulupot ang isang
lubid?
_______4. Nakatutulong ba ang paggamit
ng abono sa paghahalaman?

Guro: Tingnan natin kung tama ang inyong


mga sagot. Ang grupong naunang
matapos ay ____________. Palakpakan
mga bata.

D. Paglalahat
Guro: Mga bata anu-ano ang inyong :”Natutunan po namin ang pagtukoy sa
natutunan sa araw na ito? kahulugan ng mga salita sa tulong ng mga
kahulugan nito.”

Guro: Magaling! Maraming salamat sa :”Paalam po titser.”


inyong pakikinig at pagbabahagi ng inyong
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

kaalaman. Hanggang bukas muli. Paalam


mga bata.

IKALAWANG ARAW
Mga Layunin:
 Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari sa napakinggang
kuwento.
 Naiisa-isa ang mga pangyayari sa
kuwento ayon sa pagkakasunod-
sunod nito gamit ang “Story Map”.

II. Paglilinang

A. Pagganyak
Guro: Ngayon ay makinig ng mabuti at
ating babasahin ang kuwento.
(Babasahin ang Kuwento)
Guro: Mga bata makinig ng mabuti upang
masagot natin ang mga sumusunod na :Opo titser.
tanong pagkatapos. Maliwanag ba?
 Bago bumasa
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ano ang suliranin ni Upo?
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

 Habang Bumabasa

(malinaw na magbabasa ang guro gamit


ang “Story Board” upang mas mabilis na
maunawaan ang kuwento.)

 Pagkatapos Bumasa
Guro: Ngayon sasagutin na natin ang mga
tanong:
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento? :Magtataas ng kamay upang sagutin ang
2. sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? mga tanong.
3. Ano ang suliranin ni Upo?

Guro: Nagustuhan po ba ninyo ang ating :Opo titser.


kuwento?

Guro: Ano kaya ang aral na ibig ipahiwatig :Makuntento po tayo sa ating sarili.
ng kuwento?
:”Hindi po, kasi mali ang hiling ni Upo dahil
kung mahulog siya ay masasaktan lamang
Guro: Mahusay! Kung ikaw ang Hangin, siya.”
ibibigay mo ba ang hiling ni Upo? Bakit?
:”Nagbibigay ng lilim ang kanyang mga
Guro: Magaling! Ano kaya ang mga bagay dahon. At maaring kainin ang kanyang
na naitutulong ni Upo sa mga tao. bunga.”
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

Guro: Tumpak! Maayos ninyong naibigay


ang mga kasagutan nasisiguro ko na lubos :Magbibilang mula isa hanggang apat.
ninyong naunawaan ang kuwentong ating
binasa.

Kasanayang Pagpapayaman:

Guro: Mahusay! Ngayon naman ay


magbibigay ako ng isang gawain, ngunit
bago iyan ay papangkatin ko kayo sa apat
na pangkat. Magbilang mula isa hanggang
apat.

Guro: Ang pangkat isa ay dito pupuwesto


ang pangalawang pangkat naman sa
susunod na hanay at gayun din ang :Magtitipun-tipon sa kanilang itinakdang
pangatlo at pang-apat. lugar.

B. Paglalahad
Panuto: Gamit ang “story map” isulat sa
mga kahon ang mga pangyayari sa
kuwento mula sa umpisa hanggang sa
hulihan. Pagkatapos ay ipapaskil ang mga
“story map” sa pisara at irereport ng isang
miyembro bawat pangkat.
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

Guro: Pumili ng inyong representante at


kunin ang inyong “story map” sa harap,
magtulung-tulong kayo upang masagutan
ang mga kahon. Bibigyan ko kay ng
labinlimang minuto upang gawin ito.

(pagkatapos ng 15 minuto)
C. Paglalapat
(oral report) :ipapaskil sa pisara ang mga “story map”.
Guro: Mga bata tapos na ang itinakdang
oras sa paggawa, maaari na ninyong
ipaskil sa pisara ang inyong “story map”.

Guro: Mahusay! Ngayon ating pakinggan


ang Unang pangkat upang ibahagi ang
kanilang ginawa.
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

:Ibabahagi ng isang miyembro ng bawat


Guro: Magaling, ang inyong ginawa mga pangkat ang kanilang ginawa.
bata. Napagsunod-sunod ninyo ang mga
pangyayari sa kuwento.
D. Paglalahat
Guro: Anu-ano ang inyong natutunan sa
araw na ito?
:Natutunan po namin ang pagkakasunod-
Guro: Anu-ano ang inyong naramdaman sunod ng mga pangyayari sa kuwento
habang ginagawa ang “story mapping”? gamit ang “story map”.

: Masaya po titser dahil nagtutulong-tulong


Guro: Mabuti naman at napagtagumpayan po kami upang mapagdugtong-dugtong
ninyo ng magkasama ang inyong gawain ang mga pangyayari.
ngayong araw. Hanggang bukas muli mga
bata. Paalam!

IKATLONG ARAW :Paalam titser.


Mga Layunin:
 Natutukoy ang kahulugan ng pang-
ukol.
 Nagagamit ng wasto ang mga
pang-ukol na ni, nina, kay, at kina.

Guro: Mga bata basahin natin ang mga


sumusunod na pangungusap.
1. Isang araw may ligaw na halaman na
tumubo sa bakuran ni Mang Ninoy.
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

2. Tahimik ang pag-uusap nina Upo at


kaibigang Hangin..
3.Hindi nagustuhan ni Upo ang ginawa sa
kanya.
4. “Umihip ka nang malakas upang
mahulog ako sa lupa”, ang hiling ni Upo :Babasahin ang mga pangungusap sa
kay kaibigang Hangin. monitor.
5. Dahil kina Mang Ninoy, Hangin at aso
natutunan ni Upo na tanggapin ang
kanyang sarili.

Guro: Mga bata ano ang inyong napansin


sa bawat pangungusap?

Guro: Anu-ano kaya ang mga salitang may :”May mga salitang nakasalungguhit po
salungguhit? titser.”

Guro: Mahusay! Ano ang gamit ng mga


salitang ito sa pangungusap?
:”Ang mga salitang may salungguhit po ay
ni, niya, kay, at kina.”

:”Ang mga salitang ito ay ginagamit na


pang-ugnay ng pangngalan sa iba pang
Guro: Tumpak! Ang ni at nina, kay at kina bahagi ng pangungusap.”
ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
Pang-ukol. : “Ito naman po ang ginagamit kapag
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

nagpapahayag ng pag-uugnay ng mga


Guro: Ang mga salitang ating pinag- bahagi ng pangungusap.”
aaralan ay mga salitang nag-uugnay ng
pangngalan sa iba pang bahagi ng
pangungusap.
Pang-ukol na ni at nina, kay at kina
- Nagmamarka ng pagmamay-ari o
nagmamarka ng pansariling
pangalan.

Marami pang mga halimbawa ng pang-


ukol tulad ng, ng, nang, para sa, ukol sa,
hinggil sa, ayon sa at marami pang iba.

(Magdagdag ng mga katanungan


hanggang sa lubos na maunawaan ng
mga mag-aaral.)

Guro: Ngayon mga bata ay sagutin natin


ang mga sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Punan ng wastong pang-ukol na


ni, nina, kay at kina ang mga patlang sa
pangungusap.

1. Masarap ang luto _____ Nanay.


2. Pedro ibigay mo _____ Celso ang
regalong ito.
3. Matamis na mangga ang bitbit ni Anna
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

para _____ Tiya Linda at Tiyo Gustin.


4. Natanggap _____ Esther at Juana ang
mensahe sa kanilang mga “Facebook
Accounts”.
5. Mamahalin ang bag ____ Monica.
: ni
Guro: Magaling mga bata!
: kay
Panuto: Bumuo ng mga payak na
pangungusap na ginagamitan ng mga : kina
pang-ukol tulad ng ni, nina, kay, at kina.
Bibigyan ko kayo ng labinlimang minuto. : nina
(Limang pangungusap lamang.)
:ni
(Pagkatapos ng 15 minuto.)

Guro: Ang nakatakdang oras ay natapos


na, mga bata pakipasa ang inyong mga
papel sa harapan. :Magsusulat ng mga pangungusap.

Guro: Magkita-kita tayo bukas. Paalam. :Ipapasa ang mga papel.

III. Pagpapalalim :Paalam na po titser.

IKAAPAT NA ARAW
Mga Layunin:
 Natutukoy ang pang-ukol na para
sa at ayon sa.
 Nagagamit nang wasto sa
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

pangungusap ang mga pang-ukol.

Pagbabalik-aral:
Guro: Mga bata anu-ano ang mga pang-
ukol na napag-aralan natin kahapon?
:”Pang-ukol na ni, niya, kay, at kina po
titser.”
Guro: Mahusay! Ngayong araw ay
tatalakayin naman natin ang mga pang-
ukol na para sa at ayon sa.
B. Pagtatalakay
(Ipapakita sa monitor ang kahulugan ng
mga pang-ukol.)
Pang-ukol:
ayon sa – ginagamit upang iukol ang mga
pananalitang tinuran ng isang may
kapangyarihan o sanggunian.
Hal. Ayon sa mga siyentipiko,
mararanasan natin ang “Global Warming”
sa panahong ito.

para sa – ginagamit upang ipakilala ang


pangngalan na inilalaan o inuukol sa isa
pang bahagi ng pangungusap.
Hal. Ang mga laruan ay para sa mga bata. :Magbibigay ng halimbawa.

Guro: Mga bata ngayon ay kayo naman


ang magbigay ng mga halimbawa.
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

C. Paglalapat
Guro: Mga bata naunawaan ba ninyo ang
wastong gamit ng mga pang-ukol na para
sa at ayon sa?

Guro: Kung gayon ay sagutin natin ang


mga karagdagang pagsasanay.

Guro: Buksan ang inyong aklat at hanapin


ang pahina 378, sagutin sa inyong mga
kuwaderno ang Gawain A at B. bibigyan :Sasagutin ang Gawain A at B.
ko kayo ng sampung minuto.

(Pagkatapos ng sampung minuto.)

Guro: Mga bata tapos na ang inyong


sampung minuto, Pumila na kayo upang
ma-tsek ko na ang inyong mga
kuwaderno.

D. Paglalahat
Guro: Mga bata, anu-ano ang inyong
natutunan sa araw na ito?

:Natutunan po namin ang mga pang-ukol


Guro: Magaling! Marami pang mga pang- na para sa at ayon sa.
ukol ang ating mapag-aaralan pagdating
ng mga araw. Sa ngayon iyan lang muna.
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

Paalam mga bata.

IV. Transfer
:Paalam na po titser.
IKALIMANG ARAW

Mga Layunin:
Nababaybay ng wasto ang mga
salitang may tatlo hanggang apat
na pantig.

A. Pagganyak at Balik-aral:
Magpapakita ng isang “video clip” tungkol
sa pang-ukol.

(Pagkatapos manood.)
Guro: May natutunan po ba kayo tungkol :Manonood ng video clip.
sa napanood ninyo.

Guro: Mga bata sa ating mga pinag-aralan :”Opo titser.”


noong mga nakaraang araw maari ba
ninyong sagutin ang mga sumusunod na
tanong?
Anu-ano ang mga
pangyayaring naganap sa
kuwentong napakinggan.
Ano ang pang-ukol?
:Sasagot sa mga tanong.
Anu-ano ang mga halimbawa
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

ng pang-ukol?
Paano gagamitin ng wasto ang
mga pang-ukol sa
pangungusap.

Guro: Mga bata lubos ba ninyong


naunawaan ang kahulugan at gamit ng
mga pang-ukol?

:”Opo titser.”
Guro: Ngayon naman ay magkakaroon
tayo ng pagbabaybay. Handa na po ba
kayo mga bata?

Guro: Kung gayon ay kumuha ng isang


buong papel at isulat ang baybay ng mga
salitang aking ituturan.
1. naligaw
2. hiniling
3. tanggapin
:Isusulat sa papel ang mga salita na may
4. tinapakan
tamang baybay.
5. nasira
6. umihip
7. pinulupot
8. sarili
9. nalagot
10. abono

Guro: Ngayon mga bata magpalitan kayo


KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

ng papel sa inyong katabi at susuriin natin


kung tama ang inyong pagbabaybay. Sino
ang makapagbabaybay ng salitang: :Magtataas ng kamay upang sumagot.
1. naligaw
2. hiniling
3. tanggapin
4. tinapakan
5. nasira
6. umihip
7. pinulupot
8. sarili
9. nalagot
10. abono

Guro: Magaling mga bata, nasagutan niyo


nang wasto ang ating pagbababay.

Guro: Hanggang dito na muna ang ating


pag-aaralan. Paalam mga bata.

:”Paalam na po titser.”

Mga Kagamitang Pampagturo:

“Story Board”- naglalaman ng kuwento na may pamagat na “Tanggapin ang


Sarili”
“Story Map”- kung saan isusulat ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa napakinggang kuwento
Manila Paper at Cartolina- na naglalaman ng mga layunin sa bawat araw at mga
kasanayang pagpapayaman
KING’S COLLEGE OF MARBEL, INC.
9506 City of Koronadal, South Cotabato
PHILIPPINES
Tel. No. 228-1922

LCD Monitor, Laptop, yeso at pisara

Banghay-aralin

sa

Filipino 2
Ipinasa nina:
1. Banila, Rechell I
2. Pradas, Joan M.
3. Quilla, Jolyn Gay P.
4. Hilado, Hazel
5. Arcallo, Novy Joy

Ipinasa kay: Gng. Leizle F. Parcon

You might also like