You are on page 1of 7

Epekto ng pagiging Estudyanteng Atleta sa Academic Performance

Ng Senior Highschool sa Asiatech College

A.Y 2019-2020

Pananaliksik Bilang Pag-aaral

sa Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino

MANANALIKSIK:

Almajeda, Kalyn Mackenzie P.

Masandero, Darius A.

Reyes, Ian Rose C.

Ricafrente, Maricar A.

Sta.Maria, Andrei

Ipinasa Kay:

Bb. Cherry Rose R. Intia


Kabanata 1:

Ang Suliranin at Sandigan nito

1. Panimula o Kaligiran ng Pag aaral

Dalawang mundo ang ginagalawan at inaasahang pagtatagumpayan ng isang

estudyanteng atleta: ang mundo ng kompetisyon sa kaniyang larangan at ang mundo sa

loob ng silid-aralan(The Varsitarian,2008). Ang edukasyon ay sadyang mahalaga sa mga

mamamayan ng lipunan, noon hanggang ngayon. Ang edukasyon ay ang pinakamatibay

na pundasyon ng isang tao. Ito rin ang tanging bagay na maaari nating dalhin saan man

tayo pumunta at walang sinumang maaaring makaagaw nito sa atin. Lahat naman tayo ay

gustong makapasa at makakuha ng markang nais nating matanggap. Nais nating gawin

ang lahat ng ito para sa ating kinabukasan. Ano man ang kailangan nating gawin ay

gagawin talaga natin para lang makamit natin ang ating mga minimithi. Ganito kahalaga

sa lipunan ang edukasyon, dahil dito, ang kagawaran ng edukasyon o DePED ay

pinaglalaanan ng malaking pera ng ating gobyerno. Subalit hindi lamang akademiko ang

kailangan upang maitaguyod ang isang balanse at produktibong estudyante, kailangan din

ng estudyante na maipamahagi at mapaunlad ang kanyang angking mga kakayahan at

mga talento.

Ang libangan o isports ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga tao

upang mas higit na magamit ang kanilang kakayahan, upang maging bahagi ng isang

nakikiisang grupong nagpupunyagi, upang maranasan ang tuwa, at kung minsan ang

lungkot sa pagkapanalo at pagkatalo. At karagdagan pa, ang pakikipagpaligsahan ay

simpleng nakakatuwa. Naghahanda ito sa mga indibidwal na harapin ang mga pagsubok
sa buhay at upang matutong tumugon ng positibo sa pagharap sa hamon at pagbabago

(Reeve, wp).

Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang nawiwiling sumali sa mga

programang pang-ekstra kurikular sa kani-kanilang mga paaralan katulad na lamang ng

isport. Ang isport ay isang gawain o interes na nagbibigay ng maraming positibong

pagkakataon sa mga mag-aaral, isa na dito ay ang pagkakataong mabago ang hubog ng

pisikal na katawan sa pamamagitan lamang ng paglalaro . Gayunpaman, maaari rin itong

maging sanhi ng ilang problema gaya ng kawalan ng gana sa klase at hindi na

nabibigyang pansin ang kanilang pag-aaral. Ang paglalaro din ay nakakasama sa

kalusugan lalo na kapag sumobra maaaring maaksidente gaya ng pagkabali ng buto,

mapilyan at iba pa. Nagdudulot din ito ng kawalan ng oras sa pamilya dahil mas gusto pa

nilang maglaro kesa makasama ang kanilang pamilya.

  Ang pagiging kalahok sa isports ay hindi madali at nangangailangan ito ng tamang

disiplina. Nararapat lamang na pag-aralan ang epekto ng pagiging estudyanteng atleta sa

akademik performans ng mga mag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng kaalaman ang

iba pang mag-aaral na hindi madali at basta-basta ang buhay ng isang atleta.  

2. Suliranin ng Pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman hindi lamang ng mga

estudyanteng atleta ng Senior High sa Asiatech College kundi malaman din ng iba pang

mananaliksik ang epekto ng kanilang paglalaro sa kanilang akademic performance.

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral batay sa;

1.1 Edad?
2. Paano nakaka apekto ang mga sumusunod sa academic performance ng mga atleta?

1.1 Pagsasanay;

1.2 Paligsahan;

1.3 Pamamahala ng Oras;

3. Anu-ano ang kaugnayan ng demograpikong profayl sa epekto ng academic


performance ng mga atleta?

3. Kahalagahan ng Pag aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang maunawaan ng mga mananaliksik ang

natipon na impormasyon sa nararamdaman ng mga estudyanteng atleta tungkol sa

paksang ipinakita.

Layunin nitong makatulong sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral sa loob at labas ng Asiatech College, ito ay magiging gabay sa

kanila upang malaman ang ganap na sitwasyon sa pagiging isang atleta at estudyante.

 Sa mga atletang mag-aaral, layunin ng pananaliksik na ito na ipaunawang mabuti

ang maaaring maidulot ng pagsali sa isports sa akademik performans.

 Sa mga guro na siyang nagsisilbing magulang sa paaralan ng mga mag-aaral,

magiging mahalaga ito upang mabatid nila ang buhay ng isang mag-aaral na atleta at

nang sila’y makapagbigay ng payo upang hindi maapektuhan ng isports ang

akademik performans ng mga mag-aaral.

  Sa mga mambabasa at mga mananaliksik sa hinaharap, magiging mabisang

gabay ito upang matugunan ang kanilang mga katanungan hinggil sa isyung ito.
4. Saklaw at Delimitasyon

 Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral na ito upang malaman ang epekto

ng pagiging isang atleta sa mga mag-aaral ng Senior Highschool ng Asiatech College.

Ang bilang ng mga mag-aaral na magiging bahagi sa pananaliksik na ito ay labing-

isa(11) na babae at labing-apat(14) na lalaki na may kabuuang dalawang pu’t lima(25) na

kalahok sa volleyball ng Asiatech College.


5. Batayang konseptuwal o Teoretical na Gabay
6. Pagbibigay Kahuluguhan sa mga Katawan o Terminolohiyo

RRL

https://varsitarian.net/sports/sports/20081117/academics_vs_athletics

You might also like