lalo na kung wala kang gaanong alam sa iyong pinagaaralan. May bagyo, umulan man o umaraw kailangan mong matuto, nakalagay sa kanya ang iyong kaisipan at kaalaman tungo sa isang matagumpay na bukas. Kapag ikaw ay tinatamad o kaya nag papahinga sa isang nakakapagod na araw o di kaya`y nag papalipas oras lamang, siya ang kunin mo, makakatulong siya sa iyo para maalis ang pagod o kaya ay malibang mo lamang ang iyong sarili. Isang bagay ngunit mas madaming bagay ang matatamo kung ito ay gamitin at pakinabangan tungo sa ikakatagumpay na gamitin, linangin, palaguin, nang dahil sa tulong niya, patungo ka sa isang maliwanag na kinabukasan. Gamitin mo siya bilang panangga ng laban sa nag tatanong sayo, gamitin mong tropeyo sa iyong paghihirap. Gamitin mong inspirasyon upang makapag pursigi ka`t makapag tapos. Tutulungan ka niya, wag ka nang magakila aakapin ka niya, hand aka niyang payuhan, bigyan ng kaalaman na di mo pa natututunan, ilalagay ka niya sa tuktok na iyong nais. Pagyamanin mo siya, maglaan ng oras para sa kanya sasaya at giginhawa ka, pasalamat ka sa kanya kung wala siya wala ka, wala ako, wala tayong kaalamanna dapat nating malaman. Gagabayan tayo nito sa isang maliwanag at komportableng pamumuhay.