You are on page 1of 17

Sayaw ng Kasal

Ni Amador T. Daguio
Salin sa wikang Filipino ni Honorato I. Cabrera Jr.
Sinuri ni Raquel O. Abyado batay sa Speech Acts ni Searle

Panimula

Ang kuwentong susuriin ay ang “Sayaw ng Kasal”. Sinulat ito sa wikang Ingles ni Amador

T. Daguio at isinalin naman sa wikang Filipino ni Honorato I. Cabrera Jr. Ang kuwento ay umikot

sa pangunahing tauhan na sina Lumnay at Awiyao na sa kabila ng matinding pagmamahal sa

isa’t-isa ay naghiwalay dahil sa umiiral na kultura sa kanilang tribo.

Ayon kay Mr. Wasing Sacla, dating vice-governor ng Probinsya ng Benguet tungkol sa

legalidad ng paghihiwalay ng mag-asawa noong 1950’s :

"A couple who wish to divorce due to infertility of either one of the partners is allowed by the

law. A husband who divorces a wife without any valid reason will have to leave all properties to the

children and the wife, this is another law."

Ang kuwento ay nagpapakita ng kaugalian ng mga katutubo hindi lamang sa Ifugao kundi

sa iba ring bahagi ng Cordillera na kung ang mga mag-asawang hindi pinalad na mabibiyayaan ng

anak sa loob ng ilang taong pagsasama ay maaring maghiwalay at mag-aasawang muli upang

magkaroon sila ng anak na magiging tagapagmana nila. Ang kaugaliang ito ay mula sa kanilang

sinaunang batas na bagama’t hindi naisulat ay naipasa naman ng kanilang mga ninuno sa kanila.

Si Amador Daguio ay premyadong manunulat na mula sa bayan ng Laoag, Ilocos Norte

ngunit siya ay lumaki sa Lubuagan, Kalinga (noon ay probinsya ng Mt. Province). Bagaman at

hindi taal na Cordilleran, si Amador T. Daguio naman ay lumaki at nagkaisip sa kabundukan kung

kaya bihasa siya sa mga kaugalian ng mga taga-bundok. Maliban sa kuwento niyang “Wedding

Dance”, siya ay sumulat din ng tula na pinamagatang “The Flaming Lyre” na ayon sa kanyang

anak na si Danny Daguio ay isang paghula sa kanyang kamatayan. Bukod sa kanyang mga

sinulat, pinag-aralan din niya ang Hudhud Hi Aliguyon bilang kanyang tesis sa Stanford University

sa California. Anim na taon mula nang siya ay mamatay, ginawaran siya ng Republic Cultural

Heritage Award.
Ang kuwentong “Wedding Dance “ ay sinulat ni Daguio taong 1952 noong siya ay

kumukuha ng kanyang Master’s Degree in English sa Stanford University sa California bilang

Fullbright Scholar ( Facebook page ni Amador T. Daguio, Filipino poet & short story writer in

English) . Nang mga panahong iyon, ang batas na sinusunod ng mga katutubo ay ang hindi

nasusulat na batas ng kanilang mga ninuno. Ang paghihiwalay at pag-aasawang muli ay

kinikilalang legal kung ito ang mag-asawa ay hindi nagkaanak.

Ang pamagat na “Wedding Dance” o “Sayaw ng Kasal” ay mula naman sa isang tradisyon

ng mga katutubo kung saan ipinagdiriwang nila ang anumang okasyon sa kanilang buhay sa

pamamagitan ng pagsayaw ng kanilang katutubong sayaw. Ginamit ang sayaw ng kasal sa

kuwentong ito bilang isang mahalagang simbolo ng pagtatapos sa buhay-mag-asawa nina Awiyao

at Lumnay at pagsisimula naman ng bagong buhay kina Awiyao at Madulimay.

Susuriin ang kuwentong ito sa pamamagitan ng akto ng pagsasalita upang malalimang

masuri ang mga nakatago at lantad na mga pahayag at mabigyan ang mga ito ng kaukulan at

karagdagang pagpapaliwanag.

Balangkas ng Konsepto

Ang wikang ginagamit sa araw-araw ay nakabatay sa ating layunin sa pagsasalita. (

Badayos , 2011). Ang mga wikang ating ginagamit ay katulong natin sa paghahatid ng kaisipan at

damdamin sa ating kausap. Sa pamamagitan ng wika ay napapanatili din natin ang magandang

ugnayan natin sa ating kapwa tao.Ginagamit din ng tao ang wika upang maipagawa sa mga tao

ang ating nais mangyari. Nakakalikha din tayo sa pamamagitan ng wika.

Ang mga salita ay hindi lamang mga simpleng salita. Ang mga ito ay mula dumaan sa

pagbabago dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ang pagkakabuo ng salita ay bunga ng

simbolikong konsepto ay kailangang lagyan ng simbolikong tinig (Saussure 1959). Sa

pagkakagamit ng tao ng mga salita, naisasama niyang nagagamit ang ibang pilosopikal na

katangian, tungkulin ng wika kasama na ang kulturang kanyang kinalakhan at mga karanasanang

nakapaloob dito. Kaya sa paggamit niya ng mga salita, kasamang ginagamit niya ang mga kultural
na representasyon ginagamit ng isang pangkat o grupo ng tao na namumuhay tulad nya na may

ganoon ding karanasan.

Ang pagsusuri sa kuwentong “Sayaw ng Kasal” ay batay sa Speech Act Theory. Ito ay ang

akto ng pagsasalita na may ganap na tungkulin sa wika at komunikasyon. Ito ay tumutukoy din sa

paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos maging ito man ay

paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala, paghihimok at iba pa. Nakabatay sa isang premis na

ang wika ay isang mode of action. Ito rin ay isang paraan ng pag-convey (pagdala) ng

impormasyon.

Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi

ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo,

salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts. May tatlong

komponent ang mga aktong linggwistik, Ang una ay ang Aktong ilokyusyonari o akto ng

pagsasabi ng isang bagay. (May kahulugan) Ang ikalawa ay Aktong ilukyusyonari o ang

pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng bagay.(May pwersa) .Pangatlo naman ang

Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga

tiyak na konsikwensyal na epekto. (May Konsikwens)

Ayon kay Austin na binanggit ni Roberto Ampil (2011), epektibo lamang ang pahayag kung

sinabi o binigkas ito ng tamang tao sa tamang pagkakataon, at nauunawaan ng ibang tao kasali

sa pag-uusap. Dagdag pa niya, ang intensyon at kalagayan ng pag-iisip (state of mind) ng ispiker

ay sekondaryo lamang ng gawain.

Samantala, ang pag-aaral naman ni Searle ay tumutugon sa mahahalagang katanungang

may kaugnayan sa imbentaryo at klasipikasyon ng akto (acts) na alam ng tao at ang pamamaraan

na ang isang pahayag ay maaaring iugnay sa higit pang akto. Ayon sa kanya, upang maunawaan

ang wika kailangang maunawaan muna ang intensyon ng ispiker.

Gagamitin sa pagsusuring ito ang balangkas ng pagsusuri sa akto ng pagsasalita ayon kay

ni Searl. Nangangailangan ito nang malalimang pag-unawa upang makabuo ng sariling

pagpapalagay sa mga pahayag. Susunod na susuriin ang mga pahayag upang makabuo ng mga
haka-haka o palagay sa totoong kahulugan ng mga pahayag na binitawan ng mga tauhan sa

• Mga hindi • Mga Aktong


direktang ilokosyunari
Pahayag sa • pagsusuri batay
Kuwento sa teorya ng
Akto ng
Pagsasalita

kuwento.

Pigura I. Paradima ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral ito na masuri ang mga pahayag ng mga tauhan sa kuwento.Ang

pagsusuri ay isasagawa sa mga hindi lantarang pahayag mula sa kuwento. Isasailalim ito sa pag-

aanalisa gamit ang teorya ng akto ng pagsasalita. Ang pagsusuri sa mga pahayag batay sa akto

ng pagsasalita ay makatutulong upang maunawaan ang sinasabi ng mga tauhan. Ang pag-aaral

sa mga salita ayon sa akto ng pagsasalita ay may malaking maiaambag upang mas mapalalim pa

ang gagawing pagpapakahulugan sa kuwento.

Sayaw ng Kasal
Ni Amador Daguio
Salin-Filipino ni Honorato I. Cabrera Jr.

Inabot ni Awiyao ang pahalang na troso na nagsisilbing dulo sa may taas na bukana ng
pintuan. Kumapit siya sa troso, itinaas ang sarili paakyat sa pinto. Binuksan niya ang harang at
pumasok sa loob at sinarang muli ang harang. Matapos ang ilang saglit na animo’y kanyang
hinihintay, nagsalita siya sa nakikinig na kadiliman.

“Patawad, ito ay nangyari . Ako’y patawad pero sino man sa atin ay makatutulong.”

Ang tunog ng mga gangsa ay umuugong sa dingding ng madilim na bahay na parang


nagpapahina sa agos ng dumausdos na tubig. Ang babae, nagsimulang kumilos sa pagbukas ng
pinto, napapakinggan ang tunog ng mga gangsa pero di namalayan kung gaano na ito katagal.
Ang pagdudumali ng mayamang tunog nang mabuksan ang pinto ay parang talim ng apoy na
tumama sa kanya. Walang mapapansing bakas sa kanya na naririnig niya si Awiyao kundi ang
patuloy sa pagsasawalang-kibo sa isang sulok ng kadiliman.
Ngunit batid ni Awiyao na narinig siya nito at ang puso niya ay nahabag sa babae.
Gumagapang siya sa apat na sulok ng silid; alam niya kung saan nakapwesto ang pugon. Inalis
niya sa mga lantad na daliri ang takip ng baga at hinihipan ito para mag-apoy. Nang ang mga
alipato ay magkasinag na, dinagdagan ni Awiyao ang mga piraso ng puno, mga kahoy na
kasinlaki ng kanyang braso. Ang kabuuan ng silid ay lumiwanag.

“Bakit di ka lumabas,” ang wika ni Awiyao, “at samahan sila sa pagsayaw?”

Nakadama siya ng matinding kirot sa sarili, dahil ang sinabi niya ay hindi ang kanyang
nasasaloob at ang di pagkibo ng babae. “Samahan mo ang mga sumasayaw,” wika niya, “na
parang walang nangyari."

Tiningnan niya ang babae na nagsusumiksik sa isang sulok ng silid, nakasandal sa


dingding. Ang apoy sa pugon ay may kakaibang kilos ng anino at ilaw sa kanyang mukha. Siya ay
nagtatampo, subalit hindi sa galit o pagkamuhi.

“Lumabas ka at sumayaw, kundi mo ako kinamumuhian sa ganitong paghihiwalay, lumabas


ka at sumayaw. Isa sa mga lalake’y makakapansin sa maganda mong sayaw;magugustuhan niya
ang iyong pagsasayaw;pakakasalan ka niya. Malay natin, dahil sa kanya, magiging masaya ka
kaysa kung ika’y nasa ‘kin?”

“Hindi ko gusto ang sinumang lalake,” ang maharas niyang tugon. “Di ko gusto ang ibang
lalake.”

Nakahinga siya ng maluwag, dahil kahit papaano’y nagsalita siya. “Tunay mo ring alam na
ayaw ko ng ibang babae. Alam mo yan, di ba?

Hindi siya sumagot.

“Alam mo ‘yan, Lumnay di ba?” sa kanyang pag-uulit.

“Oo, alam ko,” ang mahina niyang sagot.

“Hindi ko kasalanan,” ang sabi niya, kasunod ang malalim na hininga. “Hindi mo ako
masisisi. Naging mabuti akong asawa sa iyo.”

“Sinisisi mo ba ako?” ang sagot niya. Parang mahuhulog na ang kanyang nangngigilid na
luha.

“Hindi, naging mabuti ka sa akin. Naging mabuti kang asawa sa akin. Wala akong
masasabing laban sa iyo.” Inayos niya ang nasusunog na kahoy sa tamang anggulo. “Kung di ang
lalaki’y dapat na magkaanak ang pitong anihan ay napakatagal na para maghintay. Oo, naghintay
tayo nang napakatagal. Mayroon pang ibang pagkakataon para sa atin bago mahuli ang lahat.”
Sa saglit ay kumibo ang babae, iniunat ang kanyang kanang binti palabas at iniyuko ang
kaliwa papasok. Binalot niya ang kanyang katawan sa lana.

“Batid mo ring ginawa ko ang lahat ng makakayang gawin,” ang sabi niya.

“Taimtim akong nagdarasal kay Kabunian. Nag-alay ako ng maraming manok sa aking mga
panalangin.”

“Oo, alam ko.”

“Natatandaan mo pa nang minsan kang magalit, nang dumating ka ng bahay galling sa


trabaho sa terese dahil pinatay ko ang isa sa ating mga baboy walang permiso. Ginawa ko ‘yon
upang maawa si Kabunian, dahil tulad mo, gusto ko ring magkaanak. Pero ano ang magagawa
ko?”

“Nakikita ni Kabunian na di tayo magkakaanak,” ang wika ni Awiyao. Hinalo niya ang apoy.
Ang bulwak ay tumaas sa kaluskos ng apoy. Ang usok at uling ay humalik sa bubong.

Lumingon pababa si Lumnay at di namalayang hinihila na niya ang rattan na nagdudugtong


sa sahig na gawa sa kawayan. Hinatak niya ito sa sahig. Ginawa niya ito at tumaas ang hiwang ng
kawayan at ang pagbagsak nito ay nakagawa ng bahagyang kaluskos. Ang mga gong ng mga
sumasayaw ay humihiyaw sa kanyang mga tenga na nakalapit sa dingding.

Pumunta si Awiyao kung saan siya nakaupo, huminto sa harap niya at pinagmasdan ang
,malatanso at tatag ng mukha, pagkatapos ay bumaling sa mga banga na puno ng tubig. Kumuha
si Awiyao ng bao na kanyang isinalok sa taas ng banga at uminom. Pinuno ni Lumnay ng tubig
ang mga banga sa maliit na ilog ng bundok sa pagtatakip-silim.

“Umuwi ako sa bahay,” sabi niya, “Dahil di kita nakita sa mga sumasayaw. Siyempre, hindi
kita pinilit na pumunta kung ayaw mong sumama sa seremonya ng aking kasal. Naparito ako
para sabihin sa iyo na si madulimay, kahit pakakasalan ko, ay di kalianma’y makahihigit sa iyo.
Hindi siya makatakas sa pagtatanim ng mga binhi, pero mabilis sa paglilinis ng mga banga ng
tubig, d rin kasing husay sa pagpapanatili sa kalinisan ng bahay. Ikaw ay isa sa pinakadakilang
asawa sa buong kanayunan.”

“At wala mang kabutihang naidulot sa akin, meron ba?” Ang wika niya. Tiningnan
niya ang lalaki nang buong pagsuyo. Halos gusto na niyang ngumiti.

Nilagay niya sa buong sahig ang bao at lumapit sa kanya. Ginagap niya sa
dalawang kamay ang mukha ng babae at tiningnan niya ito nang may pananabik sa kanyang
kagandahan. Pero ang mga mata nito ay umiwas. Di na niya mahahawakan pa ang maganda
nitong mukha. Sa susunod na araw ay di na niya ito pag-aari. Babalik na siya sa kanyang mga
magulang. Dahan-dahang inalis ang paghawak sa kanyang mukha kasabay ng muling pagyukod
ni Lumnay. Pinagmasdan niya ang kamay nito at marahang hinatak mula sa pagkakapinid sa
kawayang sahig.

“ Sa iyo ang bahay na ito,” wika niya. “Itinayo ko ito para sa iyo. Gawin mo itong iyo.
Dumito ka hanggang gusto mo. Magtatayo ako ng bahay para kay Madulimay.”

“Di ko kailangan ng bahay.”marahan niyang tugon. “uuwi ako sa sarili kong bahay.
Matanda na ang aking mga magulang. Kailangan nila ang tulong sa pagtatanim ng mga binhi, sa
pagbabayo ng bigas.”

“Ibibigay ko sa iyo ang lupang pinagyaman ko sa bundok no’ng unang taon ng ating
pagsasama, “ ang sabi niya.

“Alam mong ginawa ko ‘yon para sa ‘yo. Tinulungan mo ako sa paggawa para sa
ating dalawa.”

“Wala akong paggagamitan ng bukid,” sagot niya.

Tiningnan niya ang babae at tumalikod. Bumalot ang katahimikan. Ilang sandali rin
silang walang imik.

“Bumalik ka na sa sayawan,”udyok ng babae . “Hindi tama sa iyo na nandito ka.


Magtataka sila kung nasaan ka na at di ito maganda sa damdamin ni Madulimay. Bumalik ka na
sa sayawan.”

“Makagagaan sa loob ko kung sasama ka at sasayaw sa huling pagkakataon.


Tumutugtog ang mga gangsas.”

“Batid mong di ko magagawa.”

“Lumnay, sa malumanay na sabi, “Lumnay, kung nagawa ko man ito ay dahil sa


pangangailangan kong magkaanak. Alam mong walang katuturan ang buhay kapag walang anak.
Pagtatawanan ako ng mga kalalakihan kapag ako’y nakatalikod. Alam mo iyan.”

“Alam ko, “sabat niya. “Idadalangin ko kay Kabunian na pagpalain kayo ni


Madulimay.”

Kinagat nito ang labi niya, napahilig ang ulo’t humikbi.

Naalala niya ang pitong anihan na lumipas, ang malaking pag-asang tangan nila sa
pagsisimula ng kanilang buhay. Ang araw na itinanan at iniayo siya sa kanyang mga magulang sa
may tawid ng batis sa kabilang mukha ng bundok, an pag-akyat sa masukal at maladambuhalang
ilog na tumatatak sa kanyang isip, ang malakas na agos ng tubig na parang walang katapusan,
ang ungol ng nakabibinging kidlat na umaalingawngaw sa gilid ng maganit at matarik na dalisdis.
Malayo na ang narrating nila pero ngayon ay hangganan at dapat silang mag-angat sa mga
nagkukumpulang bato sa kanilang pagtuntong dito- ang pagkadulas ay nangangahulugan ng
kamatayan.

Kapwa sila uminom ng tubig at nagpahinga sa may sapa bago nila ginawa ang
huling pag-akyat sa kabilang bahagi ng bundok.

Pinagmasdan niya ang maamong mukha habang nilalaro-laro ang apoy sa pugon-
matikas at hirap pero maamo pa rin. May maganda siyang paraan sa pagsasabi ng mga bagay-
bagay, na madalas kinagigiliwan ng mga kanayon. Gaano nga baniya ipinagmamalaki ang lalaki
na nagbigay sa kanya ng sigla? Ang kalamnang maigting at matikas. Malatanso at siksik na pigura
ng kanyang ulo-gaano katotoo ang bawat tingin nito? Pinagmasdan niya ang katawang nililok ng
bundok na limang lupain para sa kanya, ang malaki, malambot, malakas na parang pinalapad na
kumikinang na tipak; ang kanyang mga braso at hita na makikita sa kabuuan ng tikas ng
kalamanan, malakas siya, at dahil doo’y mawawala ito sa kanya.

Dagling inlapit ang kanyang sarili sa lalake at paluhod na kumapit siya dito. “Awiyao,
Awiyao, asawa ko! Sa kanyang pagluha. “Ginawa ko ang lahat para magkaanak,” ang
madamdamin niyang pahayag sa namamaos na tinig. “Tingnan mo ako” aniya. “Masdan mo ang
katawan ko. Napupuno ng pangako. Nakasasayaw, mabilis magtrabaho sa bukid, maliksing
nakakaakyat sa kabundukan. Kahit hanggang ngayon ay matikas at matipuno. Ngunit, Awiyao,
wala akong silbi! Dapat akong mamatay!

“Hindi makatarungan ang mamatay,” tugon niya, habang inaalalayan niya ito sa
kanyang braso. Ang kabuuan ng nagbabagang katawan at walang saplot na dibdib ay nanginginig
sa kaloob-looban ng kanyang damdamin; kumapit siya sa leeg nito at ang ulo ay isinandal sa
kanang balikat, at ang mahabang buhok ay nakahimlay sa lagaslas ng munting banaag sa dilim.

“Wala akong pakialam sa bukid,” aniya. “Wala akong pakialam sa bahay. Wala
akong kailangan ng lahat ng bagay. Kundi ikaw lang. Walang ibang lalake para sa akin.”

“Dapat kang magbunga.”

“Babalik ako sa aking ama. Mamamatay ako.”

“Kung gayon, ako ay iyong kinamumuhian,” sambit niya.”kapag namatay ka ibig


sabihin hindi mo ako mahal. Ayaw mo akong magkaanak. Ayaw mong mabuhay ang pangalan ko
sa ating tribo.”

Tahimik siya.
“Kung di ko sususbukan ang ikalawang pagkakataon,” paliwanag niya.
“Nangangahulugang ako’y patay na. Walang makakakuha sa bukid na ginawa ko sa mga
kabunduka; walang susunod sa akin.”

“Kung mabigo ka…..kung mabigo ka sa ikalawang pagkakataon” sa nag-aalala


niyang tugon. Garalgal ang kanyang tinig. “Hindi…ayokong mabigo ka.”

“Kung mabigo ako,”sagot niya.”babalik ako sa’yo at doon magkasama tayong


mamamatay. Kapwa tayo mawawala mula sa buhay ng ating tribo.”

Ang mga gong ay parang kidlat na bumabangga sa mga dingding ng bahay,


mataginting at malayo.

“Iingatan ko ang mga butil na kuwintas,” sabi niya.”Awiyao, hayaan mong ingatan ko
ang mga butil.”

“Ingatan mo ang mga butil. Galing pa iyan sa mga panahong nagdaan. Sinabi ng lola
ko na ang mga butil ay ay galling pa sa may kalayuang Hilaga, mula sa mga tgaong hapay na
mga mata sa ibayong dagat. Ingatan mo ang mga butil, Lumnay. Katumbas nila ang
dalawampung bukid.”

“ingatan ko sila dahil simbolo sila ng pag—ibig mo sa akin,” sagot niya. “mahal kita.
Minamahal kita at wala na akong maibibigay pa.” Inilayo niya ang kanyang sarili sa lalake, nang
marinig ang tinig sa labas na tumatawag sa kanya. “Awiyao! O Awiyao! Hinahanap ka nila sa
sayawan!”

“Hindi ako nagmamadali.”

“Pagagalitan ka ng mga nakatatanda. Mabuti pa’y umalis ka na.”

“Hindi ako aalis hangga’ di mo sinasabi na tanggap mo ito.”

“Tatanggapin ko.” aniya. “Ayos lang ako.”

Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. “Ginagawa koi to sa kapakanan ng tribo.”
Aniya.

“Alam ko,” tugon niya.

“Pumunta siya sa may pintuan.

“Awiyao.”

Napahinto siya na parang tinamaan ng palaso. Kasabay ng sakit na nadarama sa kanyang


paglingon. Bakas ang pagdurusa sa mukha ni Lumnay. Masakit sa kanya ang umalis, nagging
masaya siya sa piling nito. Ano ang nagtulak sa lalake, kundi ang kagustuhang magkaanak? Ano
nga ba ito sa buhay, sa trabaho sa bukid, sa pagtatanim at pag-aani, sa katahimikan ng gabi sa
tapat ng pag-uusap ng mag-asawa, sa kabuuang buhay ng tribo na lumikha sa lalake na
magkagusto sa ngiti at tinig ng anak? Kung sakaling mag-iba nag laman ng kanyang isip? Bakit
ang di nasusulat na batas ay nag-uutos, sa gayon, ang lalake, ay dapat maging lalake, dapat
magkaanak na susunod sa kanya? At kung di siya magbubunga-pero mahal niya si Lumnay.
Parang kinukuha ang kalahati ng kanyang kalahati kung iiwan niya ito sa masakit na paraan.

“Awiyao,” aniya, at ang mga mata niya’y may maluha-luhang ngiti sa sinag ng apoy, ang
mga butil!”

Lumingon siya at pumunta sa pinakamalayong sulo sa kanilang silid, sa baul kung saan
naroon nakatago ang kanilang mahalagang pag-aari ang kanyang pandigmang palakol at mga
palaso, ang kahoy na lagayan ng bungang mani at ang kanyang mga butil na kuwintas. Kinuha
niya sa nakakubling dilim ang mga butil na binigay sa kanya ng kanyang nuno upang ipagkaloob
ito kay Lumnay, itinungo ang ulo nito at isinuot ang kuwintas at tinaling mabuti. Bigla siyang
kumapit sa kanya, yumakap nang mahigpit na animo’y ayaw na niya itong pakawalan pa.

“Awiyao! Awiyao!, mahirap ito! Sambit niya, at ipinikit ang mga matang ikinubli ang mukha
sa leeg ng lalake.

Ang mga tawag sa labas ay muling narinig.

Ang pagkayakap niya kay Lumnay ay lumuwag at nagmamadali itong lumabas.

Matagal na nakaupo si Lumnay sa kubling dilim.

Saka tumungo sa pintuan at binuksan ito. Tumama sa kanyang mukha ang liwanag ng
gabi; sinisikatan ng liwanag ang buong lugar ng tribo.

Naririnig niya ang tunog ng mga gangsas sa malalaking kuweba ng ibang mga kabahayan.
Batid niyang ang lahat ng mga bahay ay walang tao, na ang tribo ay nasa sayawan. Siya lang ang
nag-iisang wala. At di nga ba siya, ang pinakamahusay na mananayaw sa buong kanayunan? Di
nga ba siya ang may indayog at gaan ng katawan? Di nga ba siya, naiiba sa lahat ng kababaihan,
sumasayaw na animo’y isang ibong naghahanap ng binhing matutuka sa lupa, magagandang
indak sa bawat pagpalo ng gangsa? Di nga ba humahanga ang mga kalalakihan sa lambot ng
kanyang mga katawan at pagkainggit ng mga kababaihan sa paraan ng pagkilos ng kanyang mga
kamay na parang pakpak ng agila sa kagubatan ngayon man at noon pa? Gaano na nga ba
katagal ang lumipas nang sumayaw siya sa sarili niyang kasal? Ngayong gabi, ang lahat ng babae
ay sasayaw, na minsa’y sa kanyang karangalan, sumasayaw sila ngayon sa ikararangal ng iba na
ang tanging hangad ay mabigyan ng anak ang kanyang asawa.
“Hindi ito matuwid. Hindi ito matuwid!” Pasigaw niyang sabi. “Paano ito nalaman ng
sinuman? Hindi ito matuwid!”

Bigla siyang nakadama ng lakas ng loob. Pupunta siya sa sayawan. Pupuntahan niya ang
pinuno ng tribo, sa mga nakatatanda, upang sabihin sa kanila na hindi ito matuwid. Si Awiyao ay
kanya, walang sinuman ang makapaglalayo nito sa kanya. Siya ang unang babae na magsasabi,
para labanan ang di nasusulat na batas, na ang lalake ay kumuha ng ibang babae. Pahihintuan
niya ang sayawan ng mga babae at lalake. Sasabihin niya kay Awiyao na bumalik sa kanya.
Siguradong maaawa ito sa kanya. Di nga ba’t ang pag-iibigan nila ay matibay tulad ng ilog?

Nasa kabilang ibayo siya ng tribo kung saan naroon ang sayawan. Mayroong sinag ang
apoy na nagsisilbing liwanag sa buong lugar; ang malaking siga ay nagliliyab. Ngayon, lalong
lumalakas ang tunog ng mga gnagsa na para siyang tinatawag. Sa wakas malapit na siya.
Nakikita niya nang malinaw ang mga sumasayaw. Bahagyang lumulukso ang mga lalake tangan
ang kanilang mga gangsa habang nakapalibot sila sa palapag ng mga nagsasayaw na mga babae
suot ang pampistang kasuotan at mga butil na kuwintas; lumilibot sa lupa na parang mga ibong
nagliliparan, sinusundan ng mga lalake. Nag-aalab ang kanyang puso sa nag-aapoy na tawag ng
sayawan. Ang kakaibang pintig sa kanyang dugo ay nabuhayan, at nagsimula siyang tumakbo.

Subalit ang liwanag ng apoy sa siga ay nag-uutos na siya’y tumigil. Mayroon bang nakakita
sa kanyang paglapit? Huminyo siya. Paano kung mayroong nakakita sa kanya? Ang apoy ng siga
ay lumulundag sa di mabilang na tilamsik na kumakalat at tumataas na parang dilaw na butil at
kusang namamatay sa gabi. Ang apoy ay umaabot sa kanya na parang kumakalat na ningning ng
buwan. Nawalan siya ng lakas ng loob para pigilin ang pista ng kasal.

Humakbang si Lumnay papalayo sa lugar ng sayawan, papalayo sa nayon. Naalala niya


ang pagbabagong bihis ng mga binhi na ginawa nila nila ni Awiyao bago ang ika-apat na
kabilugan ng buwan. Sinunod niya ang pagsubok ng nayon.

Pumunta siya sa mga agos ng kagubatan, maingat niya itong binaybay. Walang isa man
ang nag-abot ng kanyang mga kamay at napakalamig ang dumadaloy na tubig sa mga ilog. Ang
tahakin muli na namang paitaas, at siya ay inilawan ng sinag ng buwan sa mga anino ng mga
puno at palumpong. Dahan-dahan niyang inakyat ang bundok.

Nang makarating siya sa tuktok, nakikita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang nagliliyab
na siga mula sa malayo ang hiyaw ng mga gong, mayaman pa rin sa lakas ng tunog;parang
tinatawag siya sa malayo, kinakausap siya sa wikang di nagsasalitang pag-ibig. Nararamdaman
niya ang paghila sa kanya ng kanilang hiyaw, malapit sa damdamin na para bang sinasabi niya sa
kanya ang isang pagtanaw ng utang na loob sa ginawa niyang pagsasakripisyo. Ang pintig ng
kanyang puso ay nagmistulang tunog ng napakaraming gangsa.
Naalala ni Lumnay si Awiyao bilang si Awiyao na nakilala niya noon- isang malakas at
matipunong binate na dala-dala ang naglalangis na tanso pababa ng bundok tungo sa kanyang
tirahan. Nakasalubong niya ang binate nang isang araw na pinupuno niya ang tubig ang kanyang
bangang gawa sa lawad. Tumigil ito sa may bukal upang uminom at magpahinga. Pinainom niya
ang binata ng malamig na tubig ng bundok sa bao ng niyog. Pagkatapos ng pangyayaring iyon,
nagpasya ang binata na ihagis ang kanyang palaso sa hagdanan sa bahay ng ama ng dalaga
bilang palatandaan sa kanyang pagnanais na pakasalan ang dalaga.

Malamig ang gabi na bumabalot sa itaas ng bundok. Nagsimulang humihip ang hangin at
hagkan ang mga dahon ng mga halamang gulay. Humanap si Lumnay ng malapad na bato para
doon makaupo. Napapalibutan siya ngayon ng mga halaman at siya at nawala sa kanila.

Mga ilang lingo pa, ilang buwan, mga ilang panganihan. Ano nga bang katuturan?
Hinahawakan niya ang mga bulaklak ng halaman, malambot ang salat, malasutla. Pilak iyon sa
paningin, pilak sa bughaw na kulay, namumukadkad sa kaputian sa pagdating ng umaga. Ang
nababanat na balat ng binhi na lipos sa haba mula sa haba sa mga puso ng nalalantang tulutot ay
nagpapatuloy.

Ang mga daliri ni Lumnay ay tuminag ng matagal, matagal na sandali, sa mga sandaling
lumalaki ang mga balat ng halaman.

Pagsusuri sa Teksto

Ang pamagat na “Sayaw ng Kasal” ay isang mahalagang simbolo sa buhay ng dalawang

pangunahing tauhan na sina Lumnay at Awiyao. Sa pamamagitan ng sayaw ng kasal ay

nasimulan nila ang kanilang buhay-mag-asawa at sa pamamagitan din ng sayaw ng kasal, ang

kanilang pagiging mag-asawa ay natapos. Ang pagsayaw sa isang kasalan ay isang bahagi ng

ritwal ng mga Igorot upang ipaalam sa kanilang mga kalugar ang pag-iisang dibdib ng mag-

asawa.

Ang kuwentong ito ay isinulat noong 1952. Nang mga panahong iyon ay mas umiiral sa

mga taga-Cordillera ang hindi nasusulat na batas ng kanilang mga ninuno. Isa na rito ang

paghihiwalay ng mag-asawa kung makaraan ang ilang taon ng kanilang pagsasama ay hindi sila

nabiyayaan ng anak. Bagaman at sa kasalukuyang panahon ay hindi na ito katanggap-tanggap,

ito ay nasusunod noong mga panahong sinulat ang kuwentong ito.

Ang mag-asawang Awiyao at Lumnay ay hindi nabiyayaan ng anak sa loob ng pitong

anihan nilang pagsasama. Sa aking pagtatanung-tanong, maaring makapagtanim at makapag-ani


ang mga magsasaka sa Ifugao ng isa hanggang dalawang beses sa isang taon. Samakatwid,

kung sila ay nagsama ng pitong anihan at ang anihan noon ay dalawang beses isang taon, sila ay

tatlo at kalahating taong nagsama. Kung ang anihan naman ay isang beses sa isang taon, pitong

taon silang nagsama. Maging tatlo man o pitong taon silang nagsama, ang panahong iyon ay

sapat na upang malaman nila na hindi sila maaring magkaroon ng anak sa isa’t isa.

Ang kuwento ay nagsimula sa pagdating ni Awiyao sa bahay ni Lumnay at paghingi nito

kay Lumnay ng tawad. Inaanyayahan nito ang babae na dumalo sa sayaw ng kanyang kasal.

Mahihinuha sa unang bahagi pa lamang ng kanilang pag-uusap ang bigat ng suliraning

namamagitan sa kanila. Ito ay dahil sa paghingi ni Awiyao ng tawad kay Lumnay kasabay ng

pagsabing :

“ Patawad , pero sino man sa atin ay makakatulong.” Sa orihinal na teksto nito, ang

nakalahad ay “….neither of us can help it.”

Ito ay isang ekspresib na pahayag. Ito ay paraan ng paglalahad ni Awiyao ng kanyang

nararamdaman, paghingi ng tawad kay Lumnay at pagpaparamdam ng pagtanggap niya sa

katotohanan ng kanilang paghihiwalay.

Isa rin itong asertib na pahayag na naglalayong sabihin ang panuntunan ng tribong

kanilang kinabibilangan. Ipinahahayag niya na ang kanilang paghihiwalay ay kailangang mangyari

at hindi mapipigilan ng sinuman dahil ito ang hinihingi ng pagkakataon at siya ring itinakda ng

kanilang batas. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga katagang ito, naipahayag ni Awiyao na

ang batas na sinusunod ng mga katutubo sa Ifugao ay lubhang makapangyarihan. Sinasaklaw

nito pati ang damdamin ng mga tao. Mahihinuha ito sa pahayag na ito ni Awiyao na lahat ng mga

pangyayari sa kanilang buhay ay itinakda ayon sa kagustuhan ng kanilang diyos na si Kabunyan.

Naniniwala sila na kapag hindi sang-ayon si Kabunyan sa kanilang pagsasama, hindi sila

mabibiyayaan ng anak.

Ang naging paksa ng kanilang usapan sa kabuuan ng kuwento ay ang paghihiwalay nila.

Pinipilit ni Awiyao si Lumnay na unawain ang kaniyang pasiya na makipaghiwalay dito sapagkat

ito ang tawag ng kanilang kultura at bagaman at mahal niya si Lumnay, kailangan niyang iwan ito

sa ngalan ng kanilang tribo.


“Bakit di ka lumabas,” ang wika ni Awiyao, “at samahan sila sa pagsayaw?”

Ang pahayag na ito ni Awiyao ay isang direktib o pagtatangka ni Awiyao na pakiusapan o

utusan si Lumnay na dumalo sa sayaw. Ngunit kung pakalimiin, ito ay isang pag-alam ni Awiyao

kung ano ang saloobin ni Lumnay sa kanilang paghihiwalay. Sapagkat kung dadalo si Lumnay sa

kasal, nangangahulugan itong pagtanggap ng babae sa kanilang paghihiwalay. Patunay dito ang

sumunod niyang pahayag na ito:

“Lumabas ka at sumayaw, kundi mo ako kinamumuhian sa ganitong paghihiwalay, lumabas

ka at sumayaw. Isa sa mga lalake’y makakapansin sa maganda mong sayaw; magugustuhan niya

ang iyong pagsasayaw; pakakasalan ka niya. Malay natin, dahil sa kanya, magiging masaya ka

kaysa kung ika’y nasa ‘kin?”

Lubhang napakainsensitibo ng mga ekspresiv na pahayag na ito ni Awiyao. Alam niya na

mahal siya ni Lumnay at hindi magagawa ng babae na siya ay ipagpalit sa ibang lalake ngunit ito

pa ang nag-uudyok dito na magpaligaw at magpakasal sa ibang lalake.

Sinagot ito ni Lumnay ng:

“Hindi ko gusto ang sinumang lalake,” ang maharas niyang tugon. “Di ko gusto ang ibang

lalake.”

Masasabing ang pagmamahal ni Lumnay kay Awiyao at napakalalim dahil sa kanyang

ekspresib na pahayag na ito. Tanging si Awiyao lamang ang lalake sa kanyang buhay kahit na

siya ay iniwan ng kanyang asawa.

Sa pagpipilit ni Awiyao na kumbinsihin si Lumnay na dumalo sa sayawan ay nagtagal siya

sa bahay ni Lumnay. Sa gayon ay winika ni Lumnay ang ganito:

“Bumalik ka na sa sayawan,”udyok ng babae . “Hindi tama sa iyo na nandito ka. Magtataka

sila kung nasaan ka na at di ito maganda sa damdamin ni Madulimay. Bumalik ka na sa

sayawan.”

Para sa isang babaeng nasasaktan ay napakatapang ni Lumnay upang banggitin ang

ganitong mga kataga. Ito ay isang pautos o direktib na pahayag upang bumalik si Awiyao sa

sayawan. Alam ni Lumnay na makasasama kay Awiyao ang pananatili ni Awiyao sa kanilang
bahay sapagkat pagagalitan ito ng mga pinuno ng tribo. Maipapalagay mula sa pahayag na ito na

Lumnay na labis ang kanyang pagmamahal kay Awiyao. Kahit nasasaktan siya sa kanilang

paghihiwalay, hindi pa rin niya nagawang magalit sa kay Awiyao bagkus ay nag-aalala pa rin ito

sa kapakanan ng kanyang dating asawa at sa magiging asawa ng lalake.

Nang iiwan na siya ni Awiyao upang bumalik sa sayawan, umiyak si Lumnay at sinabing:

“Awiyao, Awiyao, asawa ko! “Ginawa ko ang lahat para magkaanak,” “Tingnan mo ako”

aniya. “Masdan mo ang katawan ko. Napupuno ng pangako. Nakasasayaw, mabilis magtrabaho

sa bukid, maliksing nakakaakyat sa kabundukan. Kahit hanggang ngayon ay matikas at matipuno.

Ngunit, Awiyao, wala akong silbi! Dapat akong mamatay!

Ito ay direktib na pahayag. Ito ang huling baraha ni Lumnay sa pagpapatuloy niyang

pangungumbinse kay Awiyao upang hindi siya iwan nito. Ipinapahayag ni Lumnay ang kanyang

saloobin tungkol sa kanilang paghihiwalay. Sinasabi niya na hindi siya dapat iwan sapagkat

nagagawa din naman ng katawan niya ang ibang gawain ng isang asawa maliban sa pagbibigay

ng anak. Isang pagtatangka ito ni Lumnay na baguhin ang pasya ni Awiyao o pagmamakaawa kay

Awiyao na hindi siya nito iiwan sapagkat ang tanging hindi maibigay nito ay anak.

“Awiyao! Awiyao!, mahirap ito! Sambit niya, at ipinikit ang mga matang ikinubli ang mukha

sa leeg ng lalake.

Ang ekspresib na pahayag na ito ay nagsasaad kung gaano kamahal ni Lumnay si

Awiyao. Alam ni Lumnay ang mangyayari na sila ni Awiyao ay maghihiwalay. Gayunpaman,

nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanang iyon.

“Hindi ito matuwid. Hindi ito matuwid!” Pasigaw niyang sabi. “Paano ito nalaman ng

sinuman? Hindi ito matuwid!”

Isang naghihimagsik na Lumnay ang inilalarawan ng ekspresib na pahayag na ito.

Nagagalit ang babae sa kung sinong tao ang nagpasimula sa kanilang batas na maaring

maghiwalay ang mag-asawang hindi magkaanak. Nagagalit siya sa pinuno ng kanilang tribo sa

pagpayag ng mga itong magkahiwalay ang dalawang taong nagmamahalan dahil lamang sa

kanilang kultura at paniniwala at sa udyok at pangangantiyaw ng kanilang mga katribo.


Ang kuwento ay nagwakas nang si Lumnay ay matauhan sa tangka niyang pagpapatigil sa

sayawan. Sa halip ay pinuntahan niya ang itinanim nila ni Awiyao noon na habitsuwelas. Nakita

niya itong tumutubo. Ang “beans” o habitsuwelas ay simbolo ng “fertility” pagkamabunga ng isang

babae. Sa aking sariling pagpapakahulugan, ito ay simbolo na si Lumnay ay isang babaeng

maaring magbunga at si Awiyao ang baog.

Konklusyon

Ang kuwentong “Sayaw ng Kasal” ay isang paglalalarawan ng may-akda sa kultura at

tradisyon ng mga katutubo sa Ifugao noon. Inilarawan nito ang mga kaugalian ng mga tao

kabilang na ang mga hindi nasusulat na batas tungkol sa pag-aasawa. Inilantad din sa kuwento

ang naging saloobin at pagtanggap ng mga katutubo sa kanilang mga katutubong batas.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kuwento, ang manunuri ay nakarating sa mga

sumusunod na konklusyon. Sa paraan ng pagkakasulat ng kuwento:

1. Ang may-akda ay gumamit ng open-ended na wakas. Ang mga mambabasa ang siyang

magbibigay ng sarili nilang pagwawakas sa kuwento. Ito ay sa kadahilanang hindi binanggit

ng may-akda kung ano ang nangyari sa dalawang pangunahing tauhan sa kuwento.

2. Ang mga pahayag ng mga tauhan sa kuwento ay mga direktang pahayag. Kokonti

lamang ang mga pahayag na hindi direkta.

3. Ang kuwento ay naglalarawan ng mga makatotohanang kultura at tradisyon ng mga

katutubong Ifugao noon.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kuwento batay sa teorya ng Akto ng Pagsasalita, ang

manunuri ay nakarating sa mga sumusunod na konklusyon:

1. Ang pagkakaroon ng anak ay lubhang mahalaga para sa mga katutubong Ifugao. Kung

hindi magkakaroon ng anak ang mag-asawa sa loob ng pitong anihan, ito ay maaring

maging dahilan ng paghihiwalay nila.

2. Iginagalang at tinutupad ng mga katutubo ang kanilang batas, kahit gaano ang kanilang

paghihimagsik o pagtutol sa mga ito. Matindi rin ang kanilang paniniwala sa kanilang diyos

na si Kabunyan.
3. Mas mahalaga para kay Awiyao ang pagmamahal nito sa kanilang tribo kaysa sa

kanyang asawa. Ito ay dahil mas pinapahalagahan nito ang magpapatuloy sa kanilang lahi

kaysa sa makasama nito ang asawang minamahal.

4. Mahal ni Lumnay si Awiyao at tumututol siya sa kanilang paghihiwalay. Naghihimagsik

din ang kanyang kalooban sa batas ng kanilang tribo. Gayumpaman, hindi nito magawang

suwayin ang batas at guluhin ang kasal ni Awiyao dahil na rin sa paggalang sa batas nila at

pagmamahal kay Awiyao.

5. Karamihan sa mga pahayag sa kuwentong ito ay ekspresib. Sumunod sa dami ng bilang

ay mga direktib na pahayag at kaunti lamang ang asertib na pahayag.

Mga Sanggunian

Mga Sangguniang Elektroniko

http://www.nancycudis.com/2012/02/filipino-short-stories-3-wedding-dance.html. Accessed
August 29, 2014.

http://www.freeonlineresearchpapers.com/sri-aurobindo. Accessed September 1, 2014.

http://prezi.com/efcyzkdsuhms/my-first-prezi/. Accessed September 2, 2014.


https://answers.yahoo.com/question/index?qid=20070713031805AAUgusl. Dan T. Daguio.
Accessed September 4, 2014.

Mga Aklat

Badayos, Paquito B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. 2011. Makati City. Grandwater


Publications.

Villafuerte, Patronicio V. et al. Panitikang Panrehiyon ng Pilipinas. 2000. Valenzuela City.


Mutya Publishing House.

You might also like