Professional Documents
Culture Documents
Fil 1 Reviewer
Fil 1 Reviewer
KAHALAGAHAN:
Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
Upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao.
Sumasalamin sa kultura at panahon na kinabibilangan.
Mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman
KATANGIAN:
Masistemang balangkas na binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang
sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng
mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
ANTAS NG WIKA:
Formal – wikang ginagamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
Di Formal – wikang ginagamit ng tao s aka edad o kasual na pag uusap.
Lingua Franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa.
Lalawiganin – ginagamit sa particular na lugar/lalawigan
Kolokyal – pakikibagay o pagpapaikli ng salita (Pare = Pre)
Balbal/Pangkalye – likha likha lamang at may kanya kanyang kahulugan (Gay lingo)
Edukado/Malalim – ginagamit sa panitikan, paaralan at pamantasan, sa gobyerno, korte at iba pang venyung
propesyonal.
MGA TEORYA:
Teoryang Bow-wow – ginagaya ang tunog na nililikha ng mga hayop (tilaok ng manok) at tunog ng kalikasan (ihip ng
hangin)
Teoryang Ding-Dong – May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran. Simbolismo ng tunog (Max
Muller)
Teoryang Pooh-Pooh – nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin (takot, galit, lungkot, saya)
Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay – mula sa tunog na nilikha sa kanilang mga ritwal (pagsayaw, pagsigaw, incantation)
Teoryang Sing Song – Jesperson; nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-
emosyonal.
Teoryang Yo He Yo - pwersang pisikal
Teoryang Ta Ta – kumpas o galaw ng tao ; “Ta-ta” (Pranses) = paalam;goodbye
Teoryang Biblikal – Kristiyanismo (Genesis 2:19); Koran (Al Baqarah 2:31-33); Hindu (Sarasvati; asawa ni Brahma);
TUNGKULIN NG WIKA:
Interaksyunal – nagpapanatili sa relasyong sosyal. (pangangamusta; liham pang kaibigan)
Instrumental – tutugon sa pangangailangan (pag uutos; liham pag apply)
Regulatori – kumokontrol o gumagabay sa kilos/asal (pagbibigay direksyon; panuto)
Personal – pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion (talakayan; liham na patnugot)
Imahinasyon – pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan (pagsasabuhay; akdang pampanitikan)
Heuristic – paghahanap ng datos/impormasyon (pagtatanong; survey)
Informative – pagbibigay impormasyon (pag-uulat; balita sa pahayagan)
BARAYTI NG WIKA:
Idyolek – sariling estilo ng pananalita; simbolismo o tatak ng pagkatao
Dayalek – ayon sa particular na rehiyon o lalawigan
- 3 Uri: Dayalek na heograpiko (espasyo), Dayalek na Tempora (panahon), Dayalek na Sosyal (katayuan)
Sosyolek – sosyalek; pansamantalang barayti lamang. Ginagamit sa isang particular na grupo (Gay Lingo; Konyo)
Etnolek – nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
- Vakuul (sombrero ng ivatan); Bulanim (full moon); Laylaydek Sika (iniirog kita); Palangga (minamahal); Kalipay (tuwa)
Ekolek – kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan; pang araw-araw na pakikipagtalstasan
Pidgin – walang pormal na estraktura; nobody’s native language; “make-shift”
Creole – pinaghalong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika sa isang
lugar. (Tagalog+Espanyol = Chavacano; Espanyol+African = Palenquero; Espanyol+Portuguese = Annobonese)
Register – rejister; espesyalisadong wika na ginagamit ng isang partikular na domeyn
3 Uri ng Dimensyon: Field o Larangan; Modo/Mode; Tenor
-Jejemon; Binabaliktad, teks, propesyon
Jargon – natatanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat na gawain/ propesyon
- Ace (puntos); Fault (pagtapak sa service line); Love (0 score); Rally (sunod sunod na pagpalo); Slice (paraan ng pagtama
ng raketa sa bola)
URI NG KOMUNIKASYON
Komunikasyon – communis (panlahat); pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan ginagawa sa pamamagitan ng berbal
o di berbal; Aristotle (Sender, Message, at Receiver)
SANGKAP/ ELEMENTO NG KOMUNIKASYON:
Layunin ng Komunikasyon (paglalahad, paglalarawan, pasalaysay, pangangatwiran)
Komyunikeytor (Tagahatid/Encoder; Tagatanggap/Decoder)
Mensahe
Tsanel o Daluyan
Ganting Mensahe/ Feedback
Mga Hadlang/ Barriers
Sitwasyon o Konteksto
Sistema
2 URI NG KOMUNIKASYON:
Berbal – pasulat o pasalita; denotatibo o konotatibo
-Ahas = D: uri ng reptilya; K: Traydor
-Bola = D: laruang hugis bilog; K: matamis na pananalita
Di Berbal – kilos ng katawan; tinig na angkop sa mensahe
ANYO NG DI BERBAL:
Kinesika/Kinesics – pag aaral ng kilos o galaw ng katawan; ekspresyon ng mukha; galaw ng mata; tindig/postura, galaw
ng kamay: Regulative, Descriptive, Emphatic
Proksemika/Proxemics – pag aaral ng distansya
- 3 Uri: Intimeyt (18 inches); Personal (1 ½ - 4 ft); Public (12 ft and above)
Pandama o Paghawak (Haptics) – pag aaral ng kahulugan ng hawak
Paralanguage – di linggwistikong tunog (tass/baba; lakas/hina; bagal/bilis
Oras/ Chronemics – mensahe na inihahambing sa oras
Simbolo/ Iconics – pag aaral ng simbolo sa kapaligiran
Kulay – kahulugan ng kulay sa paligid
Mata/ Oculesics – kilos ng mata
Bagay/Objectics – iba’t ibang kahulugan ng bagay sa paligid
Pang amoy/ Olfactics – paggamit ng pang amoy
Muscles/ Pictics – pag aaral ng facial expressions
PANAHON NG KATUTUBO
Dr. Henry Otley Beyer (Amerikanong Antropologo)
Teoryang Pandarayuhan (1916) – may tatlong pangkat ng tao sa Pilipinas na nagpasimula sa lahing Pilipino
(Negrito, Indones, Malay)
Dr. Robert B. Fox (isang tanayag na antropologo na nanguna sa kauna-unahang sistematikong paghuhukay ng
Pambansang Museo.
Yungib ng Tabon sa Palawan (1962) – natagpuan ang isang bungo at isang buto ng panga
-ito ang nagpatunay na mas naunang dumating ang tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia
Taong Tabon – mga labing kanilang natagpuan; nanirahan sa yungib 50,000 taon na ang nakaraan.
Baybayin - sinusunod nilang pamamaraan ng pagsulat; ito ay natagpuang nakasulat sa mga biyas ng kawayan na
matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibesidad ng Sto Tomas.
- binubuo ng 17 titik; 3 patinig at 14 katinig
TAGALOG:
Dr. Pamela C. Constantino (2000) – Isang wikang natural, may sariling katutubong tagapagsalita
- Taga ilog; Metro manila, Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, at ilang parte ng
Puerto Prinsesa at Nueva Ecija
- Wikang sinasalita sa mga etnolinggwistikong grupo
- Doctrina Cristiana (Doktrinang kristiyano) unang librong nailimbag sa tagalog (1593)
- Miguel Lopez de Legazpi (1565)
- Kriterya:
A. Sinasalita at nauunawaan ng maraming Pilipino
B. Maraming naisulat na akdang pampanitikan
C. Sinasalita at ginagamit sa pamahalaan, edukasyon at negosyo
- Alpabetong Tagalog- 20 letra (ABAKADA)
PILIPINO :
Jose E. Romero: Kautusang Pangkagawaran Blg. 7: Pilipino bilang wikang pambansa
- batay sa tagalog
- tumutukoy sa mga taong nakatira sa Pilipinas
FILIPINO:
1987 Konstitusyon Artikulo XIV Section 6: Filipino bilang Pambansang Wika
- batay sa Pilipino
- Ernesto Constantino – Pitong konsepto
1. Pagiging natural ng wikang pambansa
2. Pagiging buhay
3. Pagiging demokratiko
4. Pagiging egalitaryan
5. Pagiging dinamiko
6. Pagiging yunipaying o mapag isa
7. Gumaganap ng lahat ng tungkulin ng wikang pambansa
- Nagsisilbing Lingua Franca (salita o dayalekto na ginagamit sa isang bansa o rehiyon)
- Alpabetong Filipino – 28 letra (C,F,J,ñ,Q,V,X,Z)