Professional Documents
Culture Documents
Reviewer Linggo NG Wika
Reviewer Linggo NG Wika
KASAYSAYAN NG WIKA
Baybayin – Ang sinaunang Sistema ng pagsulat ng
mga Pilipino noong panahon bago pa dumating ang
mga kastila
Pananakop ng Espanyol – Naganap ang
kolonisasyon at nagkaroon ng impluwensya sa wika
ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Pagkatatag ng Wikang Pambansa – Noong 1935,
itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
naglalayong magtaguyod sa pagbuo ng isang wikang
pambansa
1937 – Napili ang tagalog bilang pundasyon ng
wikang Pambansa
Teoryang Pampanitikan
Pag aaral sa mga konsepto at prinsipyong may
kinalaman sa panitikan, nagpapaliwanag kung bakit
isinulat at binabasa ang mga akda.
Teoryang Formalismo – istruktura ng teksto, gaya ng
istilo, pagkakaayos ng bahagi, paggamit ng wika
Feminismo – kasarian, kalakasan, kahinaan sa akda,
paano ito nagpapahayag ng patriyarkal na lipunan.
Postkolonyalismo – epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa akda, lalo na sa kultura, identidad,
relasyon ng mga bansa.
Marxismo – Koneksyon ng Lipunan at ekonomiya sa
akda
Destruksyonismo – Kontradiksyon at pag
aalinlangan sa teksto, labis na kahulugan, ilahad ang
kakulangan ng tiyak na kahulugan.
Reader-Response – Iniisip ang papel ng mambabasa
sa pagbuo ng kahulugan ng akda, representasyon
mula sa personal na karanasan ng bawat isa
Pasyonalismo – Karanasan at damdamin ng may
akda bilang mahalagang bahagi ng interpretasyon
ng teksto, at tignan ang ugnayan ng buhay ng may
akda sa kanyang mga gawa.
Kulturang Popular
Mga kaugalian, sining, musika, moda (Fashion
Trends), at iba pang aspeto ng kultura
kinabibilangan ng mas malawak na bilang ng tao sa
isang lipunan.
GRAMATIKA
Pangngalan – salita o bahagi ng pangungusap na
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at
pangyayari
Panghalip – tawag sa bahagi ng pananalita na
ginagamit na panghalili sa isang pangngalan sa
pangungusap.
Pandiwa - salitang nagpapahiwatig o nagpapakita
ng kilos a galaw
Pang-uri – naglalarawan o nagbibigay turing sa mga
pangngalan o panghalip
Pang-abay - nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri,
o kapwa pang-abay
Pangatnig – tawag sa mga kataga o lipon ng mga
salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap
Pang-ukol – ginagamit upang matukoy kung saang
lunan/anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan, ang pinagyarihan o kina-uukulan ng
isang kilos, gawa, balak ari o layon.
Padamdam (Interjection) – nagpapakita ng mga
emosyon o damdamin ng tao sa paraang hindi
gaanong pormal o malalim. (ex. Wow!, Grabe!)