You are on page 1of 2

Publications

MABISANG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO,ANO NGA BA?

by:
Karren A. Lorenzo
Teacher III, Limay National High School

Ano nga ba ang mabisang kagamitan sa pampagkatuto? Isang katanungan na


patuloy na pinag-aaralan ,ngunit ano nga ba ito? Ano nga ba ang kagamitang
pampagtuturo?

Ayon kay Abad (1996),ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay


na ginagamit bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan,
saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang
lalong maging kongkreto, tunay,dinamiko at ganap ang pagkatuto. Kung kaya’t iba’t
ibang paraan ang ginagamit ng lahat ng mga guro kung ano nga ba ang kanilang
gagamitin sa pagtuturo. Ito ang laging pinagkakaabalahan ng mga kaguruan, ang
paghahanda ng kagamitan na gagamitin nila sa pagtuturo.

Ang kagamitang pampagtuturo ay maaaring kongkreto o di kongkreto. Ang


kongkreto ay mga kagamitang ating nakikita o nahahawakan at maaaring magamit sa
pagkatuto samantalang ang mga kagamitang di kongkreto ay ang mga piling kwento o
karanasan na maaari mong maibahagi sa iyong mga mag-aaral o ang mga mag-aaral sa
kangyang guro o kapwa mag-aaral.

Sa ilalim ng kongkreto, napakarami ng mga bago ngayon na kung saan ang mga
mag-aaral ay napupukaw ang kanilang mga interes sa mga bagay na ito tulad ng
kompyuter, cellphones, ipod, tablet at iba pa. Ito ang madalas na nakikita nating
ginagamit na rin ng mga kaguruan sa pagtuturo, malimit na lamang gumamit ang mga
guro ng mga tradisyonal na kagamitan. Mga materyal na bagay na kung saan tunay
namang makapagpapalago ng kaalaman ng mga kabataan at nakahihikayat

12 July 2017
Publications
sa mga mag-aaral upang ituon ang kanilang isipan at interes sa pag-aaral . Subalit di pa
rin maitatatwa na ang pinakamabisang teknolohiya na kagamitan sa pagtuturo na di
mapapantayan ng anumang teknolohiya ay ang guro. Ang guro ang siyang
magsisilbing ilaw at daan upang makamit natin ang kaalamang nais natin matamo.
Kaalaman na sa araw-araw ay kanyang pinaghahandaan. Kakayahan na kanyang
gustong ipatamo sa kanyang mga mag-aaral. Di matatawaran ang kanyang husay ,
galing at pagod upang magampanan ang kanyang tungkulin. Anuman ang mangyari
buong tyaga niyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa mga mag-aaral. Bagay na
di magagampanan ng nasabing mga kagamitan. Aanhin mo ang mga materyal na
bagay na ‘yan kung hindi mo naman kayang imanipula, ibahagi at gamitin ng maayos
sa harapan ng iyong mga mag-aaral. Ang kahandaan at kaayusan na inaasahan mo sa
pagtuturo ay maaring humantong sa di inaasahang pagkakataon o pangyayari kung di
mo ito makontrol ng maayos. Maaari ding maraming oras ang masayang sa paggamit
mo nito. Oo nga’t mainam na gumamit nito pero wala pa ring makapapantay sa
gawain ng isang guro sa larangan ng pagtuturo. Sila ang mabisang kagamitan sa
pagtuturo. Gurong kaagapay ng kanyang mga mag-aaral sa pagkatuto.

Sanggunian:

http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/01/kagamitang-panturo.html

12 July 2017

You might also like