You are on page 1of 1

Kasama na sa kulturang Pinoy ang Pancit.

Isa ito sa mga dala ng mga Tsinong dayuhang nanakop sa


Pilipinas ganoon pa man, lubos pa rin itong tinangkilik ng mga Pilipino. Bawat handaan, kasiyahan o kahit
anong pagtitipong nagaganap, hindi nawawala ang Pancit sa hapag kainan ng mga Pilipino. Sa madaling
salita, isa na ito sa kumukumpleto sa hapag kainan ng mga Pilipino.

May iba't ibang uri ng Pancit ayon sa bihon na gamit dito, nariyan ang Pancit Miki, Pancit Sotanghon,
Pancit Luglug at ang pinakapatok sa umagahan, tanghalian, meryenda, o kahit hapunan ng mga
naninirahan sa probinsya ng Quezon lalo na ng mga Lucenahin, ito ay ang Pancit Habhab. Hindi katulad
ng ibang pancit ang Pancit Habhab ay ginagamitan ng pinatuyong bihon o pancit canton na tinatawag din
na Miki-Lucban. Isa sa nagpapasarap dito ay ang pinagpakuluan ng nilagang baka kung saan ito ang
ginagawang sabaw ng Pancit Habhab. Sinasamahan din ito ng mga gulay gaya ng sayote, carrots, pechay,
at sitsaro. Isa pang nagpapasarap dito ayng hilaw na sibuyas sa ibabaw nito, nagbibigay ito ng kakaibang
lasa sa mga kumakain.

Isa pang nagpapabukod tangi sa lasa ng Pancit Habhab ay ang tinimplahang mahalang na suka ng
inilalagay dito. Saktong sakto ang halang at asim ng suka sa alat ng Pancit Habhab. Sa pagdami ng suka,
kasabay nito ang pagsarap ng pancit, tiyak na mapapa-isang balik pa sa hapag dahil dito.

You might also like