You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

University of Rizal System


Morong, Rizal
Graduate Studies

Maria Cecilia R. San Jose MAT-Filipino


Dr. Maria Martines Ed.D. Prof. Lecturer
Pagsusuring Pampanitakan

TATA SELO

I. Pagkilala ng May-akda:

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang


Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo.. Si Rogelio Sikat ay
nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng
Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong
1962 sa Filipino (Tagalog). Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga
Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994.
Ang akda niyang Tata Selo ang pinagbatayan sa pelikulang “Munting Lupa” ni Angelito
Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P.

. II. Uri ng Panitikan:

Ito ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan.

III. Layunin ng May-Akda:

Aug layunin ng may-akda ay maipakita ang sitwasyon ng mga magsasaka lalo


na ang mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka at ng kawalang hustisya.

IV. Tema O Paksang Akda:

Pakikipaglaban sa karapatan.

V. Mga Tauhan I Karakter Sa Akda:

Tata Selo - isang magsasaka.

Kabesang Tano- napatay ni Tata Selo


Saling- anak ni Tata Selo

VI. Tagpuan/Panahon

Sakahan/Bukid.

VII. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda:

Ang akda ay nailahad sa paraang flashback. Gumamit ng pag-uulit ng mga


salita upang mabigyang pansin/emphasis ang salita sa akda.

VIII. Buod:

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo,


ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang
Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.

. Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May


nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay.
Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik.
Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao . Inilabas nya ang
kanyang damdamin ukol sa pagpapaalis sa kanya sa kabila ng kanyang ng pagiging
patas nya sa partihan ng ani at ang pag-amin niya sa pagkakataga sa Kabesa.

Ayon naman sa isang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San


Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming
tao sa istaked hindi nya dapat tinaga ang kabesa dahil lamang sa pagpapaalis sa kanya
sa lupa at karapatan ng may-ari na paalisin siya sa anumang oras na naisin nito. Hindi
narin nakatiis si Tata Selong sabihin sa binata na malakas pa sya at kaya pa nyang
magsaka huwag lamang siyang paalisin at sa kanila ang bukid lamang at naisanla iyon
ng magkasakit ang kaniyang asawa hanggang sa maembargo iyon. Nakita niya ang
isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang
magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na
sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas.
May sukbit itong lilik.
Ikinuwento niyang siya ay pinuntahan ng kabesa sa sakahan at siya’y pinaalis dahil
may magsasaka na raw iba, nakiusap siya ngunit tinungkod siya mng tinungkod
hanggang sa mataga niya ito.

Tanghali na ay hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na


nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-
abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang
noo’y di pa nag-aalisang tao.

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-


katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak
ang malaking lalaking hepe. Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan,
naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na
ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.

Sa tanggapan inusisa ng alkalde ang nagyari at inilahd naman ni Tata Selo na


siya’y pinuntahan ng kabesa at siya’y pinapaalis sa lupang sinasaka niya. Sinabi rin
niyang siya’y nakiusap na huwag paalisin dahil kaya pa niyang magsaka ngunit siya ay
tinungkod ng tinungkod ng kabesa hanggang sa mataga niya ito at mapatay.

May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa
kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na
pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata
Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y
nagtataka, hindimakapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang
Kabesa. Nagtataka at hindimakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos,


dumating ang anak ni Tata Selo.Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit
itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating
si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman
ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang
dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad
si Tata Selo. Nakita niya ang babaeng nakaupo sa harap ng mesa ng
presidente. Nagyakap ang mag-ama. Suot pa rin ni Saling ang damit niya tatlong araw
na ang nakararaan mula ng ito ay umuwi sa kani;ang bahay.

Sinabi ni Tata Selong huwag nitong ipapaalam ang kaniyang nalalaman at pilit
niya itong pinauuwi. Muling ibinalik sa istaked si Tata Selo at naiwan sa tanggapan ng
alkade si saling. Hapon na ay naroon pa rin si Saling. Nasa init siya, nakakapit sa
rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at
tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas
ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niyang sumundo kay Saling.
Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay


kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…

IX. Angkop na Teoryang Pampanitikan:

Realismo
Naipakita ito sa mga pangyayari na kung saan may mga magsasakang
walang sariling lupang sinasaka, ang pagsasanla ng isang bagay na maaaring
humantong sa pagkakaembargo nito kung hindi mababayaran.

Markismo
Nailahad ito sa mga eksenang tinutungkod ng Kabesa si Tata Selo sa
kabila ng pakikiusap nito at ang mga pananakit ng mga pulis sa matanda. Ang
pagpapalis sa matanda sa lupang sinasaka na dating pag-aari nito.

Dekonstruksyon
Ang mga eksena na kung saan si saling ay makikitang tulala at tila wala
sa sarili at suot pa rin ang damit na suot niya tatlong araw na ang nakararaan. Ang
pahayag ni Tata selo na huwag ipaalam ang kaniyang nalalaman at ang pagkakaiwan ni
saling sa tanggapan ng alkalde na humantong sa pagtangis ni Tata selo at sabihing
“Kinuha na nila ang lahat sa akin.. Ay, kinuha na nila ang lahat.”
X. Reaksyon:

Kitang-kita sa akda ang realidad na ang isang tao kung siya’y nagigipit ay
humahantong sa pagsasanla ng kaniyang pag-aari. Magkaganito man ang sitwasyon
ang nangutang ay dapat maging responsible na magbayad ng kaniyang utang at sa
isang banda naman ang pinangutangan ay magbigay ng sapat na panahon sa
pagbabayad.
Sa isyung pagpapaalis kay Tata Selo bilang magsasaka, ang may-ari ng lupa ay
dapat maglaan ng sapat na panahon ukol dito, hindi ang agad-agarang pagpapaalis sa
tao. Hindi tamang gumamit ng dahas tulad ng panunungkod ng kabesa ,ang pagtaga ni
Tata Selo sa kabesa na humantong sa kamatayan ng huli at ang pananakit ng alkalde at
ng mga pulis sakay Tata Selo.
Sa akda kitang-kita ang pagiging usisero ng mga tao dahil nagsiksikan sila sa
bahay-pamahalaan upang makita si Tata Selo at matiyak na ito nga ang pumatay sa
kabesa. Nagpapahiwatig rin ito na si Tata Selo ay mabait na tao dahil hindi sila
makapaniwala na magagawa ni Tata Selo na patayin si Kabesang Tano.
Si Tata Selo ay isang tauhang bilog dahil mula sa isang pagiging masunurin,
tapat na magsasaka ay nakapatay siya ng tao sa akda. Siya ay simbulo ng mga taong
may pagmamahal sa gawain dahil hangad pa rin niyang magsaka sa kabila ng kaniyang
edad at handing ipaglaban ang karapatan sukdulang mamatay o makapatay siya.
SA BAGONG PARAISO

I. Pagkilala ng May-akda:

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at


krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang
kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento.

II. Uri ng Panitikan:

Ito ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan.

III. Layunin ng may-akda:

Layunin niyang mailahad ang kahalagahan ng pagsunod sa magulang.

IV. Tema o Paksang Akda:

Pagmamahalan na nagsimula noong mga musmos pa ang mga tauhan.

V. Mga Tauhan I Karakter sa akda:

Ariel - batang walong taong gulang na kalaro at kaibigan ni Cleofe

Cleofe - batang babae na walong taong giulang na malimit kalaro at kaibigan ni


Ariel

Mga magulang ni Ariel at Cleofe

VI. Tagpuan/Panahon

Sa bakuran / probinsya /tag-nit

Vii. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda:

. Sinimulan niya ito sa paglalarawan ng tagpuan, upang paipaghambing ang sinasabing


bagong paraiso ng mga tauhan sa dati nilang ginagalawan. Lohikal ang pamamaraan ng
manunulat sa kanyang pagsulat Ang paglalarawan ng manunulat sa mga bata noong
sila’y walong taong gulang, ang pag-aaral sa elementarya, ang mga pagbabagong
naganap sa kanila bunga ng paging dalaga at binata nila, mga pangyayari noong sila ay
nasa hayskul na at nang maging kolehiyo. Gumamit rin ang may akda ng mga
pahiwatig tulad ng pagkakaroon ng buwanang dalaw, pagpapatuli ng batang lalaki, ang
pagbabago-bago ng panahon at ang huli ay ang pagduwal ni Cleofe.

Viii. Buod:

Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga


batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang
kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang
maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang
kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi
nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang
maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap.
Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang
dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga
hanggang sa hapon. Misan habang silay nakahiga sa damuhan dala, titingalain nila ang
langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang
babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at
sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang
itay ay isang malaking salamin.Madalas silang makatulog at magigising na lamang sa
tawag sa kanilang bahay. Madalas nilang kilitiin ang isa’t isa habang natutulog ang isa
sa pamamagitan ng kaputol na damo. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban
ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon.
Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng
kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim
ng buhangin. Minsang naitanong ng batang lalaki ang tumutunog sa kanyang dibdib na
pakikinggan naman ng batang babae habang nakadaiti ang katawan nito at itatanong sa
batang lalaki ang tungkol sa tunog na iyon na hindi masagot ng batang lalaki.
Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na
lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na
sila. Habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw at nagtataka sila kung
bakit kulay dugo ito.
Kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong
makahalubilo sa kanila. Madalas nilang marinig sa kanilang mga kanayon na sa kanila
raw paglaki ay sila ang magkakatuluyan na kanilang ipinagtataka. Higit pang nakaabala
sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko -
magkakapit. Isang araw tinukso sila ng kanila mga kaklase na kapit-tuko na ikinaiyak ng
batang babae na naging dahilan upang makipagsuntukan ang batang lalaki. Pagkaraan
ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y
nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.Lumipas ang
mga araw at nakakita sila ng sinigwelas na bubot na kanilang isinawsaw sa asin at sila’y
naasiman. Sinabihan sila ng mga matatanda na madaling mahihinog ang sinigwelas
kapag umulan na. Nang sumapit ang tag-ulan silay naligo sa ulanan ng walang saplot
sa katawan .

Nagtapos sila ng elementarya at sa bayan sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba


na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng
kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay
may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at
hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Sa paglawak ng kanilang daigdig,
ang batang lalaki'y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod
ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang
nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki
at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya
Ipinagtapat niya sa kanuyang ama ang nagyari at sinabi nitong kailangan iyon para
maging ganap na lalaki at sasamahan nya ito kay Ba aryo. Nais niya itong ipagtapat sa
batang babae ngunit siya’y nahihiya. Sinamahan siya ng kanyang ama kay Ba Aryo ,
araw ng Sabado. Samantala ang batang babae naman ay nagsimulang maglaba ng
kapirasong tela na may matsang kulay pula.

Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang
babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. Sinabi nitong hindi na raw
sila pwedeng maglaro tulad ng dati dahil sila’y binata at dalagita na. Ang mukha ng
dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay
parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan.
Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang
pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa
pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi lamang tulad nang dating
nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila
pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing
iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib
ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila,
nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw
man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na ang tibok
ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-
malay.

Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita na kung nais niyang makatapos ng


kurso kailangang hindi sila magkita ni Ariel at nais ng kanyang ama na siya’y nais nitong
maging doktora kaya dapat niyang kalimutan ang mga lalaki. Tumutol siya dahil
kaibigan niya si Ariel at siya’y nasasaktan Sinabi niya ito kay Ariel at nalungkot
itosapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Ayon sa ama ni Ariel , kapag raw
malapit sa babae ay malapit sa tukso.

Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon dahil ipinagbawal ng kanilang


mga magulang habang nag-aaral sila ng kolehiyo. Hindi sila nakatiis. Isang araw na
hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Mula noon, sila'y
nagkita sa Luneta nang madalas dala ng kanilang paghihimagsik. Nalaman ng kanilang
mga magulang at sinabi na kung hindi sila titigil sa kanilang ginagawa ay patitigilin si
Cleofe sa pag-aaral samantalang ang ama ni ariel ay nagsabing napapahiya sila sa
magulang ni Cleofe. Sa kabila nito sila ay patuloy na nagkita, sa mga pook na hindi
sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot
na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok,
malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya
sila sa kanilang daigdig, sa kanilang bagong paraiso.

Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat


ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang
madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang
kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na
ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan.
Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang
maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan.Tumungo siya at kasabay ng
kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at
siya'y napanganga at naduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa
bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng
nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak.

IX. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:

Realismo

Nailahad sa akda ang katotohanan na maraming kabataan ang


nasusuong sa maagang pagbubuntis bunga na kanilang kapusukan na maaaring
humantong pagkatigil sa pag-aaral ,maagang pag-aasawa masuong sa
maagang responsibilidad ng buhay may-asawa

Romantesismo

Makikita sa akda ang paggamit ng kalikasan bilang bahagi ng kanilang


pag-iibigan. Sinasabing sa teoryang ito ay kakikitaan ng pagtakas sa
katotohanan, nailahad ito sa bahaging pinagbabawalan sina Ariel at Cleofe ng
kanilang mga magulang dahil lamang sa sila ay binata at dalaga na.
Nagpapahiwatig ito na ang kanilang mga magulang ay hindi pa ganap na
tanggap na ang kanilang mga anak ay lumalaki na at sa huli ay maaaring
magkaroon ng kani-kanilang mga buhay.

Eksistensyalismo

Nagpapakita ng gawi, kilos at paniniwala ng tauhan. Nailahad ito sa


bahaging madalas silang maglaro noong sila ay mga bata pa at ang bahaging
nanindigan silang magkita sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga magulang. Sa
mga magulang naman nila naipakita ang teoryang ito sa bahaging sila ay
naniniwala na ang babae ay tukso at dahil ganap ng binata at dalaga ang
kanilang mga anak ay bawal ng magkita.

X. REAKSYON:

Ito ang akdang sa tuwing ipinapapabasa ko sa aking mga mag-aaral ay


nagugustuhan nila na sa tuwing itatanong ko kung bakit nila nagustuhan ay sa dahilang
nakakaugnay sila sa mga pangyayari sa akda. Sa pamamagitan ng akdang ito
maliwanag na naipapaunawa ko sa aking mga mag-aaral ang kahalagahan ng
pagsunod sa mga magulang , ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili at
nang pokus sa pag-aaral.

Sa akdang ito ang magulang at anak ay parehong nabigyan ng babala na kung


ang anak ay sobrang paghigpitan maaari itong magdulot ng pagrerebelde ng mga anak
na sa kabilang banda naman, kung ang anak ay hindi susunod sa mga magulang ay
maaaringhumantong sa pagkapariwara ng huli. Ang pagtitiwala sa isa’t isa ay mabisang
solusyon sa isyung ito, ang pagtitiwala ng magulang sa anak at ang pagpapahalaga sa
pagtitiwala ng anak sa magulang.

Makikita rin sa akdang ito ang sobrang pagpapahalaga ng mga magulang sa


edukasyon na tiyak naming nais ng lahat ng mga magulang.

You might also like