You are on page 1of 1

ANO ANG PAGSASALIN?

Ayon kay Chaim Rabin , 1958:

“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika.”

Ayon kay Eugene Nida, 1959/1966

“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na


katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa
istilo.”

Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga
pahayag na berbal. (Theodore Savory, 1968)

"Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal." - Gregory Rabassa

MGA PARAAN NG PAGSASALIN


1. Sansalita-bawat- sansalita - maaaring gamitin ang naturang paraan sa pagsisimula ng gawaing pagsasalin,
sa prosesong tinutuklas ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal ngunit hindi dito nagtatapos ang pagsasalin.
2. Literal na salin - sa ganitong paraan ng pagsasalin, isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na wika tungo
sa target na wika sa pinakamalapit na natural na katumbas na nagbibigay halaga sa gramatikal na aspekto
ng tumatanggap na wika.
3. Adaptasyon - sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal. Ginagamit lamang niya ang
orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong akda.
4. Malayang salin - inilalagay ng tagasalin sakanyang kamay ang ang pagpapasya kung paano isasalin ang
mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
5. Matapat na pagsasalin – ang pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng kanyang
kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika.
6. Idyomatikong salin - ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at
hanapin ang katumabas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
7. Saling semantiko - pinangingibabaw ng tagasalin ang pagiging katanggap-tanggap ng salin samga
bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang salin at hindi
ito lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
8. Komunikatibong salin - hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakuhulugan ang tagasalin, ngunit maging
sa konteksto ng mensahe at nailipat niya ito sa paraang madaling tanggapin ng bagong mambabasa dahil sa
ginagamit na wika ay yaong karaniwan at payak.

You might also like