You are on page 1of 4

The Council of the Gods

Written by: Jose Rizal


Translated to English
Translated from English to Filipino by: Fred Joven A. Globio

Introduction: Taong 1880 isinulat ni Rizal ang “El Consejo de los Dioses” o ang “The Council of
the Gods” noong siya ay nag-aaral sa Ateneo de Municipal, kung saan ito ay nagwagi at tumanggap siya
ng gintong singsing bilang premyo. Ang dula na ito ay simbolo ng kahusayan at karunungan ni Rizal sa
larangan ng pagsusulat.

Narrator: Sa tuktok ng Olympus ay pinatawag ni Jupiter ang mga Diyos at ang mga Dyosa kasama
ang mga musa. Si Jupiter ay nakaupo sa kanyang gintong trono hawak ang setro ng cypress. Sa kanyang
paanan ay ang agilang bakal na kumikinang ng ibat-ibang kulay. Sa kanyang tabi ay ang nakatayong asawa
na si Juno ang Diyosa ng Kasal sout ang kanyang napakaliwanag na korona. Sa kanyang kailwa ay ang
kanyang anak at tagapayo ang Diyosa ng Karunungan na si Minerva sout ang berde na oliva sa kanyang
kupya at hawak ang kanyang kalasag. Sa kanyang kanan ay nakaupo naman si Katarungan hawak ang scala
ng katarungan. Sa likod nila Jupiter at Juno ay si Hebe ang Diyosa ng Kabataan at Kasibulan.

Sa kabila ay ang Diyos ng Agrikultura na si Saturn. Sa isang katre puno ng rosas ay ang
Diyosa ng Kagandahan at Pag-ibig na si Venus kasama ang kanyang anak na si Kupido. Si Apollo ang Diyos
ng Musika at Tula ay nakikipagkusikusi sa walong musa habang nilalaro ang kanyang kudyapi. Si Mars ang
Diyos ng Digmaan ay naroon din kasama ang kanyang asawa na si Bellona ang Diyosa nga Digmaan. Naroon
din sina Alcides anak ni Zeus at Alcmene at si Momus and Diyos ng Pangungutya.

(Pagsisimula ng dula)

Mercury: (Papasok….luluhod sabay tanggal sa sombrero) Natapos ko na inyong utos, ama. Si Neptune at
kanyang mga kasama ay hindi makakapunta sa takot na hindi nila mapamahalan ang karagatan dahil sa
kagagawan nga mga mortal. Si Vulcan ay patuloy na ginagawa ang inyong inutos na kulog at kidlat upang
maging sandata ng Olympus. Si Pluto naman ay…

Jupiter: (Interrupting with loud voice) Tahimik! Hindi ko sila kailangan! Hebe, Ganymede ihain ninyo ang
nectar upang ang mga immortal ay uminom.

(Papasok si Silenus habang kumakanta)

Silenus: Kung sino man ang gustong mabuhay at ilihis ang kanyang sarili ay talikuran si Minerva at sumapi
sa akin

Minerva: Tahimik! Ang makapangyarihan na si Jupiter ay nagsasalita!

Silenus: Ano naman kung siya’y nagsasalita? Nayayamot na ba ang manlulupig ng mga Titan? Ang mga
Diyos ay umiinom ng nectar, kaya’t kahit sino ay maaring magsaya. Sa aking tanto ay nasaktan ka ng aking
disipolo, dahilan upang ikaw ay umasta ng ganito….
Momus: (mockingly) Ipagtanggol mo ang iyong alagad Silenus, upang hindi nila sabihing walang galang
ang iyong mga alagad.

(Minerva about to speak, is silenced by the gesture of Jupiter)

Jupiter: Mga kagalang-galang na Diyos, noong panahon na sinubukan ng mga mortal akyatin ang Olympus
upang agawin ang aking kapangyarihan. At walang duda na sila ay nagtagumpay sana kung hindi niyo
akong tinulungan na pigilan sila at ikulong sa Tartarus, at ilibing ang ilan sa Etna. Ang pagdaraos na ito ay
lubos kong ikinagagalak na ibahagi kasama ang mga immortal. Ang mundo ngayon ay bumalik na sa
katahimikan. Dahil dito, ako, ang Hari ng mga Diyos ay nagpasya na umpisahan ang pagdaraos na ito sa
pamamagitan ng pampanitikan na patimpalak.

Narrator: Ang patimpalak ay may tatlong premyo. Ang trumphetang pandigmaan na yari sa metal na si
Vulcan lamang ang nagmamay-ari, ang kudyapi na hango sa kudyapi ni Apollo na gawa rin ni Vulcan at
ang korona na gawa sa pinaka magandang oliva na kinuha sa hardin mismo ni Jupiter.

Jupiter: Ang tatlong premyo na ito ay magkasing halaga at ang magwawagi ay siyang tatanggap sa lahat
ng ito. Kaya, kung sino sa inyong tingin ang karapatdapat na tumanggap at mag may-ari ng mga ito ay
ipakita niyo sa akin.

Juno: (rising arrogantly) Ipagpaumanhin mo aking mahal na hari, bilang iyong asawa ay nararapat lamang
na ako ang unang maghayag ng aking saloobin. Walang ibang papantay na maaring kong ihayag kundi si
Homer. Sino nga ba ang mortal na hihigit pa kay Homer? Ang kanyang gawa na Iliad na puno ng tapang at
kagitingan. Ang kanyang Odyssey na sumasalamin ng pambihirang katalinohan. Sino ang tulad niya na
nagtala sa mga banayad na labanan sa pamamagitan ng pagsulat? Siyang umawit ng pagkadiyos,
karunungan, kabutihan, katapangan, kabayanihan, gamit ang lahat ng mga tala sa kanyang awit. Siya ang
karapatdapat.

Venus: Ipagpaumanhin mo aking kapatid, kung hindi ako sasangayon sa iyong kagalang-galang na si
Homer. Jupiter hari ng mga Diyos, pakinggan mo ang aking pakiusap. Dalangin ko na hindi mo ipagwalang
bahala ang ginawang pagkanta ng isang mortal na si Virgil sa kadakilaan ng aking anak na si Aeneas. Wag
sana natin kalimutan ang liriko ni Virgil nakumakanta sa ating kaluwalhatian. Sa madaling sabi si Virgil ang
mas karapatdapat na itanghal na panalo sa patimpalak na ito.

Juno: Ano? At bakit naman ang isang makatang Romano ay mas karapatdapat kaysa sa isang Greyigo? Si
Virgil na isa lamang manggagaya ay mas hihigit kay Homer? At kalian pa nagging mas mahusay ang isang
salin lamang kaysa sa orihinal? (May pagkadismaya na tuno ng boses) O Diyosa ng Kagandanhan at Pag-
ibig, tanto ko na ikaw ay nagkakamali at hindi ko ito ikinagugulat: dahil kung ang pag-uusapan ay hindi
tungkol sa pag-ibig ito’y nasa ibabaw ng iyong ulo. At isa pa, ang puso at pagsinta ay hindi naman alam
kung paano magbigay ng dahilan. Paki-usap ko’y huwag ka nalang magsalita, sa ngalan ng hindi mabilang
mong mga kalaguyo…

Venus: O Juno, ang iyong pagiging selosa ay kapantay ng iyong pagiging mapaghiganti. Sa kabila ng iyong
matalas na memorya, kasuklam-suklam na kinalimutan mo ang pag-insulto ng paborito mong si Homer sa
ating mga Diyos at Diyosa. Ngunit, kung sa iyong pagtanto ay siya makatwiran at makatotohanan ay
nagagalak ako para sa iyo. Ngunit para sa akin, hayaan natin na ang mga Diyos at Diyosa ng Olympus ay
magsabi…
Momus: Oo! Hayaan mong sabihin nila na sinasamba mo si Virgil dahil mabuti siya sa pananaw mo; at
ikaw Juno ipinagtatangol mo si Homer dahil isa siyang makata ng paghihiganti; para kayong mga aso’t
pusa na nagbabatohan ng putik! At ikaw Jupiter, bakit hinahayaan mo lang na magbangayan ang dalawang
ito? Nakaupo kalang na parang isang bata na nakikinig sa trilohiya na ito!

Juno: (loudly) Mahal kong kabiyak, bakit hinahayaan mo lang ang halimaw na ito na insultohin tayo?
Ipatapon mo siya sa labas ng Olympus, dahil ang hininga niya ay umaalisngaw! Isa pa…

Momus: Purihin si Juno, na hindi marunong mangutya, at tinawag niya akong isang halimaw na
umaalisngaw ang hininga! (The Gods laugh)

Juno: Tumahimik ka Diyos ng Pangungutya sa gilid ng lawa ng Stygian. Tama na ang lahat ng ito, pakinggan
natin si Minerva, ay kanyang opinyon ay kaagaypay ng akin magmula pa noon.

Momus: Isa nanamang katulad mo! Mapaghangad na entremetido!

Minerva: (pretending not to hear; removing her helmet) Pakinggan mo ako anak ng magiting na si Saturn
at kayo mga kagalang-galang na Diyos at Diyosa. Huwag sana ninyong mamasamain ang aking sasabihin
at kung sa inyong tingin ay kulang o mali ang aking argumento ay huwag kayong mag-atubiling timbangin
ito sa scala ng katarungan. Narito ako para kay Cervantes, anak ng Espanya. Ang kanyang “Quixote” ay
isang obra ng katarungan, walang bahid ng dugo kundi kasiyahan, isang nectar na puno ng mga aral. Mga
aral na magbibigay kabuluhan sa ‘sangkatauhan. Kung ako’y inyong tatanongin tungkol sa busilak at
kagandahang loob ng mortal na ito ay aking nais ibahagi, ngunit mas mainam kung ating bigyan ng pansin
ang mga sasabihin ni Apollo ang Diyos ng Musika at Tula tungkol sa may akda ng “Quixote”.

Apollo: Tanggapin mo aking ama, ang argumentong ibabahagi ko. Sa kabila ng kahirapan at pasakit sa
buhay si Cervantes ay hindi nagkulang na magpugay sa akin at ihandog ang kanyang liriko sa aking kalesa
at kabayo; kung sa isang kulungan ay nagawa mong lumipad at tumakas, gamit ang pluma. Ang kanyang
sining na kasing tamis at yaman ng gintong tubig ng Pactolus, bakit hindi natin ibigay sa mortal na ito ang
tagumpay sa patimpalak na ito? Ako ay sangayon kay Minerva, ipagpaumanhin niyo mga kagalang-galang
na Diyos at Diyosa kung hindi kayo sumasangayon sa aking opinyon.

Juno: Kung ang pag-uusapan ay ang kahirapan, pagmamalupit at pagtiis ni Cervantes ay ganon din si
Homer na isang bulag at miserable at naglakbay sa ibat-ibang nayon kasama ang kanyan liriko na kanyang
natatanging kaibigan. Hindi mo ba ito naalala, Apollo?

Venus: Ano’t hindi rin ba naranasan ni Virgil ang pagiging mahirap? Ano’t hindi rin ba siya namuhay na
isang kahig isang tuka bawat araw sa handog ni Caesar na isang tinapay? Ang kanyang mga obra – hindi
ba ito nagpapahiwatig kung gaano naghirap ang kanyang kahabaghabag na damdamin?

Minerva: Sangayon ako sa iyo Venus. Ngunit, huwag mo sanang ipag walang bahala noong siya ay sugatan
at binihag sa lupain ng Africa. Kung saan natikman niya ang pait ng kalis at makailang ulit na muntik
mamatay.

(Jupiter makes signs that he agrees with Minerva)


Mars: Hindi! Sa ngalan ng aking sibat! Kahit kalian man habang may dugo ng immortal na nanalaytay sa
aking ugat, hindi mag wawagi si Cervantes! Paano ko hahayaan na magwagi ang mortal na kumukutya sa
aking mga pista at pangalan. Jupiter, tinulungan kita noong isang beses; pakinggan mo ang aking hinaing.

Juno: (Irritated) Narinig mo iyon Jove na tagapagbigay hustisya? Ang argumento ni Mars ay magiting,
kasing giting ng kanyang katapangan. Paano natin hahayaan ang isang mortal na kagaya ni Cervantes na
isa lang ang kamay manalo sa patimpalak na ito?
Mars: Kagalang-galang na Hari ng mga Diyos kung hindi ka kumbisido sa aking argumento ay tanongin mo
ang ibang kalahok ng pagdiriwang na ito kung sumasangayon ba sila sa akin. (arrogantly strides to the
center defying all with a look and brandishing his sword.)

Minerva: (stepping forward with proud mien and flashing eyes, but speaking in a serene voice) Kaawa-
awang Mars, nakalimutan mo ang laban sa Troy kung saan nasugatan ka ng isang mortal. Kung ang iyong
pinagmamalaki ay ang iyong espada ay hindi ako natatakot. Ngunit, upang hindi ako maihambing sa isang
katulad mo ay nais kong ibahagi sa iyo na mali ka sa iyong akala. Pinagsibihan ka ni Cervantes sa Lepanto,
kung saan nawalan siya ng kaliwang kamay at muntikan na siyang mamatay. Nagbitiw si Cervantes bilang
isang kabalyero dahil hindi na ito tama para sa kanyang sarili. Ngayon kung hindi mo mamarapatin ay
tinatanggap ko ang iyong hamon.

(Having spoken Minerva, like a lightning-loaded cloud approaching each other over the center of the ocean
when the sky darkens, slowly marches forward, clasping her formidable shield and lowering her spear, a
terrible angel of destruction, of tranquil but terrifying look, the sound of her voice striking fear.

Narrator: Sa likod ni Mars ay ang kanyang asawa na si Bellona na handing tumulong sa kanya. Si Apollo
naman ay bumitiw sa kanyang kudyapi at kinuha ang kanyang pana at itinutok ito kay Mars.

Jupiter: (shouting with thunderbolt) Magsitigil kayong lahat! Magsibalik kayo sa inyong mga upuan! Si
Katarungan ang mag dedesisyon kung sino ang magwawagi!

Narrator: Tumayo si Katarungan at kinuha ang scala nga katarungan.Inilagay ni Mercury ang Aenied at
Quixote sa magkabilang scala at ito ay magkasing timbang lamang. Kinuha ni Mercury ang Aenied at
pinilitan ng Illiad at nagulat ang lahat dahil magkasingtimbang din ito.

Jupiter: Diyos at mga Diyosa! Ayon kay Katarungan ay magkasing timbang lamang ang tatlong mortal na
ito. Magbigay pugay tayo kay Homer na siyang tatanggap sa gintong trumpeta, kay Virgil na may ari ng
kudyapi at kay Cervantes may ari ng Laurel na Korona! Apollo! Tumugtog ka ng kanta at magdiwang tayong
lahat!

Apollo: (Striking his lyre – at whose sound Olympus is illuminated – and atoning the hymn of glory that
resounds all over the coliseum): Magpugay tayong lahat sa ngalan nila Homer, Virgil at Cervantes!

(The muses, nymphs as well as the Gods and Goddesses begin to dance…)

fin

You might also like