You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 8

Inihanda ni: Jessel Jampas


Ipinasa kay: Gng. Jeralden A. Torion

I. Layunin II. Paksang Aralin III. Kagamitan IV. Nilalaman V. Asesment VI. Takdang-Aralin
Pagkatapos ng Pamamaraan: 3I’s
talakayan, ang mga mag- Paksa:  Batayang Aklat Panuto: Sumulat ng isang Panuto: Maghanap o
aaral sa ikawalong baitang Panitikan:  Powerpoint Paghahanda: sanaysay tungkol sa kung magsaliksik ng mga
ay: Dokumentaryo Presentation  Panalangin paano nakaaapekto ang dokumentaryong
a. naipapaliwanag ang ng  DLP  Pagsasaayos ng upuan telebisyon bilang isang pantelebisyon gamit ang
kahulugan ng Pantelebisyon  Laptop  Pagtatala ng mga lumiban sa midyum ng panitikang Internet. Sundan ang mga
dokumentaryong Pluma 8 ni  Speaker klase popular sa paghubog ng hinihinging detalye ng
pantelebisyon, Alma M. kabataan sa kasalukuyan. graphic organizer na
b. nakapagbabahagi ng Dayag, et al. A. Introduksyon Isulat ito sa isang kalahating makikita sa pahina 408.
sariling saloobin papel. Isulat ito sa long size bond
tungkol sa Pagpapahalaga: Pagganyak: paper. Maari ninyong
dokumentaryong Pahalagahan ang Ihahati sa limang grupo ang mga kulayan o bigyang buhay
nakita, at Dokumentaryong mag-aaral at maglalaro sila ng “Your ang inyong graphic
c. nakapagsusulat ng Pantelebisyon sa mga Voice Sounds Familiar”. organizer.
isang sanaysay kabataan. Isang mag-aaral sa bawat grupo
tungkol sa kung ang gagaya ng mga sumusunod na
paano nakaaapekto Kasanayan: personalidad:
ang telebisyon bilang Malinang ang  Kuya Kim
isang midyum ng kakayahan ng mga  Jessica Soho
panitikang popular mag-aaral sa pagsulat  Gus Abelgas
sa paghubog ng ng makabuluhang  Mike Enriquez
kabataan sa dokumentaryo.  Bernadette Sembrano
kasalukuyan.
Habang ginagaya ng kaklase ang
personalidad ay huhulain ito ng mga
myembro.
Binibigyan ng isang minuto
bawat grupo upang mahulaan ang
mga personalidad na ito.
Kung sino ang may pinakamabilis
na oras sa paghula ang siyang
panalo.
Rules:
Tanging linya lamang nila ang dapat
sabihin at gayahin. Hindi pwede
sabihin ang pangalan.

Mga gabay na tanong:


 Ano ba ang pagkakatulad ng
mga personalidad na ito sa
isa’t-isa?
 Ano ba ang trabaho o
layunin ng isang
mamamahayag?

B. Interaksyon

Nang matapos ang pagganyak ay


ipapakita ng guro ang isang
dokumentaryo na pinamagatang
“Siklo ng Kahirapan” mula sa
Reporter’s Notebook.

Mga gabay na tanong matapos


mapanood ang video:
 Ano ba ang pamagat ng
video na iyong nakita?
 Tungkol saan ito?
 Ano ba ang natutunan at
saloobin ninyo sa video?

Tatalakayin ng buong klase ang


paksa.

Mga gabay na tanong sa


pagtatalakay sa paksa:
 Base sa ating napanood na
video ano sa tingin niyo ang
ating tatalakayin ngayong
araw na ito?

Bago magtatalakay ay bubuksan


muna ng mga mag-aaral ang
kanilang libro sa pahina 406 at
babasahin nila ito sa tahimik na
paraan. Bibigyan lamang ng
dalawang minuto upang magbasa.
 Ano ba ang telebisyon?
 Bakit itinuturing na
mahalagang midyum ito sa
larangan ng broadcasting?
 Ano ba ang epekto ng
telebisyon sa buhay mo?
 Ano ang dokumentaryong
pantelebisyon?
 Bakit ito ay isang
komprehensibong palabas?
 Bakit ito ay mapanuri at
masusing pinag-aaralan?
 Para sa iyo, bakit sinasabi na
ang dokumentaryong
pantelebisyon ay isang uri
ng sining?
 Ano ang layunin nito?
 Ano ang mga
impluwensyang hatid ng
documentaryong
pantelebisyon?
 Ano-ano pa ang mga
halimbawa ng
dokumentaryong
pantelebisyon na iyong
nakita?
C. Integrasyon

Matapos ang talakayan ay


itatanong ng guro ang
pagpapahalaga.

Mga gabay na tanong:


 Kung ikaw ay isang
dokumentarista, paano mo
higit na lilinangin ang iyong
kakayahan upang lalo ka
pang makasulat ng
makabuluhang
dokumentaryo?
 Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataong sumulat ng
isang dokumentaryo, anong
isyu o paksa ang iyong pag-
aaralan o susulatin? Bakit?

You might also like