Professional Documents
Culture Documents
Mga Teksto Sa Ikalawang Markahangrade 11
Mga Teksto Sa Ikalawang Markahangrade 11
ni Danilo Yanga
Introduksyon
TANGGAP na ng maraming siyentista ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo at
pagsusulat sa agham at mathematika. Ang paggamit nito ay nakapagdudulot ng mahusay at
mabilis na pang-unawa sa mga asignaturang siyentipiko at teknikal. Ang palitan ng kuro-kuro
tungkol sa mga teknikal na isyu, lokal man o internasyonal, ay sadyang mabisa kung ang
pagbabatayan ay yaong natural ngunit malalim na diskusyon ng mga ito sa Filipino. Sa ganang
nakararami, ang sinasabing intelektuwalisasyon ng Filipino sa agham at mathematika ay hindi
na pinagdedebatihan dahil sa establisado na ang kahusayan at bisa ng paggamit nito sa mga
naturang larangan. Ito ay ating matutunghayan sa pagtuturo sa Filipino ng mga asignaturang
teknikal kagaya ng physika, biolohiya, kimika, mathematika, atbp. Ang pagsulat ng mga textbuk
sa Filipino sa mga iba’t ibang sangay ng disiplinang teknikal ay isa ring matibay na batayan ng
intelektuwalisasyon ng Filipino.
Kongklusyon
Kung sadyang gusto nating gamitin ang Filipino nang malawakan, hindi lang sa agham at
mathematika, dapat magkaroon tayo ng pambansang programa. Nasa kamay ito ng Komisyon
sa Mataas na Edukasyon (CHED) at ating mambabasa, kailangan natin ang political
will para maisakatuparan ito.Samantala dapat ding lutasin ang mga suliraning lohistikal.
Kailangan natin ang malaking pondo upang maisakatuparan ang mithiing gamitin ang Filipino sa
lahat ng kolehiyo at unibersidad sa buong kapuluan. Maliit ang impact kung ang magtataguyod
lamang nito ay iilang pamantasan lamang na kagaya ng Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng
De La Salle, at Unibersidad ng Ateneo de Manila.
Information-literate ba tayong mga Pinoy?
ni Rhoderick V. Nuncio
(Unang lumabas sa kolum ng may-akda sa kritika sa tabitabi ng www.pinoyperiodiko.com)
Magagaling at mahuhusay tayong mga Pinoy. Kaliwa’t kanan ang palabas sa TV para
ipakita ang pagiging musically-inclined ng marami sa atin huhusgahan ng madla at mga hurado
sa huling araw ng kumpetisyon. Sa boxing, basketball, chess, swimming, bowling,at track &
field, nagpakitang gilas ang mga manlalarong pinoy na nagpanganga’t nagpahanga sa mga
banyaga’t kababayang manonood. Nakahilera ang mga bigating pangalan tulad nina Manny
Paquiao, Ramon Fernandez, Eugene Torre, Eric Buhain, Elma Muros, at marami pang iba sa
larangan ng sports. Subalit bilang bansa, mayroon ba tayong impormasyon talaga kung gaano
tayo kahuhusay sa musika at sports? O nakabatay lahat ng ating hinuha at kongklusyon sa
sinasabi ng mass media tulad ng telebisyon? Sa inyong obserbasyon, ganito rin ba ang lalabas
na impormasyon? Maaari nating sabihing “oo” dahil nagkalat ng mga amateur singing contest
mula sa barangay hanggang mall, isama na pati ang maiingay at nagwawalang videoke singing
star tuwing may inuman, handaan, madalas trip lang. Naglipana rin ang basketballcourt, full
court o half court, sa paaralan, sa plaza ng barangay at munisipyo, sa tapat ng bahay, maski sa
gitna ng daan. Sa boxing naman, mukhang dumarami ang mga basagulero kung saan-saan.
Kampante ba tayo sa ating nakuhang impormasyon o tsismis lang iyon? Noong 2000 ang simple
literacy rate ng mga Pinoy ay nasa 92.3 % ayon sa datos ng National Statistics Office. Ibig
sabihin, sa kabuuang populasyon natin noong 2000 92.3 % ang marunong bumasa’t sumulat.
Simpleng-simple, pwede na tayong tumakbo sa pagka-Presidente nito. Samantala, 86.4 %
naman ang functional literacy rate natin na mas mababa kaysa simple literarcy dahil sinusukat
dito kung nauunawaan natin ang binabasa’t bagong kaalaman at kung nagagamit ito sa
praktikal na buhay. Mas okay itong functional literacy dahil kung ang kaalaman mo’y hindi mo
naman nagagamit, lumalabas na illiterate ka pa rin, lalo na kung tambay ka lang, tsismosa sa
kanto, sugarol 24/7, basagulero on-the-go at higit sa lahat, dambuhalang kawatan sa
pamahalaan. May kaunting yabang tayo nang malaman nating pumasok tayo sa Top 10 na
gumagamit ng Facebook (FB) sa buong mundo. Sa katunayan, 75 % ang may social media
account sa ating bansa kumpara sa global average na 60 % ayon sa Broadband Commission for
Digital Development ng UNESCO. Sa humigit-kumulang na 34 milyong Filipino noong 2012 na
may akses sa internet, 30 milyon ang gumagamit ng FB o 88 % ng ating internet population
(worldinternetstats.com). Sobrang adik na talaga tayong nasa online world sa Facebook.
Nakatutuwa ba o nakakainis na ang trending sa FB sa ating bansa ay sina Vice Ganda, PNoy, at
Justine Bieber (socialbakers.com)?
Saan tayo kumukuha ng impormasyon? Sa kasalukuyan, numero uno pa ring
pinagkukunan ng impormasyon ang telebisyon na may 89 %, sunod ang internet na 45 %, radyo
na 36%, diyaryo na 12%, at magazine na 4% (TNS Digital Life 2012). Kaya nga’t kung basura ang
impormasyong nakukuha natin sa telebisyon at FB, basura rin ang mapupulot at mababasa ng
ating kabataan. Subalit kaiba sa internet, ang telebisyon ang pinakamarami, pinakamura at
pina-accessible sa lahat ng media sa ating bansa. Maski sa cellphone, may instant TV ka na.
Kung kaya’t kung hindi natin nasasala ang klase at kalidad ng impormasyon dito, siguradong
magiging trash bin lang ang isipan natin. Ano ba ang ibig sabihin ng information literacy? Sa
depinisyon ng UNESCO Information Literacy Primer, sinasabing information literate ang isang
tao kung alam niya kung kailan kailangan ang impormasyon upang makatulong sa kanyang
pang-araw-araw na buhay, propesyon, pagkilos at pagbuo ng desisyon. Dagdag pa rito,
kailangang mapagnilayan , maisalin o masabi, maiayos niya ang mga impormasyong ito na
maiintindihan, makukuha, at mapakikinabangan ng iba. Halos lahat naman ng pagkakataon,
kailangan natin ng impormasyon. Subalit ang pokus dito’y ang pagkakataong kailangang nating
kumuha ng matinong impormasyon at madalas matakaw tayo sa impormasyon kapag nag-aaral
tayo o nakapaloob tayo sa Sistema ng edukayon. Ang mga bata ang may pinakamalakas na
appetite sa impormasyon dahil mausisa sila, palatanong at makulit upang malaman ang mga
bagay-bagay sa paligid nila. Kailangang sa ganitong sitwasyon, nalalaman nila kung paano at
saan makukuha ang impormasyon. Sa ngayon, hindi na ang guro ang balon ng kaalaman ng mga
bata dahil nandiyan na si Google at ang buong kalawakan ng internet. Ngunit sina Google,
Yahoo, Facebook, at marami pang iba ay para lamang sa mga maykayang Pilipino.
Nagpapahiwatig
kasi ang UNESCO na ang pagiging imformation literate ay kailangang-kailangan sa information
society at ngayong 21st century. Sa kasamaangpalad para sa Pilipinas, hindi tayo handa! Huwag
tayong maniwala na nasa information society na ang Pilipinas. Marami sa atin ang nabubuhay
pa sa kasalukuyan na parang walang pinagkaiba noong dekada ’70 dahil marami pa rin ang
naghihirap at naghihikahos sa buhay. Sabi nga ni National Statistical Coordinating Board
Secretary Genera Jose Ramon G. Albert, hindi nagbago ang poverty incidence ng bansa simula
noong 2006 hanggang sa ngayon na nasa 28% ng kabuuang bilang ng sambahayan sa bansa.
Ayon sa TNS Digital Life 2012, 7 sa 10 Pilipino ay walang akses sa internet; 15% lang ng
kabuuang sambahayan ang may internet connection; at 1.9 sa 100 Pilipino ang may fixed
internet connection. Samakatuwid, tulad ng dambuhalang hati sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman, ganito rin ang makikita sa paggamit ng internet. Kung kaya’t 3 sa bawat 10 lamang
ang proud sa Facebook capital tayo sa mundo. Maliit din ang pagkakataong sa 3 bawat 10
Pilipino masasabi nating information-literate sila. Hindi porke’t naka-FB, naka-iPad o tablet,
nakasmartphone tayo ay information-literate na tayo. Sa katunayan walang makapagsasabi
kung ilang porsyento ng ating populasyon ang information-literate. Wala pa kasing ginagawang
komprehensibong pag-aaral tungkol dito. Pero makapaghihinuha tayo na sadyang maliit na
porsyento ito at ito’y tunay na kalunos-lunos. Sa kasamaang palad, sa bagong K-12 na kurikulum
ng DepEd, walang matinong information literacy sa content at performance standards nito at
hindi pa naipatutupad ang ICT roadmap for education kahit na nasa 21st century na tayo. Sa
mga susunod kong kolum, tatalakayin ko ‘to nang husto. Subalit ngayon, naging malinaw na
malayo pa tayong maging information-literate. Maski mass media ay hindi nakaligtas dito. Saan
ka ba makababasa ng diyaryong ang headline ay tungkol sa lovelife at sexually transmitted
disease ng isang artista? O di kaya’y ang bungad ng balita sa TV ay tungkol sa hiwalayan nina X
at Y. Nakalulungkot na baka sa pagdating ng panahon hindi na natin alam kung ano ang
ipinagkaiba ng basura sa impormasyon.
Ang Facebook Bilang Daluyan Sa Pagkatuto
Ang Facebook ang pinakapopular na social networking site sa Pilipinas ngayon. Hindi
nakapagtataka na nakahikayat ito ng napakaraming kabataan sapagkat talaga naming una itong
dinisenyo para sa kanila. Ang mga mag-aaral na kabilang sa mga unibersidad na sakop ng Ivy
League at Stanford University sa Amerika ang mga unang nagging miyembro nito. Ito ay
idinisenyo ni Mark Zuckerberg na isang mag-aaral sa Harvard University kasama ang kanyang
dalawang kaibigan noong 2004. Nang lumaon ay ginamit na rin ito hindi lamang para sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa kundi para sa pangangailangan ng maka-kapitalistang mundo ng
ekonomiya, kaya’t lalong tumaas ang popularidad nito sa madla. Gayunpaman ay hindi
maikakaila ang kakayahan nito na maging daluyan ng pagkatuto hinggil sa maraming bagay. Sa
ganitong kaparaanan ito maaaring samantalahin ng mga guro at mag-aaral para mas yumabong
pa ang kanilang kaalaman sa mga asignaturang pinag-aaralan. Sa pag-aaral na isinagawa ni
Selweyn (2009) ay napatunayan na malaki ang tungkuling ginagampanan ng facebook sa buhay
ng mga estudyante sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng kanilang pag-aaral kasama
ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga guro. Sa pamamagitan din nito naipaaabot nila sa iba
kung ano ang kanilang mga pangangailangan pang-akademiko at kung ano ang antas ng
kanilang pagkatuto o ang kanilang kaulangan na dapat pagtuunan ng pansin.
Natuklasan naman sa pag-aaral ni Kosik (2007) na ang Facebook ay kalimitang ginagamit
ng mga estudyante sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa kamag-aral upang mas madali
nilang mapagusapan ang mga pangangailangan ng kurso, kagaya ng mga instruksiyon o paalala
na ibinigay ng guro hinggil sa isang particular na takdang-aralin o proyekto. Mas gusto nilang
gamitin ang Facebook sapagkat mas mabilis ang koneksiyon nito, kaya’t madali ang palitan ng
mga kuro-kuro kumpara sa software na dinisenyo ng kanilang pamantasan. Kung aanalisahing
mabuti ang mga grupo sa social networking site na ispesipikong nakalaan sa pag-aaral ay
mayroon talagang malaking naitutulong sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan lamang ng
simpleng pagda-download ng mga educational links ay mas mabilis na nakakakuha ng mga
dokumento at babasahin patungkol sa paksang pinag-aralan. Mas malawak din ang
matututuhan sa paraang ito sapagkat ang mga kaalaman ay maaaring magmula sa iba’t ibang
panig ng mundo. Hindi rin ito limitado sa tekstong nakasulat sapagkat maaari ring makakuha ng
mga impormasyon sa paraan ng mga palabras kagaya ng dolumentaryo o iba pang
interaktibong panoorin. At dahil sa mabilis nitong koneksiyon, malaya ring nakikipagpalitan ng
kuro-kuro ang mga miyembro nito, kaya’t kung may mga bagay na hindi masyadong
maunawaan ay maaari agad itanong sa mga eksperto na handing magbahagi ng kaalaman.
Ang isa pa sa magandang naidudulot ng Facebook batay naman sa natuklasan ni Duboff (2007)
sa kanyang pananaliksik sa Yale University ay ang pagkakaroon ng magandang ugnayan o
palagayang loob sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Facebook, ayon
sa kanya, ay mas naramdaman ng mga mag-aaral at guro na kabilang sila sa isang akademikong
komunidad. Maaaring dahil dito ay mas malaya nilang naipahahayag ang kanilang damdamin at
kaisipan hinggil sa paksang pinaguusapan o isyung pinagtutuunan ng pansin ng kanilang
paaralan. Kumbaga, ang Facebook ang nagsisilbing tulay para magkalapit ang damdamin ng
bawat isa. Dito mo makikilala ang isang tao at may mga pagkakataon na dito ka rin nakakakuha
ng simpatiya buhat sa kanila. Nabubuo ang isang ugnayan ng pakikipagkaibigan sa mga ganitong
pagkakataon. Sa panig naman ng mga mag-aaral ay maaaring mabawasan ang kanilang
pagkatakot o pag-aalinlangan sa kanilang mga guro. Hindi maikakaila na mayroong ilang mag-
aaral na mas naibibigay nang lubusan ang kanilang kakayahan at mas nagiging makabuluhang
miyembro ng klase kapag naramdaman nilang tila kabilang sila sa isang pamilya. Nauunawaang
mabuti ng isang mag-aaral ang mga itinuturo sa kanya kapag may kaligayahang namamayani sa
kanyang puso. Ito ay sa mga pagkakataong nararamdaman niya ng tanggap siya ng mga
nakapaligid sa kanya kaya’t mas kampante ang pakiramdam niya. Sa puntong ganito niya
tinitingnan na ang pag-aaral ay hindi pabigat kundi isang pagkakataon ng pagpapalaya sa
sariling kakayanan at kaalaman. Sa pamamagitan din ng Facebook, nagkakaroon ng lakas ng
loob ang mga mag-aaral na hingin ang tulong ng kanilang guro sa mga pagkakataon na hindi nila
masyadong maintindihan ang paksang pinagaaralan. Maaaring maka-chat o mag-PM o private
message sa mga pagkakataong nahihiyang kausapin nang harapan ang guro o kaya naman ay
nag-aalinlangan na pumunta sa oras ng konsultasyon sapagkat nahihiyang may makakitang
kaklase at mabansagang mahina ang ulo. Kaya’t sa mga pagkakataon na naonline status ang
guro ay maaaring samantalahin ito para magtanong o humingi ng tulong. Maaari kasing
magbigay ng mga website ang guro na makatutulong sa mga mag-aaral upang lubusan nilang
maintindihan ang mga paksa na mahirap unawain. Ang mga guro ay may Malaki ring
pakinabang sa social networking site na ito sapagkat mas nakikilala nila nang lubusan ang
kanilang mga mag-aaral. Nagkakaroon sila ng ideya kung anong uri ng talino o interes mayroon
ang isang indibidwal. Ito ay maaari nilang gamitin upang makapagdisenyo ng mga aralin na
makapupukaw ng atensyon at hahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral na kanilang
tinuturuan. Sa ganitong paraan ay mas natutuklasan at nalilinang ng mga mag-aaral ang
kanilang talino. At sa puntong matuklasan kung saan siya magaling ay maaari nang ibahagi ito
sa Facebook sa pamamagitan ng pagpo-post na makikita ng lahat (publiko) gamit ang wikang
Filipino upang sa gayon ay tumaas din ang antas ng sariling wika. Mayroon ding pakinabang sa
sikolohikal na aspekto ang Facebook. Sapagkat may pagkakataon na ang mga kaisipan at
kasabihan na makikita na ipinapaskil o ipino-post ng mga miyembro nito ay hinggil sa pag-asa
upang malampasan o kayanin ang hirap ng buhay. Sa maraming pagkakataon ay nakararanas
ang mga mag-aaral ng pagiging “burnt-out” o ng kawalan ng interes o gana sa pag-aaral.
Nangyayari ito dahil sa dami ng kailangang tapusin na pangangailangan upang muling lumaban
at harapin ang buhay nang buong tapang. Subalit kailangan ding mag-ingat at disiplinahin ang
sarili, sapagkat hindi rin dapat isantabi ang mga panganib na dala ng paggamit ng social
networking site na ito. Sa dami ng maaaring maging libangan kagaya ng games o walang
katapusang pananaliksik sa samut-saring kuwento ng mga kakilala o ng ibang tao ay maaaring
maubos ang mga mahahalagang oras na dapat ilaan sap ag-aaral. Ito ay maaaring maging
dahilan sa pagbaba ng mga marka ng mga mag-aaral, kagaya ng natuklasan ni Munoz (2010) sa
kanyang pananaliksik. Nararapat pa ring tandaan na ang lahat ng sobra ay masama at kung
hindi talaga mapigilan at turuan na lamang ang sarili na maging magaling na pagsabay-sabayin
ang iba’t ibang Gawain sa iisang pagkakataon (multitasking).
Mas mapadadali ang pagkuha ng lectures o pagtalakay ng paksa mula sa iba’t ibang bahagi ng
mundo.
Nakatutulong ito upang madaling maipalaganap ang ilang mga panuto hinggil sa
isinasagawang proyekto o takdang-aralin.
Madaling makakukuha ng isusulat na paksa ang mga estudyante sapagkat nagkakaroon sila ng
kamalayan sa mga nagagaanap sa paligid sa pamamagitan ng website na ito.
Magagamit ito bilang dokumentasyon ng mga natutunan. Maaaring i-post ng mga mag-aaral
ang kanilang ginawang proyekto sa klase. Malaking bentaha kung ang kanilang magiging
proyekto ay may pakinabang sa kanilang kapwa. Sa ganitong kaparaanan ay magiging daluyan
ang Facebook tungo sa pagkakawanggawa.
Mas madaling makikiisa ang lahat ng mga mag-aaral sa brainstorming activity kung saan ay
Malaya nilang maipahihiwatig ang mga ideyang bumabagabag sa kanilang isipan. Malaki ang
maitutulong nito sa mga mahiyaing estudyante.
Maaaring gawin itong daluyan sa pagbabahagi sa klase ng mga isinulat na journal ng mga
mag-aaral. Magiging mas madali ang makakuha ng komento, puna, o suhestiyon na
makatutulong upang mapahusay pa ang sulatin at maging mas mahusay na manunulat
pagdating ng araw.
Maaari ring mai-post dito ang mga ginawang buod hinggil sa mga nabasang aklat o napanood
na pelikula na may layuning hikayatin ang iba na tunghayan ang kanilang mga nasaksihan. Isang
paraan ito ng pakikipagkaibigan, pagkakaroon ng malaak na kaalaman at pagsasanay ng
kakayahan sa pagsusulat.
Maaari rin sanayin ng mga mag-aaral na nagnanais na maging reporter at broadcaster ang
kanilang sarili sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga nangyayari sa loob at labas ng paaralan
gamit ang website na ito.
Malaki ang maitutulong ng pagpo-post ng mga aralin sa FB upang makahabol ang mga mag-
aaral na lumiban ng klase o para sa mga nais mag-rebyu ng mga dating napag-aralan bilang
paghahanda sa isang pagsusulit.
Malaki ang maitutulong klase ng Facebook Event upang mapaalalahanan ang lahat hinggil sa
mahahalagang kaganapan na dapat pagtuunan ng pansin ng buong klase kagaya ng iskedyul ng
pagsusulit o petsa ng pasahan ng mga proyekto o takdang-aralin.
Mas magiging madali ang daloy ng komunikasyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral
sapagkat kung mayroong mahalagang mensahe ang guro ay kailangan lamang i-like ng mga
mag-aaral ito upang malaman ng guro na nabasa at naunawaan ng kanyang mga estudyante
ang mensaheng nais niyang iparating.
Maganda ring daluyan ito upang makapagbigay ng papuri, pagbati, o positibong komento sa
sino man na may kapaki-pakinabang na nagawa para sa klase.
Malaking tulong din ito sa mga nangangalap ng datos para sa kanilang pananaliksik na papel.
Maaaring makaatulong ang mga guro nito sa pamamagitan ng paglalagay ng links o booktags.
Panayam Propesoryal
29 Marso 2006
Introduksyon
Mula noon, lalo pang tumindi ang pandarayuhan ng mga Pilipino upang matrabaho.
Mula sa mga katulong sa bahay sa Singapore, Hong Kong, Milan, Madrid, at London, nariyan din ang mga
mananayaw at mang-aawit sa Hapon, manggagawa sa pabrika sa Taiwan at Korea at tapag-alaga ng mga
matatanda sa Canada at Estados uNidos. Tinatayang nasa mahigit na 200 teritoryo, bansa at ekonomiya
ang milyon-milyong OFW sa buong mundo. Bunga ng kultura ng migrasyon, ang mga Pilipinong ito ay
pinagmumulan ng bilyon-bilyong dolyar na padalang salapi sa kanilang mga pamilya. Ang padalang ito
ang nagbibigay kabuhayan sa kanilang mga kaanak dito, katatagan sa ekonomiya at posibleng
kaunalaran ng ekonomiya.
Epekto sa Kabuhayan
Ayon sa alokayon ng badyet sa iba’t ibang gugulin, ang mga pamahayang may tinanggap na
padalang salapi ay naglalaan ng maliit na kita sa mga kinakailangang bagay at malaking kita sa mga
itinuturing na maluluhong bagay kung ihahambing sa mga pamahayang walang tinatanggap na
padalang salapi. Maliban sa pagkain, ang mga pamahayang tumatanggap ng padalang salapi ay
gumugugol nang malaki sa pabahay, edukasyon, pangangalaga ng kalusugan at serbisyong panlibangan.
Idagdag pa rito ang proporsiyon ng mga pamahayan na may telebisyon, refrigerator at washing machine
ay mataas sa mga pamilyang tumatanggap ng padalang salapi. Sa pabahay, ang proporsiyon ng mga
pamahayang may padalang salapi na nagmamay-ari ng kanilang tinitirhang bahay ay mas mataas sa mga
pamahayang walang tinanggap na padalang salapi. (Tullao, Cortez & See, 2005)
Gugulin Resulta
Alak at Inumin Ang mga maralitang pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng
maliit kung ihahambing sa mga maralitang pamayanang walang
padalang kita. Samantala, ang mayayamang pamahayang may
padalang kita ay naglalaan ng malaki kung ihahambing sa
pamahayang walang padalang kita.
Ilaw, Panggatong at Ang mga maralitang pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng
Tubig maliit kung ihahambing sa mga maralitang pamahayang walang
padalang kita. Samantala, ang mayayamang pamahayang may
padalang kita ay naglalaan ng mas malaki kung ihahambing sa mga
mayayamang pamahayang walang padalang kita.
Pananamit at Sapin Ang mga pamahayang may padalang kita ay naglalaln ng mas maliit
sa Paa kaysa mga pamahayang walang padalang kita. Ang alokasyon ay
tumataas sa pagtaas ng kita ng pamahayan.
Edukasyon Sa Pangkalahatan, ang mga pamahayang may padalang kita ay
naglalaan ng maliit kaysa mga pamahayang walang padalang kita.
Pangangalagang Ang mga pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng malaki kaysa
Pangkalusugan pamahayang walang padalang kita.
Tumatagal na Ang mga pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng malaki kung
Kagamitan ihahambing sa mga pamahayang walang padalang kita. Ang alokasyon
ay tumataas sa pagtaas ng kita.
Di-tumatagal na Ang mga pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng maliit kung
kagamitan ihahambing sa mga pamahayng walang padalang kita.
Upa sa Ang mga pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng malaki kaysa
Bahay/Pabahay sa mga pamahayang walang padalag kita. Ang aloksyon ay tumataas
sa pagtaas ng kita.
Pagpapaayos ng Ang mga pamahayang may padalang kita ay naglalaan ng maliit kung
Bahay ihahambing sa mga pamahayang walang padalang kita.
Epekto sa Katatagan
Epekto sa Kaunlaran
Talaan 9. Detalye ng netong daloy Mula at Patungong Ibang Bansa 1997 hanggang 2002 (batay sa
presyong 1985 milyong piso)
Papasok
Palabas
Kompensasyon 0 0 0 0 0 0
Netong Kita Mula sa Ibang 37,508 46,481 51,174 64,896 71,350 74,956
Bansa
Upang lubusang magamit ang padalang salapi, kinakailangan ang pagtukoy sa tatlong
bagay (Orozco, 2006). Una, Kinakailangang maikapit ang mga padalang salapi sa ekonomiyang local sa
pamamagitan ng paghahanap ng interaksyon sa pagitan ng produktibong batayan ng ekonomiya at ang
mga dahilan at epekto ng padalang salapi. Ikalawa, ang galaw ng padalang salapi sa mga pagbabago sa
makro-ekonomiya kasama na ang pagtaas ng presyo, pagbabago ng palitan ng salapi, interes reyt, at
tanto ng disempleo ay dapat maunawaan. Ikatlo, ang epekto ng padalang salapi sa paglaking ekonomiko
lalo kung ang padalang salapi ay kumakatawan sa proporsyong di bababa sa 5% ng GDP at sa 30% ng
kabuuang exports.
Ang malawak na taunang padalang salapi mula sa mga OFW ay nakataas ng kita at
nagtuloy sa mataas at nagbagong pagkonsumo ng mga umaasang pamahayan. Ngunit hindi natin alam
kung ang mga pamahayang ito ay ginamit ang padalang salapi sa mga di-pangkonsumong gawain tulad
ng pag-iimpok. Ang pag-iimpok ay makababawas din sa palaasang gawi ng mga pamahayang
tumatanggap ng mga padalang salapi sa pamamagitan ng paggamit ng salaping naipon upang magsimula
ng maliliit na negosyo. Makatutulong din ang mga pondong naimpok sa paglikha ng mga proyektong
pangkomunidad na lumilikha ng kita at empleo.
Isang daan kung saan ang mga padalang salapi ay maaaring dumaloy ay
pananalapi. Subalit marami sa mga umaasang pamahayan ng mga OFW ay maaaring di alam ang
ganitong mga alternatibo. Kahit na alam nila ito, ang mga ganitong instrumento ay maaaring tingnan
bilang komplikado at mapanganib na maaaring mag-uwi sa pag-ayaw ng OFW na ilagay ang kanilang
salapi sa mga ganitong alternatibong pananalapi.
Hindi lang nababago ang pagagmit ng padalang kita tungo sa pag-iimpok, ang kontribusyon ng mga OFW
at ang kanilang pamilya sa pagpapalawak sa yaman ng kooperatiba ay makapagpapalawak sa kakayahan
nilang magpondo ng mga proyektong pangkomunidad. May iba’t ibang pamamaraan ang kooperatiba
upang maiugnay ang padalang salapi ng mga OFW sa pag-unlad ng lokal na komunidad.
Sa kabilang dako, marami rin ang pangamba sa paggamit ng kooperatiba sa pagbubungkal at paggamit
ng padalang salapi ng mga OFW tungo sa pagsusulong ng komunidad. Dahil ang mga kooperatiba ang
hahawak sa pinagpagurang salapi, umaasa at humihingi ang mga OFW ng kasiguruhang ang mga
organisasyong pangkomunidad ay maasahan, matatatag, at mapagkakatiwalaan tulad ng mga
katangiang kinakailangan sa mga pormal na institusyong pananalapi. Ang masakit nito, marami sa mga
kooperatiba sa ating bansa ay hindi nagtagumpay bunga ng maling pamamahala at katiwalian ng mga
namamahala. Ang ganitong karanasan ay maaaring makapagpatamlay sa mga OFW na ilagay ang
kanilang inimpok sa salapi sa mga di-inaasahan at marurupok na institusyon. Ang ganitong pangamba ay
maaaring tugunan sa pamamagitan ng pagtupad sa mga patakaran at regulasyon na ipinatutupad ng
mga Cooperative Deceleopment Administration tungo sa mahinahong pamamahala ng mga kooperatiba.
Kongklusyon
Ang malalaking taunang halaga ng padalang salapi mula sa mga OFW na mas
nakahihigit pa sa daloy ng dayuhang capital at panlabas na tulong pangkaunlaran ng iba’t ibang bansa ay
nakapagpatatag sa halaga ng piso, kumakatawan sa malaking bahagi ng paglaki ng kabuuang
pambansang kita at tumutustos sa malaking bahagi ng ating taunang inaangkat. Sa antas ng mga
pamahayan, ito ay nakapagtaas sa kita ng mga pamilya at nakapagpalawak sa kanilang pagkonsumo.Sa
antas ng komunidad, kung ang mga organisasyong pangkomunidad ay makalilikom ng kahit 1% lamang
ng taunang padalang salapi ng mga OFW, ito ay napakalaking halaga na maaaring maidalo sa mga
proyektong pangkomunidad. Ito ay makatutulong sa mga komunidad at makapag-aaambag sa pagtugon
sa problema ng karalitaan sa maraming komunidad lalong-lalo na ang kawalan ng kredito, ang isang isa
sa pinatampok na dahilan ng karalitaan sa mga komunidad.
Ang kultura ng lipunan sa isang lugar ay nailalarawan sa mga paaralan dito. Sa Estados
Unidos, bago nahanap ang Civil War, minimal lamang ang kinailangang kaalaman upang makapamuhay
nang matino sa agricultural na lipunan. Ang klase ng mga mag-aaral ay nagsisimula sa bandang tanghali,
at nagtatapos nang maaga upang makatulong sa mga gawaing-bahay, at sa kani-kanilang mga bukid. Sa
panahon naman ng tag-init, ay walang klase, upang makatulong ang mga bata sa kanilang mga magulang
sa pagtatrabaho. Ang saklaw ng edukasyon ay makitid, at kontrolado ng mga guro. Nananaig ang
pagkapokus nito sa mga batayang kakayahan tulad din sa lipunang Pilipino.
Nang matapos ang ika-19 na siglo dumami ang porsyento ng populasyon na nanirahan
sa mga lungsod upang magtrabaho sa mga pabrika. Upang maturuan ang mga estudyante ng mga
pundamental na kakayahan at mga simpleng kaalaman na kailangan sa mga industriyal na trabaho,
naganap ang unang mahalagang rebolusyon sa pag-aaral: ang factory school model ay lumitaw.
Malalaking gusali kung saan ang mga estudyante ay nakaposisyon sa mga hanay na maaayos at ang guro
ay nasa harapan ng klase. Sinikap ng mga paaralan na maging epektibong institusyong sosyal na
makakapagdulo na identikal na produkto. Sa mga institusyong ito, natututo ang mga mag-aaral ng sapat
upang makapagtrabaho para sa malaking bahagi ng buhay nila.
Ngunit ang teknolohiya lamang ay hindi sapat. Gaya ng pinalaganap sa factory model
school, ang teknolohiya ay maaaring kasing nakakayamot na mga tradisyonal na worksheet. Ang mga
kompyuter sa mga eskwelahan ay masyado nang ginamit sa mga drill, word processing at remedial work.
Ang mga pagsasagawa na ito ay nabibigo sa pagsagad sa paggamit ng interactive capabilities ng
information technology natin ngayon. Paghambingin ang gamit ng kompyuter para sa mga drill at
gamitin ang kakayahan nitong maging epektibong instrument sa pag-aaral. Nang dahil sa mga malikhain
at nagibigay-sglang mga software, ang mga estudyante ay hindi napipilitang magbigay ng isang tamang
sagot. Sa halip nito ay natututo silang magtanong at lumikha ng marami nang paraan upang masagot
ang kanilang mga suliranin. Sila’y natututo ayon sa kanilang karanasan at sa kanilang sariling estilo nang
sa gayon ang mahuhusay na estudyante ay maaaring umabante nang walang pumipigil at ang mga iba
naman ay mga resources upang mapantayan ang matataas na istandard.
Ang mga guro naman ay nagbabago rin, mula sa pagiging tagapahala at tagapagturo ng
lahat ng kaalaman, sa pagiging gabay o mentor o facilitator na tumutulong sa paghahanap ng
impormasyon na ibinibigay ng teknolohiya at interaktibong komunikasyon. Tinutulungan nila ang mga
estudyante na mangolekta ng datos, husgahan ang halaga nito, at magdesisyon kung paano to
iprepresenta sa iba. Galing sa grupo sa grupo, estudyante sa estudyante, ang mga guro ay tumutulong sa
pagiging focused ng mga mag-aaral at tinutulungang gamitin nang lubos ang kanilang mga abilidad.
Kapag nagsama-sama na ang klase nang buo, ang mga guro ay namamahagi ng responsibilidad sa
pagtuturo sa mga estudyante, kung saan sila’y umuunlad ayon sa kanilang sariling kakayahan.
Ayon kina Abad at Ruedas (2001) ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang
instruksyunal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga ito ng wastong gawi
sa pag-aaral; Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at
napagagaan ang proseso ng pagtuuro at pagkatuto; Nagdudulot ito nang maayos, madali, makahulugan
at mabisang pagtuturo at pagkatuto; Nag-aambag ito ng iba’t ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo
sa pagtatamo nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa
kanilang sarili at kapaligiran; Nagbibigay ito ng mga tunay at iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang
pansariling gawain ng mag-aaral, nagkakaroon ng tiwala s sarili ang mga mag-aaral at guro apagkat may
direksyon ang pagtuturo at pagkatuto; Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at
sistematikong pagtuturo; Nababawasan ang pagiging dominate ng guro sa pagsasalita o pagtalakay ng
aralin sa loob ng silid-aralan.
Gayunpaman, may mga limitasyon din ang paggamit ng multimedia sa silid-aralan tulad
ng kagamitang panteknolohiya, (hardware at software), na kinapapalooban ng mga data sa database,
file, adobe application, characters, back-up recovery at iba pa na ginagamit din sa information and
communications technology at iba pang kakayahang panteknolohiya (para sa mga mag-aaral at mga
guro) at oras o panahon na kakailanganin sa pagplano, pagdidisenyo, paglinang at pagtatasa sa mga
gawaing pang-multimedia. Makikita sa gumagamit ng multimedia ang mga totoong mundo sa
pamamagitan ng mga tunog, mga larawan at bidyo na maaaring hindi nararanasan ng mga mag-aaral.
Hindi pa sila pasibo kundi aktibong nakikilahok sa mga gawain.
Ang mga paaralan ay itatayo sa mga lugar na di inaasahan. Mga lugar tulad ng mga
gusaling pang business, o kaya ang mga mas kombensyonal na paaralan ay magkakaroon ng mga branch
campus na naintegrate sa mga negosyo, ospital o bahay. Ang mga teknolohiya na ginagamit sa bahay ay
maglalahad ng mga lesson plan, homework, at assessment na para sa mga estudyante at magulang.
Ang mga element ng bagong modelo ay nagsisimula nang lumitaw sa iba’t ibang
komunidad sa Estados Unidos, ang mga paaralan ay nag-eeksperiment sa mga bagong organizational
structure, new forms of governance, at ang mga bagong paggamit sa teknolohiya na ginawa upang
mailarawan ang modernong lipunan. Habang nagiging mas makaangyarihan ang teknolohiya, at habang
ang mga pangangailangan ng lipunan ay tumitindi, ang mga paaralan sa kanluran at Asya ay
masasangkot sa puwersa ng pagbabago.