You are on page 1of 11

Module 4.

2
Pananaliksik at Pagsulat
a. Ugnayan
b. Gamit sa Akademikong Filipino

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


1. Natutukoy ang gamit sa akademikong Filipino ng pananaliksik at
pagsulat.
2. Nabibigyang-halaga ang pananaliksik at pagsulat bilang gamit sa
akademikong Filipino.
3. Nakasusulat nang isang napapanahong pananaliksik.
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Pananaliksik-ay isang payak at mapamaraang paghahanap ng isang makabuluhan at mahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin sa pamamagitan ng paggamit ng mga
makaagham na kagamitan. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natitipon ang mga pangunahing
kaalaman na nasaliksik.

Ayon kay Kerlinger(1973)-Ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, imperikal at


kritikal na imbestigasyonn ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa isang inakalang relasyon ng
mga natural na pangyayari.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay mahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng pananaliksik ang uri ng
buhay ng tao ay nababago-mula sa makaluma tungo sa makabago. Mahalaga ang pananaliksik
sapagkat:
1. Binabago nito ang uri ng pamumuhay-Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natutunan ng tao ng
tamang daan sa pagbabago ng kaniyang buhay. Nangayayari ito sapagkat ang tao ay mapangarapin,
ambisyoso at higit sa lahat ay masikap na makamit ang kanyang mga panaginip/pangarap.
2.Pinabubuti ng pananaliksik ang uri ng pagtuturo-Sinasabing ang pananaliksik ay isang walang
katapusang Gawain. Ang mga umugit ng batas at mga edukador ay patuloy na nagsasagawa ng
pananaliksik upang mapagbuti ang pagtuturo. Isinasagawa at patuloy na pag-aaral hinggil sa mga
makabagong dulog at estratehiya a iba’t ibang larangan at mga aralin.
3. Isinasaayos ng pananaliksik ang mga Gawain o ginagawa ng mga mag-aaral. Nauunawaan ng mga
guro ang pag-uugali o asal ng mga mag-aaral gayundin ang kanilang suliranin at mga
pangangailangan sa buhay.
4. Nagbibigay-kasiyahan ang pananaliksik sa pangangailangan ng tao. Halimbawa noong mga una-
unang panahon ay walang elektrisidad, walang sasakyan, mga panoorin at makabagong paraan ng
komunikasyon. Ang lahat ng ito aynabago sa pamamagitan ng pananaliksik.
5. Pinagagaan ng pananaliksik ang bigat ng gawain. Ang pagkakatuklas ng mga makabagong
kagamitan ay nakatutulong nang malaki sa mga tao.
6. Ang pananaliksik ay may malalim na aspetong sikolohikal. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay
nabubuhay at nadadalisay ang diwa ng pananagutan ng tao. Ito ang naging daan tungo sa lalong
magandangkinabukasan na nagbubunga ng kasiyahan at kagalingang pansarili.
7. Nakatutulong sa masaganang ani at pagluluwas sa ibayong dagat. Marami nang natuklasana ng
mga paham sa pananaliksik hinggil sa pagpapabuti ng aning palay, gulay at mga isda.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MANANALIKSIK
1. maka-Diyos- religious
2. mapanlikha-creative
3. nakikilahok-active
4.matipid-economical
5. matapat- honest
6. mapamaraan-resourceful
7. makaagham-scientific
8. may kakayahan-efficient
9 mabisa-effective
10.mapanuri/mapagsiyasat-research-oriented

URI NG PANANALIKSIK

1. TAGANAS O LANTAY NA PANANALIKSIK (PURE RESEARCH)


Ito ay tinatawag ding batayan o saligang pananaliksik at layuning tumuklas ng mga taganas o
basikong prinsipyo o katotohanan
Ang ilang halimbawa nito ay:
a. Newton’s Law of Motion
b. Boyle’s Law
c. Charle’s Law
d. Hooke’s Law
e. Archimedes’ Law of Bouyancy

2. GAMITING PANANALIKSIK (APPLIED RESEARCH)


Ang uring ito ng pananaliksik ay kinapapalooban ng pagsisiyasat o paghahanap ng mga
makabagong kaalamang makaagham para sa kalutasan ng isang suliranin na nangangailangan ng
solusyon. Halimbawa ang suliranin sa patuloy na paglobo o paglaki ng populasyon. Ang mga ahensya
namay kinalaman ditto ay maghahanap at maghahain ng mga panukalang solusyon.

3. AKSYON RISERTS (ACTION RESEARCH)


Ito ay may kinalaman sa pananaliksik na nangangailangan ng kagyat na pagpapasya o
desisyon at ito ay ginagamitan ng makaagham na pamamaraan bilang pagtugon sa dagliang
pagbabago sa kasalukuyang kalagayan.

MGA KATANGIAN NG AKSYON RISERTS


1. People-oriented-ito ay nilalahukan ng mga tao sapagkat sila ang higit na nakadarama at nakaaalam
ng problema/suliranin.
2. Community involvement-kalahok ang pamayanan
3. Group-research –Binubuo ito ng grupo ng mananaliksik at mga kalahok upang lutasin ag suliraning
panlipunan mula sa pagpaplano hanggang sa lebel nang pagpapatupad.
4. Big Crowd –Nilalahukan ng malalaking grupo ng mananaliksik at mga kalahok.
5. Political Involvement – ang mga pinunong bayan ng isang pamayanan ay nararapat na makilahok
para sa medaling paglutas ng suliranin.

MGA HAKBANGIN SA AKSYON RISERTS


1. Pagtitiyak sa suliranin at pamayanan
2. Paglalahad ng layunin
3. Pagtukoy sa mga kalahok
4. Pag-oorganisa ng grupo ng mananaliksik
5. Pagtatakda ng haba o panahon ng pag-aaral.
6. Pagsasagawa ng pananaliksik
7. pagsusuri sa kinalabasan ng pag-aaral
8. Pagpapahalaga sa mga natuklasan.
9. Rekomendasyon
10. Implementasyon/Pagpapatupad
DAYAGRAM NA HAKBANGIN NG AKSYON RISERTS

Pagtitiyak sa Suliranin at Pamayanan

Paglalahad ng Layunin

Pagtukoy sa mga kalahok

Pag-oorganisa sa Grupo ng Mananaliksik

Pagtatakda ng Haba o panahon ng pag-aaral

Pagsasagawa ng Pananaliksik

Pagsusuri sa kinalabasan ng Pag-aaral

Pagpapahalaga sa mga Natuklasan

Rekomendasyon

Implementasyon/Pagpapatupad
PARAAN/DULOG SA PANANALIKSIK

1. Palarawang Paraan
Sa maikling paliwanag ito ay nangangahulugan ng paghahanap ng katibayan (fact-finding) na
may sapat na pagpapakahulugan na ang tunay na kahulugan o interpretasyon. Nangangahulugan na
ang tunay na kahulugan ng mga datus na nakalap ay iniuulat ayon sa layunin at pagpapalagay.Ang
paraan o dulog na ito ay nahahati sa:
a. Sarbey (survey research)
b. Pamasid na Pag-aaral (observation studies)
c. Debelopmental na pag-aaral (Developmental design)
d. Pag-uugnay sa pag-aaral (correlational fesearch)

2. Historikal/Pakasaysayang Paraan
Sa paraang ito ang mananaliksik ay nangangalap at nagtatala ng mga kaalamang
makatutulong sa isasagawang pananaliksik. Ang pagsusuyod sa mga nakalipas na pangyayari ay
nagbibigay daan sa katotohanan ng isang nakaraan. Sa paraang ito kung may pagdududa sa isang tao,
pook, bagay o pangyayari ay maaarinng isagawa ang pananaliksik.

3. Paraang Eksperimental
Ang pamamaraang ito ng pananaliksik ay gumagamit ng makaagham na pamaraan kung saan
ay inilalarawan kung ano ang hinahanap. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga likas na agham tulad
ng Botany, Ecology, Biology, Psychology, Chemistry at Physics. Subalit ito ay may limitasyon kapag
ginagamit sa larangan ng Edukasyon, Sosyolohiya at Sikolohiya. Bagaman ito ay isinasagawa sa loob
ng silid-aralan o laboratory ay inaasahan pa ring ang matutuklasan ay sanhi at bunga.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NA PANG EKSPERIMENTAL:

1.Dapat ibukod/ihiwalay nang maingat upang maiwasan ang kalituhan


2. Ang salik ay dapat na tiyak at tukoy
3. Piliin ang pinakamahusay na teknik na maaaring gamitin.
4. Magkaroon ng sapat at tamang control sa lahat ng salik.
5. Mamili o bumuo ng isang epektibo o may saligang pagsubok sa isang maingat, planado at
pinalatuntunang pagtaya.
6. Tungkulin ng nagsasagawa ng pagsubok ang gumawa ng pag-uulat ng mga naisagawa mula simula
hanggang wakas.
KAHULUGAN NG PAGSULAT

Nakilala natin ang ating pinagmulan at nabasa natin ang ating sinaunang panitikan dahil sa
mga tala o kasaysayan. Ngunit di makapangyayari ang pagtatala ng kasaysayan kung wala ang
pagsulat. Isa na marahil sa pinakamagandang imbensyon ng tao ang pagsulat. Ang paggawa o
pagbuo ng mga titik, simbolo at mga salita ay tinatawag nating pagsulat. Isa sa pinakagamiting
paraan ng pakikipag-ugnayan ang pagsulat. Ginagamit din natin ang pagsulat upang balikan ang mga
bagay na din a kayang tandaan ng isip.

May sining ang pagsulat. Ito ay tumutukoy sa maayos, malinaw at wastong pagpapahayag ng
kaisipang may pakinabang. Winika ni Gabriel L. Rico, may-akda ng “Writing the Natural Way,” ang
masining na pagsulat ay hindi lamang lumilibang kundi nagpapayaman din ng kaalaman ng
mambabasa.

IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT


Ang samu’t saring layunin sa pagsulat at magkakaibang uri ng mambabasa ang siyang dahilan
kung bakit may iba’t ibang uri ng pagsulat. Ito ay maaaring malikhain, Teknikal, Jornalistik at
Akademik.

1. Akademikong Pagsulat
Ito ay isang prosesong linyar na nakatali sa iisang tema o paksa kung saan nakaangkla ang
lahat ng bahagi ng teksto. Ang lahat ng parte ng isang tekstong akademiko ay dapat na sumusuporta
sa iisang “thesis statement’’ lamang at pangunahing layunin nito ang maghatid ng impormasyon sa
halip na mang-aliw. Ang halimbawa nito ay mga aklat pangkolehiyo, iskolarling sanaysay, tesis at
desertasyon. Kabilang sa mga fityur ng ganitong uri ng pagsulat ang pagiging komplikado, pormal,
obhektibo, malinaw o tiyak, maingat at responsible.

a. Pagiging komplikado
Hindi katulad ng oral o pasalitang komunikasyon, mas komplikado ang akademikong
sulatin sa puntong panggramatika dahil nagtataglay ito ng higit na maraming salita, sugnay o mga
noun based na parirala, pang-uri at pasibong aspekto ng pandiwa. Nagkakaisa sa ganitong pananaw
ang mga dalubwikang sina Holliday(1989), Cook (19970, Johansson, Leech, Conrad at Finegan
(19990.

b. Pagiging pormal
Walang dudang gumagamit tayo ng kolokyal na lenggwahe sa ating oral o pasalitang
pagpapahayag. Subalit dapat itong iwasan sa akademikong pagsulat sapagkat mahalaga ang
pormalidad at dignidad ng teksto para sa mga academic audience. Sa puntong ito mahalaga ang
euphemism o paglulumanay sa paggamit ng lenggwahe upang hind imaging offensive ang dating ng
mensahe sa mambabasa. Pansinin ang sumusunod na hanay ng mga salita.
Kolokyal na mga Salita at Parirala Akademikong Katumbas

1 Basurero Nangangalakal o Sanitary Engineer

2 Mid-wife sa Health Center Health Worker

3 Kubeta/Inidoro Palikuran o Restroom

4 Morge Funeral Parlor

5 Pagiging iresponsable sap unto ng Psycholoogical Incapacity


paghihiwalay ng mag-asawa.

6 Pagtanggap ng suhol ng mga pulitiko o Narco-politics


pinuno ng pamahalaan ng protection
money mula sa mga sindikato ng droga.

7 Bobo o mahina ang ulo Academically Challenge

c. Pagiging Obhektibo
Sa bahaging ito ay sadyang iniiwasan ang pagiging personal at pinalulutang ang pagiging
patas sa pamamagitan ng hindi paggamit ng mga salitang tumutukoy sa personal nap unto de bista
ng manunulat. Impormasyon ang binigyang diin sa akademikong pagsulat at hindi opinion dahil
interesado ang akademikong mambabasa hindi sa kung ano ang opinion ng awtor kundi sa mga
patunay na kalakip ng kaniyang mga asersyon. Iminumungkahi dito ang pagiging generic sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salita o pantukoy tulad ng kami, tayo, natin at atin sa halip na ako,
akin, amin, at iba pa.
d. Pagiging Malinaw o Tiyak
Sa akademikong pagsulat ay dapat na talakayin ang bawat ideya o paksa ng direkta sa punto.
Iwasan ang pagiging maligoy dahil hindi dapat na maiwang naguguluhan o nanghuhula ang mga
mambabasa. Mahalaga sa puntong ito na matugunan ng manunulat ang tinatawag na ABC’s of
Writing tulad ng 1.) Kaisahan ng Paksa (unity), 2.) Pagbibigay diin sa iisang sentral na ideya
(emphasis) at 3.) Kaugnayan o pagiging konektado ng bawat bahagi ng teksto sa isa’t isa
(coherence) na mabisang naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng mga hudyat na
salita o signal words. “It is explicit in its signposting of the organization of ideas in the text” ayon pa
kina Biber, Johansson, Leech, Conrad at Finegan(19990. Nangangahulugan ito na kailangang gawing
malinaw sa mga mambabasa ang mga sumusunod:
-Pagbabago o pagpapalit ng linya ng argument o pangangatwiran
-Pagkakaroon ng dalawang magkatulad na ideya sa loob ng teksto.
-Paghahain ng karagdagang impormasyon.
-Pagbibigay ng mga kaugnay na halimbawa.

KATANGIAN NG PAGSULAT
1. Nakapagpapatalas ng isipan;
2. Lumilinang ng talasalitaan
3. Nakapagpapalawak ng karanasan
4. Daan sa pagpapahayag ng damdamin o opinion tungkol sa isang mahalagang paksa.

HAKBANG SA MABISANG PAGSULAT


1. Pagpili ng paksa
Pumili ng paksang napapanahon at may malaking pakinabang sa mga mambabasa. Isaalang-
alang ang sumusunod:
a. Ang mambabasa
Nararapat lamang na iugnay natin ang paksa batay sa edad, kasarian at maging sa
estado sa buhay ng mambabasa.
b. Napapanahon
Higit na tatangkilikin ng mambabasa ang mga impormasyong bago dahil ito ay
kaalamang wala pa sa kanila.
c. Makabuluhan
Ang isa sa mga layunin ng mambabasa ay isipin ang dahilan kung bakit isinulat ng
manunulat ang partikular na paksa. Ang mambabasa ay naghahanap ng bagong kaalamang nais
ibahagi ng manunulat.
2. Pangangalap ng Impormasyon
Dahil sa ang layunin ng manunulat ay magbahagi ng kaalaman, magiging ganap ang layuning
ito kung sapat at hitik sa impormasyon ang lalamanin ng isang paksang susulatin.
3. Pagpapahalaga sa mga impormasyon
Sinusuri ng manunulat kung alin sa mga datos o tala ng impormasyon ang mahalaga at
gagamitin sa pagsulat.
4. Pagsulat ayon sa balangkas
Para sa higit na pag-unawa ng mambababsa, isinasaalang-alang ng manunulat ang kawastuan
at pagiging maayos ng sulatin.
LAYUNIN NG PAGSULAT

1. Para sa kaalaman
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang isang tao ay nagsusulat-para maibahagi ang
kanyang kaalaman sa nakararami.
2. Makapagpahayag ng damdamin
Dalawa ang paraan ng pagpapahayag: ang pasulat at pagsasalita. May pagkakataon na ang
isang tao ay hindi makapagpahayag ng kanyang damdamin dahil sa kapansanan o pagiging
mahiyaain. Sa ganitong mga pagkakataon, ginagamit ang pagsulat upang ipahayag ang damdamin o
saloobin ng isang tao.
3. Para matandaan
Hindi lahat ng impormasyon at pangyayari sa buhay ng tao ay kayang itala sa isipan. Sa
pamamagitan ng pagsulat, naitatala ang mahalagang impormasyon upang ito ay maaaring balikan.
4. Para magpakilos
Nagagawang pakilusin ng manunulat ang kanyang mambabasa batay sa impormasyong
kanyang isinulat. Naging daan sa paglaya ng Pilipinas ang mga akda ni Rizal dahil iminulat nito ang
mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng bansa sa ilalim ng mga mananakop. Patuloy pa ring ginagamit
ng mga propagandista ng makabagong panahon ang pagsulat dahil sa angking kabisaan nitong
magpakilos ng tao.
Sanggunian :
 Mortera, Melvin O.,(2017). Tulay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong City:Books Atbp. Publishing Corp.
 Mortera, Melvin O.,(2017). Tulay sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
 San Juan, Gloria P., et al.(2015).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Malabon City :Grandwater Publishing.

You might also like