You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 7
ARALIN 1.2.4 AWITING BAYAN NG KABISAYAAN AT BULONG
(PAGSULAT NG AWITING-BAYAN GAMIT ANG WIKA NG MGA KABATAAN)

I. LAYUNIN:
(F7PU-IIa-b-7). Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan
sa sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.
A- Nakapagsisikap ng higit sa paggawa ng sariling bersyon ng awiting
bayan gamit ang wika ng kabataan.

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Antas/ barayti ng Wika


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 3,
C. Kagamitan: Manila Paper, Pentel Pen , Scotch Tape, Papel, Ballpen

III. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagwawasto sa takdang-aralin
2. Balik-aral
 Ano-ano ang mga antas ng wika?
 Magbigay ng halimbawa sa bawat antas ng wika
 Aling awiting bayan sa Kabisayaan ang kakikitaan ng iba’t
ibang antas ng wika?

B. PAGLALAHAD:

Input ng Guro: Pagbibigay ng rubriks sa pagsulat ng Awiting-Bayan


gamit ang wika ng kabataan.

Rubriks sa Pagsulat

1. Angkop na Salitang gamit - 30%


(Antas ng Wika)
2. Nilalaman - 30%
3. Orihinalidad - 30%
4. Pagkakabuo - 10%
5. Himig - 10%
_______
100%

C. GAWAIN:
1. Pangkatang Gawain
Pagsulat ng sariling bersyon ng awiting-bayan gamit ang wika ng
kabataan (Balbal, Kolokyal, Lalawiganin).
Sitwasyon: Ikaw ay kasapi ng isang banda ng mga kabataan
nagmamalasakit sa mga awiting sariling atin. Bilang composer ng iyong
grupo, bubuo ka ng bersyon ng isang awiting bayan ng inyong sariling
lugar. Gagamitan mo ito ng sariling wika ninyo o mga impormal na salita.
Lalapatan mo ito ng orihinal na himig. Pagkatapos ay aawitin ito ng
inyong banda para marinig ng lahat ang ganda ng sarili ninyong awiting
bayan.

A. Pagtatanghal ng bawat pangkat


B. Input ng Guro

D. PAGTATALAKAY:

1. Maayos ba ang pagkakasulat/pagkakabuo ng awiting bayan? Nasunod


ba ang rubriks?

E. PAGLALAHAT:
1. Naisulat ba nang maayos ang awiting bayan gamit ang wika ng
kabataan? Paano?

IV. PAGTATAYA:
Indibidwal na Gawain
Panuto: Sikaping makagawa ng isang awiting-bayan gamit ang wika ng
mga kabataan. Malayang taludturan na may dalawang saknong.

Rubriks ng Pagsulat
Nilalaman - 5 puntos
Orihinalidad - 5 puntos
Malayang Taludturan
Saknong - 5 puntos
Antas/Barayti ng Wika - 5puntos

20puntos

V. TAKDANG-ARALIN:
1. Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng inyong lugar. Isulat sa isang
buong papel.

You might also like