You are on page 1of 12

Kulturang Popular

- Ito ay kinakatawan ng iba't ibang uri ng midyum

- Ginagawa para sa kita

- Maaring tumukoy sa mga bagay na maganda at ginagawang batayan sa pagtanggap sa lipunan

- Ay nanggagaling sa sentro o sa capital ng isang bansa

- Napapalaganap sa pamamagitan ng teknrolohiya

Panitikang Popular

- Tinatawag rin na 'Print Media'

- May apat na uri ito

> Pahayagan

> Komiks

> Magasin

> Kontemporaryong Dagli

Pahayagan

- Ito ay isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular

- Ito ay nakalimbag at nagbabalita ng mga isyung pinag-uusapan sa buong bansa.

- Ito ay nagbabalita ng mga napapanahon at mahahalagang pangyayaring naganap sa isang lugar o bansa

- Ang pangunahing uri nita na laganap sa bansa ay ang BROADSHEET at TABLOID

Broadsheet

- Isang uri ng Pahayagan

- Sinasabing para sa taong mataas sa lipunan ang target na mambabasa

- Ito ay malaki at malapad

> Phillipine Daily Inquirer at The Daily Tribune

Mali

TAMA O MALI?
Ang tabloid ay mas madaming nilalamang balita at impormasyon kaysa sa broadsheet.

Tabloid

- Isang uri ng Pahayagan

- Sinasabing pahayagan ng masa

> PhilStar at Bandera

Komiks

- Isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular

- Ito ay may mga dibuho o guhit na larawan at lobo ng usapan kung saan mababasa ang diyalogo ng mga
tauhan sa kuwento

- Layunin nitong maghatid ng isang salaysay o kuwento na naglalaman ng kulturang Pilipino

- May mga grapiko o iginuhit na mga larawan na naglalaman ng diyalogo o komedya

> Darna at Ang Pagong at Matsing

Tama

TAMA O MALI?

Dati ang karaniwang tema ng komiks ay katatawanan o komedya bago ito napalawak ang mga paksang
sinasaklaw nito.

Dr. Jose Rizal

- Siya ang kauna-unahang Pilipino na lumikha ng komiks sa Pilipinas

- Ang pabulang "Pagong at Matsing" ay nainilathala sa "Trubner's Records"

Kahon ng Salaysay

- Bahagi ito ng Komiks

- Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo

Kuwadrado
- Bahagi ito ng Komiks

- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

Lobo ng Usapan

- Bahagi ito ng Komiks

- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan

- Ito ay may iba't ibang anyo batay sa inilalarawan ng dibuhista

Magasin

- Isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular

- Isang uri ng PERYODIKONG PUBLIKASYON

- Ito ay naglalaman ng iba't ibang mga impormasyon tungkol sa kung ano-anong mga paksa at naglalagay
rin dito ng mga patalastas ng produkto

- Naglalaman ng iba't ibang artikulo

- Ito ay kalimitang pinopondohan ng mga patalastas ng mga produkto o kompanya na nais higit na
makilala sa merkado

- Noon, isa ang Liwayway sa mga kilala at pangunahing magasin sa Pilipinas

Liwayway

- Ito ang isa sa mga kilala at pangunahing magasin sa Pilipinas noon

- Ito ay naglalaman ng mga artikulo o mga patalastas ng produkto

- Ito rin ay naglalaman mga maiikling kuwento na may kinapupulutang aral

Kontemporaryong Dagli

- Isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular

- Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na mas maiksi kaya sa mga maikling kuwento na mababasa o
saglit o sandaling oras

- Inihahambing ito sa tulang tuluyan at proto-fiction o micro-fiction

- Ito ay madalas napagkakamalang katulad ng isang flash fiction o sudden fiction


Mali

TAMA O MALI?

Ang kontemporaryong dagli ay puwede lumampas o umabot sa haba ng isang maikling kuwento

Broadcast Media

- Halimbawa ng mga programa ay ang nasa radyo, telebisyon, pelikula at social media

- May tatlong uri ito

> Komentaryong Panradyo

> Dokumentaryong Pantelebisyon

> Dokumentaryong Pampelikula

Komentaryong Panradyo

- Isang anyo ng Broadcast Media

- Ito ay nagbibigay ng komento o puna tungkol sa isang napapanahong isyu na maaring magmula sa mga
mamamahayag at tagapakinig

- Mahalaga sa ganitong programa ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang


sanaysay

Mali

TAMA O MALI?

Hindi malaki ang naitutulong ng pag-aanyaya o pakikipagpanayam ng mga eksperto sa paksa o isyong
pinag-uusapan upang makapagbahagi ng kanilang kaalaman, karanasan at opinyon tungkol sa usapin.

Dokumentaryong Pantelebisyon

- Isang anyo ng Broadcast Media

- Ito ay mga palabas o programang pantelebisyon

- Ito ay pinapanood ds telebisyon at tumatalakay sa tunay na buhay ng mga taong tampok sa mga
ipinapalabas na kuwento

- Madalas itong tumatalakay sa kultura, pamumuhay, at iba pang isyung panlipunan


- Sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga manonood sa kanilang pag-iisip, pag-uugali, pananaw, at
saloobin

Tama

TAMA O MALI?

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay sinasabing gumigising sa isip at damdamin ng mga manonood


upang kumilos at lumikha ng pagbabago.

Mali

TAMA O MALI?

Hindi itinuturing na makapangyarihan ang Dokumentaryong Pantelebisyon dahil wala itong nagagawang
impluwemsiya nito sa katauhan ng

isang indibidwal.

Dokumentaryong Pampelikula

- Isang anyo ng Braodcast Media

- Layunin nitong magkuwento at masalamin ang katotohanan o realidad gamit ang pelikula

- Gumaganap ang mga artista sa pelikula

- Ginagamit ito noon para labanan ang maling pamamahala noon sa sistema ng politika sa bansa

Brillante Mendoza

Ayon kay _________ _______, ang dokumentaryong pampelikula ay isang sining biswal na malaya sa
tema at pamamaraan ng pagsasagawa o pag-atake sa pelikula. Pangunahing layunin nito ang
makapagbigay ng impormasyon, makapanghikayat, makapagpamulat ng mga kaisipan at
makapagpabago ng lipunan.

Independent o Indie Films, Short Films at mga Video Advocacies

Nakilala ang itong mga uri ng Dokumentaryong Pampelikula bilang bahagi ng kultura at panitikang
popular sa Pilipinas.

Islogan
- Iba pang Komposisyong Popular

- Ito ang komposisyong madaling maunawaan

Patalastas

- Iba pang Komposisyong Popular

- Upang makahikayat, gumagamit sila ng awit

- Isang uri ng pahayag na ginagamit upang makahikayat o makahimok

- Nagbibigay impormasyon at direksyon sa madla tungkol sa isang serbisyo, produkto, at paniniwala

Adapsyon

- Iba pang Komposisyong Popular

- Pinagiiba nila ang liriko ng isang awit

Tama

TAMA O MALI?

Ang kulturang popular ay nagbibigay ng pamantayan kung ano ang maganda, nararapat, napapanahon,
at sikat.

Mali

TAMA O MALI?

Nagmula ang kulturang popular sa mga rehiyong di gaanong mauunlad at sa mga lugar na hindi naaabot
ng teknolohiya.

Tama

TAMA O MALI?

Ang kulturang popular ay gumagamit ng iba't ibang midyum na nagiging daan upang mapalaganap ito.

Tama

TAMA O MALI?
Ang kulturang popular ay sumasaklaw sa iba't ibang produktong tinatangkilik ng mga tao gaya ng
kasuotan, pagkain, at awitin.

Mali

TAMA O MALI?

Ang kulturang popular ay tinatangkilik ng ekslusibong pangkat ng mga tao na may kakayahang bumili at
magbayd ng produktong nauuso at mamahalin.

Pormal

- Salitang Istandard

- Pambansa at Pampanitikan

Impormal

- Hindi Pormal

- Salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kilala o kaibigan

Lalawiganin

- "Provincialism"

- Kilala sa isang saklaw ng lugar

- Iba ang tono at bigkas

> Bikol - Tungang

> Bisaya - Dako

> Ilokano - Ngarud, Biag, Magayan

Banyaga

- Salita mula sa ibang wika

- Karamihan nito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham o simbolong pangmatematika

- Ginagamit rin kung walang salin sa Filipino


Kolokyal

- "Colloquial"

- Taglish o pinaikli na salita

- Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagusap

- May kagaspangan at pagkabulgar

- May-anyo ring repinado at malinis ayon sa kung sino ang magsasalita

> Aywan - Ewan

> Piyesta - Pista

> Nasaan - Nasan

Balbal

- Ang salitang ito ay tinatawag sa Ingles na "slang"

- Hindi tinatanggap ng matatanda dati

- Tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye

> Erpat - Tatay

> Sikyo - Security Guard

> Yosi - Sigarilyo

> Tsikot - Kotse

> Lipsu - Pulis

> Praning - Baliw

Salitang Katutubo

- Hinango sa mga _______ ______

- Isang uri ng Balbal

> Gurang (Bikol, Bisaya) - Matanda

> Utol (Bisaya) - Kapatid

> Buwang (Bisaya) - Luko-luko

> Pabarabarabay (Tagalog) - Paharang-harang


Wikang Banyaga

- Hinango sa mga ______ _______

- Isang uri ng Balbal

> Tisoy, Tisay (Espanyol: Mestizo, Mestiza)

> Tsimay, Tsimoy (Espanyol: Muchacha, Muchacho)

> Toma (Espanyol: Tomar) Inom

> Kosa (Russian Mafi a: Cosa Nostra)

> Sikyo (Ingles: Security Guard)

> Orig (Ingles: Original)

> Sisiw (Ingles: Chicks)

Binaliktad

- Inverted or Reversed Category

> Gat bi - Bigat = Heavy Burden

> Tom-guts - Gutom = Hungry

> Astig - Tigas = Strong/Influential

> Todits - Dito = Here

> Tsikot - Kotse = Car

> Lipsu - Pulis = Policeman

Nilikha

- Coined Words

> Paeklat - Maarte = Overacting

> Espi - Esposo = Husband

> Hanep - Papuri = Praise/Appreciation

> Bonsai - Maliit = Very Small

Pinaghalo-halo
- Mixed Category

> Kadiri - Pag-ayaw/Pagtanggi = Dislike

> Kilig to the Bones - Paghanga = Crush

> In-na-in - Naaayon/Uso = Following the Trends

Iningles

- Englisized Category

> Jinx - Malas = Bad Luck

> Wierd - Pambihira = Rare/Unusual

> Bad Trip - Kawalang Pag-asa = Hopeless/Frustrated

> Yes, yes, yo - Totoo = Approved

Dinaglat

- Abbreviated Category

> KSP - Kulang Sa Pansin

> SMB - Style Mo Bulok

> JAPAN - Just Always Pray At Night

Bagay

- Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang _____

> Yoyo - Dahil ang relo ay hugis Yoyo

> Lagay - Dahil ang tong ay inilagay o isinisingit para hindi mahalata ang pagbibigay

> Boga - Dahil ang baril ay parang bumunuga

> Basag, Durog - Dahil nawawala sa sariling isip kapag nakadroga

Lalawiganin

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

Ang sarap ng [nasi] ninyo, mabango at masarap kainin.


Lalawiganin

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

Ang ganda ng [chidwai] ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.

Balbal

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

[In-na-in] talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.

Balbal

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

[Hanep] ang saya pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.

Kolokyal

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

[Ewan] ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.

Kolokyal

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

High-tech na ang pagdiriwang ng [pista] namin.

Balbal

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

[Kilig to the bones] ang saya ko nang ibili ako ng bagong iPod ni Tatay.

Upgrade to remove ads

Only $1/month

Banyaga

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)


Dalawang order ng [spaghetti] ang binili ko para sa atin.

Banyaga

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

Kumain tayo habang nanonood ng [videotape].

Balbal

(Balbal, Kolokyal, o Banyaga?)

Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni [ermat].

You might also like