You are on page 1of 2

Ww#3

Pamagat: pag uugnay Ng tekstong MABANGIS NA LUNGSOD sa sarili, lipunan, Banda...

1. Bakit pinamagatang mabangis na lungsod ang akda? Base sa mga pangyayari, Alma na ang pamagat na
ito?

Pinamagatan Ito na mabangis na lungsod sapagkat pinapakita nito mayroong mga mahirap na patuloy na
humihirap at may mga mayayaman na patuloy na yumayaman. Dahil dito, maraming mga tao ang
gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at makamit ang mga ninanais.Ang teksto ay
makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang contribusyon sa ating komunidad. At
naaakma ang pamagat na Ito sapagkat masasalamin dito ANG pag hihirap ni Andong sa kamay di lamang
dahil sa karahasan ni Bruno kundi pati na run sa bangis Ng buong lipunan

2. Bakit napakahalaga Ng simbahan Kay Andong?

Mahalaga ang lugar na ito sa mga katulad niya sapagkat ang Quiapo para kay Adong ay lugar ng "pag-
asa" para sa mga batang tulad niya na nabubuhay sa pamamalimos. Dito laging maraming tao na
nagsisimba at namamanata, na sa paningin ni Adong na kapag palasimba at namamanata ang isang tao
ay may bukal at pusong mahabagin na kabaliktaran Ng nasaksihan niya at ng pinakita sa kanya.

3. Kung ikaw si Andong, ano ang gagawin mo upang makalayo sa mga taong katulad ni Bruno?

Kung ako man ang nasa posisyon ni andong ay babaguhin ko aking pananaw sa buhay. Wala akong
mapapala at hinding Hindi makakamit ang pag asenso at Tunay na pagbabago kung aasa Tayo sa awa Ng
iba. Kung ako man si Andong aalis tatanggapin ko any mabangis na lunsod at tatakas sa kay Bruno
mamumuhay gamit ang sariling mga kamay magtatagumpay gamit ang sariling mga paa.

4. Kung makikita mo si Andong, ano ang sasabihin mo sa kanya sa lakas Ng loob na ipinakita niya upang
makawala sa taong katulad ni Bruno maging buhay man niya ang kapalit?

Masasabi ko sa kanya na Ka hanga hanga ang ipinakita niya, kailangan iapaglaban any kalayaan ano man
ang kapalit nito, sapagkat ang buhay ay Di matatawag na pamumuhay Kung wala Lang kalayaan. Subalit
dapat tinanggap niya ang lungsod bilang isang hamon at gawin niyang inspisasyon upang magtagumpay.

5. Kung may kakilala Kang batang katulad ni Andong, ano ang gagawin mo upang tulungan siyang maka
iwas sa kapahamakang dala Ng isang managsik na lungsod?

Maaring tulungan siyang sa pamamagitan ng taus pusong pagbigay ng salapi ngunit Ito ay pang madalian
lamang, kailangan siyang tulungan nakipag ugnayan sa tamang kina uukulan upang matulungan Siya at
maipaglaban ang kanyang mga karapatan bilang bahagi Ng lipunan at bilang isang Tao.

6. Ano ano ang mga dapat gawin Ng pamahalaan upang matulungang magbago ang mga katulad ni
Andong?
Kailangang simulan sa pamahalaan mismo, sugpuin ang kurapsiyon at ipatupad Ng maayos any batas, Ito
ang pinaka mahalagang tulong na kayang maibigay Ng pamahalaan. Gayundin ang pag sikap na
matugunan ang karapatan Ng bawat bata tulad Ng pagkain, pag aaral at IBA pa. Sunod ay ang mga LGU at
NGO Ng pamahalaan at ahensiya tulad Ng DSWD na maaaring gumabay SA mga katulad ni Andong.

You might also like