You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europa.
2. Nakikilahok nang buong sigla at pagkukusa sa mga gawain.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon sa Europa.
B. Kagamitan: Instructional Materials at mga papel na may lamang puzzle at mga larawan.
C. Saggunian: Modyul:Kasaysayang ng Daigdig p.300-313

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain.
1. Panalangin/Pagbati.
2. Pagtala sa lumiban sa klase.

B. Pagganyak
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng papel na
naglalaman ng “Word Hunt” Puzzle. Bawat pangkat ay hahanapin sa puzzle ang mga salitang
may kinalaman sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Ang mga salitang ito
na nakapaloob sa puzzle ay maaring mahanap ng direksyong pahalang o pababa. Ang unang
pangkat na mahanap ang lahat ng salita ang siyang bibigan ng puntos bawat isa.

C. Paglalahad sa paksa
Mula sa mga salitang nahanap sa puzzle hayaang magbigay ng opinion ang mga mag-
aaral kung ano ang mga kahulugan ng mga salitang nakuha sa puzzle at ang unang naiisip
nila kapag narinig ang mga salitang ito.
Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aralin ay may kinalaman sa Unang Yugto ng
Imperyalismo at Kolonisasyon.

D. Pagtatalakay sa paksa
Gamit ang inihandang Instructional Materials, talakayin ang mga bumubuo sa Unang
Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon sa Europa.

E. Pagpapahalaga
1. Sa inyong palagay, mabuti ba ang naging epekto ng unang yugto ng
imperyalismo? Patunayan.
2. Bilang isang mag-aaral, kung ikaw ay naatasang maglakbay sa isang lugar na
wala pang nakarating, saan ito at bakit?

F. Pagbubuod
1. Anu-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon?
2. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag?

IV. Ebalwasyon
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Kilala bilang isang manlalayag o navigator kahit hindi pa siya naisama sa
alinmang ekspedisyon.
2. Sino ang nakarating sa dulong timog ng Africa at tinawag itong Cape of
Good Hope ng hari ng Portugal?
3. Anong makabagong sandata ang dala ni Vasco de Gama sa pakikidigma?
4. Sino ang itinanghal bilang Admiral ng mga Dagat?

V. Takdang Aralin
1.Ano ang dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon?

You might also like