You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
College of Engineering
Institute of Agriculture and Biosystems Engineering

Ang pamagat ng aming par-aaral ay “Katmon (Dillenia philippinensis):

Kaangkupan nito sa paggawa ng jam”. Ang Katmon o Elephant Apple sa ingles,

ay ginagamit bilang isang ornamental na puno dahil sa puti at malalaki nitong

bulaklak. Ang bulaklak nito ay may sukat na mula lima (5) hanggang pito punto

lima (7.5) sentimetro. Karaniwan itong nakitata sa Babuyan Islands, Luzon,

Polillo, Mindoro, Masbate, Leyte, Negros Island, Guimaras, Cebu and Basilan.

Ang hindi alam ng marami, ang prutas nito ay ginagamit din na

kasangkapan sa pagluluto. Dahil sa maasim at makatas nitong katangian,

madalas itong gamitin ng mga tao sa Polilo sa pagluluto ng sinigang, bilang

pang-papaasim at isa pa dyan ay ang pag gagawa ng jam.

Ang suliranin ng pag-aaral na pagtutuunan namin ay paano gagawing

praktikal ang paggamit ng Katmon sa paggawa ng jam.

Hangarin ng pag-aaral na ito na matuklasan ang kaangkupan ng

paggamit ng Katmon sa paggawa ng jam batay sa lasa, hitsura, amoy at

tekstura nito.

Ang inaasahan naming resulta sa pag-aaral na ito ay walang pag

kakaiba ang kaangkupan ng Katmon (Dillenia philippinensis) sa paggawa ng

jam sa lasa, hitsura, amoy, at tekstura na may konsentrasyong: dalawampu’t

limang porsyento (25%), limampung porsyento (50%) at pitumpu't limang

porsyento (75%).
Gagamitin naming tagatugon sa aming pag-aaral ang populasyon sa

Laguna State Polytechnic University (LSPU) – Siniloan, gamit ang

“convenience sampling”.

Ang batayang teoretikal na pagbabatayaan ng aming pag-aaral ay ang

paggamit ng sensory evaluation sa pagtuklas ng kaangkupan at

pangkalahatang pagtanggap ng paggamit ng Katmon (Dillenia philippinensis)

sa paggawa ng jam. Ang sensory evaluation ay may layong maiintindihan,

sukatin at lubos ang pag-aralan ang isang produkto sa pamamagitan ng limang

pandama ng tao, paningin, pang-amoy, pang-lasa, pangdinig at pandama

(Stone at Sidel, 2004).

Ang batayang konseptwal na pagbabatayaan ng aming pag-aaral:

Kosentrasyon ng Kaaangkupan ng

Katmon (Dillenia Katmon (Dillenia

philippinensis ) jam: philippinensis)

Sensory Evaluation bilang jam batay sa

A. 25 % lasa, hitsura, amoy

B. 50 % at tekstura.

C. 75 %

Input Proseso Output

You might also like