You are on page 1of 1

Filipino o Ingles: Antas ng Kabisaan sa Pagkatuto ng mga Piling Mag-aaral na nasa Baitang 11 sa

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina sa Panuruang 2019-2020

Kaligirang Kasaysayan

Sa nakalipas na maraming taon, ang Wikang Ingles at Filipino ang ginagamit na midyum sa pagtuturo ng
asignatura sa lahat ng antas ng pag-aaral. Subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring resulta ng
pananaliksik na nagpapatunay kung ano nga ba talaga sa dalawang wika ang mas ginagamit na midyum
sa pagtuturo ng mga asignatura.

Ayon kay Natividad Posadas Cabral (2016), ginagamit ang wikang Filipino bilang asignatura at sa mga
taong nasa kabilang sa bansa. Ang kanilang salita ay Filipino para magkaisa tayo at ang paggamit nito ay
normal lang dahil tayo’y nasa pilipinas. Ang ingles naman ay isa ring asignatura na nasa Sistema ng
edukasyon ng pilipinas, kaya mahalaga na tayo’y makapagsalita at magkaintindi ng wikang Ingles

May mga nagsasabing Filipino ang dapat na gamitin bilang opisyal na wika sa pagtuturo dahil aniya mas
higit itong naiintindihan ng nakararaming Pilpino. Meron din namang tumututol dahil ayon sa kanila ay
mahirap itong gamitin dahil sa mga salitang ingles na hindi naman naisasalin sa wikang Filpino lalo na sa
asignaturang Science, Math at iba pa.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Amamio, ang mga estudyante at mga kaguruan ay mas piniling
gamitin ang wikang Ingles sa wikang sa pagtuturo dahil sa ito’y madaling gamitin sa pagpapaliwanag ng
mga ideya at konsepto samantalang ang mga magulang naman ay mas pinili ang filipino dahil sa wikang
ito ay naipaparating ang nais ipabatid at ito rin ang wika kung saan sila ay nagkakaunawaan

You might also like