You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu

Layunin

Sa pagtatapos ng 60-minutong aralin nang may 80% katumpakan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy kung ano ang mga diskriminasyong kinakaharap ng mga lalaki, babae at LGBT sa kasalukuyan.
b. Nakikilahok sa mga pangkatang gawaing may kinalaman sa mga kakayahan at gawaing para sa lalaki, babae
at LGBT.
c. Nakapagbibigay ng mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiwasan ang diskriminasyon sa kasarian.
d. Napahahalagahan at nauunawaan ang pagkakapantay-pantay sa karapatan at kasarian tungo sa pagkakaisa.

Paksang Aralin/Gawain sa Pagkatuto

a. Pangkalahatang Paksa: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Ispesipikong Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
b. Sanggunian: 1. Araling Panlipunan 10 Learning Material p. 284-293
2. Mga Kontemporaryong Isyu ni Jens Micah de Guzman
388 McArthur Highway, Dalandanan, Valenzuela City
JO-ES Publishing House Inc., 2017 (p. 191-192)
3. http://www.bbc.com/news/world-south-asia
https://en.wikipedia.org/wiki/Taliban
4. https://www.slideshare.net/diskriminasyon

Mga Kagamitan: kagamitang biswal, laptop, projector, speakers, yeso.

Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pang-araw-araw na Gawain

a. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin. Handa na ba kayong magdasal mga kamag-aral?
(Tatawag ng mag-aaral upang pangunahan ang
pagdarasal) Handa na!

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,…..Amen

b. Pagbati
Magandang araw rin po, sir Roger
Maraming Salamat! Magandang araw sa inyong
lahat!

c. Pagtatala ng Liban
Wala po!
Mayroon bang liban sa ating klase?

Magaling kung gayon!

d. Pagbabalik-Aral

Bago natin simulan ang ating aralin ngayong araw,


atin munang babalikan ang ating katatapos na aralin
tungkol sa gender roles sa iba’t ibang panig ng mundo.
Alin sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit ma-
higpit para sa mga kababaihan at LGBT ang Dahil po sa kultura na nakagisnan ng marami sa mga
lipunan sa maraming lugar sa daigdig? lipunang ito.

Magaling! Anong katangian ng isang lipunan ang


karaniwang nagdudulot ng ganitong kalagayan ng Patriarchal society po na kung saan mas dominante at
mga kababaihan at LGBT? may pagkiling sa mga kalalakihan ang lipunan.

Mahusay! Ano naman ang naging implikasyon ng


FGM o Female Genital Mutilation sa mga Ito po ay nagsilbing pahirap at abuso sa mga kababaihan
kababaihan sa Africa? sa Africa na kung saan nilapastangan na ang kanilang
pagkababae, wala pang benepisyong medikal na
Tama! Sa tingin nyo ba, naging madali para sa kanila natatanggap.
ang ganitong sitwasyon?
Hindi po. Dahil sa labis na pisikal at emosyonal na
Tama! Ano ang take home o natutunan mong aral kahirapang dinaranas nila gamit ang prosesong FGM.
mula sa nakaraang paksa?
Natutunan ko po na kultura ang may malaking
impluwensya kung bakit ganito ang gampanin ng bawat
kasarian lalo na ang mga kababaihan at LGBT.
Magaling! Mukhang marami na kayong natutunan
mula sa nakalipas na aralin. Mayroon pa ba kayong Wala na po!
katanungan?

Kung wala na ay sisimulan na natin ang ating bagong


aralin.

B. Pagganyak

May ipaparinig akong awitin sa inyo na pinamagatang


“Ituloy Mo Lang” ng Siakol. Inaasahang masasagot
ninyo sa pagtatapos ng awitin ang katanungang:

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?


2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa
napakinggang awitin?

Handa na?

Handa napo!
(Makikinig ang lahat sa awitin at ito ay susuriin)
Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya
Minsan nama’y nagbi-bistida
Maging sa laruan, manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan
‘Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki
Gusto ng tatay mo na ika’y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka, wala ring napala sila
Nung sabi mong ika’y sirena
‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

[Chorus:]
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema
Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain
[Chorus:]

(Matapos mapakinggan ang awitin, tatawag ng mga


mag-aaral upang magbigay ng kani-kanilang mga
ideya)
Ngayong napakinggan ninyo ang awitin, ano sa tingin
ninyo ang mensaheng nais iparating ng awitin?
Ang nais pong iparating ng awitin ay ituloy lamang natin
ang ating mga nais maging sa ating kasarian lalo’t higit na
Tama! Paano naman inilalarawan ang kalagayan ng wala naman tayong tinatapakan o sinasaktang mga tao.
LGBT sa awitin?
Hindi po makatarungan ang kanilang kalagayan ayon sa
Mahusay! Mula sa inyong napakinggan , may ideya awitin. Dahil may diskriminasyon pong nagaganap.
naba kayo kung ano ang paksa ng ating aralin ngayong
araw? Diskriminasyon sa kasarian po.

Tama! Partikular na anong uri ng diskriminasyon?

Magaling! Ang tatalakayin natin ngayong araw ay


diskriminasyon hindi lamang sa LGBT, maging
sa mga kababaihan at kalalakihan.

C. Mga Gawain

Para sa inyo ba, ano ang diskriminasyon?

Ang diskriminasyon po ay mababang pagtingin sa isang


tao. Ito po ay tumutukoy sa mga negatibo at di
makatarungang pagturing o pagtrato sa isang tao base sa
Tama! Nabanggit ng inyong mga kamag-aral na bina- kanyang mga katangian.
base sa katangian ng isang tao kung kaya’t nagkaka-
roon ng diskriminasyon. Diyan papasok ang mga salik
na nagiging dahilan ng diskriminasyon.

Ngayon upang matalakay natin ang mga salik ng


diskriminasyon, may ipapakita akong mga larawan sa
inyo. Sila ang personalidad na naging matagumpay
sa kani-kanilang mga napiling larangan sa kabila ng
mga diskriminasyon na kanilang kinaharap.

Sino ang taong nakikita nyo at ano ang alam nyo


tungkol sa kanya?
Siya po si Former Vice President Jejomar Binay. Ang
Tama. Sa tingin ninyo, anong diskriminasyon ang dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
kinaharap ni VP Jejomar Binay bago niya narating
ang tagumpay? Naging biktima po siya ng diskriminasyon sa pisikal na
kaanyuan.
Magaling! Maaari ba kayong magbigay ng iba pang
halimbawa ng diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan?
Sir halimbawa po ay pambubully dahil sa itsura o di
kaya’y kulay ng balat ng isang tao. Pwede rin po ang
pangangatawan ng isang tao. (mataba, payat, maitim
etc.)
Mahusay! Sino naman ito?

Si Manny Pacquiao po! Siya po ang tinaguriang


Pambansang Kamao at Pound for Pound King. Siya din po
ay kasalukuyang senador ng ating bansa. Siya po ang isa
Magaling! Anong uri ng diskriminasyon ang pinagdaa- sa mga tagapagbigay karangalan sa Pilipinas.
nan ni Pacquiao bago marating ang kanyang
tinatamasa ngayon? Naging biktima po siya ng diskriminasyon sa edukasyon
na bunga narin po ng kanilang kahirapan bago siya
Mahusay! Sino naman ito? sumabak sa larangan ng boxing.

Siya po si Steph Curry, isa po siyang sikat na basketball


Tama! Sa inyong palagay, anong uri ng diskriminasyon player.
ang kinaharap ni Steph Curry bago niya maabot ang
tagumpay ngayon? Siya po ay naging biktima ng diskriminasyon sa relihiyon.
Ngunit sa kabila ng mapanuring mata ng lipunan ay
nagawa po niyang mapanindigan ang kanyang paniniwala
Mahusay! Maaari pa ba kayong magbigay ng ibang at nagtagumpay parin sa buhay.
halimbawa ng diskriminasyon sa relihiyon o kultura?
Sir, isa na pong halimbawa diyan ang kasalukuyang
nangyayari sa Pilipinas na kapag iba ang relihiyon mo sa
iba o di kaya iba ang nakagisnan mong kultura, nagiging
sanhi din po ito ng diskriminasyon. Madalas pong
patampulan ng pangungutya ang ilan nating mga
katutubo dahil sa iba ang kanilang kultura kumpara sa
Magaling! Ito namang susunod. nakasanayan natin.

Siya po si Willie Revillame. Isa po siyang sikat na


Magaling! Maaari ninyo bang sabihin kung ano host/artista sa telebisyon.
ang diskriminasyong kinaharap niya bago sya
naging host at bigtime personality ngayon? Naging biktima din po siya ng diskriminasyon sa trabaho.

Tama! Magbigay nga kayo ng halimbawa o sitwasyon


na kakikitaan ng diskriminasyon sa trabaho o hanap-
buhay. Kapag maliit po o hindi kalakihan ang sahod madalas po
ay nagiging sanhi ng diskriminasyon.
Tama! At para sa ating huling larawan…

Siya po si Geraldine Roman! Siya po ay ang kauna-


unahang transgender na mambabatas sa Pilipinas. Siya
po ang pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-
Magaling! Anong diskriminasyon naman ang kanyang Discrimination Bill sa Kamara.
pinagdaanan bago nya naabot ang kanyang
kinalalagyan? Sir, naging biktima po siya ng diskriminasyon sa kasarian
dahil sa kanyang gender identity.
Sa tingin ninyo, bakit maaaring maging dahilan ng
diskriminasyon ang kasarian ng isang tao?
Dahil po mayroon pa rin pong mga babae, lalaki at
miyembro ng LGBT na nasasaktan dulot ng iba’t ibang uri
Mahusay! Ano ang nais kong iparating sa inyo nang ng karahasan, berbal na asunto at iba pa.
ipakita ko ang mga larawan ng mga personalidad na
iyon? Na hindi po hadlang ang kasarian at mga diskriminasyong
pinagdaanan upang maging matagumpay sa anumang
larangan na ating tatahakin. Na kahit makaranas tayo ng
diskriminasyon ay maaari tayong magtagumpay sa
Tama! buhay.

Matapos nating makilala ang ilan sa mga personalidad na


naging matagumpay sa ibat-ibang larangan,
magkakaroon tayo ng isang gawain kung saan aalamin
natin kung ano ba ang mga kakayahan o mga gawaing
angkop at kayang gawin ng mga kalalakihan, kababaihan
at LGBT. Para sa gawaing ito, gagamit kayo ng meta cards
na ididikit sa modelong mapipili. Isusulat lamang ng mga
miyembro ng bawat pangkat ang mga trabaho at gawaing
sa tingin nila ay angkop sa napili o naitalaga.

Unang Pangkat- Babae


Ikalawang Pangkat- Lalaki
Ikatlong Pangkat- LGBT

Ipaikot na pabilog ang inyong mga upuan bawat grupo.


Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto upang gawin ang
ating activity. May tanong pa ba?

Handa na ba kayo sa gawain?

Kung gayon, maari na kayong magsimula.

(Matapos ang limang minuto) Wala na po.

Okay, ayusin nang muli ang mga upuan at ipaskil na ang Opo.
inyong mga gawa sa pisara.

(Susuriin ng klase ang bawat gawa at paghahambingin


ang tatlong modelo. Inaasahang masagot at
maipaliwanag ang walong mga katanungan upang mas
maging kapaki-pakinabang ang gawain.) (Ipapaskil ng lahat ng pangkat ang kanilang gawa)

1. Anu-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat sa


kasariang itinalaga sa kanila? Ipaliwanag. Halimbawa ng mga gawa bawat pangkat)

2. Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag. Unang Pangkat- Babae


· Paglalaba
3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong · Pagluluto
naisulat ng ibang pangkat? Bakit may mga pagkakatulad? · Volleyball
· Nurse
4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat? · Pulis
Ipaliwanag. · Guro

5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang Ikalawang Pangkat- Lalaki


itinuturing na para sa lalaki (halimbawa, piloto, engineer, · Pagluluto
boksingero, astronaut)? Ipakilala sila sa klase. · Karpintero
· Sundalo
6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang · Guro
itinuturing na para sa babae? Ipakilala sila sa klase. · Basketball
· Volleyball
7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na matagumpay
sa larangang kanilang napili? Ipakilala sa klase. Ikatlong Pangkat- LGBT
· Pagluluto
8. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay · Gawaing bahay
batayan sa trabahong papasukan? Ipaliwanag. · Basketball
· Volleyball
Maliwanag na ba sa inyo ang ating tinalakay ngayong · Nurse Doktor
araw?

Mayroon pa ba kayong mga katanungan?


Opo.
D. Paglalapat
Upang lagumin ang ating talakayan, may katanungan ako
para sa inyo:
Wala na po.
“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin
upang masugpo o maiwasan ang diskriminasyon lalo na
sa aspetong pangkasarian?”

Mahusay! Ano pa? Bilang isang mag-aaral, magagawa ko po itong


masugpo at maiwasan sa pamamagitan ng
paghahayag ng mga adbokasiya “halimbawa, maaari
kong gamitin ang social media at ang impluwensya ko
bilang tao.
Tama! Halimbawa, may kamag-aral o ka-eskwela na
binubully o kinukutya dahil sa kanyang pisikal na Bilang isang mag-aaral, maaari akong makatulong sa
kaanyuan, ano ang iyong gagawin bilang isang mabuting mga simpleng bagay tulad ng hindi pangungutya at
mag-aaral? pambubully. Kailangan pong simulan sa ating sarili
ang pagbabago.

Mahusay! Maaari nating magamit ang araling ito sa Sir, bilang isang mag-aaral, ipagtatanggol ko po ang
maraming pagkakataon tulad ng iyong ideya. kamag-aral kong iyon at sasabihin sa mga
nangungutyang mali ang kanilang ginagawa. Sa
ganoong paraan po ay magagamit ko ang ating
E. Pagpapahalaga tinalakay ngayong araw.

Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng diskriminasyon?

Tama! Gaano naman kahalaga ang pagkakaroon ng


pagkakapantay-pantay sa lipunan?
Mahalaga pong pag-aralan ang diskriminasyon upang
mas maging maalam po tayo bilang indibidwal sa mga
Magaling! Mahalaga bang mawala ang diskriminasyon sa maaari nitong maidulot sa ating lipunan.
kasarian?

Sa inyong palagay, paano ka makakaiwas sa


ganitong uri ng diskriminasyon?
Opo. Dahil ito po ay maaring maging tulay o daan sa
pagkakaisa ng lipunan.

Sa akin pong palagay, ang kailangan ko lamang gawin ay


Magaling! Ngayon balikan nating muli ang mga larawan ang mag-aral ng mabuti at makahanap ng trabaho nang
na pinag-aralan natin kanina. sa gayon po ay mapaunlad ko ang aking sarili at sa
ganitong paraan ay makakaiwas tayo sa diskriminasyon.
Gaya nila, paano ka babangon o uunlad sa kabila ng ng
mga posibleng diskriminasyon na maranasan mo?

Mahusay! Natutuwa ako na inyong edad ay


nakapaglalahad kayo ng isang makabuluhang mga ideya. Magpagtatagumpayan ko po ito sa pamamagitan ng
determinasyon, tiwala sa sarili at pagpapatuloy sa aking
landas sa kabila ng mga nakaambang na pangungutya at
May tanong pa ba tungkol sa ating aralin? pagmamaliit sakin.

Magaling!
Wala na po.

You might also like