You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Pililla, Campus

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 9

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor. (AP9MSP-IVg-15)

Task Analyze:

a. Naiisa isa ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor.

b. Nakalilikha ng mga mungkahing programa para sa mga mamamayan na kabilang sa


impormal na sektor ng ekonomiya.

c. Napahahalagahan ang mga programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga


kabilang sa impormal na sektor.

II. Paksang Aralin:

Kwarter/Yunit: Ikaapat na Kwarter

Paksa: Impormal na Sektor

Sub Topic: Mga Dahilan ng Impormal na Sektor

Mga Programa ng Pamahalaan para sa Impormal na Sektor

Sanggunian:

Balitao, Bernard L. et.al. "Ekonomiks Araling Panlipunan", Pasig, City. Vibal

Group Inc. 2015 Pahina 430-445

Kagamitan: Kagamitang biswal, activity cards, Powerpoint presentation, laptop

III. Pamamaraan:
Lapit : Patanong o Inquiry
Pamamaraan : Deductive
Teknik : Talakayan at Pangkatan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pang-araw-araw na Gawain:
Pagbati:
Magandang umaga sa inyong lahat! "Magandang umaga din po Bb.
Valenzuela! Mabuhay!"
Panalangin:
Rose, maaari mo bang pangunahan ang
panalangin para sa araw na ito? "Opo"
"Amang makapangyarihan sa lahat, kami
po ay nagpapasalamat sa lahat ng biyaya
na iyong ipinagkakaloob. Salamat sa
gabay at kaalaman na patuloy naming
natatanggap. Nawa'y patawarin mo po
kami sa aming mga nagawang
pagkakasala. Patuloy po naming hinihingi
ang patnubay at katalinuhan para sa araw
na ito. Ito po ang aming samo't dalangin
sa pangalan ni Hesus na aming
Panginoon at Iyong anak. Amen"
Pagtala ng Liban:
Maaari bang tumayo ang presidente ng
klaseng ito para ilahad kung sino sino
ang mga liban? "Ikinalulugod ko pong ilahad na walang
liban sa araw na ito"
1. Pagbabalik Aral
Maaari mo bang ilahad ang ating
nakaraang tinalakay? Grace. "Ang atin pong nakaraang aralin ay
Sektor ng Paglilingkod."
Ano ang kahalagahan ng Sektor na ito ng
ekonomiya? Mark. "Mahalaga po ang sektor ng Paglilingkod
para sa mga mamamayan sa usaping
trabaho at serbisyo na ating
Mahusay! Tunay ngang mahalaga ito natatanggap."
para sa atin.
Maraming salamat sa inyong mga
kasagutan.
2. Pagganyak
Hulaan Mo Trabaho Ko!
a. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
b. Ang bawat pangkat ay bubunot ng
trabaho na kanilang gagayahin.
Pangkat 1: "LABANDERA"
Pangkat 2: "SIDEWALK VENDOR"
Pangkat 3: "TAHO VENDOR"
c. Bibigyan lamang ng isang minuto ang Pangkat 4: "PEDICAB DRIVER"
kabilang grupo upang mahulaan ang
trabaho.
d. Ang pinakamabilis na makahula ang
mananalo.

(Matapos ang gawain)


Mahusay ang naging pagsasadula ng
bawat pangkat. Bigyan ng sampung
palakpak ang inyong mga sarili.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga trabaho ang nabanggit?
Mae.
"Ang mga trabaho pong nabanggit at
labandera, sidewalk vendor, taho vendor
2. Sa inyong obserbasyon, ano ang at pedicab driver."
pinagkatulad ng mga nasabing trabaho?
Jake.
"Ayon po sa aking obserbasyon, napansin
ko po na ang mga nabanggit ay
mararangal na trabaho at hindi po
kinakailangan ng anuman hindi katulad ng
3. Saang sektor ng ekonomiya nabibilang ibang trabaho."
ang mga ito? Zel.
"Ang mga trabaho pong nabanggit ay
pumapaloob sa Impormal na Sektor ng
Mahusay! Ekonomiya."
Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol
sa Impormal na Sektor ng Ekonomiya.
B. Paglalahad ng Aralin
Mula sa mga naunang halimbawa, ano
ang ibig sabihin ng impormal na sektor?
Greg.
"Mula sa mga nabanggit ng halimbawa,
maaaring tumukoy ang Impormal na
sektor sa mga hanapbuhay na hindi
Mahusay! rehistrado sa pamahalaan."
Maaari mo bang basahin. Kate.
"Sa inilahad na economic development
model ni W. Arthur Lewis sinasabing
nagmula ang paggamit ng konsepto ng
impormal na sektor. Inilarawan niya ito
bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa
mga bansang papaunlad pa lamang o
Maaari mo bang ituloy ang pagbabasa, developing countries."
Kyle.
"Batay sa kahulugan ng National
Statistical and Coordinating Council o
NSCB, ang impormal na sektor ay
tumutukoy sa mga negosyo sa
pamamahay kung saan binubuo ng mga
negosyo na sariling pinatatakbo at mga
Ang impormal na sektor ng ekonomiya ay negosyo ng mga impormal na employer."
mga hanapbuhay ng mga mamamayan
na hindi nangangailangan ng mataas na
sweldo at karaniwan sa mga bansang
papaunlad katulad ng Pilipinas.

Ayon sa IBON Foundation, ang impormal


na sektor ay paraan ng mga
mamamayan lalo na ang kabilang sa
tinatawag na "isang kahig, isang tuka"
upang magkaroon ng kabuhayan lalo na
sa tuwing panahon ng pangangailangan
at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan
din nito ang pag-iral ng kawalan ng
hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang
nagtutulak sa tao na pumasok sa
ganitong uri ng sitwasyon.

Mula sa aking binasa, bakit mahalaga


ang impormal na sektor? Mike.
"Lubhang mahalaga ang impormal na
sektor lalo na sa ating mga mamamayan
na walang sapat na kakayahan na
magkaroon ng regular na trabaho. Ang
mga hindi nakatapos ng pag-aaral na nais
Tama! paring kumita para sa pamilya."

Tinatawag din na underground economy


o hidden economy ang impormal na
sektor.

Maaari ba kayong magbigay ng mga


hanapbuhay na kabilang sa impormal na
sektor? Faye. "Mga nagtitinda sa kalsada"
"Maaari din pong mga naggagalang
manggagawa ng sapatos at iba pa."
Magaling!

Katulad ng mga
nasa larawan. Ang
mga trabahong ito
na kabilang sa
Impormal na sektor ay mararangal.

Paano naman ang mga larawan na ito?


"Ipinapakita po ng mga larawang ito ang
tungkol sa Droga at human trafficking."

"Ayon po sa depinisyon ng impormal na


sektor, maaaring ang mga larawang ito ay
pumapaloob padin sa impormal na sektor
ng ekonomiya."
Ano ang ipinapakita ng dalawang
larawan? Nicole.
"Ilan sa mga halimbawa ng mga taong
Ano kaya ang kinalaman ng mga ito sa kabilang sa sektor na ito ay ang mga
impormal na sektor? Kaye. nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor),
pedicab driver, karpintero, at mga hindi
rehistradong operasyon ng mga
pampublikong sasakyan (colorum).
Kabilang din sa sektor na ito ang mga
Upang lubos na maunawaan gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng
Sabay sabay na basahin. prostitusyon, ilegal na pasugalan,
pamimirata (piracy) ng mga optical media
gaya ng compact disc (CD) at digital
video disc (DVD)."

"Karaniwang Katangian ng impormal na


sektor:
 Hindi nakarehistro sa pamahalaan.
Mapapansin natin na kabilang sa mga  Hindi nagbabayad ng buwis mula
halimbawa ng impormal na sektor ang sa kinikita.
mga gawaing ilegal.  Hindi nakapaloob sa legal at
pormal na balangkas na inilatag ng
Maaari mo bang basahin ang mga pamahalaan para sa
katangian ng impormal na sektor, James. pagnenegosyo."

Gawain: You are Lucky!

Ngayon naman ay mayroon akong


ipamimigay na papel, kailangan na tignan
ng mga mag-aaral ang loob nito. Kung
sino man ang makatanggap ng mga
papel na may nakasulat na "Your are
Lucky!" ang sasagot na katanungan.

Ano ang mga dahilan kung bakit


napipilitan ang iba na mapabilang
sa Impormal na sektor at gawin
ang mga bagay na ilegal?

(Matapos ang gawain) "Ang mga sumusunod ay ilan sa mga


Mahusay ang inyong ginawa. Bigyan ng kadahilanan kung bakit pumapasok ang
sampung palakpak ang inyong mga mga mamamayan sa impormal na sektor:
kaklase.  Makaligtas sa pagbabayad ng
buwis sa pamahalaan.
Bakit nga ba pumapasok ang mga  Makaiwas sa masyadong mahaba
mamamayan sa impormal na sektor. at masalimuot na proseso ng
Narito ang mga dahilan. Maaari mo bang pakikipagtransaksiyon sa
basahin, Jane. pamahalaan o ang tinatawag na
bureaucratic red tape.
 Kawalan ng regulasyon mula sa
pamahalaan na kung saan ang
mga batas at programa ay hindi
naipapatupad ng maayos.
 Makapaghanapbuhay nang hindi
nangangailangan ng malaking
kapital o puhunan.
 Mapangibabawan ang matinding
kahirapan.

"Kung mapapansin po natin, isa sa


pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng
impormal na sektor ang matinding
kahirapan."

Kung ating mapapansin sa mga dahilan


na nabanggit, ano ang nangunguna sa
lahat? Kaye.

Tama. "Mga Batas at Programa ng Pamahalaan


kaugnay sa Impormal na Sektor:
Ngayon na nalaman na natin ang mga 1. REPUBLIC ACT 8425
dahilan ng pagkakaroon ng impormal na Ang batas na ito ay kilala din
sektor, may mga programa ang ating bilang Social Reform and Poverty
pamahalaan para matulungan ang mga Alleviation Act of 1997.
mamamayan na nabibilang dito. Itinatadhana ng batas na ito ang
pagkilala sa impormal na sektor
Basahin ang unang bilang, Mike. bilang isa sa mga disadvantaged
sector ng lipunang Pilipino na
nangangailangan ng tulong sa
pamahalaan.

2. REPUBLIC ACT 9710


Kilala bilang Magna Carta of
Women. Kumikilala ito sa ambag at
kakayahan ng kababaihan para
itaguyod ang pambansang
kaularan.
Macy, maaari mo bang basahin ang 3. PRESIDENTIAL DECREE 442
pangalawa. Kilala bilang Philippine Labor
Code. Itinuturing ito bilang
pangunahing batas ng bansa para
sa mga manggagawa.

4. REPUBLIC ACT 7796


Pangatlo, John. Ito ay ang Technical Education and
Skills Development Act of 1994. Sa
ilalim nito itinalaga ang TESDA
bilang ahensiya ng pamahalaang
itinatag upang makapagbigay ng
edukasyong teknikal. "
Pang-apat na batas, Anne.

Kabilang din dito ang REPUBLIC ACT


8282 o ang Social Security Act of 1997 at
ang REPUBLIC ACT 7875 o mas kilala
bilang National Health Insurance Act of
1995.

Tunay ngang maganda ang mga batas,


programa, at proyekto ng pamahalaan
para sa impormal na sektor. Ngunit ang
kaukulang implementasyon nito para sa
kapakanan ng mga mamamayan at
kabuuan ng ekonomiya ng bansa ang
kinakailangang mabigyan ng
kasiguraduhan. "Ang impormal na sektor ay mga uri ng
hanapbuhay na kabilang sa mga bansang
C. Paglalahat papaunlad pa lamang o developing
Ngayon naman ay may hinanda akong countries. Ilan sa mga halimbawa nito ang
mga katanungan upang matiyak ang mga sidewalk vendors at pedicab
inyong pagkatuto. drivers."
Maaari mo bang ilahad ang ibig sabihin
ng impormal na sektor at magbigay ng
mga halimbawa. Hannah.
"Isa sa pangunahing dahilan nito ang
labis na kahirapan. Upang matugunan
ang pang-araw-araw na pangangailangan
ng kanilang pamilya."
Bakit mahalaga ang mga hanapbuhay na
ito sa mga simpleng mamamayan? Ibigay
ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon "Mahalaga po ang papel ng pamahalaan
nito. Nick. sa usaping ito lalo na sa mga batas at
programa na lubhang makatutulong sa
ating mga mamamayan na kabilang sa
impormal na sektor."
Paano makakatulong ang pamahalaan sa
usaping ito? Carl.

Pangkat 1:
Lumikha ng isang maikling dula na
nagpapakita ng mga pangunahing
D. Paglalapat dahilan ng Impormal na Sektor.
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at
ang bawat pangkat ay may itinakdang Pangkat 2:
gawain. Lumikha ng Poster na nagpapakita
ng kampanya ng pamahalaan
upang mapuksa ang mga ilegal na
gawain na nabibilang sa
Underground Economy.

Pangkat 3:
Gumawa ng Slogan na
magpapakita ng kahalagahan ng
mga proyekto at batas ng
pamahalaan para sa impormal na
sektor ng ekonomiya

E. Pagtataya
I. Multiple Choice
Panuto: Ang pagsusulit na ito ay susukat sa iyong kaalaman tungkol sa Impormal na
Sektor. Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.

_____1. Ito ay uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang


o developing countries ayon kay W. Arthur Lewis.
a. Impormal na Sektor c. Sektor ng Industriya
b. Sektor ng Agrikultura d. Sektor ng Paglilingkod

_____2. Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa mga negosyo na sariling


pinatatakbo at mga negosyo ng mga impormal na employer. Alin sa mga sumusunod
ang hindi katangian nito?
a. Hindi nagbabayad ng buwis
b. Hindi nakapaloob sa pormal na proseso ng pagnenegosyo
c. Maaaring ilegal na pinatatakbo
d. Nakarehistro sa pamahalaan

_____3. Mula sa mga sumusunod na pahayag, pumili ng dalawang


pinakapangunahing dahilan na nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor.
I. Kawalan ng hanapbuhay
II. Hindi makapagbayad ng buwis
III. Kahirapan
IV. Makaligtas sa mga batas na may kaugnayan sa pagnenegosyo

a. I and II c. II and III


b. I and III. d. III and IV

_____4. Lubhang mahalaga ang papel ng pamahalaan para sa impormal na sektor.


Alin sa mga ahensiya ng pamahalaan ang lubhang sumasaklaw dito?
a. DepEd (Department of Education)
b. DOLE (Department of Labor and Employment)
c. DSWD (Department of Social Welfare and Development)
d. DOE (Department of Energy)
_____5. Bakit mahalaga ang mga batas at programa ng pamahalaan para sa mga
mamamayan na kabilang sa impormal na sektor?
a. Upang mas dumami ang bilang nito.
b. Para mas tumaas ang ekonomiya ng bansa.
c. Upang mawala ang impormal na sektor.
d. Para matulungan ang mga mamamayan na kabilang sa impormal na sektor.

II. Matching Type


Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag sa Hanay A at piliin sa Hanay B ang
batas o programa ng pamahalaan na tinutukoy. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.

HANAY A
_____6. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa
sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa
pamahalaan.
_____7. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga
manggagawa.
_____8. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance
Corporation (PhilHealth).
_____9. Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang
pambansang kaularan.
_____10. Sa ilalim nito itinalaga ang TESDA bilang ahensiya ng pamahalaang
itinatag upang makapagbigay ng edukasyong teknikal.

HANAY B
a. PRESIDENTIAL DECREE 442 (Philippine Labor Code)
b. REPUBLIC ACT 7875 (National Health Insurance Act of 1995)
c. REPUBLIC ACT 7796 (Technical Education and Skills Development Act of 1994)
d. REPUBLIC ACT 8282 (Social Security Act of 1997)
e. REPUBLIC ACT 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997)
f. REPUBLIC ACT 9710 (Magna Carta of Women)

Batayan ng Pagwawasto:
I. II.
1. a. 6. e.
2. d. 7. a.
3. b. 8. b.
4. b. 9. f.
5. d. 10. c.
F. Pagtatapos
“ Masarap tamasahin ang tagumpay kung
ito ay nakamit sa pamamagitan ng
marangal na gawain”

Ano ang inyong pagpapakahulugan sa


pangungusap na ito? Gale. “Isinasaad po nito na bilang mga
mamamayan at bilang tao, nararapat
lamang na tayo’y magtrabaho ng
marangal kahit na mababa ang kita kaysa
sa mga gawain na ilegal na katumbas ng
malaking halaga. At sa huli ay mas
mararamdaman natin ang tagumpay.”
Mahusay!
Nararapat din na sa inyong mga sarili ito
magmula.

IV. Takdang Aralin


Kunin ninyo ang inyong mga kuwaderno at isulat ang takdang aralin.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang inyong mga
sagot sa kuwaderno.
1. Ano anong mga gawain na kabilang sa impormal na sektor ang lubhang
nakababahala sa kasalukuyan dahil sa masamang epekto nito?
2. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang malutas ang
mga problemang ito? Magbigay ng mga halimbawa.
3. Paano makatutulong at makasasama ang Impormal na Sektor ng Ekonomiya sa ating
bansa?

Inihanda ni:
ALIZA B. VALENZUELA
BSE III D

You might also like