You are on page 1of 2

KABANATA III

Pamamaraan

Sa kabanatang ito, makikita ang disenyo ng pag-aaral, lokal na pag-aarl at ang

pangkalahatang pamamaraan na ginawa ng mga mananaliksik upang higit na maintindihan ang

naging takbo ng pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang Kwalitatibong pag-aaral dahil sinusuri rito ang mga ideya,

opinion at kaalaman na nakapaloob sa mga paksa at estilo ng mga kantang isinulat ni Francis

Magalona: Tayo’y mga Pinoy, Ito ang Gusto Ko, Mga Kababayan Ko. Ilalahad ng pag-aaral na ito

ang mga ginamit ni Francis Magalona na mga estilo at paksa nung isinulat niya ang mga kantang

na ibanggit. Ginamit ng mga mananaliksik ang desenyong Deskriptive o palarawan sa pag-aaral

na ito.

Sa pag lakap ng datos, ginamit ang tuwirang pamaraan sapagkat direktang kinalap sa

internet ang mga kanta ni Francis Magalona na sinuri.

Pormalistikong dulog o teoryang pormalistiko naman ang ginamit sa pagsuri ng mga

datos, dahil dito rin sinuri ang mga paksa at estilong ginamit ni Francis M. sa kanyang mga

piling awitin.

Lokal na Pag-aaral

Ang mga piling awitin ni Francis Magalona ay kinalap mula sa internet. Kinuha sa site na

Youtube.

Pangkalahatang Pamamaraan
Unang ginawa ng mga mananaliksik ay ang makinig ng iba’t ibang musikang gawa ni

Francis Magalona sa Youtube, Kakalapin at ida-download ang tatlong pinakasikat o madalas

pinakikinggan na musika ni Francis Magalona.

Pinili lamang ng mga mananaliksik ang mga susuriing musika base sa nangungunang

tatlong musikang naisulat ni Francis Magalona na pinakikinggan sa Youtube.

Papakinggan ng mananaliksik ng mabuti at paulit-ulit ang musikang gawa ni Francis

Magalona. Pagkatapos ay tinukoy at sinuri nito ang mga liriko ng kanta gayundin kung ano ang

kaniyang madalas na paraan sa pag bahagi ng kanta kasunod na sinuri ang implikasyong

pangwika na nakapaloob dito.

Pagkatapos makalap ang lahat ng datos, ang mga mananaliksik ay sumangguni sa

kaniyang tagapayo upang masiguro ang kawastuhan at kaayusan ng ginawang pagsusuri.

10

You might also like