You are on page 1of 6

JMJ

NOTRE DAME – SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK


Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Ikatlong Kwarter: Aralin # 1


Takdang Panahon: 6 na sesyon

I. Paksang-Aralin
Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi
Isang Mitolohiyang mula sa Tribong Tonga ng Aprika
Wika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika

II. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagbibigay ng pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F10PT-IIIa-76);


2. Nakakikilala ng mga salitang magkasalungat o magkasingkahulugan sa pangungusap;
3. Nakasusuri ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng akda, kilos
at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
4. Nakapagsunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang mitolohiya;
5. Nakapagpapaliwanag ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at iba pang
mitolohiya sa mundo (F10PN-IIIa-76);
6. Nakapagsusulat ng pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensiya nito sa sarili at sa
mga kamag-aral na kinapanayam (F10PU-IIIa-78);
7. Nakagagamit nang angkop ng mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71);
8. Nakapagbibigyay-puna sa napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
9. Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan
ng debate/pagtatalo) (F10PS-IIIa-78).

III. Kagamitan
 Tweets at larawan na matatagpuan sa site na ito:
http://www.rappler.com/nation/81139 -sm-uprootspine-trees-baguio
 Form para sa season partner o maaaring ipasulat na lamang ito sa kanilang
kuwaderno awiting “Anak ng Pasig” na iparirinig sa mga mag-aaral
 Maikling video ng debate. Makikita ang video sa link na ito:
https://www.youtube.com watch? v=oo3Fa4L75Rc
 show-me board (1/8 Illustration board na nababalutan ng plastik at magsisilbing
tila whiteboard)
 white board marker
 call bell
 aklat ng Bagong Pinagyamang Pluma 10, mga pahina 287–311

IV. A. Panimulang Gawain


a.1. Panalangin at Pagbati
a.2. Paalala
a.3. Paunang Pagsusulit (see attachment)

Unang Sesyon
1. Panimula at Pagganyak
☞ Ipakita ng guro ang mga tweets at larawang ito sa mga mag-aaral. Basahin din ang artikulo
tungkol dito na matatagpuan sa site na ito: http://www.rappler.com/nation/81139-smuproots-
pine-trees-baguio.
☞ Gamit ang estratehiyang Think-Pair-Share, ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang
nararamdaman sa balitang ito.
☞ Pabalikan ang ilan pang mga trahedya na ibinunga ng pagkasira ng kapaligiran.
☞ Pagkakuha ng ilang pagbabahagi ay ipasagot ang Simulan Natin sa pahina 287.
 Alin-alin sa mga ginagawa ng tao ang maaaring makapagdulot ng kaunlaran subalit
pinagmumulan naman ng pagkasira ng kapaligiran o ng kalikasan? Maglahad ng tatlo
base sa iyong mga obserbasyon.
 Sa iyong palagay, maaari pa rin kayang magkaroon ng kaunlaran ang isang bayan nang
hindi nasisira ang kapaligiran? Maglahad din ng tatlong paraan.
☞ Ipabahagi sa kanilang kapareha ang kanilang mga sagot. Pumili ng ilang magkapareha
na magbabahagi sa buong klase ng kanilang sagot.

2. Pagpapakilala ng Paksa at mga Inaasahang Pagganap


☞ Iugnay ang katatapos lang na gawain sa babasahing akda.
☞ Ipabasa ang pamagat ng akdang babasahin “Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi”
at ipahinuha kung tungkol saan ang babasahing akda.
☞ Itanong ang mahalagang tanong:
Bakit mahalagang mapangalagaan ang ating kalikasan?
Paano makaaapekto sa tao ang pagsira sa kapaligiran?
☞ Ipabasa ang mahalagang kaisipang nasa ilalim ng pamagat:
“Ating pagpalain, alagaan, at igalang ang kalikasan. Ang pagsira rito’y makapagdadala
sa tao ng kapahamakan.”
☞ Humingi ng ilan pang dahilan na kailangang alagaan ang ating kalikasan.
☞ Talakayin ang Alam Mo Ba? sa pahina 288 upang mabasa ang mga kaalaman tungkol sa Ilog
sa Zambezi.
☞ Ipabasa at ipakilala rin ang pagpapalawak na gawaing nasa mga pahina 299 hanggang 301
kung saan malalaman ng mga mag-aaral ang inaasahang magagawa nila sa pagtatapos ng
aralin, ang pagbibigay-puna sa napanood na video clip at pakikipagdebate.

B. PAGLINANG
3. Paglinang ng Talasalitaan
☞ Ipabatid sa mga mag-aaral na ang pag-aaral ng mga pinagmulan ng salita ay etimolohiya o
etymology sa wikang Ingles. Ang kasanayan upang tuklasin ang pinagmulan ng isang salita ay
isang mahalagang kasanayan na dapat matutuhan upang magamit nang tama ang isang salita.
☞ Pasagutan ang Payabungin Natin A at B sa mga pahina 288 at 289.
☞ Ipawasto ang mga pagsasanay.

4. Paglinang sa Iba Pang Mahalagang Salita sa Akda


☞ Kung may iba pang salitang mahirap sa akda ay pamarkahan ito sa aklat habang sila’y
nagbabasa at saka talakayin ang kahulugan nito o ipagamit ang diksiyonaryo upang malaman
ang kahulugan ng mga salita.
5. Pagbibigay ng Tanong Pangganyak
☞ Ano ang naging bunga ng pagkagalit ni Nyaminyami, ang diyos ng Ilog Zambezi?

6. Pagbasa
☞ Pagbasa nang tahimik sa mitolohiyang “Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi.”
☞ Ipabasa nang tahimik ang akda sa mga pahina 290 hanggang 294.

7. Pagtalakay sa Binasa
☞ Ipasagot ang pangganyak na tanong.
☞ Ipasagot ang mga tanong para sa talakayang nasa pagsasanay A ng Sagutin Natin sa mga
pahina 294 at 295. Maaaring gamitin ang estratehiyang Teammates Consult sa pagtalakay.
☞ Narito ang mga tanong:
a. Anong tribo ang naninirahan sa Lawa ng Kariba? Sa paanong paraan namuhay ang mga
mamamayang ito sa nasabing lugar noong unang panahon?
b. Paano sila nakikipamuhay sa diyos ng ilog na si Nyaminyami? Bakit sila naniniwalang
prinotektahan sila nito?
c. Bakit labis nilang ikinagulat at mariing tinutulan ang pagtatayo ng dam? Ano ang naging
epekto nito sa kanilang pamumuhay?
d. Bakit muntik-muntikan nang hindi maitayo ang nasabing dam? Bakit kay Nyaminyami
iniuugnay ang mga kalamidad na nanalanta sa kanilang lugar habang ipinatatayo ang dam?
Sa iyong palagay, may katotohanan kaya ang mga ito? Ipaliwanag.
e. Ano-ano ba ang mga sinasabing naging dahilan sa labis na pagkagalit ni Nyaminyami sa
mga taong nagpasimula sa paggawa ng dam? Makatwiran bang makadama siya ng ganito
para sa mga taong iyon? Ipaliwanag.
f. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga ginawa ng mga taong ito ang sa tingin mo ay
talagang nakagagalit? Bakit?

8. Pagsagot ng Journal
Mahalagang Tanong:
☞ Bakit mahalagang mapangalagaan ang ating kalikasan?
Paano makaaapekto sa tao ang pagsira sa kapaligiran?

9. Paglalagom
☞ Exit card. Gagamitin ang prompt na ito:
Anong aral ang iyong natutuhan mula sa mitolohiyang iyong binasa?
Paano mo ito magagamit sa tunay na buhay?

Ikalawang Sesyon
C. PAGPAPALALIM
1. Panimula at Pangganyak
☞ Ipahanap sa mga mag-aaral ang kanilang season partners (winter, spring, summer, fall).
Pipili ang mga mag-aaral ng kanilang season partners.
☞ Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang winter partner at ipasagot ang tanong na ito:
Ano ang suliranin sa akda?
☞ Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang spring partner at ipasagot ang tanong na ito:
Ano ang naging bunga ng suliraning ito?
☞ Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang summer partner at magpagawa ng fishbone
organizer na magpapakita ng suliranin sa akda at ang naging epekto nito.

2. Pagsagot sa mga Pagsasanay


☞ Ipasuri at talakayin ang kanilang ang kanilang ginawang fishbone organizer.
☞ Mula sa maikling talakayan ay ipasagot ang sumusunod na pagsasanay: Sagutin Natin B at C
sa mga pahina 295, 296 at 297.
☞ Ipasagot din ang Buoin Natin sa mga pahina 297 at 298.

3. Pagpapahalaga
☞ Iparinig sa mga mag-aaral ang awiting “Anak ng Pasig” na inawit ng Smoky Mountain. Pag-
uusapan ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin tungkol sa nilalaman ng awit. Bigyang-diin
ang panawagan sa pagsagip sa kalikasan.
☞ Tumawag ng ilang magkapareha upang ibahagi ang kanilang napag-usapan.
☞ Mula sa talakayan tungkol sa pagsagip sa kalikasan ay ituon ang kanilang pansin at kung ano
ang kanilang magagawa upang maging bahagi ng pagsagip sa kalikasan.
☞ Ipabasa at ipagawa ang Magagawa Natin sa mga pahina 298 at 299. Papiliin ang mga mag-
aaral sa tatlong sitwasyon at sabihin sa kanilang sa munting paraan ay makatutulong sila sa
pagsagip sa kalikasan.

4. Paglalagom
☞ Bilang paglalagom ay ipabahagi sa ilang mag-aaral ang kanilang ginawa.
☞ Bigyang-diin ang kahalagahan ng paghikayat sa ibang tao upang sagipin ang kalikasan.

Ikatlong Sesyon
1. Panimula at Pagpapahalaga
☞ Isulat ng guro sa pisara ang proposisyon na:
Dapat ba o hindi dapat ipagbawal ang paggamit ng plastic?

2. Paglinang ng Iba Pang Kasanayan


☞ Ipabatid sa mga mag-aaral na may isang paraan upang maging maayos ang pagtatalo at ito ay
sa pamamagitan ng pakikipagdebate. Ipabasa ang Alamin Natin sa mga pahina 299 at 300.
☞ Talakayin ang Alamin Natin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa Gawin Natin A sa
pahina 301.
☞ Ipagawa rin ang Gawin Natin B: Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging
impluwensiya nito sa sarili at sa mga kamag-aral na kinapanayam (F10PU-IIIa-78) sa mga
pahina 301 at 302. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na isagawa ang paghahanda sa
debate.

3. Paglalagom
☞ Lagumin ang aralin sa araw na ito gamit ang estratehiyang 3-2-1.
☞ Ipabahagi sa mga mag-aaral ang sumusunod o maaaring isulat nila ang hinihingi sa
sumusunod.
3 – bagay na iyong natutuhan mula sa aralin
2 – bagay o kaisipan na pumukaw sa iyong damdamin at isipan
1 – isang tanong na nais mong hanapan ng sagot

Ikaapat na Sesyon
Pagsasanib ng Aralin sa Wika
1. Panimula at Pagganyak
☞ Ipabuklat sa mga mag-aaral ang aklat na Pluma 10 Aklat 1 mula sa unang aralin ng unang
kabanata hanggang sa huling aralin ng huling kabanata. Ipabatid sa mga mag-aaral na ang
mga panitikan dito ay nanggaling mula sa iba’t ibang parte ng mundo at isinalin sa wikang
Filipino.
☞ Itanong sa mga mag-aaral kung naunawaan ba nila ang mga panitikang binasa. Ipabatid na sa
tulong ng isang mahusay na tagasalin ay mas marami ang makababasa ng mga panitikang
nagmula sa ibang bansa. Maganda ring matutuhan ang pagsasaling-wika upang makatulong
tayo sa pagpapaabot ng mensahe ng mga panitikang galing sa ibang bansa.
2. Paghahambing/Paghahalaw
☞ Ipabasa ang lunsaran ng wika sa pahina 302. Talakayin ito at pagkatapos ay ipasuri ang
pagkakasalin sa Filipino ng mga pahayag na nasa wikang Ingles. Suriin ding mabuti ang
pagkakasalin ng mga online translators.
☞ Ipasagot ang sumusunod na tanong na matatagpuan sa pahina 303:
1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng mga pahayag na nilagyan mo ng ekis? Sa
paanong paraan ito isinalin?
2. Naunawaan mo ba ang orihinal na mensahe sa ganitong pagkakasalin? Bakit oo o bakit
hindi?
3. Ano naman ang masasabi mo sa pagkakasalin ng pahayag na nilagyan mo ng tsek?
Naging maliwanag at nakuha ba nito ang tunay na mensahe ng orihinal? Ipaliwanag.
4. Base sa mga nakita mong halimbawa, ano-ano ba ang dapat gawin at ikonsidera sa
pagsasaling-wika upang maihatid nang tama ang mensahe ng isinasalin?

3. Paglalahat
☞ Ipabasa, talakayin, at ipaliwanag ang Isaisip Natin tungkol sa Mga Pamantayan sa
Pagsasaling-wika, sa mga pahina 304 at 305.

4. Pagbibigay ng Sariling Halimbawa


☞ Pangkatin ang mga mag-aaral at papiliin ang bawat pangkat ng isang pahayag/quotation na
nasa wikang Ingles at ipasalin ito sa wikang Filipino. Gamitin ang estratehiyang One Stray-
The Team Stay upang ipabahagi ang ginawa ng bawat pangkat.
☞ Susuriin ng guro kung wasto ang pagkakasalin ng napiling pahayag o quotation.

5. Pagsagot sa mga Pagsasanay


☞ Madali Lang Iyan, sa mga pahina 305 hanggang 307
☞ Subukin Pa Natin, sa mga pahina 307 at 308
☞ Tiyakin Na Natin, sa mga pahina 308 at 309

6. Paglalagom
☞ Bilang paglalagom, ipasulat ang kanilang natutuhan sa araw na ito sa kanilang learning
journal.

Ikalima at Ikaanim na Sesyon


D. PAGLALAPAT
1. Panimula at Pangganyak
☞ Ipapanood ang isang debate sa link na ito: 1st Philippine Collegiate Peace Debates
https://www.youtube.com/watch?v=oo3Fa4L75Rc (Ang aktwal na debate ay nasa 16.30
hanggang 33.23 ng video.)

2. Paghahanda sa Gawain
☞ Ipagawa ang Palawakin Pa Natin A, sa pahina 310.
☞ Ipasagot ang sumusunod na tanong bilang pagbibigay-puna sa napanood na debate.
 Sa paanong paraan nagpahayag ng kani-kanilang mga patotoo at pangangatwiran ang
mga nag-debate?
 Masasalamin ba sa kani-kanilang mga pagpapahayag ang kanilang kahandaan? Sa
paanong paraan? Patunayan.
 Ano-anong puna at papuri ang masasabi mo sa napanood mong debate?
 Ano-anong bagay ang natutuhan mo sa paraan nila ng pagpapahayag at sa
 kanilang ginawang pangangatwiran.

3. Pagsasagawa ng Pagpapalawak ng Gawain (Performance Task)


☞ Ipabatid sa mga mag-aaral na ang pagbibigay puna sa napanood na video clip at paghahanda
para sa debate na natagpuan sa Gawin Natin B ay tumulong upang mas mahusay nilang
maisakatuparan ang Palawakin Natin B.
☞ Ipabasa ang Palawakin Natin B, sa mga pahina 310 at 311.
☞ Ipabasa ang rubric na nasa pahina 311 upang magabayan sila sa gagawing pagdedebate.
4. Paglalahat
☞ Bilang paglalahat, muling itanong ang mahahalagang tanong (EQ).
Bakit mahalagang mapangalagaan ang ating kalikasan?
Paano makaaapektosa tao ang pagsira ng kapaligiran?

5. Ebalwasyon
Isang buong papel
Isalin sa Ingles ang liham sa ibaba ayon sa pamantayan sa pagsasaling-wika.

Dr. Alfredo Reyes


Tagatala
Unibersidad ng Santo Tomas
Espanya, Maynila

Mahal na Ginoo:

Binabalak ko pong mag-aral sa Santo Tomas sa darating na pasukan kaya nais kong malaman
ang katugunan sa sumusunod na mga tanong: Ako po ang “Salutatorian” sa mga nagtapos sa
hayskul, gaano po ba ang kailangan kong ibayad na matrikula sa Kolehiyo ng Edukasyon? May
iksamen pa po ba akong kailangang kunin? Kung mayroon, kailan at saan? Anu-ano po bang
mga katibayan ang kailangan ko? Tatanawin ko pong utang na loob ang inyong maibibigay na
kasagutan sa aking mga tanong.

Buong galang na sumasainyo,

Bb. Ana Marie Lopez

V. Takdang-Aralin
Isalin ang mga sumusunod na salawikain sa Ingles.

1. Ang taong nagagalit, walang kilalang matwid.


2. Kapag walang pakikibaka ay walang tagumpay
3. Kapag tahimik ang batisan, malalim itong tunay.
4. Magsisi ka man at huli, wala nang mangyayari
5. Sa taong may hiya, ang pangako’y panunumpa.

Inihanda ni:

Bb. Merben P. Almio


Guro

You might also like