You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TANAY NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 7-ARALING ASYANO

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa
mga pagpipilian.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa rehiyon ng Silangang Asya?


A. Taiwan B. Singapore C. Japan D. Tsina

2. Ang mga sumusunod ay mga bansa sa Timog-Silangang Asya MALIBAN sa __________.


A. Pilipinas B. Mongolia C. Brunei D. Cambodia

3. Ito ay ang pagsakop ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Nagmula sa salitang Latin na
colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
A. Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Kapitalismo D. Merkantilismo

4. Ang _____________ ay nangangahulugang dominasyon ng isang nasyong-estado sa aspetong pulitikal,


pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan.
A. Kolonyalismo B. Imperyalismo C. Kapitalismo D. Merkantilismo

5. Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin
dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng
mga bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong
naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin dahil sa ______________
A. Matatag na pamahalaan C. Malaking populasyon
B. Malakas na sandathan D. Mayamang kultura

6. Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng mga bansa
sa Timog Silangang Asya noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Karamihan ng mga daungan sa
rehiyong ito ay napasakamay ng mga Kanluranin. Ano ang dahilan nito?
A. Upang mapalawak ang teritoryo C. Upang magkaroon ng maraming tirahan
B. Upang makontrol ang kalakalan ng pampalasa D. Upang lumakas ang kanilang hukbo

7. Ang paghahanap ng mga lupain sa ibang mga kontinente ang layunin ng kolonyalismo at imperyalismo.
Bakit mahalaga sa mga umuunlad na mga bansang kanluranin ang pagkakaroon ng mga bagong teritoryo
sa kontinente ng Asya?
A. Upang mapalawak ang kanilang impluwensya at maging maunlad
B. Upang magkaroon ng mga bagong lugar bakasyunan
C. Upang magkaroon ng mga bagong produkto at alipin
D. Upang magkaroon ng maraming kakampi

8. Aling mga bansa ang nanguna sa kolonisasyon sa Timog-Silanagang Asya?


A. England at France C. Netherlands at Germany
B. Portugal at Spain D. United States at Japan

9. Iba-iba ang paraan ng mga Español sa pananakop. Isa rito ay ang pakikipagkaibigan sa mga lokal na
pinuno na pormal nilang ginagawa sa pamamgitan ng ___________. Kung saan iniinom ng lokal na pinuno at
pinunong Español ang alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo.
A. Divide and Rule B. Polo y Servicios C. Sanduguan D. Tributo

10. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno o
mga naninirahan sa isang lugar upang mas madali niya itong masakop.
A. Kalakalang Galleon B. Obras Pias C. Divide and Rule D. Culture System

11. Itinatag ng pamahalaan ng Netherlands ang _____________ noong 1602 upang pag-isahin ang mga
kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya. Nakontrol nito ang isla ng Moluccas o Spice Island.
A. British East India Company C. French East India Company
B. Dutch East India Company D. German East India Company
12. Ano ang Culture System Principle?
A. Patakarang panrelihiyon at pang military
B. Patakarang pang-pamahalaan at pang-ekonomiya
C. Patakarang panrelihiyon at pang-ekonomiya
D. Patakarang pang-agrikultura at pang-ekonomiya

13. Matagal nang hinahangad ng mga Kanluranin na masakop ang China. Nagsimula ang pananakop ng mga
Kanluranin sa China dahil sa tinutulan ng Emperador na ipasok sa bansa ang isang halamang gamot na kapag
inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. Ano ito?
A. Opyo B. Tobacco C. Marijuana D. Poppy

14. Isa ang China sa mga bansang pianaghatihatian ng mga bansang Europeo tulad ng England, France,
Netherlands noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Asya. Tinatawag ito bilang __________.
A. Sphere of Influence B. Concession C. Dividend D. Teritory

15. Bakit hindi nakabuti sa bansang Tsina ang patakaran na Open Door Policy?
A. Lahat ng bansa ay may pantay na karapatan at kalayaang makipagkalakalan sa Tsina
B. Kontrolado ng mga dayuhan ang kalakalan sa iba't ibang rehiyon na hawak nila
C. Naging bukas ang Tsina sa pakikipagkalakalan sa mga bansang Kanluranin
D. Kontrolado ng Tsina ang pulitika at ekonomiya sa rehiyong hawak nila

16. Ang pagdating ng mga iba’t - ibang mananakop sa Silangan at Timog – Silangang Asya ay nagdulot ng
maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagbabago sa aspetong pulitikal ng mga nasakop na bansa?
A.Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

17. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng mabuting epekto ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19
na siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano

18. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya
ang pagdami ng mga relihiyon na pumasok sa mga kolonyang bansa?
A. Nagdulot ng hindi pagkakaunawaan sa mga mamamayan
B. Naging sanhi ng paligsahan
C. Naging matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan
D. Nagdulot ng pagkakaisa ng mga katutubo sa bawat bansa

19. Isang damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-


bayan.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo

20. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano
ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin. C. Makisalamuha sa mga mananakop
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa. D. Maging laging handa sa panganib.

21. Sino ang namuno sa bansang Hapon kung saan malawakang naipatupad ang mga pagbabago sa bansang
Hapon mula sa pagiging pyudal papunta sa isang makabago at makapangyarihang bansa sa Silangang Asya?
A. Emperador Tokugawa B. Emperador Komei C. Emperador Meiji D. Emperador Taisho

22. Anong bansa ang HINDI sumakop sa Silangang Asya?


A. Estados Unidos B. Pransiya C. Inglatera D. Alemanya

23. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan sa Timog-Silangang Asya naging pinakamatindi
ang kontrol ng mga mananakop?
A. Transportasyon B. Relihiyon C. Pamamahala D. Pagkain

24. Paano natugunan ng mga Asyano ang mga patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin na nagsagawa ng
Kolonyalismo at Imperyalismo noong ika - 16 hanggang ika - 20 siglo?
A. Pag-unlad ng damdaming makabayan C. Paghingi ng reporma
B. Pag-aaklas at demonstrasyon D. Pagsasawalang kibo
25. Alin sa mga sumusunod ang naging rebelyon sa China?
A. Taiping at Boxer C. Bakumatsu at Nanking
B. Sepoy at Amritsar D. kung-fu at Samurai

26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik sa pagsiklab ng nasyonalismo sa Pilipinas?
A. Isyu sa sekularisasyon C. PAgbitay sa Gomburza
B. Pagkakaroon ng mga Ilustrado D. Obras Pias

27. Aling bansa ang nakinabang sa Indonesia?


A. France B. England C. Netherlands D. Germany

28. Ano ang tawag sa kaisipang mas mababa ang tingin ng mga mamamayan sa kanilang mga sarili at
kakayanan kung ihambing sa kanilang mananakop?
A. Colonial Mentality C. Superiority Complex
B. Crab Mentality D. Personality Complex

29. Paano nasakop ng Estados Unidos ang Pilipinas?


A. Sa pamamagitan ng Kasunduan ng Hongkong C. Sa pamamagitan ng Kasunduan ng Paris
B. Sa pamamagitan ng Kasunduan ng Tientsin D. Sa pamamagitan ng Kasunduan ng Kanagawa

30. Anong bansa ang nagbigay ng kalayaan sa bansang Pilipinas?


A. Espanya B. Estados Unidos C. Japan D. Alemanya

31. Bakit sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga kolonyang bansa ay hindi bumuti ang kalagayan at
pamumuhay ng mga katutubong mamamayan nito?
A. Hindi marunong magtipid ng kita ang mga katutubo
B. Mga dayuhang mananakop lamang ang nakinabang sa kita ng kalakalan
C. Mayayamang katutubo lamang ang nakinabang sa kita ng kalakalan
D. Hindi pinayagan ang mga katutubo na makilahok sa kalakalan

32. Paano naging melting pot ng mga relihiyon ang Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Dito isinasagawa ang mga ritwal ng iba't ibang relihiyon
B. Dito nagmula ang mga nagtatag ng iba't ibang relihiyon
C. Dito umiral ang iba't ibang relihiyon mula sa Asya at sa Europa
D. Dito umusbong ang mga pangunahing relihiyon sa mundo

33. Mula 1521-1898 napasailalim ng mga Espanyol ang Pilipinas ito ay umabot ng ___________ taon.
A. 331 B. 332 C. 333 D. 334

34. Sino ang namuno sa Unang Sigaw sa Pugad Lawin sa Pilipinas?


A. Apolinario Mabini B. Jose Rizal C. Andres Bonifacio D. Antonio Luna

35. Sino ang Ama ng Republikang China na nakilala sa kanyang Double Ten Revolution?
A. Sun Yat Sen B. Mao Zedong C. Chiang Kai Shek D. Pu-Yi

36. Ano ang pinaniniwalaan ng partidong Kuomintang?


A. Konserbatibong nasyonalisasyon C. Nasyonalisasyon at relihiyon
B. Modernisasyon at nasyonalisasyon D. Relihiyon at pagkakaisa

37. Ano ang kahalagahan ni Mao Tse-tung sa nasyonalismo ng Tsina?


A.Siya ang nagtatag ng Partido Nasyonalista ng Tsina
B. Siya ang nagtatag ng Partido Sosyalista ng Tsina
C. Siya ang nagtatag ng Partido Komunista ng Tsina
D. Siya ang nagtatag ng Partido Demokrasya ng Tsina

38. Sa anong panahon sinimulang ayusin ng mga Hapones ang pamahalaan ayon sa modelo ng mga
Kanluraning bansa?
A. Panahong Meiji C. Panahong Shogunate
B. Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig D. Panahon ng Imperyalismong Hapon

39. Sino sa mga sumunod ang HINDI kabilang sa kilusang Propaganda?


A. Jose Rizal B. Marcelo H. Del Pilar C. Graciano Lopez Jaena D. Andres Bonifacio

40. Ano ang tawag sa labanan ng mga bansa sa mundo noong 1914?
A. Unang Digmaang Pandaigdig C. Unang Digmaang Pambansa
B. Pandaigdigang Labanan ng mga Bansa D. Pambansang Digmaan sa Daigdig
41. Ano ang itinuturing na pinagsimulan ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A.Pagkahuli kay Archduke Franz Ferdinand
B. Pagkahirang bilang hari ni Archduke Franz Ferdinand
C. Pagkapanganak kay Archduke Franz Ferdinand
D. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand

42. Alin sa sumusunood ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa mga bansa sa Timog-
Silangang Asya?
A. Lumakas ang nasyonalismo sa mga bansa
B. Nagkaroon ng mga bagong mananakop
C. nangako ng katapatan sa mga bansang nanalo sa digmaan
D. nanakop ng mga kalapit bansa

43. Ito ay tumutukoy sa mga paniniwala upang maging gabay ng mga tatahakin sa buhay.
A. Ideolohiya B. Pamahalaan C. Demokrasya B. Komunismo

44. Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa komunismo samantalang
ang Timog Vietnam ay naniniwala sa demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang Vietnam
War na nagsimula noong 1945. Sino ang namuno sa North Vietnam?
A. Ho Chi Minh B. Bao Dai C. Mao Zedong D. Sun Yat Sen

45. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng Estados Unidos sa Timog Korea?
A. Komunista B. Monarkiya C. Demokratiko D. Sosyalista

46. Bakit nahati ang mga bansa sa Asya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagkakaiba ng relihiyon ng mga katutubo
B. Banggaan ng magkaibang ideolohiya
C. Pag-aagawan ng mga katutubo sa pamahalaan ng bansa
D. Pananakop ng mga bansang superpower

47. Paano nakapagdulot ng masamang epekto ang nasyonalismo sa mga bansa sa Silangan atTimog-
Silangang Asya?
A. Pagtatatag ng pamahalaan batay sa ideolohiyang pinaniniwalaan ng mga mamamayan
B. Pagtutulungan ng mga katutubo na ipagtanggol ang kanilang bansa
C. Hindi pagkakaunawaan ng mga nasyonalistang may magkakaibang paniniwala
D. Pagpapaalis sa mga mananakop

48. Ano ang karaniwang sanhi ng pagpayag ng magulang sa Malaysia na makasal sa napakamurang edad
ang kanilang mga anak na babae?
A. Kahirapan B. Pagsunod sa tradisyon C. Pagsunod sa batas D. Kagustuhan ng bata

49. Alin sa mga ito ang itinuro sa kababaihang Hapones bago ang ika-19 na dantaon?
A. Sumunod sa kalalakihan
B. Ituring na mas mataas ang kababaihan sa kalalakihan
C. Ituring na kapantay ang kalalakihan
D. Ituring na kaaway ang kalalakihan.

50. Ang isang babae ay nararapat na:


A. Nakapag-aaral at nakapipili ng nais niyang trabaho C. Nakalalahok sa mga pulitikal na gawain
B. Nakapag-aasawa kahit sa murang edad D. Nakatitindig laban sa pang-aabusong sekswal

Inihanda ni: Binigyang pansin:

CHRISTIAN RONEL F. AUSTRIA EDEN S. MATAWARAN, MAED


Guro, Araling Panlipunan 7 Teacher-In-Charge
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TANAY NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 8-KASAYSAYAN NG DAIGDIG

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa
mga pagpipilian.

1. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas at paggalugad ng mga lupain?
A. Spain at Portugal C. Netherlands at Germany
B. England at France D. United States at Japan

2. Sinong monarka ang unang sumuporta sa mga eksplorasyon para tumuklas ng mga bagong lupain sa ibang
panig ng mundo?
A. Louis ng Pransya B. Isabella ng Espanya C. Henry ng Portugal D. Elizabeth ng Inglatera

3. Alin sa sumusunod ang salik na nagbunsod sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?


A. Pagtatanggol sa "Banal na Lupa" laban sa mga Muslim
B. makahanap ng mga bagong rutang pangkalakalan
C. makahanap ng mga bagong produktong pangkalakal at mga pampalasa ng pagkain
D. paglakas ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa

4. Alin sa sumusunod ang dahilan sa paglulunsad ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?


A. Paghahanap sa pinakadulong bahagi ng daigdig
B. Pangangailangan sa mga hilaw na sangkap at bagong produktong maipagbibili sa mga pamilihan
C. Kagustuhang makapaglakbay sa buong mundo
D. Mga makabagong kagamitan at teknolohiyang dulot ng Rebolusyong Siyentipiko sa Europa

5. Sa ikalawang yugto ng imperyalismo kapansin- pansing ang pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ay
ang:
A. Hilagang Amerika at Aprika C. Asya at Hilagang Amerika
B. Aprika at Asya D. Hilaga at Timog Amerika

6. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, ginamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng
white man’s burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang ‘white man’s burden’?
A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na angkinin ang daigdig.
B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo.
C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan sa kanilang sinakop.
D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga
Europeo

7. Ano ang Rebolusyong Komersyal?


A. Panahon kung kailang napakataas ng presyo ng mga bilihin at kalakal sa Europa
B. Panahon kung kailan sumikat ang mga likhang sining ng mga Europeo
C. Panahon na naging maunlad ang kalakalan, merkantilismo, at kolonyalismo sa Europa
D. Panahon na umusbong ang maraming rebolusyon sa Europa

8. Ano ang pangunahing naging epekto ng Rebolusyong Siyentipiko sa lipunan sa Europa?


A. Pagpapatuloy ng impluwensiya ng Simbahan sa mga Europeo
B. Pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga siyentipiko
C. Pagpapatayo ng mga paaralan at obserbatoryo
D. Paglilimbag ng mga siyentipikong aklat at mga babasahin

9. Ano ang tawag sa panahon ng pagbabago at pag-unlad sa sektor ng agrikultura, paggawa, minahan,
transportasyon, at teknolohiya sa Europa?
A. Panahong Komersyal C. Panahong Kultural
B. Panahong Siyentipiko D. Panahong Industriyal

10. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa
daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?
A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Politikal.
B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan.
C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng renaissance sa Europe.
D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan.

11. Ang Rebolusyng Pangkaisipan ay nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa
pamahalaan, edukasyon, demokrasya at sining. Ang mga intelektwal na ito ay nakilala bilang”
A.Salon B.Proletariat C. Philosophe D.Bourgeosie

12. Ilang colony sa Amerika ang kabuuang nasakop ng mga Ingles bago ito naibalik sa bisa ng Treaty of Paris?
A. 13 B. 12 C. 15 D. 11

13. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ideya ng pagmamahal sa bansa na bunsod ng pagkakapareho
sa lahi,wika,relihiyon,kultura, at pagpapahalaga?
A.Nasyonalismo B.Nepotismo C.Imperyalismo D.Komunismo

14. Sino ang naging pinuno ng Alemanya sa panahon ng pagkakaisa nito na nakilala bilang Iron Chancellor?
A. Otto Von Valjean B. Otto Von Bismarck C. Otto Von Frank D.Otto Von Bethoveen

15. Sino ang huling hari ng France?


A. Louis Napoleon B. Louis XIV C. Louis XV D. Louis XVI

16. Ano ang tawag sa labanan ng mga bansa sa mundo noong 1914?
A. Unang Digmaang Pandaigdig C. Unang Digmaang Pambansa
B. Pandaigdigang Labanan ng mga Bansa D. Pambansang Digmaan sa Daigdig

17. Ano ang itinuturing na pinagsimulan ng Unang Digmaang Pandaigdig?


A.Pagkahuli kay Archduke Franz Ferdinand
B. Pagkahirang bilang hari ni Archduke Franz Ferdinand
C. Pagkapanganak kay Archduke Franz Ferdinand
D. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand

18. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nakilala bilang ____________ na nagpabago sa takbo ng
kasaysayan ng daigdig.
A. Apocalypse B. Battle of the Century C. Crimean War D. The Great War

19. Ang Triple Alliance na naging Central Powers ay binubuo ng mga bansang sumusunod MALIBAN sa
____________?
A. Germany B. France C. Austria-Hungary D. Bulgaria

20. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. Pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa

21. Sa pasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig ang United States ay nagdeklara ng hindi pagpanig sa
anumang alyansa subalit ito ay nagbago dahil sa isang pangyayari noong Mayo 1915. Alin ito?
A.Pagbomba sa Pearl Harbor, Hawaii
B.Pagpatay kay Archduke Ferdinand
C.Pagpapalubog sa barkong Lusitania
D.Pakikialam ng British Government sa Ameica

22. Alin ang HINDI kabilang sa Triple Entente o mas kilala bilang Allied Powers?
A. Great Britain B. Ottoman Empire C. United States D. Japan

23. Noong Mayo 3, 1918, naplitang lagdaan ng Russia ang _____________ na nagbigay daan sa
pagwawakas ng digmaan ng Germany sa EasternFront. Ano ang tawag sa kasunduang ito?
A. Treaty of Nanking B. Treaty of Shimonoseki C. Treaty of Versailles D. Treaty of Brest-Livtosk

24. Paano pansamantalang winakasan ng mga magkalabang bansa ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Sa pamamagitan ng pagbobomba C. Dahil sa Treaty of Brest-Livtosk
B. Sa paglagda sa armistice D. Sa pagsuko ng Germany

25. Noong Hunyo 28, 1819, nilagdaan ang Treaty of Versailles bilang pormal na pagtatapos ng digmaan.
Laman ng kasunduang ito ang pagbayad ng reparasyon o bayad pinsala sa digmaan. Anong bansa ang higit
na naapektuhan nito?
A. United States B. Germany C. France D. Russia
26. Isa sa mga isinulong ni Pres. Woodrow Wilson sa kanyang “14 points” ang karapatan ng mga bansa na
magdesisyon sa tatahakin nilang landas na tinatawag na ______________.
A. self-determination B. isolationism C. disarmament D. appeasement

27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng League of Nations?
A. Palakasin ang at patatagin ang Versailles Treaty
B. Panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan
C. Makipagdigma sa mga bansang umaapi sa mahihirap na bansa
D. Tulungan ang mga bansa na may krisis sa ekonomiya

28. Bakit hindi kasapi ang Amerika sa League of Nations?


A. Ayaw nitong gumastos at tumulong sa mga naapektuhang bansa
B. Ayaw nitong kumampi sa bansang Britain laban sa Germany
C. Ayaw nitong madamay sa problema ng mga bansa sa Europa
D. Ayaw nitong makialam sa hidwaan ng dalawang magkatunggaling alyansa

29. Bakit hindi naging matagumpay ang League of Nations?


A. Umalis bilang kasapi ang mga malalaking bansa
B. Napakamahal ng binabayaran ng mga kasaping bansa
C. Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
D. Nag away-away ang mga orihinal na mga miyembro ng liga

30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. Treaty of Versailles B. Great Depression C. League of Nations D. German Aggression

41. Ito ay tumutukoy sa ganap na pagkontrol ng pamahalaan sa lipunan.


A. Nasyonalismo B. Totalitaryanismo C.Pasismo D. Nazism

32. Sino ang pinuno ng National Socialist German Workers Party o mas kilala bilang NAZI na namuno sa
Germany noong Third Reich (1933-1945)?
A. Adolf Hitler B. Benito Mussolini C. Joseph Stalin D. Winston Churchill

33. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Axis Powers?


A. Japan B. China C. Italy D. Germany

34. Ang mga sumusunod ang bumubuo sa Allied Powers, MALIBAN sa __________.
A. United States B. France C. Great Britain D. Japan

35. Kailan ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


A. Setyembre 1, 1939 B. Setyembre 1, 1940 C. Setyembre 1, 1941 D. Setyembre 1, 1942

36. Ano ang tawag sa taktikang pandigma na ginamit ng mga NAZI?


A. Blitzkrieg B. Luftwaffe C. Trench Warfare D. Biological Warfare

37. Ano ang tawag sa kampanyang ipinatupad ni Hitler upang wakasan at tanggalin ang mga di kanais-nais na
mga lahi?
A. Holocaust B. Concentration C. Hamletting D. Resettlement

38. Lumahok ang United States sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig matapos salakayin ng Japan ang
________________.
A. Pentagon B. CIA B. White House D. Pearl Harbor

39. Matapos ang pambobomba ng Japan sa Hawaii, isinunod nito ang mga base ng Amerika sa Pilipinas tulad
ng sa Bataan kung saan ilang libong sundalong Pilipino at Amerikano ang lumahok sa ______________ nang
sila ay sumuko sa mga Hapon.
A. Long March B. People Power C. Death March D. Holocaust

40. Noong Hunyo 6, 1944 naganap ang pagbabalik ng mga Allies sa France. Saang lugar ito naganap?
A. Paris B. Normandy C. Belgium D. Brussels

41. Anong istraatehiya ang ginamit ng Japan noong huling baahagi ng World War II?
A. Bushido B. Samurai C. Shogun D. Kamikaze

42. Dahil sa mailap ang Japan sa pagsuko, ipinasya ng United States na gamitin nito ang bago nitong sandata
ang Atomic Bomb upang wakasan ang digmaan. Saan ito unang ibinagsak?
A. Hiroshima B. Nagasaki C. Tokyo D. Kokura
43. . Ito ang nagsisilbing, kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya at pampolitika ng
isang bansa, pamahalaan o kilusan
A. Pilosopiya B. Ideolohiya C. Prinsipyo D. Batas

44. Sa panahong ito naganap ang tinatawag na proxy war, arms race, propaganda warfare at espionage.
A. World War I B. World War II C. Cold War D. Contemporary Age

45. Bakit nagkaroon ng Cold War pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


A. Dahil sa agawan sa mga teritoryo ng mga bansang tinalo ng Allies
B. Dahil sa pagnanais na makabawi ng mga bansang kabilang sa Axis
C. Dahil sa magkaibang pulitikang paninindigan ng mga makapangyarihang bansa na USA at Soviet
Union
D. Dahil sa pagmamalabis ng mga nanalong bansa

46. Kailan itinatag ang United Nations?


A. October 25, 1943 B. October 25, 1944 C. October 25, 1945 D. October 25, 1946

47. Saan matatagpuan ang punong himpilan ng United Nations?

A. Moscow, Russia B. Paris, France C. New York, USA D. London, England

48. Anong dokumento ang nilagdaan noong Enero 1, 1942 kung saan unang nagamit ang salitang United
Nations?
A. Declaration of Unity C. Declaration of Universal Charter
B. Declaration of the United Nations D. Declaration of Independence

49. Ilang ahensya mayroon ang United Nations?


A. 10 B. 15 C. 12 D. 16

50. Bakit itinatag ang United Nations?


A.Upang magkaroon ng sandigan ang mga kasaping bansa sa panahon digmaan
B. Upang higit na mapaunlad ang mga bawat bansa sa mundo
C. Upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng mundo
D. Para mapabilis na lumago ang mga ekonomiya ng bawat bansa

Inihanda ni: Binigyang pansin:

CHRISTIAN RONEL F. AUSTRIA EDEN S. MATAWARAN, MAED


Guro, Araling Panlipunan 8 Teacher-In-Charge
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TANAY NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9 & 10-EKONOMIKS

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa
mga pagpipilian.

1. Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pambansang kaunlaran MALIBAN sa ______.


A. Ang pagsulong ay bahagi ng pag-unlad C. Nasususkat ang pag-unlad ng bansa.
B. Ang pag-unlad ay bunga ng pagsulong D. Depende sa pananaw ang pagsulong at pag-unlad

2. Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI maaring makatulong upang umangat ang ekonomiya ng bansa?
A. Teknolohiya B. Kalakalan C. Yamang-tao D. Likas na Yaman

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?


AHindi ganap na naipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFW lamang nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
D. Isang mabisang paraan sa pagsukat ng kaunlaran ng bansa ang pagtaas ng GNP.

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong paunlarin ang ekonomiya?
ATangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nagyayari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Isa sa tinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa ay ang paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan. Ano
ang pinakamainam gawin upang labanan ang korapsyon?
A. Sikaping gawin kung ano ang tama at nararapat.
B. Hayaan ang pamahalaan na umusig sa mga tiwaling opisyal nito.
C. Idaan sa mga rally at protesta ang mga nagaganap na korapsiyon sa bansa.
D.Ipagsawalang kibo na lamang ang napapansing korapsyon sa paligid.

Para sa bilang 6-10, basahin ang artikulo at sagutin ang mga kaugnay na tanong ukol dito.

EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless


Pilipino Star Ngayon - February 13, 2014

HINDI tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino ang pag-uusapan. Noong nakaraang taon,
umangat daw ng 7.2 percent ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito.
Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya.
Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho,
maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng
pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. Noong 2012, umangat daw ng 6.6 percent ang ekonomiya. Tuwang-tuwa ang pamahalaan
sapagkat ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting
pamamahala.
Maaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayos na pamumuno pero ano naman kaya ang dahilan at marami
ang walang trabaho sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski si President Noynoy Aquino ay nagtaka
kung bakit tumaas ang unemployment rate. Hiningan niya ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoy ang jobless.
Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang
ng mga walang trabaho. Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol.
Ang problema sa unemployment ang nagbubunga ng iba pang problema. Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa
nangyayaring ito, dapat nang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha ng mga trabaho. Sa sector na ito
maraming makikinabang. Nararapat din namang rebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang hanggang anim na buwan
lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silang trabaho. Lalo lang pinarami ng con tractualization ang mga walang
trabaho.
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless

6. Tungkol saan ang artikulo?


A.Pag-unlad ng Pilipinas
B.Pagganda ng kabuhayan ng maraming Pilipino
C.Kahirapan ng maraming Pilipino sa kabila ng pagsigla ng kalakalan
D.Pagganda ng kinabukasan ng maraming Pilipino

7. Ano ang pinakamagandang epekto ng paglakas ng ekonomiya ng bansa ayon sa artikulo?


A.Pinasisigla nito ang kalakalan sa bansa.
B.Pinalalakas nito ang loob ng mga mamumuhunan.
C.Gumaganda ang imahe ng pamahalaan.
D.Bumaba ang presyo ng mga bilihin.

8. Alin sa mga sumusunod ang tunay na sitwasyon tungkol sa ekonomiya ng bansa ayon sa artikulo?
A. Sumigla ang kalakalan sa stockmarket.
B.Tumaas ang foreign investment sa bansa.
C. Marami sa mga Pilipino ang nadismaya at hindi makapaniwala
D. Patuloy na lumalakas ang piso laban sa dolyar.

9. Ano ang pinakamalaking suliranin ng mga mahihirap na Pilipino ayon sa artikulo?


A. Kawalan ng trabaho
B. Kakapusan sa pagkain.
C. Kakulangan sa serbisyo medikal.
D. Kawalan ng tirahan.

10. Ano ang sinasabing bunga nang patuloy na dumaranas ng kahirapan ang mas maraming Pilipino?
A. Patuloy na korapsyon sa pamahalaan.
B. Paglala ng suliraning pang-ekonomiya.
C. Patuloy na pakikialam ng mga dayuhan sa ekonomiya ng bansa.
D. Paglala ng krimen sa bansa.

11. Aling sektor ang lumilikha ng pagkain at nagsusuplay ng hilaw na materyales sa bansa?
A. Serbisyo B.Indusriya C. Agrikultura D. Komersyo

12. Saang uri ng industriya kabilang ang pangingisda at pagsasaka?


A. Primarya B. Sekondarya C. Terserya D. Intermedya

13. Alin ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?


A. Pagsasaka B. Paghahayupan C. Pagtitinda D. Pangingisda

14. Mahalaga ang sector ng agrikultura sa ekonomiya ng Pilipinas. subalit sa kasalukuyan, kung ihahambing
sa iba apang sector ng produksyon, ang agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa taunang kita at
produksyon ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan?
A. Patuloy ang pag-angkat ng bansa ng produktong agriklutura sa China, Vietnam at Thailand.
B. Hindi ganap na epektibo ang programa sa agraryo ng bansa at kapos sa teknolohiya ang mga
magsasaka.
C. Patuloy na nasisira ang mga sakahan dahil sa kaingin at pagkalbo ng kagubatan.
D. Walang suporta ang pamahalaan sa mga karaniwang magsasaka.

15. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagbabawal ng pamahalaan ang paggamit ng dinamita sa
pangngisda?
A. Dahil sa delikado para sa mga mangingisda ang paggamit ng dinamita.
B. Dahil sinisira ng dinamita ang mga tirahan ng mga isda.
C. Dahil ang dinamita ay isang iligal na paputok.
D. Dahil hindi nagbababayad ng buwis ang mga prodyuser ng dinamita.

16. Ang karamihan sa mga magsasaka ay walng sariling lupaing pansakaahan kaya ang pamahalaan ay
kailangan nang magpatupad ng repormang sakahan. Kapag hindi naisulong nag programang ito, maraming
magsasaka ang hindi magkakaroon ng lupa; ano nag isang maaring epekto nito?
A. Ang paglakas ng ugnayan ng magsasaka at ang may-ari ng lupa.
B. Ang pagsususmikap ng magsasaka upang mapadami ang ani.
C. Ano ang kawalan ng sigla ng magsasaka upang dumami ang ani.
D. Ang pagkakasundo sa pagitan ng pamahalaan at ng magsasaka.

17. Napakaraming reporma sa lupa ang ipnatupad na ngunit hanggang nagyon ay hindi pa rin nakakamtan ng
magsasaka ang panagrap na magkaroon ng sariling lupang sinasaka. Sianasalamin nito ang ______
A. Kawalan ng magsasaka ng sapat na halaga upang mabayaran ang aknilang lupang sinasaka
B. Kawalan ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng may-ari ng lupa
C. Kawalan ng sapat na lupang maaring maipamahagi sa magsasaka
D. Kakulangan ng edukasyon o kaalaman ng ilang magsasaka
18. Target ng CARP ang pamamahagi sa mga magsasaka ng 10.3 milyong ektarya ng lupa. Noong 1996,
binago nito ang target sa 8.06 milyong ektarya. Noong 2008, nagpasa ang Kongreso na bagong batas upang
palawigin ang CARP. Ano ang implikasyon nito?
A. Masigasig ang pamahalaan sa pagpapatupad ng repormang agraryan.
B. Nakikinabang ang mga magsasaka sa repormang agraryan.
C. May mga magsasakang nananatiling walang lupa noong 2003.
D. Nananatiling bigo ang pamahalaan sa pagpapatupad ng repormang agrarian

19. Ang mga sumusunod ay kabilang sa sector ng industriya MALIBAN sa:


A. Pagmamanupaktyur B. Konstruksyon C. Serbisyo D. Lahat ng nabanggit

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa industriyang sekundarya?


A. Konstruksyon C. Paggawa ng damit
B. Pagmamanupaktura ng makinarya D. Pagbabangko

21. Aling industriay ang kabilang sa uring terserya?


A. Nagpoprodyus ng mga hilaw na material C. Gumagawa ng mga bahay at gusali
B. Nagmamanupaktura ng mag produkto D. Nagbibigay ng serbisyo

22. Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang ito
ay maging isang produkto?
A. Paglilingkod B. Impormal na sektor C. Agrikultura D. Industriya

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi subsektor ng industriya?


A. Paggugubat B. Pagmimina at pagkakwari C. Pagmamanupaktura D. Konstruksyon

24. Saang uri ng industriya kabilang ang pangigisda at pagmimina?


A. Primarya B. Sekundarya C. Terserya D. Intermedya

25. Bakit mahalaga sa ekonomiya ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagawaan?
A. Upang unti-unting alisin ang manual labor sa ekonomiya.
B. Upang maging globally competitive sa pandaigdigang pamilihan ang ating lokal na produkto.
C. Upang mabawasan ang mga empleyado ng isang pagawaan.
D. Upang maantala ang pagluluwas n gating mga lokal na produkto sa pamilihan.

26. Anong sangay ng pamahalaan ang tuwirang tumitingin at nangangalaga sa larangan ng industriya at
pangangalakal?
A. Dept. of Trade and Industry C. Dept. of Agriculture
B. Dept. of Labor and Employment D. Dept. of Health

27. Alin sa mga sektor ng ekonomiya ang bumubuo ng pananalapi, komersyo, transportasyon at
komuniskasyon.
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sektor

28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng paglilingkod?


A. Magsasaka B. Ahente ng insurance C. Abogado D. Mang-aawit

29. Noong taong 2007, umabot sa 16.49 milyong manggagawa ang nasa sektor ng serbisyo, 12.16 sa sektor
ng agrikultura at 5.08 naman sa sektor ng industriya. Alin ang pinaka-angkop na konklusyon?
A. Mas maraming namamasukan sa sektor ng serbisyo ngunit mas mahalaga pa rin ang sektor ng
agrikultura.
B. Pinakakaunti ang kabilang sa sektor ng industriya kahit na ito ang may pinakamalaking kontribusyon
sa GNP ng bansa.
C. Nasa sektor ng serbisyo ang may pinakamalaking bilang ng mga mangagagawa.
D. Pinakamahalaga ang sektor ng serbisyo kung ihahambing sa sektor ng agrikultura at industriya.

30. Sa kasalukuyan, isang malaking pinagkakakitaan ng dolyar ng Pilipinas ang pagkokontrata sa mga
operasyon at ispesipikong gawain ng mga kompanyang mula sa iabng bansa. Ano ang tawag sa industriyang
ito?
A. Bisiness Process Outsourcing C. Internet Based Operations
B. New Business Technology D. Overseas Business Functions

31. Bakit ipinapatupad ng pamahalaan ang nasyonalisasyon ng kalakalang pagtitingi?


A. Upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na magtayo ng sarilng negosyo.
B. Upang mahikayat ang mag Pilipinong magtayo ng sariling tindahan.
C. Upang mapasakamayng mag Pilipino ang mag tindahang nagtitingi.
D. Upang mapaunlad ang kalakalan sa bansa.
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na itinatag ng pamahalaan
para sa pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Impormal na sektor

33. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng impormal na sektor?


A. Mababang libel ng organisasyon. C. May permiso sa pamahalaang lokal
B. Binubuo ng may-ari at kanyang mga kamag-anak o kakilala. D. Hindi nagbabayad ng buwis

34. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit nagiging impormal ang maraming negosyo?
E. Kakulangan ng kapital o talento. C. Pagtangging magbayad ng buwis
F. Kakulangan sa kaalaman sa pagrerehistro. D. Kawalan ng kasanayan sa trabaho
.
35. Umabot sa 10.5 milyong mamamayan ang kabilang sa impormal na sektor noong 2008. Batay sa
impormasyong ito, alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo?
A. Malaki ang impormal na sektor.
B. Nakapagbibigay ng trabaho sa maraming tao ang impormal na sektor.
C. Malaki ang nawawalang buwis sa pamahalaan.
D. Walang kontribusyon sa GNP ang impormal na sektor.

36. Alin sa mga sumusunod ang pinakapraktikal na pananaw tungkol sa impormal na sektor?
A. Dapat sirain ang loob ng mga kasapi nito upang hindi nila maipagpatuloy ang kanilang illegal na
operasyon.
B. Dapat kasuhan ang mga kabilang sa impormal na sektor dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
C. Dapat tulungan ng pamahalaan ang mga kasapi nito upang maging kabilang sila sa pormal na
sektor.
D. Dapat pilitin sila na magparehistro at magbayad ng buwis.

37. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap ng impormal
na sektor?
A. Ipinapakita nito ang pagiging maparaan ng mga Pilipino.
B. Sumasalamin ito ng pagiging mahirap ng bansa.
G. Ito ay larawan ng industriyalisadong bansa.
H. Maraming mamamayan ang umaasa sa Pilipinas.

38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng dahilan ng pamimirata sa bansa?


A. Kakulangan ng komprehensibong kampanya laban sa pamimirata.
B. Kakulangan ng kikabubuhay ng mga tao.
C. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa pamimirata.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan.

39. Noong 2009, umabot sa $17.3 bilyon ang ipinadalang pera ng mga OFW sa bansa. Alin ang maaring
maging konlusyon dito?
A. Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
B. Malaki ang naitutulong ng mga OFW upang lumaki ang dollar reserve ng bansa.
C. Malaki ang naitutulong ng mga OFW upang tumatag ang halaga ng piso.
D. Lahat ng nabanggit.

40. Isa sa mga pinakamalaking suliranin ng sektor ng paglilingkod ang contractualization. Ano ang dahilan
bakit patuloy parin itong umiiral sa kabila ng reklamo ng mga manggagawa?
A. Mas nakakatipid ang mga kompanya kung ang manggagawa ay kontrakwal.
B. Mas mataas ang sahod ng mga empleyadong regular.
C. Ang mga empleyadong kontrakwal ay walang benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
D. Lahat ng nabanggit

41. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng absolute advantage?


A. Naibebenta ang kalakal na iniluluwas sa murang halaga
B. Nakalilikha ito ng kalakal na wala sa ibang bansa
C. Nakagagawa ito ng kalakal ng walang puhunan
D. Nakalilikha ito ng produkto gamit ang kaunting salik ng produksyon.

42. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa comparative advantage?


A. Ito ay nagpapabuti sa alokasyon ng mga pinagkukunang yaman
B. Ito ay nakakamit ng mga bansang sagana sa likas na yaman
C. Ito ay nagpapataas ng produksyon ng bansa
D. Ito ay makabubuti sa bansa kahit ito ay walang pinagkukunang yaman
43. Alin sa sumusunod na samahan ang HINDI nagsusulong ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga
bansa?
A. ASEAN B. FIBA C. WTO D. APEC

44. Anong organisasyon ang itinatag at nagpupulong upang ayusin, itakda at ipatupad ang mga kasunduan sa
pandaigdigang kalakalan?
A. WTO B. ASEAN C. APEC D. NATO

45. Ano ang pinakamahalagang dahilan bakit kailangan ng isang bansa ang kalakalang panlabas?
A. Bawat bansa ay nangangailangan ng tulong ng ibang bansa
B. Hindi lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ay kayang matugunan ng kanilang bansa
C. Ang bansa ay nagiging dalubhasa sa paggawa ng produkto at serbisyo
D. May mga kagustuhan ang tao na sadyang matutugunan lamang ng ibang bansa

46. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang naitutulong ng pagluluwas sa ekonomiya ng bansa?
A. Pinatataas nito ang produksyon C. Pinabubuti nito ang seguridad ng bansa
B. Nakakatulong ito sa paglilipat ng teknolohiya D. Pinatataas nito ang kalidad ng kalakal sa bansa

47. Ano ang nagaganap sa ilalim ng Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan?


A. Pagbibigay ng permit sa mga “smuggler” na makapaglabas-masok sa mga bansa
B. Pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga manggagawa upang maging produktibo
C. Pagpapapasok sa mga bansa ng mga produktong di-ligtas
D. Pagbabawas ng mga balakid sa kalakalan at pamumuhunan

48. Alin ang pinakaangkop na paglalarawan ng globalisasyon?


A. Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
B. Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura at agham sa daigdig.
C. Paglawak ng pag-uunawaan ng mga tao sa buong daigdig.
D. Pagkalat ng iba’t ibang produkto sa buong daigdig

49. Bakit nagpapalitan ng mga kalakal ang mga bansa sa daigdig?


A. Para matikman kung anong bansa ang gumagawa ng pinakamasasarap na produktong pagkain
B. Para maging mas mahal ang presyo ng mga produktong ipagbibili sa ibang bansa
C. Para makapaglakbay ang mgapinuno at negosyante sa ibang bansa
D. Para matugunan ang mga pangangailangan na hindi kayang tugunan ng mga likas na yaman ng
bansa

50. Bakit mahalaga na magkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa mundo?
A. Dahil binibigyan nito ng pantay-pantay na kalayaan at kakayahan ang mga bansa na
makipagkalakalan at maipagbili ang kanilang produkto sa buong mundo
B. Dahil ang malayang kalakalan ay nakatutulong para mapaganda ang kalidad ng mga produkto sa
bawat bansa
C. Dahil sa tulong nito ay maaaring pagbawalan ng isang bansa ang ibang bansa na magkaroon ng
ugnayang pangkalakalan sa kaniya
D. Dahil sa pamamagitan nito ay nagiging malaya ang mga bansa na magtakda ng mataas na presyo
sa kanilang mga ipinagbibili o iniluluwas na produkto

Inihanda ni: Binigyang pansin:

CHRISTIAN RONEL F. AUSTRIA EDEN S. MATAWARAN, MAED


Guro, Araling Panlipunan 9 & 10 Teacher-In-Charge

You might also like