You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 10

1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng


kontemporaryong isyu?
A. Ito ang pag-aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa
kasalukuyan.
B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at paggalang sa
pagkakaiba ng tao.
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais
bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan.
D. Ito ay ang pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu at
hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pangkasarian at pampolitika.
2. Ano ang tawag sa ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na
mapangasiwaanang Disaster Risk Mitigation?
A. National Disaster Risk Reduction and Management Council
B. National Agency for Risk Reduction
C. National Risk Management
D. National Management of Risk
3. Ano ang tawag sa mahina hanggang sa malakas na pagyanig ng lupa dulot
ngbiglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim nito?
A. Bagyo C. Lindol
B. Storm Surge D. Tsunami
4. Ang tawag sa batas na niratipikahan upang magbigay ng gabay at solusyon
kung paano magagawan ng solusyon ang lumalalang problema ng basura sa
bansang Pilipinas?
A. Ecological Solid Waste Management
B. Landfill Act Waste Mangement
C. Natural Waste Management
D. Proper Solid Waste Disposal
5. Ano ang nagpapakita ng unemployment sa mga sumusunod sa sitwasyon?
A. Si Riza ay graduate ng IT sa taong 2008 ngunit hanggang sa
kasalukuyan ay naghahanap pa rin siya ng mapapasukan.
B. Si Andres ay graduate ng Education at sa kasalukuyan ay nag aaral
siya ng Masteral sa kanyang kurso.
C. Si Timothy ay graduate ng Engineering at ang kanyang trabaho ay
isang professor sa College.
D. Si Anna ay graduate ng Business Administration at siya ay
tumutulong sa negosyo ng kaniyang magulang.
6. Ano ang kahulugan ng sustainable development?
A. Ito ang pagunlad ng teknolohiya na para sa susunod na henerasyon
at sila ay makaranas ng modernong buhay.
B. Ito ang pag-unlad ng isang bansa sa kasalukuyang panahon na
hindi mauubos ang likas na yaman para sa susunod na
henerasyon.
C. Ito ang pag-unlad ng ekonomiya na nagdudulot ng pagunlad ng
bansa upang makaakit ng mga investors.
D. Ito ang pag-unlad ng teknolohiya na maaring pakinabangan ng mga
susunod na henerasyon.
7. Ito ang kahulugan ng migrasyon.
A. Ito ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
panghabang buhay.
B. Ito ang proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga
mamamayan.
C. Ito ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente
D. Ito ang proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi
inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
8. Ito ang tawag sa mga mamamayan na tumatakas sa kanilang mga bansa
upang takasan ang mga kaguluhan, taggutom, digmaan at karahasan
A. Refugee
B. Asylum
C. Convict
D. Suspect

9. Ito ang kalagayan na kung saan ang mga propesyunal ay nagtatrabaho sa


ibang bansa para sa mas magandang oportunidad.
A. Illegal workers C. Brain migration
B. Illegal recruitment D. Brain drain
10. Ito Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado.
A. Pagkamamamayan
B. Pagboto
C. Pagkamakabansa
D. Pagkamakabayan
11. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte
A. Naturalisasyon
B. Lokalisasyon
C. Ispesyalisasyon
D. Kontekstwalisasyon
12. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan.
Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng
kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs
B. Non-Governmental Organizations
C. Grassroot Support Organizations
D. People’s Organizations

You might also like