You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

sAralin 20

(KAYAMANAN KO, PAGYAMANIN KO)

Bilang ng araw ng pagtuturo: 5 araw

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigng pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan na may kamalayang pampuhunan (Entre)/pag-impok at matalinong
pamamamhala sapinagkuunang yaman.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok na may dedikasyon at integridad.

I. Layunin
Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang yaman.
Code:
II. Paksang Aralin
Kamalayang pampuhunan (Entre)/ Pag-iimpok at matalinong pamamahala ng
mapagkukunang yaman.

Integrasyon: EPP

a. Sanggunian: CG p.85
b. Kagamitan: larawan ng mga pinagkukunang yaman, video clip, Manila
paper,laptap,DLP
c. Pagpapahalaga: Pag-iimpok at Matalinong Pamamahala ng Mapagkukunan ng
yaman (Resources)

III. PAMAMARAAN

Unang Araw

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
3. Pagbuo ng pasel (puzzle) ng mga larawan ng pinagkukunan ng likas na
yaman. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng
larawang bubuin. Ang unang grupo na makabubuo ang panalo.

Unang Pangkat: (larawan ng dagat)


Ikalawang Pangkat: (larawan ng bundok)
Ikatlong Pangkat: (larawan ng gubat)
Ikaapat na Pangkat: (larawan ng lupa/patag)
bundok

gubat

dagat

Lupa/patag

B. Panlinang na Gawain

1. ALAMIN NATIN

a.Gamit ang larawang binuo, sasaagutin ng grupo ang tanong. Isusulat


nila ang sagot sa tsart sa loob ng limang minuto. Bibigyan ang bawat
grupo ng dalawang minuto para mag-ulat.
1. Ano ano ang nakukuhang yaman sa bawat larawan?
2. Paano napangangalagaan ang mga ito?

Nakukuhang Yaman Pangangalaga sa Pinagkukunang


Yaman

b. Pag-uulat ng grupo
c. Talakayin ang mahalagang kaisipan.

(Closure: Kayaman Natin, Pangalagaan Natin)


Ikalawang Araw

2. ISAGAWA NATIN
a. Pagbati sa mag-aaral
b. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
c. Balik-aral. Itanong:
 Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
 Paano ang wastong pangangalaga sa mga ito?
d. Video clip presentation (tungkol sa wasto at di-wastong paggamit ng
pinagkukunang yaman)
e. Pagtalakay tungkol sa video clip

(Closure: Ating Kapaligiran, Huwag abusuhin)


Ikatlong Araw

3. ISAPUSO NATIN
a. Pagbati sa mag-aaral
b. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
c. Balik-aral l sa nakaraang talakayan.
d. Pagganyak
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong magnegosyo gamit
ang mga nakukuhang yaman sa inyong pamayanan, anong negosyo
ang papasukin mo?
e. Paglalahad
Pagpapaliwaang sa gagawing plano ng negosyo.

I. Pangalan ng Negosyo:____________
II. Puhunan
KAGAMITAN PRESYO

III. Tauhan/Sinong gagawa: _______________


IV. Saan ipagbibili: ________________________
V. Magkano ibebenta:____________________
VI. Tantiyang kita (Puhunan – Pinagbilhan = Tubo):_________________

f. Paggawa ng Gawain.
Hatiin ang klase ayon sa uri ng pinagkukunayang yaman na makikita
sa kanilang pamayanan. (10 minuto)
g. Pag-uulat ng Gawain. (2 minuto bawat grupo)
h. Pagtatalakay sa ginawang plano
i. Tandaan:
Dapat alagaan ang kapaligiran dahil dito nanggagaling ang
ating kabuhayan ngayon at ng mga susunod na henerasyon. Kapag ito
ay hindi naalagaan at inabuso tuluyan itong masisira o di kaya’y
mawawala. Kapag pinahahglagahan natin ang mga ito at ginamit na
maayos at may pananagutan, ang mga ito ay patuloy na
mapakikinabangan sa pang-araw-araw na pangangailangan at maging
sa pagnenegosyo.
Gaya ng kalikasan/kapaligiran/pinagkukunang yaman ang kita
natin sa ating pangnegosyo ay maaari ding maubos kapag hindi natin
ginamit nang maayos at iniimpok.

(Closure: May pera sa basura)

Ikaapat na Araw

4. ISABUHAY NATIN
a. Pagbati sa mag-aaral
b. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
c. Balik-aral l sa nakaraang talakayan.
d. Malikhaing paglalahad tungkol sa pangangalaga ng pinagkukunang
yaman. Hatiin ang klase sa mga grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan
ng
10 minuto na magplano at 2 minuto upang maglahad.
e. Talakayan sa mahahalagang kaisapan ng presentasyon
Rubric na gagamitin.
NILALAMAN 15 PUNTOS 10 PUNTOS 5 PUNTOS
Nailahad/Naipakit Napakahusay Mahusay na Sumubok na
a/ na naisagawa naisagawa magsagawa
Naisagawa
ang wastong
pangangalaga sa
pinagkukunang
yaman
Partisipasyon ng Lahat ng Dalawa (2) sa Tatlo (3) o higit
lahat ng miyembro ay mga pa ang
miyembro ng nakilahok o miyembro ay miyembrong
grupo nakisali hindi nakisali hindi nakisali

(Maglagay ng closure)

Ikalimang Araw

IV. PAGTATAYA
5. SUBUKIN NATIN
a. Muling itanong ang nakaraang aralin.
b. Ipasagot ang mga pahayag batay sa napag-aralan.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.


Lagyan ng tsek (/) kung ang mga gawain ay nagpapakita ng pag-iimpok at
matalinong pamamahala ng pinagkukunang yaman at ekis (x) kung hindi.

___ 1. Ang paaralan ay gumagamit ng organikong pataba sa pagpapalago ng


kanilang gulayan sa paaralan.
___ 2. Pinutol nila ang mga puno upang magamit sa pagpatayo ng bahay.
___ 3. Ang mag-anak ay nag-aalaga at nagpaparami ng mga pato sa likod bahay
upang maipagbili bilang karagdagang kita.
___ 4. Sa buwanang kita ni Aling Linda sa pagtitinda ng gulay at prutas sa palengke
ay
nagtatabi siya ng 5% sa bangko.
___ 5. Upang makahuli ng maraming isda, gumamit ang kasamahan ni Mang Isko ng
lambat na may maliit na bata.

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Isulat kung paano pinahahalagahan


ang pinagkukunang yaman at sa tapat naman nito ay kung paano nakatutulong sa
pangkabuhayan.

Sitwasyon 1:

Sina Mang Roger at Mang Kiko ay nagtatrabaho sa kumpanya ng pagawaan


ng papel. Sa bawat puno na kanilang pinuputol upang gawing papel ay pinapalitan
nila ito.

Sitwasyon 2:
Ang mag-anak ni Mang Anton ay naninirahan sa may tabi ng dagat upang
makatipid at makapag impok,siya at ang kanyang anak na panganay ay
nangingisda gamit ang wastong paraan sa panghuhuli ng isda o lamang dagat
upang iulam nila sa maghapon. Ang tirang nahuling lamang dagat ay kanilang
ititinda.

Pangangalaga sa pinagkukunang Paano nakatutulong sa


yaman Pangkabuhayan

(Maglagay ng closure)

Inihanda nina:

HENRIETA A. BRINGAS RHODA M. MANUEL


CAR – Abra Region IV-A CALABARZON
Laguna

MAYBEL C. OBULA ANAMARIE A. JABAL


Region IV-A CALABARZON Region IV-A CALABARZON

Antipolo City Rizal

ROMMEL O. CASABAR JULIET V. GUMPAL


Region I – Pangasinan II Region 2 – City of Ilagan

EMELY C. ABANILLA MARJORIE A. GALAO


Region IV-A CALABARZON Region I – Candon City
Batangas City

MARJORIE L. ACO LORENA J. VILLA


Region 2 – Cagayan Region IV-B – Palawan

MINERVA A. MONUZ CRISTY D. SAGUN


Region I – San Carlos City Region I – Urdaneta City

EDNEL A. ALMORADIE MARILYNE V. DAPROSA


Region IV-A Cavite City Region IV-B – Occidental Mindoro

JOSEPH JAY U. AUREADA


Region IV-A - Tayabas

You might also like