Ang Pagtuturo NG Filipino

You might also like

You are on page 1of 25

Ang Pagtuturo

ng Filipino sa
Batayang
Edukasyon
Ang
Pagtuturo ng
Filipino sa
ELEMENTARYA :
A. Deskripsyon
1. Mga lawak o kasanayan
Lumilinang sa kasayang:
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat
Pag-iisip
2. Saklaw sa mga lawak o kasanayan
a. Ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa
pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang
kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.
b. SIBIKA at KULTURA – una hanggang ikatlong
baitang
(1) Maaring gamitin ng Filipino ang
nilalaman ng SK/HKS.
(2) Ang batayang kasanayan sa pagbasa ay
matutunan nang lubusan sa tatlong baitang.
B. Pagbabago sa Kasanayan o
Kompetensi sa Pagkatuto
1. Pagsasaayos, pagbabawas at
pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad.
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang
kasanayan.
3. Pagbibigay DIIN SA PAGBABASA at
PAKIKIPAGTALASATASAN para sa pag-
uunawa sa mga BATAYANG KAISIPAN O
KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.
C. Mga Inaasahang Bunga
MITHIIN:
- Mabisang pakikipagtalastasan
(Pasalita o pasulat)
- Patuloy na pagkatuto upang
makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
D. Nakalaan/Nakatakdang Oras sa
Pagtuturo ng Filipino
PAGBABAGO:
BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO

I-III 60 80 Dagdag na 20
minuto

IV-VI 60 60 Walang dagdag


E. Mga Dapat Isinasaalang-alang sa
Pagtuturo ng Filipino
1. Pamaraang Pagsasanib (Integrative Method)
Integrasyon o Pagsasanib ng mga
Kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills-Based
Integration)
HULWARAN 1
- Maaring maituro o mapag-ugnay ang limang
kasanayan sa Isang aralin, kung saan sama-
sama o sabayang nalilinang ang limang
kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang paglinang ng gawain ay PAKIKINIG tungo
sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan
sa PAKIKINIG,PAGSASALITA, PAGSUSULAT o
PAG-IISIP.
Isaalang-alang sa paglinang ng mga
kasanayan ang ANTAS ng MASTERI o LUBUSANG
PAGKATUTO.
HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o
lawak, hindi dapat malinang lahat ang lawak o
kasanayan nang sabay-sabay.
2. Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino
sa Nilalaman o Konsepto ng Ibang Asignatura
(Content-Based Integration)
TANDAAN:
a. Sa Baitang I-III
Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng
FILIPINO
Palinang sa kasanayan sa pakikipagtalastasan
ang pokus.
b. TEKSTO/BABSAHIN/PAKSANG-ARALIN ng SK at
PAGPAPAHALAGA/EKAWP ginagamit na mga
KAGAMITANG PANLITERATURA
(TULA, KWENTO, ALAMAT at iba pa.)

Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa


paglinang ng mga Kanayan sa Filipino

HALIMBAWA:
Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang
kwento.
Ang PAKSA o nilalaman ng kwento ay nauukol
sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon
nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit
lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.

c. BIGYANG-DIIN ang ganitong PAGSASANIB sa


oras ng TALAKAYAN sa nilalaman ng mga
TEKSTO o KAGAMITANG PANLITERATURA na
ginagamit na LUNSARAN sa paglinang ng
kasanayan.
3. Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach)
a) Mahalaga para sa isang makabuluhan o
makahulugang interaksyon (meaningful
interaction)
b) Isang gawaing sama-sama (collaborative
activity)
c) Pagkakaroon ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan
(1) pagpapahayag ng sariling ideya
(2) pag-unawa sa ideya ng iba
(3) nakikinig sa iba
(4) bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang
konteksto (shared context)
Ang
Pagtuturo
ng Filipino sa
SEKONDARYA
Pangunahing MITHIIN ng Filipino:
- Makadebelop ng isang gradweyt na
mabisang komyunikeytor sa Filipino.
Kailangang taglay ang kasanayang makro:
PAGBSA, PAGSULAT, PAGSASALITA at
PAKIKINIG.
- Bilang sanay na komunikatibong
pakikipagtalastasan, nararapat na may
kabatiran at kasanayan siya sa apat na
komponent ng kasanayang komunikatib
tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-
linggwistik at istratedyik.
SA UNANG DALAWANG TAON
- Binigyang pokus ang masusing pag-aanalisa
at pag-aaral ng mga tiyak na istrakturang
gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay
sa pagtatamo ng wastong kasanayan sa
maunawang pagbasa.
- Upang matamo ito, pinagsanib ang mga
tekstong
prosidyural, reperensya, journalistic, literasi
at politiko-ekonomiko at pagkatuto ng iba’t
ibang istrakturang gramatikal.
HULING DALAWANG TAON
- Ang pokus ay pagtatamo ng mapanuring pag-
iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa
at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng
panitikang nakasalin sa Filipino.
- Sa Bawat taon ay binibigyan ng tiyak na
atensyon sa paglinang sa pasulat na
komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur
sa iba’t ibang uri ng komposisyon at
malikhaing pagsulat.
Ito’y Pinagtutuunan ng isang linggong leksyon
bawat markahan.
Binibigyang pansin ang mga tiyak na akda
bilang mga akdang pampanitikan.
Sa UNANG TAON - Ibong Adarna
Sa IKALAWANG TAON - florante at Laura
Sa IKATLONG TAON -Noli Me Tangere.
Sa IKAAPAT NA TAON – El filibusterismo
Pinagtutuunan ang mga akdang ito ng
dalawang linggong sesyon sa bawat
markahan.
- Ang binibigyang pansin sa apat na taong pag-
aaral sa Filipino ay ang pagtatamo ng
kasanayan sa akdemikong wika.
- Hindi nagkakaroon ng radikal na pagbabago sa
kontent ng Filipino bilang sabdyek sa lebel
sekondarya.
- Binibigyan lamang ng pokus ang maunawaang
pagbasa sa tulong iba’t-ibang uri ng text
upang malinang ang kasanayang linggwistika
ng mga mag-aaral.
- Sa panitikan, tinitiyak lamang ang batayan at
sukatan ng pagkatuto tulad ng mga tiyak sa
tema, pamantayan at simulain.
SA KABUUAN:
- Mahusay ang
pagkakabuo/pagkakabalangkas ng RBEC sa
Asginaturang Filipino sapagkat hindi lang
ang kapakanan ng mga mag-aaral ang
isinasaalang-alang dito kundi pati rin ang
kapakanan ng mga guro.
- Maayos ang paglalahad ng bawat gawain
sa tulong ng ready-made na Banghay-
Aralin.
- Magaganda at napapanahon ang mga teksto
at naangkop ang lebel ng pag-unawa ng mga
mag-aaral, lalung-lalo na sa ikaapat na taon.
- Magsisilbing hamon para sa kanila upang
sila’y mag-isip.
- May sapat na oras ang inilaan sa bawat aralin
upang mabigyan ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na makagawa ng kanilang mga
output. Nabibigyang linaw din nito ang
araling tinatalakay bago matapos ang sesyon.
Sa bahagi ng guro:
- Hindi na mauubos ang oras ng guro sa
paghahanda ng banghay-aralin.
- Maganda ang pagkakaroon ng cooperative
leaning dahil sa less talk na ang guro sa
loob ng klase.
- Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
na magpahayag ng kanilang
saloobin/pananaw na may kaugnay sa
aralin.
SALAMAT SA WALANG
SAWANG PAKIKINIG!!! :D

Inihanda ni:
CHARIZE SARING RUBIOS
III-D BSE FILIPINO

You might also like