You are on page 1of 1

Hunyo 27, 2016

I.Layunin:
A. Naipaliliwanag ang gamit ng iba’t ibang pangatnig at transitional devices
B. Natutukoy ang katuturan ng transitional devices sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
C. Nagagamit ang mga pangatnig at teansitional devices sa pangungusap
II. Paksang-Aralin: Pagsasanib ng gramatika at retorika
Pangatnig at Transitional Devices
Kagamitan: Panitikang Asyano pahina 26-27
Kagamitang pampagtuturo
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
Magbibigay ng isang tekstong nagsasalaysay ang guro at ipapatukoy ang gamit ng mga salitang may
salungguhit sa teksto.
B. Paglalahad: Pagtalakay sa Pangatnig at transitional devices.
Ngunit, subalit, datapwat, bagamat – ay tinatawag na mga pangatnig na panalungat.
Mga Halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Datapwat mabait siya ngunit wala naming nagtitiwala sa kanya.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
1. At, saka, pati – ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa
nauuna.
Saka, samantala – ginagamit na pantuwang
Mga halimbawa:
a.Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b.Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
2. Kaya, dahil sa , sapagkat- ginagamit na pananhi
Ma halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang pagsisikap.
b.Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
Transitional devices:
1. Sa wakas, sa lahat ng ito – panapos
Mga halimbawa:
a.Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b.Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na siya’y mahal na mahal ng kanilang ama.
1.Kung gayon – panlinaw
halimbawa:
1. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.
2. May malakas na bagyong darating, kung gayon dapat tayong maghanda.
C. Paglalahat: Pagsagot sa gabay na tanong:
1. Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento?
2. Paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalysay ng karanasan?
D. Paglalapat:
Gawain: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pangatnig at transitional devices. Gawing batayan sa pagbuo ng pangungusap ang
mga akdang tinalakay:
Subalit, datapwat,  ngunit, kaya samantala, saka, kung gayon,
dahil sa, sa wakas, sa lahat ng ito        
IV.Takdang –Aralin:
Humada sa mahabang pagsusulit

You might also like