You are on page 1of 7

TALATA

Ito ay pagsama-sama ng mga pangungusap na nagpapahayag ng isang punong kaisipan.


Samaktwid mayroon itong isang sentral na ideya (topic sentence) at mga pantulong na pangungusap na
nagbibigay ng detalye tungkol sa diwang nais ipahayag. Mahalagang mapag-ugnay-ugnay ang mga
pangungusap upang magkaroon ng essensya at diwa ito.

Tignan ang halimbawa:


Isang anak mahirap
Nagsisikap mag-aral. Maaga akong naulila sa magulang. Nangangarap ng diploma

Ang mga nakasulat sa itaas ay tatlong mga pangungusap at isang parirala. Ang mga ito’y walang
kaisapan. Kailangan mabuo ang diwa ng mga pangungusap upang maging malinaw ang diwang isinasaad.

Maaring isulat ito ng ganito:

Maaga akong naulila sa magulang. Palibhasa’y anak mahirap, ako’y patuloy na nakikibaka sa
buhay, nagsisikap mag-aral at nangangarap ng diploma.

Mga Bahagi ng Talata

I. Panimula

Ang panimula ay kailangang bigyan ng emphasis. Kailangang sa simula ay makapukaw na ng


atensyon. Kailangan ang maingat ng paghahabi ng salita. Mataas ang ekspektasyon ng mambabasa para
ipagpatuloy nila ang pagbasa. Kailangang may appeal “dating”, hikayat ang panimula.

Paano ito magagawa?

 Magfokus sa Mambabasa
Dahil may mga interes, pananaw, pangangailangan at kakanyahan ang iyong tagabasa, kailangang
lumabas ka (manunulat) sa sariling perspektiba upang magkita kayo. Maging sensitibo sa kung ano ang
gustong basahin nila (mambabasa) at ito ang bigyan ng pansin. Mahalagang makareleyt ang mambabasa
sa iyong akda o sinasabi.

Halimbawa:
Magiging kaawa-awa ang bayan kung karamihan sa ating mga doktor at nars ay lilisan ng bansa
upang kumita ng dolyar. Sino ang titingin sa ating mga kababayang may sakit? Kayo bilang propesyonal,
iiwan ba ninyo ang Pilipinas?
 Sa simula, ilahad ang mga miskonsepsyon sa paksa upang bigyan ito ng paliwanag.
Halimbawa:
Sa “American Dream” matutupad ang pangarap ni Juan dela Cruz, ‘yon ang akala ng maraming
Pilipino, kaya nagkukumahog sila sa pagpunta sa Amerika.
 Maglahad ng “fact” o Katotohanan
Kailangang maramdaman ng tagabasa/ tagapakinig na nagsasabi ka ng totoo. Sa simula ay maeestablis
ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng isang katotohanan (istatistiks, sariling karanasan, pambansang
kalagayan, resulta ng pag-aaral ng mga siyentista at mananaliksik, pangyayari sa mundo, atbp.)Alinman
sa nabanggit ay maaaring gamitin.
Halimbawa:
Mahina talaga ang programa sa isports ng pamahalaan, kaya wala tayong gold sa Olympic.

 Magtanong
Magpukol ng katanungan na pag-iisipang masagot ng tagapakinig/tagabasa at saka iexplor ang
kasagutan sa mga sumusunod na detalye na magpapaliwanag tungkol sa katanungan.

Halimbawa:
May natitira pa kayang maginoo sa panahong kasalukuyan?

 Magbigay ng Matibay na Asersyon


Maging metatag sa pagbibigay ng asersyon. Kung kailangang sabihin ang bagay na pinaniniwalaan,
sabihin ito. Bihira ang nakagagawa nito. Umiwas lamang sa pagiging senseysyonal nito. Isagawa ito nang
ng may modereysyon.

Halimbawa:
Tanggalin ang VAT!
Ibasura ang batas sa OIL Deregulation!
Ibaba ang presyo ng langis!
Ipatupad ang Collective Bargaining Agreement!
Mag-ingat sa mga fixer!
Magbayad ng tamang buwis!

 Gumamit ng Paglalarawan
Maglarawan sa simula pang pakilusin ang imahinasyon ng tagapakinig /tagabasa. Magagawa ito sa
pamamagitan ng mahaharaya at maririkit na salita.

Halimbawa:
Gegewang-gewang na ang kanilang bahay. Sa kaunting patak ng ulang parang babagsak. Bulok
na yero, mahihinang tabla na pinaglumaan, trapal at paneling ubod ng rupok ang pinaghugpong-
hugpong ng ama upang may masilungan ang kanyang pamilya.
Hayun at sa estero, itinayo. Nakalubog sa tubig ang pundasyon. Hollow-blocks na pinagkumpol-
kumpol at tinapalan ng semento’t graba ang nagpoprotekta rito. Tapunan na rin ng basura ng
kapitbahay ang kanal na naglalagkit sa maraming duming itinapon ng mga pabayang nakikitira at walng
walang pakialam. Malamok. Makipot ang tulay na kailangang mag-ingat ka sa kanal na nanlilimahid.
Masangsang na rin ang amoy ng kapaligiran dahil naroon sa maliit na kwarto ang galawan ng lahat ng
miyembro ng pamilya.

II. Panggitnang Talata

 Kronolohikal
Sa paraang ito, ang impormasyon ay inoorganisa ayon sa kaganapan ng pangyayari. Alin ang una,
ikalawa at ikatlo, hulo.

Halimbawa:
Ipinakilala si Kervie kay Dianne ng isang kaibigan. Sa unang pagkikita, naakit si Kervie sa
kagandahan ni Dianne. Kinuha ni Kervie ang cellphone number ni Dianne. Doon na nagsimula ang
kanilang mabuting pagtitinginan. Dinadalaw na ni Kervie si Dianne sa kanilang bahay at tuluyan nang
niligawan. Napamahal na rin si Dianne sa kanaya hanggang sa tuluyang magpakasal. Ngayo’y may isa na
silang anak.

 Ispatyal/Espasyo
Ginagamit dito ang konsepto ng espasyo. Ang mga impormasyon ay inoorganisa mula sa panimulang
deskripsyon hanggang sa dulong deskripsyon.

Halimbawa:
Lumipat ng bagong apartment sina Marie. May dalawang kwarto ang apartment. Nasa isang
kwarto ang kanyang mga magulang. Magksama naman silang magkapatid sa isa pang kwarto. Inayos ng
magkapatid ang kanilang silid. Sa magkabilang gilid inilagay nila ang kanilang mga kama. Tig-isa sila ng
closet, kaya nagging maayos ang kanilang mga damit. May lalagyan din ng mga sapatos. Anong saya ng
magkapatid, dahil gandang-ganda sila sa bagong tirahan.

 Empatik
Ginagamit dito ang konsepto ng valyu o halaga. Maaring simulan mula sa pinamahalaga hanggang sa di-
gaanong mahalaga o kaya ay mula sa di-gaanong mahalaga tungo sa pinakamahalaga.

Halimbawa:
Gustong-gusto ni Ate ang karne ng baboy at baka noong araw. Ayaw niyang kumain kapag
walang karne sa hapag-kainan. Minsan, dumaing na lang siya na masakit ang batok at parang may
tumutusok sa dibdib. Nahilo siya at sumuka, kaya dinala naming sa ospital. Ang resulta: mataas na
“blood pressure” dahil sa kolesterol.

III. Pangwakas na Talata


Paano mo wawakasana ng komposisyon? Maaring gamitin ang mga sumusunod na pamamaraan.

 Mag-iwan ng katanungan.
Sino ang susunod na biktima?
 Pagbubuod
Sa kabuuan, mahirap magpantay ang mayaman at mahirap sa tunggalian ng buhay.
 Panghuhula
Sana’y maibsan na ang lunggati ng bawat isang Pilipino. May pag-asakaya?
 Pagsariwa sa Suliraning binanggit sa Simula
Uulitin ko, hindi dito nagtatapos ang kwento ni Juan dela Cruz. Marami pa.
 Paggamit ng Sipi
“Kailangang kumilos tayo ngayon upang ang bukas ay ating marating” - Ronald Reagan

DEPELOPMENT NG TALATAAN
Hindi sapat na mayroon lang tayong paksang pangungusap. Marami pang kailangan. Kailangang
magpalawak at magdebelop ng mga sumusuportang ideya. Maari itong salaysay ng mga pangyayari, ma
halimbawa, ilustrasyon o ‘di kaya’y rason/lohika, mga ispesipiko at kongretong ebidensya, mga tala,
datos, riserts material mula sa mga batis o pinagkunan at sa mga eksperto sa paksang tatalakayin.

Mga Pansuportang Kagamitan


Datos – mga ebidensya na magagamit upang mapanindigan ang tayo o posisyon ng sinasabi. Ang mga
halimbawa nito ay ang:

1. Testimonya
Pagkuha ito ng testimonya o pahayag mula sa isang awtoriti sa paksa. Isang tao na may
ekspiryens at bakgrawnd hinggil sa paksa na iginagalang at pinaniniwalaan ng tagapakinig.
Mahalagang makuha ang testimonya mula samga taong may alam sa paksang tinatalakay. Maari
ring
i-quote ang sinabi ng tao. Ingatan lang na huwag mapalitan o mabago ang essenysa ng sinabi ng
awtoriti.

2. Istatistiks
Mga impormasyongg ito na inirerepresenta ng numero. Ang mga istatistiks ay
makapangyarihang pruweba sapagkat pinaniniwalaang ito ay bunga o resulta ng isang pag-aaral na
maayos at siyentipiko. Upang paniwaalan ang istatistiks, kailangang mula ito sa prestihiyosong
organisasyon lamang, kailangang banggitin ang pinagmulan ng istatistiks. Maari ring gumamit ng
viswal upang maipakita ang istatistiks. Sikaping ang pinakabagong istatistiks ang magamit.

3. Tala/Rekord/Dokumento
May mga record pangkasaysayan sa mag museo o “archives”. Maari itong gamitin bilang
matibay na bidensya. Maari itong dokumento, kasunduan, papeles ng pagpapatibay na
lehitimong kinikilala ang husgado at pamahalaan.

Katangian ng Mahusay na Talata

1. Koherens
Ito ay resulta ng kombinasyon ng maraming bagay—kaisahan, kongretong suporta ng mga
detalye, maayos na daloy ng pangungusap, pag-uulit ng mga susing salita at parirala, paggamit ng mga
transisyonal na ekspresyon o salita bilang hudyat nang pugluluan ng mga detalye sa dapat nitong
paglagyan. Sa kabuuan, ang kombinasyon ng lahat – ang bawat talataan, bawat pangungusap at bawat
parirala ay sama-samang nagkokonekta upang mabuo ang buong piyesa.
Nasusundan ba ng mambabasa ang bawat pasok ng ideya? May katuturan ba naman ang
pagsama-sama ng ideya? May mga transisyonal na salita bang ginamit sa pagpasok ng bagong linya?
Ang lohikal na debelopment upang marating ang koherens ay naisasagawa sa mga paraang
sumusunod:
 Kronolohikal
 Ispatya/espasyo
 Empatik

2. Kaisahan
May kaisahan ang talakay kapag nakatuan sa paksa ang sinasabi/sinusulat. Upang marating ang
kaisahan nangangailangan itonang patuloy na debelopment ng ideya sa loon ng talataan. Nagagawa ito
kapag ang bawat pangungusap ay kumukonekta sa paksa. Ang mahigpit na pagtatagni-tagni ng mga
indibidwal nga pangungusap na nakatuon sa paksa ang nagbibigay sa talata ng kaisipan.

3. Konsays (Concise)
Nagiging konsays ang sulatin kapag ang mga ideya at ipinahahayag sa kaunting salita lamang
hangga’t maari. Hindi ito nag-uulitng ideya, salita, parirala na di kailangan at di tumutugon sa iyong
layunin.
4. Kalinawan
Hindi maligoy ang pangungusap. Dapat ay may direksyong tinutungo ang sulatin. Kailangang
walang “litters” ang talataan. Dapat lang na masabi sa salitang naiintindihan ang gusting sabihin.
Kailangang maging klaro/malinaw ang pangangatwira. Gumamit ng eksakto o tamang salita.

5. Kasapatan
May sapat na datos – detalye, halimbawa, tuwirang sabi, rason na sumusuporta sa sinasabi.

6. Kagandahan
May fluency, eloquence, at grace ang sinulat na narating sa pamamagitan ng
lengguwahe/salitang nagamit ng wasto, piling-pili at may intelektwal na appeal. Bkod pa sa tamang
paggamit ng bantas, ispeling at gramar.

Ilang Konsiderasyon sa Pagsulat

1. Pag-aalis ng lumang ekspresyon na minsang nagging makulay, nagging palasak ang pagamit sa
nakaraang panahon at sa kalauna’y nawala na ang essensya ng kabaguhan at pwersa. Ito’y matatandang
ekspresyon na matagal nang ginagamit tulad ng halimbawa ng mga nakalipas na salitang balbal. Bihira
na rin nating naririnig ito sa bibig ng bagong heneresyon.

Halimbawa:
sambakol ang mukha alibughang anak
sakbibi ng lumbay salamin ng katwiran
sampay bakod pinaghalong kalamay
kalagin ng tanikala utos ng hari
atake de Corazon santisimo rosaryo
alaala ng kahapon

2. Paggamit ng jargon
Walang kabuluhang pag-uusap ang orihinal na kahulugan ng jargon. Pagkaraan ay binigyan ng
kahulugan ito bilang isang ispesyalisadong wika ng isang particular na grupo o propesyon tulat ng habeas
corpus (para sa batas) at I-POD (para sa kompyuter teknologi). Hindi masamang gumamit ng jargon,
subalit kung di naman kailangan lalo’t sa awdyens na iba-iba ang propesyon, bakgrawnd at lebel ng pag-
unawa, ito ay taliwas o hindi nakabatay sa iyong layunin at pangangailangan ng awdyens. Makalilikha ito
ng kahulugan para sa hindi nakauunawa ng kahulugan ng salitang ginamit ng tagapagsalita o manunulat.

Halimbawa:
hardware at software (paano maiintindihan ng awdyens ang paggamit ng mga salitang ito kung
hindi lahat ay litereyt sa kompyuter.)
soft copy at hard copy
upload at download
reclusion perpetua
gobbledygook

3. Tingnan ang konsistensi ng panahunan


Ang paghahanay ng mga pangyayari ay kailangang umalinsunod sa panahunan – pangnagdaan,
panghinaharap o pangkasalukuyan sa isang naratibong pagsasalaysay. Ang pangyayaring nagdaan ay
hindi kailangang maipagkamali sa kasalukuyan. Ang mga pang-abay na tumutukoy sa panahon ang
makatutulong upang iestablis ang panahunan.

4. Huwag maging maligoy-iwasan ang pag-uulit ng sinasabi (redundancy)

Halimbawa:
Bumili ako ng prepaid kard dahil ubos na ang prepaid kard ko. Mahal na rin kasi ang prepaid
kaya, kaya tinitipid ko ang paggamit.

5. Iwasan ang mga pangungusap na hindi buong diwa (sentence fragments)

Halimbawa:
Nagdalawang isip saka nagdumali.
Nag-abang kahit madaling araw.

Ang mga Pangatnig/Transisyonal na Salita


Ito’y mga kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa
parirala, at sugnay sa kapwa sugnay.

Uri ng Pangatnig

 Pandagdag/Adisyon – nagsasaad ito ng diwa ng pagdaragdag o pagpupuno.

Halimbawa:
Nagkasundo si Joseph at Jim sa harap ng husgado.
Bumili ng suka si Elena saka tinimplahan ni Joan ang pampaasim ang adobo.
Nasunog ang pabrika pati ang sampung bahay na malapit dito.

 Pagbibigay-ekspresyon – may diwa ng pagbubukod o paghihiwalay o kaya ay pagsasabi ng


maliban sa …

Halimbawa:
Ang bilibid Prison ay maaring tumnggap ng mga preso maliban sa mga menor de edad.
Ang lahat ay nakapasa sa CPA Board Exam puwere lang si Roger na nagkataong may sakit nang
kumuha ng board.
Walang nagsasabi ng totoo kundi si Peter.
Lahat ay may kasalanan maliban kay Kim na liban noong araw na iyon.

 Pagbibigay-sanhi/dahilan – nagbibigay katwiran at nagsasabi ng kadahilanan.

Halimbawa:
Matagal siyang hindi nakapasok dahil sa kanyang karamdaman.
Sandaling naudlot ang palatuntunan sapagkat nawalan ng kuryente.
Magara siyang manamit palibhasa’y anak-mayaman.
Matagal siyang nakatapos ng pag-aaral, kasi pahinto-hinto siya.
Hindi ako nanghihinayang na mawala ka rito sa opisina, mangyari ay nagiging pabaya ka na sa
iyong gawain.

 Paglalahad ng bunga/resulta – nagsasaad ito ng kinahinatnan o kinalabasan.

Halimbawa:
Mahaba ang pila sa bigasan, maaga siyang umalis, kaya nakabili siya.
Sigaw nang sigaw ang aleng iyon, tuloy nawalang siya ng boses.
Nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot, bunga nito, nasira ang kanyang buhay.
Bihirang umulan, kaya naman marami sa pananim ay hindi nabuhay.

 Pagbibigay-layunin – nagsasaad ito ng hangarin o naisin.

Halimbawa:
Kailangan ang disiplina upang umunlad tayo.
Ang mga batas ay dapat sundin para sa pagpapanatili ng kaayusan.
Baguhin na ang masamang ugali nang maging malapit sa kapwa.
Gamitin ang sipag, tiyaga at talino sa paggawa, sa ganon/gayon makaahon sa kahirapan.

 Pagbibigay-kondisyon – nagsasaad ng hangarin o naisin.

Halimbawa:
Kailangang alam natin ang gagawin kapag may lindol.
Kung maubusan ka ng pera, padadalhan kita.
Sakaling di matuloy ang selebrasyon, tayo-tayo na lang ang magdiwang.
Sa sandaling ika’y makalimot, ituring mo nang wala tayong pinagsamahan.
Wala kang alalahanin basta’t sundin mo lang ang bilin ko.

You might also like